"Hello? Cassandra! Omg! Is this really you?!" Hysterical na sigaw ng aking kaibigan sa kabilang linya na kinailangan kong ilayo sa aking tainga ang cellphone dahil sa sobrang tinis ng kanyang boses.
Nakangiti akong ibinalik ang cellphone sa aking tainga. "Oo Danice, ako ito. Si Cassandra." Tumili na naman ang nasa kabilang linya. "Pasensya na ha kung ngayon lang ulit ako nakatawag, busy rin kasi sa trabaho at kay Inez." Paliwanag ko.
"Hoy! Ano ka ba! Don't worry about it! Kahit ilang taon ka pang hindi magparamdam, you are still friends, 'no! Ikaw lang kaya ang true friend ko since college dahil iyong iba pero kaplastikan!" Sa tono ng pananalita niya ngayon ay nasisiguro kong nakapameywang itong nakaharap sa salamin. "Oh, kumusta? Kumusta ang bulilit na carbon copy ng masungit na may six packs abs?"
Umirap ako. Oo, alam ni Danice ang tungkol kay Inez at sa totoong tatay niya. Sa lahat naman ng naging kaibigan ko at nakasama sa gabing iyon ay siya lang ang nangumusta sa akin tungkol sa nangyari.
"Iyon nga, alam na niya ang totoo at gusto niyang makita ang tatay niya." Nagbuntong hininga ako at tiningnan si Inez Isabelle na naglalaro ng putik kasama ang itim na biik.
Matunog na suminghap ang nasa kabilang linya at sinundan na naman ng isang nakababasag eardrums na tili! "OMG! Your kid is really intelligent, Cassandra Maxine!" Danice shriek again. "So, what's your next plan that your daughter wants to meet her father?"
Napakamog ako sa aking noo. Tinutusok ko gamit ang dulo ng aking dila ang ilalim ng pisngi. Hindi alam kung paanong sasabihin sa kanya ang pabor.
"Uhm... Kasi ano, that's why I called kasi hihingi sana akong favor?" Patanong kong sinabi ang huli. "Next week, pupunta sana kaming Maynila and wala kaming matitirhan diyan, ayaw ko naman sa tiyahin ko kami makikituloy, you know that story behind that—"
"Oh my gosh! It's a yes for me!" Putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Ano ka ba! Ayos na ayos lang sa akin iyon! Lalo na ngayon dahil mag-isa na lang ako sa condo! Dali! Dito na kayo sa akin tumuloy pa samantala! Panggigigilan ko talaga ang makulit na batang iyan!"
Iyon nga ang napag-usapan. Sinabi ko rin sa kanya na makikihati ako ng renta kahit pa man ay panay ang tanggi niya na halos babaan na ako ng telepono. Ngunit kalaunan ay pumayag din.
"Naku, mag-iingat kayo roon, ha? Inez Isabelle, huwag pasaway sa Mama mo, ha? Making palagi sa kung anong sasabihin niya. Hindi kaparehas ng Santa Cruz ang Maynila, tandaan mo." Si Nanay habang inaayos ang gamit ni Inez.
"Opo, nanay! Hindi ako po magiging pasaway kay Sandra!" Tugon ng anak ko, excited na excited sa flight namin bukas. "Alagaan ninyo po ang mga kambing at mga biik, ha? Huwag ninyo po sila kalimutang pakainin, ulyanin pa naman kayo nanay." Anito. "Si Butchi ko po, ha, paliguan po palagi at saka sila irog, santol at rambutan po, nanay ha."
Nagkatinginan kami ni nanay at parehong nailing. Nasapo ko ang aking noo.
"At talagang ang mga alagang hayop ang inaalala mo at hindi ang nanay at tatay, ha?" Naiiling na sambit ng nanay.
Nangunot ang noo ng bata at kalauna'y ngumiwi. "Eh, alam ninyo naman po maligo ay kumain nanay eh." Lito nitong turan. "Huwag ka makikipagtong-its sa kapitbahay nanay ha? At ikaw tatay, huwag iinom ha? Masama 'yon." Kalauna'y pangangaral niya sa lolo't lola.
