Share

CHAPTER 20

KASALUKUYAN kaming naglalabanan ng tingin ni Elias. Nakaangat ang isang kilay niya na para bang nanghahamon pero hindi ko siya inurungan at pinagtaasan din ng kilay.

"Hello? Sandra, nariyan ka ba?" Doon ko napagtanto na may kausap pala ako sa cellphone. "Para namang sira 'to, may nangyari bang masama? Bakit hindi ka makapagsalita?" Sunod-sunod niyang tanong.

"W-Wala naman, ayos lang kami rito..." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Elias na parang batang nagmi-make face at umirap. "Nga pala, napatawag ka!"

Umingos ang nasa kabilang linya. "Anong klaseng tanong naman iyan, Maxine? Siyempre, nag-aalala! Ikaw ba naman na magtatatlong araw nang walang paramdam ay talagang mag-aalala kami! Lalo na sina nanay at tatay, gusto ka raw makausap at makumusta ang lagay ng apo nila."

Umirap ako at saka ngumisi. "Aysus, ang sabihin mo, namimiss mo lang ako!" Nag-iwas ako ng tingin sa kaharap nang gawaran niya ako ng matalim na tingin. "Kunyari ka pang nag-aalala ang nanay at tatay, ah!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status