Share

CHAPTER 6: Pagtataboy

"INEZ..." Tawag ko sa atensyon niya. Agad naman siyang lumingon sa akin bago bumaba sa inuupuang couch.

"Alis ka, Sandra?" Tanong niya. "Hindi ako kasama?"

Nag-squat ako upang magtagpo ang aming mga mata. Inilagay ko sa likod ng kanyang tainga ang ilang buhok na nahuhulog sa kanyang noo. Ang ganda-ganda ng batang m*****a ngayon. Naka-pigtails ang kanyang mahabang buhok na bilagyan ng kanyang Tita Danice ng ilang maliliit na puting bulaklak.

Nilagayan din siya ng mga hair pins na may glitters at pinasuot ng sunflower dress. Kulang na lang maging paso itong bata.

Hinaplos ko ang kanyang matabang pisngi. Tumitig din siya sa mga mata ko. Ngumiti ako. "Hindi ba, sabi ko sa'yo hahanapin ko ang papa mo?" Iyon pa lang ang sinasabi ko nagliwanag na agad sa tuwa ang kanyang mga mata. "Hindi pa kasi ako sigurado kung saan siya nakatira, eh. Kaya hindi muna kita maisasama." Paliwanag ko. "Ayos lang ba sa'yong dito ka muna kasama si Tita Danice habang hinahanap ko address ng papa mo?"

Kumurap-kurap siya. Medyo nalilito. Ngunit maya-maya pa ay tumango siya.

"Ikaw lang mag-isa, Sandra? Hindi ka nitatakot?" Hindi maipinta ang mukha niyang tanong.

Nakangiti akong umiling.

"Hindi naman." Sagot ko. "Basta magpakabait ka rito kay Tita Danice, ha? Huwag kang pasaway." Bilin ko.

"Opo, Sandra." Aniya. "Iingat ka rin, Sandra, ha? Wala ikaw kasama." Paalala niya rin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng kanyang maliliit na kamay.

"Masusunod po, madam Inez Isabelle." I smiled sweetly at her before giving her the warm kiss on her forehead. "Pakabait ka rito, ha?"

Sunud-sunod siyang tumango. Hindi mawala-wala ang excitement sa pagmumukha.

Kinakabahan akong lumabas ng pinto. Nagtagal ako ng ilang minuto roon habang pabalik-balik sa paglalakad, nalilito kung itutuloy ba talaga ang balak na ito o hindi. Ngunit sa uli ay nanaig ang isiping magiging mas masaya ang anak ko sa gagawing ito.

Tama, hindi ito tungkol sa akin. Tungkol ito kay Inez Isabelle. Ang anak namin.

Pagkatapos kumbinsihin ang sarili ay naglakad ako patungo sa elevator at nang bumukas iyon ay agad na akong pumasok. Tulala akong nakatayo roon kaya naman nang tumunog ang elevator sa tamang palapag ay napatalon ako, tuloy ay gulat na napatingin sa akin ang mga kasama sa loob.

"Pasensya na po," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.

Pumara agad ako ng taxi nang may makitang walang lama. Sinabi ko ang address ng paroroonan ko at agad ng pumasok. Hindi magkamayaw ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Ang daming mga nagtatayugang mga gusali. Mga sasakyan na pumupuno sa daan. At ang mga taong naglalakad.

Ang tagal na rin simula nang huli ako rito, marami pa naman akong naaalalang napupuntahan namin noong nag-aaral kami at magkahalong pait at kasiyahang ngiti ang sumilay sa aking labi habang inaalala ang mga gawain noon.

Inabot kami ng mahigit isang oras sa byahe dahil sobrang traffic. Nang makalabas ako ay sumalubong sa akin ang masakit sa balat na sikat ng araw.

"Ito na po ba iyon, ma'am?" Tanong ng driver na lumabas pa sa kanyang taxi. "Sigurado po kayo? Hindi ko na po kayo hihintayin? Alam ni'yo naman po ang panahon ngayon." Turan ni Manong driver na hindi ko alam kung totoong concern ba o may kung anong kakaiba.

"Ah, opo, ito na po iyon." Sagot ko at nag-doorbell na.

Tumango siya at umalis na rin.

Tatlong beses pa akong pumindot sa doorbell bago may nagbukas ng gate. Nangunot ang noo ko nang pagtaasan ako ng kilay ng nakaputing uniporming lalaki. Batid kong isa itong guard.

"Ano po ang kailangan ninyo, ma'am? Bakit po kayo katok nang katok?" Sunud-sunod at mabilis niyang tanong.

Pinagkunutan ko siya ng noo at palihim na umirap. "Ako po si Cassandra Maxine Cariño, hinahanap ko po si E-Elias Damian Villacaza. Nandiyan po ba siya?" Marahan kong tanong, kinakabahan.