Nagkatinginan ang dalawang matanda at sabay na natawa.
"Opo mahal naming prinsesa, hangga't hindi ka umuuwi ay hindi magpapasaway ang nanay at tatay." Natutuwang sambit ng tatay na siyang ikinalapad ng ngiti ng batang makulit at saka nilapitan ang nanay at tatay saka isa-isang niyakap ang dalawa. "Dalhan mo akong pasalubong, ha? Iyong matamis!" Rinig kong bulong ng tatay.
Bumulong din naman ang apo sa kanya.
"Bawal iyon, tatay kasi wala na ikaw ipin parehas na tayo!" Anito sabay ngisi, pinapakita ang kanyang bungi. Nang ipakita din ng tatay ang kanya ay parehong nagtawanan ang dalawa.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil alas diez ang flight namin. Nang lumabas ako ay nadatnan ko si Nanay na nagluluto ng almusal. Alas singko pa lang ng umaga.
"Oh, ipinagluto ko kayo ng adobong pusit at adobong native na manok! Dalhan mo iyong kaibigan mo, pasasalamat natin dahil pumayag na doon muna kayo makituloy sa kanya!" Ani Nanay, nakahanda na ang dalawang Tupperware sa lamesa. "Mag-iingat kayo roon, ha? Kung ayaw niya sa apo ko, bumalik kayo agad dito, Sandra. Huwag mong hahayaang ipilit pa ng bata ang sarili niya para lang magustuhan ng ama niya. Kung ayaw nito sa bata, ayaw din natin sa kanya!" Singhot nitong sinabi habang hindi magkanda-ugaga sa paghahanda. "Huwag kayong magtatagal doon, Sandra, mamimiss ko ang makulit na batang iyan. Sabihin mong hindi niya kailangang makasama ang tunay niyang ama kung ayaw naman nito sa kanya. Bumalik kayo agad, ha?"
Lumapit ako sa Nanay at niyakap siya mula sa likod.
"Shush... Nay, huwag na po kayong malungkot. Babalik naman kami agad dito, eh." Nangangako kong sinabi. "Sandali lang po kami doon, pagkatapos kong ipakilala si Inez sa tatay niya ay babalik na rin kami agad."
"Talaga?" Parang bata niyang paninigurado, nakangiti akong tumango at niyakap ang ina. "Mahal na mahal ko kayong dalawa, mag-iingat kayo roon." Habilin niyang muli.
Sobrang excited si Inez na makita ang Maynila, ni hindi makatulog buong byahe. Hinayaan ko na lang muna dahil abala ako sa pag-iisip sa mga mangyayari.
Matatanggap kaya niya si Inez? Oo at alam kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita, kailanman ay hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kung pareho siguro kaming may super powers, baka nagpatayan na kami sa sobrang pagkamuhi sa isa't isa.
But Inez Isabelle, our daughter is out of this. Walang kinalaman ang bata sa kung anumang galit na namamagitan sa aming dalawa. Maybe it is the right time to be matured and accepting the fact that there are really events in our lives that we lose control of.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay sunod ko na lang narinig na magti-take off na pala ang eroplano. Inayos ko ang seatbelt ni Inez at sinabi lalapag na ang eroplano.
Hindi mapermi ang ulo ni Inez sa kalilibot sa paligid. Hindi siya nagsasalita ngunit batid kong kuryosong-kuryoso siya sa mga nakikita sa paligid. Hindi nga lang siguro siya makapagtanong dahil hindi pa niya nasisiguro kung ano ang kanyang unang itatanong. Nang palabas na kami sa may exit gate ay nakita ko agad si Danice.
May hawak itong banner at tumalon-talon pa nang makita kami. Lumapit kami sa kanya at agad siyang yumuko upang magpantay ang taas nila ni Inez.
"Hello, baby! Ang laki-laki mo na!" Aniya.
