Share

CHAPTER FIVE

CHAPTER 5

"Ayos lang ang customer." Sabi ni Ate Raven pagkabalik.

Hinabol niya si One ng bigla nalang itong umalis matapos mabasag ang tasa kanina. Nataranta lang siya na baka raw umalis dahil nagalit sa amin.

"Nakausap ko na siya Autumn, pasensiya na at--" Pinutol ito ni Sir Autumn.

"Wala naman po kayong kasalanan. Nakakahiya lang po talaga sa cutomer natin kanina." Ani nito.

"Kakilala pa naman 'yon ni Tuesday." Napatingin sa akin si Sir Autumn nang marinig ang sinabi ng isang staff namin.

"You know him?" Tanong nito.

Nahihiyang ngumiti ako at tumango. "Kuya po iyon ng kaibigan ko na..."

"Na?" Kuryosong tanong nito.

"Na kaibigan ko rin po." Tumango ito.

Pumalakpak si Ms. Astrantia, kasabay nun ang sabay sabay na pagbabalik namin sa trabaho.

Hindi na naging big deal ang nangyari kanina lalo na at nasabi kay Ate Raven na ayos lang ito at hindi naman nasaktan.

But the thoughts that I saw his eyes earlier making me think so deep. Hindi clumsy si One para makabasag agad ng ganon at hindi siya bata na basta nalang aalis kapag may nangyari man tapos galit pa siya.

Paniguradong may dahilan kaya nangyari 'yun kanina. Napailing ako sa sariling naisip at napabuntong hininga.

Kung iisipin ko pa ang tungkol doon sa mata niya, sa galit niya. Baka madamay lang ang trabaho ko kaya isasantabi ko muna ang tungkol doon.

"Table number 015." Sabi ni Ate Raven.

Kinuha ko na ang tray at diretsong pumunta sa table fifteen. "Thank you for ordering ma'am. Hope you like the taste of our coffee."

Ngumiti ito sa akin matapos kong maibigay sa kaniya ang tasa ng kape.

Bumalik naman na ako sa gawi ni Ate Raven para kumuha ng panibagong tray na nasa parte ko.

Table one hanggang fifteen ang sakop ko ngayon. Marami rami naman kami kaya naaayon lang sa hati ang pags-serve namin. Meron pang second floor ang coffee shop kaya umaabot ng one hundred fifty ang table rito.

Noong una akala ko maliit lang ang coffee shop pero pagkapasok ay roon mo makikita, kung gaano ito kalawak lalo na at pahaba ang sukat nito kaya nagmumukhang maliit sa labas.

"Table number 003." Sabi ni Ate Raven pagkarating ko sa gawi niya.

Agad na kinuha ko iyon at dinala sa table three. Nakangiting nilapag ko naman sa table three iyon at dahan dahan na nilapag dahil limang coffee ang order nila.

"Thank you for ordering ma'am. Hope you like the taste of our coffee." I said again after giving their coffee.

Natigilan ako nang makita ko kung sino ang umorder non. Hindi naman na ito mukhang nagulat dahil sa gawa ng ngisi niya ay alam kong alam niya na nagt-trabaho ako rito.

"Looks who's here." Natatawang sabi nito at tinignan ang suot ko.

"You look good in your uniform, bagay sa 'yo ang maging waitress." Tumawa pa ito kasabay ng mga kaibigan niya.

Ngumiti ako sa kaniya at hindi nalang pinansin ang pang-aasar nila. "Thank you for your compliment ma'am." Nakangiting sabi ko at akmang aalis na ng bigla itong sumigaw.

"Oh my gosh!" Maarteng sigaw rin ng mga kasama niya.

Agad na napalingon ako pabalik sa mga ito at nakita ang basang si Calla gawa ng pagkatapon ng kape.

"What the!? Anong klaseng servings ba meron kayo?" Sigaw ng mga kaibigan niya.

Napalunok ako dahil alam kong pinagkakaisahan na naman nila ako.

Agad na lumapit ako sa mga ito para i-assist sila ganun din ang ibang kasamahan ko.