Maging ang pagbanggit ng kanyang pangalan ay tila kay hirap gawin. Tila sa simpleng pagsambit lamang ng buong pangalang iyon ay nasusugatan na ang puso ko.

Ganoon ka na ba talaga nasaktan, Cassandra? Tandaan mo, hindi para sa iyo ang lakad na ito. Hindi kailanman magiging para sa iyo. Ang gagawin mong ito ay para sa anak mo, para sa anak ninyo na ipinagkait mo sa kanya ng ilang taon. Kahit feeling mo na hindi niya deserve makilala ng malditang maliit na iyon ay deserve naman nito na makilala ang kanyang ama.

"Ah," sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. "Hindi po siya tumatanggap ng bisita ngayon, Miss. Busy po siya."

Bakit? May masama ba sa pagsusuot ng skinny jeans at simpleng t-shirt? Dapat ba naka-gown lagi? Tsk. Mga taong 'to.

Natango-tango ako, nagdadalawang isip kung aalis na ba ako o hihintayin ko kung kailan siya magiging available para naman hindi gaanong masayang ang oras ko sa pagpunta rito.

Ngumiti ako ng tipid, "uhm, kailan po siya magiging available? Kailangan ko lang po talaga siyang makausap, importante lang." Pigil ang hiningang sambit ko. "P-Pakisabi po na si Cassandra Maxine Cariño."

Muli pa akong sinipat ng tingin ni Manong guard bago pumasok at may sinabi sa kanyang kasama. Kapagkuwan ay lumabas siya sabay sabing.

"Ma'am, wala raw pong kilalang ganyang pangalan si sir, makakaalis na raw ho kayo." Imporma nito na medyo nailing pa na para bang iniisip niyang isa akong desperadang babae.

Tangina talaga ng lalaking iyon! At ano? Wala raw siyang kilalang ganoong pangalan? Tsk. Kapag nakita ko talaga ang pagmumukha no'n talagang hahambalusin ko ng walis!

"Nagsisinungaling ho siya, Manong guard! Sabihin ni'yo pong si Cassandra Maxine Cariño iyong naging personal assistant niya apat na taon na ang nakararaan! Please naman po, kahit sandali lang! Importanteng-importante po ito!" Desperada kong sinabi, marahas ang naging pataas baba ng aking dibdib dahil sa mabilis na pagsasalita.

Nangunot ang noo ng guard ilang minuto pa niya akong pinanood bago siya muling pumasok sa loob. Narinig ko pa ang kanyang boses na kausap ang kung sino.

"Pasensya na po sir, nagpupumilit po, eh! Sinabi ko na po na wala kayong kilalang ganoong pangalan pero ayaw pa rin pong tumigil at sinabi pa niyang siya raw ho ang naging personal assistant ninyo apat na taon na ang nakararaan—po? Bababa na po kayo? Sige po, sir."

Lumukob bigla ang kaba sa aking dibdib! Bakit parang bigla akong nakaramdam ng takot sa muli naming pagkikita? Alam kong galit siya sa akin at galit na galit din ako sa kanya kaya quits na kami! Pero dahil sa malditang maliit na iyon ay gagawin ko ito! Isasantabi ko na muna ang galit ko sa gago niyang ama at saka ko na siya isasako at igugulong kapag nakahanap na ako ng tiyempo!

"Maghintay daw po kayo, ma'am." Anang guard.

Tumango ako at tumalikod sa gate. Nagpalakad-lakad ako habang kinakalma ang sarili. Ugh! Hindi dapat ganito! Hindi dapat ako kakabahan dahil in the first place, gago siya! Bakit naman ako magiging affected sa isang katulad niyang gago? Naku, naku, naku, sana talaga ay hindi niya tanggapin ang anak ko para hindi na kami ulit magkita!

Sana kung gusto niyang makita ang bata ay isang beses lang tapos hindi na ulit magpapakita dahil parang hindi ko kayang sikmurain makita ang gagong iyon! Bigla ay kinurot ko ang sariling pisngi, ang sama-sama ko naman sa bata! Excited na excited pa naman iyon makita ang ama niya tapos heto ako at pinanalangin pang sana hindi siya nito matanggap!

Inhale... Exhale... Inhale... Exhale....

Paulit-ulit ko iyong ginagawa nang biglang lumangitngit ang gate. Mabilis akong umikot paharap doon at ganoon na lamang ang pangangatog ng aking mga binte nang makita kung sino ang taong nasa harapan ko.

In his v-neck black plain t-shirt and a board shorts with slippers, he looked at me with an emotionless eyes. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha maliban sa unting pagkunot ng kanyang noo na para bang iritadong-iritado na siyang makita ako kahit wala pa man akong sinasabi.

Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at tinusok gamit ang dulo ng kanyang dila ang kanyang pisngi. Gawain niya ito kapag naiinis o hindi interesado sa kaharap.