Bagama't gulat sa biglaang ginawa ng kaibigan ko ay ngumiti pa rin siya at kumaway ng kaunti, "hi po, sino po kayo po?" Tanong niya sa nalilitong tono.
Awang ang labing nag-angat ng tingin si Danice sa akin. Na para bang isa akong napakasamang kaibigan sa lagay na hindi ko siya magawang maipakilala sa anak ko.
"Inez Isabelle," tawag ko sa maliit na bata at lumuhod din upang magpantay ang aming taas. Ngumiti ako habang marahang inilagay sa likod ng kanyang tainga ang ilang buhok na napupunta sa kanyang mukha. "Siya si Tita Danice mo, ang kaibigan ko rito sa Maynila simula noong nag-aaral pa ako." Paliwanag ko.
"At kilala ko ang tatay mo!" Proud na proud na singit ng bruha dahilan upang manlaki ang mata ko!
Namilog ang mata ng bata. Awang na awang ang kanyang maliit na bibig, gulat na gulat. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa, alam ko na kung anong susunod nitong sasabihin.
"Weh, talaga? Kilala mo po papa ko? Indi ka sinungaling sa'kin?" Nameywang pa siya at pinanliitan ng mata si Danice.
Manghang-manghang tumingin sa akin si Danice. Siyempre naman, anak ko 'yan, eh. Manang-mana talaga sa akin.
"Ay, beh, matalinong bata. Halatang hindi nagmana sa'yo." Sambit niyang ikinaawang ng labi ko bago ko siya piningot sa tainga.
Nag-taxi kami patungo sa condo ni Danice. Kakikilala pa lang nila sa isa't isa ay hindi na sila maawat sa kadadaldal. Ang daming kuwento nitong bata habang si Danice naman ay sobrang invested sa mga pinagkukuwento nito na puro naman mga alaga niyang hayop sa bukid.
Dumaan kami sa Jollibee at nag-drive thru na lang. Gusto ko sanang dalhin si Inez Isabelle kaso mukhang inaantok na kaya sa condo na lang niya kami kakain.
"Wow, ganda po bahay ninyo, 'ta Danit," si Inez.
Nagulat si Danice sa itinawag sa kanya ng bata kaya natatawa niya itong pinanggigilang halikan sa pisngi.
"Opo. At dito ka muna titira! Gusto mo ba 'yon?"
"Opo!" Sagot niya at nag-apir pa ang dalawa.
At dahil inaantok na nga ang batang madaldal, nag-prepare na ako ng pagkain para makakain na at makatulog na siya. Hindi natulog buong byahe kaya sigurado akong bulagta ito mamaya.
Tuwang-tuwa siya habang kumakain ng chicken joy. Ipinagmamayabang pa niya kay Danice na mayaman daw ako ngayon dahil nakabili ako ng Jollibee.
Hindi naman sa pinagdadamutan ko siya, hindi ko lang siya sinasanay na lahat ng gusto niya ay makukuha. Tungkol sa pagkain naman, kung anong nakahanda sa lamesa ay siyang dapat kainin at kung may sobra man ay saka lang bibili ng paborito niyang pagkain sa labas. Isa na roon ang chicken joy ng Jollibee.
Gusto naman ng tatay na lutuan siya lagi ng ganoon ngunit sa tuwing nakikita ng batang maliit na nabawasan ng bilang ang mga manok ay nagwawala. Ayaw na ayaw niyang nababawasan ang mga alagang hayop kaya minsan sinasabi na lang na ibinigay sa may birthday o kinain ng malaking ibon sa tuwing nagtatanong kung anong nangyari sa mga alaga.
Oo, bilang na bilang niya ang mga alagang hayop dahil iyon ang mga pinagpa-practice-an niyang bilangin noong nagsisimula pa lang siyang magbilang.
"Nakakatuwa talaga ang anak mo, Cassandra! Ang liit-liit pero napakadaldal at bibo!" Ani Danice nang makalabas ako at bumalik sa sala.
May flavored beer ng nakahanda at mga chichirya. Naupo ako at natatawang napa-iling. "Ganyan talaga iyan kadaldal. Hanggang sa pagtulog nagsasalita." Tumawa ako at kinuha ang isang bote.