Ngunit nang makalapit ay mabilis na tinabig ako ni Calla na naiiyak, siguro'y dahil sa init ng kape na natapon sa kaniya.

"This is your fucking fault! If you just putted our coffee properly hindi sana matatapon sa akin!" Sigaw nito sa akin.

Napayuko ako, hindi malaman kung ano ang gagawin. "Sorry ma'am, but as I recall. I putted all your orders properly."

"At sumasagot ka pa talaga!?" Sigaw ng kaibigan nito.

Napapikit ako. "I'm sorry ma'am. I just wanted to clear myself, but sorry for my inapproprite actions."

"Sorry!?" Sigaw muli nito.

"Do you think your sorry will change everything!? What if my friends skin got burned severely? You think it will be heal by just saying sorry!?"

Hindi ako nakaimik at nanatili akong nakayuko sa kanila.

"Argh! Call your manager!" Sigaw ni Calla.

Natatarantang nagsi-punta naman ang ibang katrabaho ko kay Ms. Astrantia.

Calla keep on crying habang ang mga kaibigan niya ay minumura pa rin ako. Hindi nalang ako umimik hanggang sa dumating si Ms. Astrantia.

"Are you the manager?" Inis na tanong ng isang kaibigan ni Calla.

Kita ko ang bahagyang pag-ngiti ni Ms. Astrantia. "Yes ma'am, what can I do for you?" Magalang na tanong nito.

Kita ko ang pag-irap ng kaibigan ni Calla. "Don't you see my friend. Natapunan siya ng mainit na kape dahil sa kapabayaan ng isa sa staff niyo!"

Bahagyang yumuko si Ms. Astrantia para humingi ng pasensiya. "I'm so sorry for that ma'am, please calm down. She's our new waitress here. Wala pa siyang nagagawang pagkakamali sa trabaho niya since she started working here, this is the first time. We promise to take care all the responsibilities in your friend medic--"

"We wanted that waitress to pay for the responsibilities she had done!" Sigaw ng katabi ni Calla na nakaalalay sa kaniya.

"Kung hindi dahil sa kapabayaan niya hindi matatapon ang kape sa kaibigan namin!" Dagdag pa ng isa sa kanila.

"It's maybe an accident--"

"Aksidente man o hindi, it's all her fault! Why don't you fired that clumsy waitress if she can't do her simple work properly!"

"I'm sorry ma'am, we don't have rights to fired someone if it is not the owner."

"Then where's the owner of this coffee shop!? We want to talk to the owner!"

"He's a busy person, please have some respect ma'am. You're being scandalous."

Nagulat ako ng malakas na hinawi ni Calla ang lamesa kasabay nun ang sunod sunod na pagkabasag ng mga tasa.

"Ma'am please calm down." Bakas na sa tono ni Ms. Astrantia ang pagkainis.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil bago sa akin ang nangyayari at sobrang nahihiya ako dahil nakatingin sa amin lahat ng tao sa coffeee shop.

"If that girl can't take her responsibilities. Why don't you apologize to me while kneeling?" Taas noong sabi ni Calla.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinignan ang mapagmataas niyang mukha.

Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kaniya. Why would I do that? I'm not dumb to not notice na sinadya nila ito.

"To make everything fine, just do what I've said." Sabi pa nito.

Tinaas nito ang kilay niya, sinasabing gawin ko na ang gusto niya but I keep myself standing at hindi ginawa iyon.

But in just a few minutes matapos ang mahabang titigan ay narinig ko ang malakas na pagtikhim ng kung sino sa likod ko.

"My staff won't do that ma'am." Sabi nito.

Nabaling ang tingin ng lahat sa kaniya.

Tumingin ito sa akin at umiling. Ngumiti naman ako bilang pagpapasalamat.

"We feel really sorry about what happened. But we're not going do what you wanted ma'am, sorry about it. We will not fire her and she's not going to take all the responsibilities because our coffee shop will. We're really sorry for this, but I can say that it's an accident why you got burned. If you don't mind, we can check our CCTV'S.." Syaka niya tinuro ang CCTV na nakatapat sa table nila Calla.