"Elias..." Halos bulong iyon na lumabas sa aking labi.

"What are you doing here?" Walang kasing lamig niyang sinabi.

Lumunok muli ako, collecting myself so that I could tell him the truth. Umayos ako ng tayo at taas noo siyang tiningnan.

"Kailangan nating mag-usap nang tayong dalawa lang. Importante itong pag-uusapan natin." I said calmly, or should I say, I am trying to be calm despite of the coldness that he gave me.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi na para bang nang-uuyam.

"Oh, the nerve of you to tell me that?" Naningkit ang mga mata niya. "Why would I? As much as I remembered, you're not one of my toys anymore so why would I waste my time and play with the bullshit of you?"

Putangina mo.

"Unless you want to be one again?" Nagkibit siya ng balikat, puno ng panunuya ang mga mata. "But sorry to disappoint you, I don't accept expired toys anymore. So go somewhere else and try your luck bitch'n around."

Sa isang iglap ay lumisan sa katawang lupa ko ang kaba sa muling pagkikita namin. Mabilis na umakyat ang galit sa mukha ko.

"Kahit kailan gago ka pa rin eh, 'no? Walang pinagbago? Walang character development? Kawawa ka naman," I heaved a sigh in disappointment. "Akala mo ba bumalik ako para riyan?" Ngumisi ako, nang-iinis. "Don't you remember my words the last time we met? Ano nga ulit iyon? Hmm..." I put my forefinger on my chin and looked up as if I am in the middle of recovering my memories of the past. Then a few seconds more, I snapped my finger. "Oh! I remembered it! You're the who is unsatisfying in bed! Oh my gosh! Tama! Yes, right!" Humagikhik ako lalo na nang makita ang panlalaki ng kanyang mga mata at unti-unting paglitaw ng galit at pagkamuhi sa kanyang mukha. "So how's your life? Kumusta naman ang mga babaeng naikakama mo? Satisfied ba? O baka naman pinipeke kasi guwapo ka? Mayaman ka?"

Ngumiwi ako nang makita ang nagsusumigaw na galit sa kanyang mga mata. Nagkibit ako ng balikat at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Get out of here, you bitch!" He growl furiously.

Suminghap ako. "Akala mo ba gusto kitang makita? Gusto kang makaharap at makausap? Hindi, Elias. Hinding-hindi. Sadyang kailangan lang kitang makausap dahil importante."

"I don't care what important bullshit you're talking about, leave! Leave me alone! I don't need you and I don't wanna see your bullshit face in my house!!" Galit niyang iminuwestra ang malawak na kalsada. "Leave before I could make my guards drag you out of this subdivision!" Halos magsiputukan ang ugat sa kanyang leeg sa sobrang lakas ng pagsigaw niya na maging ang mga guards ay lumabas.

"Ano pong problema, sir?" Tanong ng isa sa mga ito.

"Palayasin ninyo iyang babaeng iyan dito at huwag na huwag ninyong hahayaang tumapak pa ang ganyang pagmumukha sa subdivision na ito!" Malakas niyang sigaw sa mga ito na siyang ikinatalima naman nila.

Hinawakan nila ang kamay ko at pilit akong inaalis sa lugar na iyon. They even purposely hide Elias behind them na para bang isa akong baliw at gusto siyang harasin! Mga bobo!

"Ano ba! Hindi ninyo ako kailangang hawakan! Kaya kong umalis sa lugar na ito dahil may mga paa ako!" Inis kong iwinaksi ang hawak nila sa akin. "Ang kapal ng mukha mong itaboy ako gago ka!" Sigaw ko dahil ilang metro na ang layo namin sa isa't isa. "Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako magpapakita sa'yo kahit pa man magunaw ang mundo at ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundong ibabaw! Pero dahil sa anak ko! Na anak mo ring tang ina ka! Ginawa ko ito!"

"What?!" Sigaw niya dahilan upang matigil ang mga guard sa pagtulak sa akin. "What did you fucking say?!" Sa lakas ng boses niya ay parang nagimbal pati mga kapitbahay niya.

Tinampal ko ang kamay ng isang guard nang tangka nito akong hawakan. Umalis si Elias sa likod ng kanyang guard at dahan-dahang lumapit sa akin. Sa sobrang bilis ng hakbang niya na namalayan ko na lang nakahawak na siya sa braso ko.

"Anong sinabi mo?!" Mariin niyang tanong.

Matalim ko siyang tiningnan at itinulak.

"Oo, may anak tayo." Matapang kong sinabi. "Umuwi akong probinsya ilang linggo matapos may mangyari sa atin at dalawang buwan din ang lumipas ay nalaman kong buntis ako. Anak mo siya at gusto ka niyang makilala. Kung ayaw mo sa kanya, edi huwag! Uuwi na rin kami agad ng probinsya." Pagkatapos ko iyong sabihin ay mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status