"So, what's your next plan?" Tanong niya bago uminom.
Tumitig ako sa chichirya bago nagsalita.
"Ano pa nga ba, pupuntahan ang ama ni Inez Isabelle. I don't want to waste my time anymore. She wants to meet his father so bad." Tumungga muli ako.
"But what if he doesn't accept her?" Malungkot niyang tanong. "Well, I hope not. The kid is his spitting image, just one glance and he'll knew she's his."
Nagbuntong hininga ako. "Sana nga." Hinilot ko ang aking sentido. "Well, kung ayaw naman niya, maiintindihan ko. Iuuwi ko ang anak ko sa amin at hindi siya kawalan."
Bukas na bukas agad ay gagawin ko iyon. Like what I've said, I don't want to waste my time here. Kaya naman nang maubos ang tigdalawang bote ng flavored beer ay tumayo na rin kami para matulog.
Kinabukasan ay naghanda na ako para magiging lakad sa araw na ito. Kinakabahan ako, ngunit nang tingnan ko ang anak kong tuwang-tuwa habang nanonood ng barbie sa malaking tv ay nabubuhayan ako.
Para sa anak ko 'to, para kay Inez Isabelle.
“NAKU, pasensya na po at iyan ang inabot ninyo kay sir!” Anang babaeng sa tingin ko’y nasa mid-twenties na. Hindi gaanong katangkaran, medyo malaman at morena beauty. “Ako nga pala si Ria. Magtatatlong taon na ako rito mula nang magkasakit ang inay ko. Kailangan ko kasi ng pera tsaka mabait si sir, malaki pa magpasahod. Hihi.” Matunog siyang humagikhik at tinanaw pa ang entrada ng hagdanan na para bang nakikita niya pa ang lalaking iyon. “Ikaw? Anong pangalan mo?” Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. “Sandra, ako si Sandra.” Tipid ko siyang nginitian. Trienta minutos na ang nakalilipas nang maganap ang katarantaduhan ng gagong Elias na iyon, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa pinaghalong takot at galit sa kanya. Kapag talaga nagtagpo kami ng lalaking iyon hindi ako magdadalawang isip na bigyan siya ng black eye. Wala akong pakialam kung sesantehin niya ako ngayon din, makaganti lang ako sa ginawa niya. Trienta minutos akong naupo at umiyak sa hagdan nang datnan
MY NOSE scrunch as I roamed my eyes outside of the van. Parang napapalayo na kami sa kabihasnan. Parang hindi naman ito ang ini-imagine kong bahay ng artista! Ang alam kong bahay ng artista ay nasa syudad, iyong nagtataasang building at maraming guards na subdivision! Pero ito, hindi! Sobrang layo! O baka naman kaya malayo kasi hindi talaga mayaman si Elias at palabas lang lahat! Oo palabas lang para magustuhan siya ng mga tao! “Nandito na po tayo, ma'am…” anang driver at saka bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot ang noo ko at napalingon nang tuluyang makababa. Bumungad sa akin ang pilak na malaking gate. Gate pa lang iyon at wala pa akong nakikitang bahay! “Maghintay lamang po kayo ng kaunti ma'am at parating na ho ang golf cart na maghahatid sa inyo sa mansion ni sir.” Anang driver na siguro ay napansin ang paglulumikot ng mata ko. Napatango-tango ako at hindi na rin nagsalita. Masyadong malayo ang lugar na ito sa kabihasnan ngunit bahagyang gumaan ang pakiramdam ko