"If she really putted your orders unproperly. But I can prove that your burn will not be that serious because you ordered a coffee with a warm water. Our bartender can prove it if you insist." Hindi sila nakaimik sa sinabi ni Sir Autumn.

"No need to mind the broken cups, we will not let you pay it ma'am. We will bring back the money you paid too. And as I was saying we will take full responsibilities in your burn." Dagdag pa ni Sir Autumn.

Ilang segundong hindi nakaimik si Calla at saka ito tumingin sa paligid.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip at pagkailang dahil sa mga sinabi ni Sir Autumn.

I already know that they sabotaged it dahil lagi namang ganon lalo na pagdating sa akin. But doing it on my job is really different. Sumosobra na sila.

Agad na inalalayan na ako ni Ate Raven at si Sir Autumn na ang kumausap sa kanila maging si Ms. Astrantia. Bumalik na rin sa dati ang lahat at nakapagkape na muli nang maayos ang mga customer.

That sudden scene really exhausted me. Akala ko ay matatanggal na ako sa trabaho gaya ng mga napapanood ko. Pero sobrang nakakagaan ng loob na meron akong mabait na amo.

Ate Raven told me to rest muna. Kailangan ko raw 'yun lalo na dahil sa nangyari.

Makalipas din ang ilang minuto ay dumating na si Sir Autumn kasama si Ms. Astrantia. They welcome me with their smiles.

"I'm really sorry for what happen Tuesday." Paghingi ng sorry ni Ms. Astrantia.

Agad na umiling ako. "Wala po kayong kasalanan Ms. Astrantia, kasalanan ko po--"

"It wasn't, I already know na sinadya nila 'yun dahil nakita ko ang pagngisi nila sa 'yo bago 'yun mangyari. I clearly saw how she slowly poured the coffee to herself." Napabuntong hininga si Sir Autumn matapos masabi iyon.

"And sorry dahil hindi kita tinulungan agad. I thought Astrantia can handle it pero lumala lang. Sorry about that."

"Ayos lang naman po ako. At wala po kayong kasalanan. Masaya na po ako na hindi niyo po ako inalis sa trabaho at pinagtanggol niyo pa po ako. Actually, may galit lang po talaga sila sa akin kaya alam ko na kanina pa po na sinasabotahe lang po nila ako."

"Don't worry Tuesday, my cousin won't fire you. I promise to block those girls in this coffee shop para hindi na makapanggulo." Ngumiti sa akin si Ms. Astrantia.

"And as an update, the girls didn't take what we wanted. Umalis nalang sila na parang walang nangyari. Maybe that's good, ayoko namang tulungan sila sa sarili nilang kasalanan."

Ngumiti ako bilang pagpapasalamat kay Ms. Astrantia ganun din kay Sir Autumn. "Salamat po talaga."

Umiling ang dalawa sa akin. "Wala iyon, take a rest nalang. Pahinga ka muna and don't mind your work may naka-assign na roon. Bukas ka nalang ulit magtrabaho kapag ayos ka na."

Umiling ako kay Ms. Astrantia. "Ayos na po ako, kaya ko naman na pong magtrabaho. Nakakahiya na po sa inyo."

Tumawa si Sir Autumn. "'Wag ka nang mahiya, it's just me. You should be use to it, sa tuwing may gagawa nun ulit. We will protect you because that's our workers rights."

I don't know what to say. Pakiramdam ko sobra sobra na ang naitulong niya sa akin bilang isang trabahador lang.

Or maybe ganito lang talaga ang turing niya, ang turing nilang magpinsan sa mga workers nila. If I was them, ganito ko rin siguro ituturing ang mga nagtratrabaho para sa akin.

"Oh siya, I'll just go back to my office. I need to done many works." Paalam ni Ms. Astrantia.

Tumango ako sa kaniya bago siya makaalis. Ngayon kaming dalawa nalang ni Sir Autumn ang naiwan dito sa loob ng locker room.

"Sir ayos na po ako rito. Puwede na po kayong bumalik sa trabaho niyo po." Umiling siya.

"I told you not to call me sir and stop saying po."

"Pasensiya na po, hindi ko po maiwasan lalo na at kayo po ang amo ko." Napabuntong hininga ito.