"I JUST want to remind you that once you start working with him, you are not allowed to mention it to anyone. And that, as well, was stated in your contract. Nagkakaintindihan ba tayo?" Allison said in a stern, professional voice. Lumunok ako at saka tuwid na umupo saka siya magaang nginitian. "Noted, Ma'am. I won't do anything that can harm Mr. Villacaza..." Kahit pa man gusto kong masuka sa kapangitan ng ugali ng hinayupak na iyon pero hindi naman sa puntong kaya ko siyang ipahamak. Lalo pa at siya na ngayon ang trabaho ko. Wait, parang ang laswa pakinggan. Sa kanya na ako magtatrabaho, siya na ang magpapasahod sa akin. "Alright, that's nice to hear, then. Starting tomorrow, you'll be with him wherever he is." Aniya na ikinanlaki ng mata ako! "Pagod na pagod na ako sa pagiging gala ng lalaking 'yon." Dagdag ni Ma'am Allison at minasahe pa ang sentido na para bang isang malaking batang pasaway ang tinutukoy niya.Wait... Kung simula bukas ay naroon ako kung nasaan siya, paano ang
TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na araw na iyon. Oo, matatawag kong kahindik-hindik ang mga iyon dahil sa damuhong 'yon!"Alam mo, Sandra. Sa tuwing nakikita ko ang videos ni Theo James, si Elias na ang nakikita ko! Oh My God! He's just so freaking good looking! Hindi ko talaga masisisi ang ibang babae na niluluhuran siya at halos hagkan na ang mga paa because I, too, would do that!" Anang talanding babaitang kumakain ng chicken sandwich. She was scrolling on her phone and everytime there's a video of Theo James appearing on a certain application, she'll shreik and showed it to me.Jusko, kulang na lang malaglag ang panty niya!"Tsk. Tigilan mo mga iyang pagkilig-kilig mo sa lalaking iyon, yes maybe he's freaking hot pero sobrang bastos naman! Tss. Aanhin naman niya ang kaguwapuhan niya gago naman?" Simangot ko, umaasang kakampihan ng kaibigan but the brute even screamed more!"Ahhh! Gustong-gusto ko 'yon! If he'd do that to me, luluhod pa ako
"WILL you please calm down?" Anang babaeng tinawag ni Elias na Ally kanina. Napahawak siya sa kanyang noo na para bang hindi ito ang unang beses na ginawa iyon ng lalaking 'to. "Please have a seat, Miss Cariño let's review your documents—" "What?!" Pagtututol ni Elias, ewan ko ba sa lalaking ito at parang pinaglihi yata sa lamang lupa. "No! I don't want her to work with me! I don't like her to be near me!" Aniya na para bang mayroon akong nakakadiring sakit. Kinuha ni Miss Ally ang folder ko at hindi pinansin si Elias. Umismid ako. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, ah! At ikaw lang din naman na ipinaglihi sa diablo, ay huwag na!" Umirap ako. I heard gasps. "Huh! How dare say that to me! Alam mo bang ako si Elias Damian Villacaza?! I am the highest paid actor in the country!" Pagmamayabang niya. My forehead creased. I rolled my tongue on my lips and stared at him from head to toe kahit pa ang kalahati ng kanyang katawan ay nasa likod ng lamesa. Yes, alright. He's gwap
HANGGANG sa makarating sa eskwelahan ay iyon ang bumabagabag sa akin. Gusto ko, gustong-gusto kong makahanap ng trabaho o kaya kahit part time para sa pang-araw-araw kong gastusin. Kaya lang ay parang too-good-to-be true naman ang sahod. Baka naman tactics lang nila iyon para maraming mag-a-apply at kapag natanggap na ay roon biglang sasabihin kaya ganoon na lang kalaki ang sahod dahil all around? Hindi lang P.A kundi katulong din maging sa paglilinis ng kung ano-ano? O baka masyadong pasaway ang artistang iyon kaya ganoon? Bumabawi na lang sa pera?Nahilot ko ang aking sentido. Tsk, masyado na akong nadala sa ipinakita ng aking Tiya kaya ganito na lamang ako kung mag-isip. Nakakatakot, nakakatakot magtiwala ulit. Pero kailangan ko ng trabaho. "Hey, province girl! Do this for me!" Anang maarteng tinig sa aking harapan, walang pakialam na ibinagsak ang mga papel sa arm chair ko. Kasalukuyan na kaming nasa classroom at wala ang Prof dahil nagka-emergency raw. Kaya ngayon ay nakatung