"It's okay pero sanayin mo na ang sarili mo na 'wag maging sobrang formal. I want all my employee to be casual on me. You should too." Tumago nalang ako.

Siguro ay masasanay rin ako kapag nagtagal na ako.

"If you don't mind, can I ask why those girls hated you?" Tanong nito.

Napatingin ako sa kaniya at nag-iisip kung sasabihin ko ba ang dahilan. Pero wala namang mali kung I-share ko.

"Nagagalit po sa akin 'yung babaeng natapunan ng kape kanina kasi akala niya inagaw ko ang fiance niya."

Tumango ito. "Her reason is understable but that doesnt mean that it's already your fault."

Nag-iwas ako nang tingin. Kung alam niya lang ay sisisihin niya rin ako.

"If it's about the guy liking you, it's not your fault since you weren't the one who like someone else while your still into relationship. It's the guy fault for leaving his girlfriend just because she fell in love to someone else."

Nakuha ko agad ang punto niya pero. Tulad ng sabi ni One, nakipaghiwalay siya dahil ayaw niyang mas lalong saktan si Calla sa kadahilanang may mahal na siyang iba. Dahil kung magpapatuloy pa sila, it's feels like his cheating for thinking someone else while he's with Calla.

But the thing is he dind't explain it to Calla properly. Well, if he did and it's just Calla being stubborn. That doesn't mean na kasalanan niya na. She have her rights to be mad pero ang gawin ang lahat ng ganito ay sobrang mali. Merong parte na maaaring isipin niya na nilandi lang kaya ganon, maaaring 'di niya pa rin matanggap dahil nasasaktan parin siya. But at least she should have her limits, hindi 'yung mandadamay ka pa sa sakit ng nararamdaman mo, hindi 'yung isisisi mo lahat ng sakit na nararamdaman mo.

They should both know the word acceptance.

"Hatid na kita?" Offer ni Sir Autumn.

It's already ten in the evening, uwian na namin. Umiling naman ako sa kaniya.

"Hindi na po, magc-commute nalang po ako." Sagot ko rito.

He purse his lips pero maya maya ay ngumiti siya sa akin.

"Okay, take care Tuesday. Ingat sa pag-uwi." Sabi nito at tumingin sa taxi na paparating.

Siya na ang pumara roon para pahintuin at masakyan ko.

"Salamat po." Ani ko at ngumiti kay sir.

Pinagbukasan niya ako ng pinto na inginiti ko nalang. "Bye po sir and goodnight."

He smiled at me. "Good night, see you tomorrow Tuesday." He greeted back.

Gawa na rin siguro ng pagmumuni muni hindi ko na napansin pa ang oras na nakauwi na ako.

Pagkababa ko ng taxi ay bumngad sa akin ang bahay na madilim na. Nakapatay na ang mga ilaw, paniguradong nasa kani-kaniya pa ring trabaho ang iba at ang iba ay tulog na.

Dahan dahan na binuksan ko ang gate namin at nang akmang isasarado ko na iyon ay sobrang nagulat ako nang may humawak sa pulsuhan ko.

Hindi ko inaasahan iyon at akmang magsisisigaw na ako nang nagsalita ito na nakapagpatigil sa akin.

"What is your thing with your boss Tuesday?" Bakas ang diin sa tono nito.

Hindi na ako nagtaka kung sino ito. Agad kong hinawi ang kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Nothing's going on us. Umuwi ka na One." Sabi ko rito.

Ramdam ko ang bahagyang paglapit nito at doon ko naamoy ang hininga niya. He's drunk.

"Lasing ka pa talaga. Umuwi ka na baka kung ano pang mangyari sa 'yo, gabi na." Pagtataboy ko sa kaniya.

But to my shock, niyakap lang nito ako nang mahigpit. Agad akong nagpumiglas but he's more strong than me kaya hindi ako makawala sa bisig niya.

"I thought you love me? Why are you flirting with that guy?" Iritadong tanong nito.

"O-One ano ba? Humihigpit ang yakap mo, nasasaktan na ako." Sa sinabi kong iyon dahan dahan na lumuwag ang yakap nito but he remain on hugging me.

"You told me it's only me you wanted. It should be forever Tuesday, stop flirting." Nainis ako sa sinabi nito at buong puwersang inalis siya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm not flirting with anyone." Inis na sabi ko rito.

"Ayon ba ang ikinagalit mo kanina kaya ka bigla nalang nagbasag doon at umalis ng galit?" Sarkastikong tanong ko.

I can clearly see his jaw tigtened. "So ayun nga? You made me think tapos ayon lang pala ang rason mo--"

"I made you think?" Napairap ako sa kawalan.

"My point here is, 'wag kang nageeskandalo kung saan saan just because of a foolish reason." Para itong tuta na tango ng tango.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Can you please be serious?"

"I am serious. I was in your mind earlier." Tumango tango ito na inilingan ko.

"That's why I can't stop thinking of you, you were thinking about me. You were concerned of why I got mad." Ngumiti ito habang nakapikit.

Napaawang ang labi ko. Ang kaninang galit na awra nito ay napalitan ng masayang awra. What the fuck just happened to him?

"Umuwi ka na nga lang! You're crazy." Naiiling na sabi ko.

Pagsasarhan ko na sana siya ng gate nang iharang niya ang kamay niya roon. At dahil mas malakas ang puwersa niya agad niyang napigilan ang pilit na pagsara ka roon.

"I'm not done yet." Seryosong sabi naman nito.

Walang ganang tumingin ako sa kaniya. "Oh ano pang sasabihin mo lasinggero?"

Napanguso ito sa sinabi ko. Nag-iwas naman ako ng tingin. He looks cute when he's drunk, naipapakita niya ang mga hindi dapat makitang ekspresyon niya.

"I wanted to court you Tuesday." Natigilan ako sa sinabi nito.

Napakurap kurap ako. Is he serious? No he's not. Lasing siya, hindi niya alam ang pinagsasabi niya.

"Lasing kalang, umuwi ka nalang One at magpahinga." Umiling ito.

"I maybe drunk but I know what I am doing. I'm serious Tuesday, I wanted to court you." Napailing ako.

"Bahala ka sa buhay mo, matutulog na ako." And for the third time hinarangan niya muli ang gate at agad na lumapit sa akin.

Mabilis na hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kaniya. "You should be serious when agreeing. Say yes in a better way."

Hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko ngunit seryosong nakatingin lang ito sa akin at mas lalo pang diniin ang pagkakahawak niya. Nagmukha na tuloy akong nakanguso.

"Oh, Tuesday is pouting, she wanted a kiss." Ngumiti ito.

Nanlaki ang mata ko. "A-Anong!? Hoy hindi! Bitiwan mo nga ang pisngi ko." But because he is stubborn he just grinned at me at immediately took a peck in my lips.

Nanatiling nakangiti ito sa akin matapos niyang dilaan ang labi niya at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa pisngi ko.

"See? I'm serious." Sabi pa nito.

"Anong serious doon? Gago ka ba?" He pouted at again.

"Tuesday just cussed me, she's bullying me." Parang batang sabi nito.

Napaiwas ako ng tingin at napangiti. Why the fuck, he's acting cute?

"Now she's smiling." Napatingin ako sa kaniya at agad na sinamaan siya ng tingin.

"I'm not smiling, I'm mad." Sabi ko rito at mas pinagsalubong pa ang kilay ko.

Bahagyang tinabingi nito ang ulo niya at maya maya lang ay tinusok niya ang magkadikit na kilay ko at pilit na pinaghihiwalay iyon.

Wala sa sariling napangiti nalang ako. I saw One smiled and slowly putted his forehead in mine.

"Now you're not mad anymore." He said at pinagdikit nito ang tungki ng ilong namin.

Napalunok ako. "Your eyes says it all, you love me."

Hindi ako makaimik. Nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa mata ko, ganun din ako. "Your eyes is saying I love you, Tuesday."

Bahagyang nakayuko siya sa akin ngayon habang ako ay nakadiretso lang doon at hindi alam ang gagawin. Unti unting naramdaman ko ang kamay niya na yumapos sa akin.

"Look at my eyes too." Sabi pa nito.

"It says I love you too."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status