Share

Be my Mommy

Author: Marghie
last update Last Updated: 2025-08-27 17:56:44

Nancy

Mabilis akong napatingin kay Mr. Lincoln, anong pinagsasabi ng anak niya? Bakit gusto akong maging ina nito? Nakita kong napahinga ng malalim ang lalake saka hinila at kinandong si Bj.

“Pasensya ka na, maaga kasing namatay ang mommy ni BJ, mula pa noong pinanganak siya kaya lumaking walang ina ang anak ko,” seryosong wila ni Mr. Lincoln.

Napatango naman ako. Kaya pala. Kawawa naman pala si BJ dahil sabik sa aruga ng ina pero bakit walang naging bagong karelasyon ang daddy niya? Imposible naman na wala itong naging ibang side chicks katulad ng pinsan niya.

Isang daan rin kaya ang mga side girlfriend ni Shane? O higit pa?

Malaki rin kaya ang alaga nito?

Kasing haba, laki at sarap kaya ng jumbo hotdog ni Sir Dwayne?

Heh! Ang manyak ko naman!

“Hindi na ako naghanap ng kapalit ng ina ni BJ mula noon, siya kasi ang first love ko, hindi nga kami naikasal dahil namatay siya agad. Six month pa lamang ang pinagbubuntis niya ng bigla siyang naglabor dahil inatake siya sa puso. Naisalba ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Hayaan mo yan nmn boss mo ex husband mo xia nmn mag makaawa sayo mag ayos ka ng pananamit at mag ayos ng sarili xia nmn ang pa baliwin mo mag laway xia pag ng kita kayo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Year Contract with my Boss   Legal Guardian

    Doc. LesleyPagkauwi ko sa mansion, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Baby Jake. Alam ko na sobrang nasaktan si Nancy nang malaman niyang pupunta na sa abroad si Baby Jake at doon na titira. Wala siyang magawa dahil nakakulong siya. Parang kinukuha sa kanya yung huling pag-asa niya, yung pinanghahawakan niya para mabuhay.Pagpasok ko sa kwarto, tahimik. Tanging yung mahinang tunog lang ng monitor ang maririnig. Lumapit ako sa incubator ni Baby Jake at dahan-dahan ko itong tinapik. Yung pagtapik ko ay para bang isang pangako, isang pangako na hindi ko siya pababayaan."Baby Jake," bulong ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na masaktan. Aalagaan kita. Pangako." Yung pangako ko na yun ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin kay Nancy.Tinitigan ko yung maliit niyang katawan. Ang inosente ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Hindi niya alam yung gulo na nangyayari sa paligid niya. Hindi niya alam na ginagamit siya para saktan yung mga tao

  • One Year Contract with my Boss   Like an Orphan

    Doc. LesleyNawala bigla yung ngiti sa labi ko nang makita ko si Dwayne na naglalakad papasok sa mansion. May kakaiba sa aura niya, parang may mabigat siyang sasabihin. Hindi ko gusto yung pakiramdam na 'to. Parang may malaking pagbabago na naman na mangyayari sa buhay naming lahat."Lesley," bati niya, pero yung boses niya ay hindi katulad ng dati. Mas seryoso, mas malamig. "May importante akong sasabihin sa'yo."Kinabahan ako lalo. Umupo siya sa sofa sa living room, at sumenyas na umupo rin ako sa harap niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Napagdesisyunan ko na, Lesley. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Baby Jake mula ngayon."Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang sinasabi 'to. "Dwayne, anong ibig mong sabihin?""Alam kong ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Baby Jake," sagot niya. "At saka, naayos ko na rin yung titirhan ninyo sa abroad kasama sina Giselle at Manang Kendra."Parang binuhusan ako ng malamig

  • One Year Contract with my Boss   Go away

    JanellaGulat na gulat ang mukha ni Dwayne nang marinig niya ang plano ko. Kitang-kita ko ang pagtataka, pagkalito, at bahagyang pagtutol sa mga mata niya. Pero hindi ako pwedeng magpatinag. Ngayon na ang tamang pagkakataon para tuluyan nang mawala si Baby Jake sa buhay namin."Anong ibig mong sabihin na ipadala sa abroad si Baby Jake?" tanong niya."Love," panimula ko, kunwaring pinipigilan ang mga luha. "Hindi ba't nasa kulungan naman si Nancy? Wala na siyang paraan para makalapit kay Baby Jake. At isa pa, binabayaran mo naman si Doc. Lesley ng napakalaking halaga, di ba? Pwede siyang maging legal guardian ni Baby Jake. Mas okay siguro kung sa ibang bansa na lang natin siya palalakihin."Pinahid ko ang mga mata ko gamit ang likod ng aking kamay, "Dwayne, isipin mo naman. Sa tuwing makikita mo si Baby Jake, hindi ba't lagi mong maaalala si Nancy? Yung babaeng pumatay sa mama mo? Hindi ka ba napapagod na maalala yung sakit? Ayaw mo bang makalimot at move on?"Alam ko na tinatamaan siy

  • One Year Contract with my Boss   Unwanted Child

    DwayneSimula nang makulong si Nancy dahil sa pagpatay sa mama ko, hindi ko na nadalaw si Baby Jake. Alam kong kasalanan ko rin, pero hindi ko talaga maiwasan. Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko si Nancy. Naaalala ko ang krimen na ginawa niya.Nasa incubator pa rin si Baby Jake sa isa kong mansion. Pinatira ko doon si Doc. Lesley para siya ang mag-alaga. Binibigyan ko naman siya ng pera bilang personal guardian, kaya alam kong hindi ko pa rin naman masasabing napapabayaan.Mas focus ako ngayon kay Janella at kay Baby Dwayne. Inalis na rin sa incubator si Baby Dwayne at pwede na siyang buhatin. Masaya ako tuwing hawak ko siya. Pero tuwing naaalala ko si Baby Jake, nakokonsensya ako.Masama man, pero pati si Baby Jake nadamay sa galit ko kay Nancy. Nawalan ako ng pagmamahal sa kanya.Nakaupo ako sa tapat ng crib ni Baby Dwayne. Habang patuloy sa pagasalita si Janella ay lumilipad naman ang isip ko"Dwayne, kapag natapos na ang forty days ng mama mo, pwede na natin siyang pabinyagan pa

  • One Year Contract with my Boss   Like a dead

    JamillaNakahiga ako sa matigas na kama ng ospital, nakatitig lang sa kisame habang pinakikinggan ang paulit-ulit na tunog ng monitor sa tabi ko. Beep. Beep. Beep. Sa paningin ng mga doktor at nurse, isa akong pasyenteng gulay—comatose, hindi nakakagalaw, at tanging ang mga mata ko lang ang tila may buhay. Pero ang totoo, nararamdaman ko ang bawat hapdi sa katawan ko at naririnig ko ang bawat bulong sa paligid.Pinilit kong panatilihing relax ang mukha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang yabag ng sapatos na iyon... kilala ko 'yun. Si Janella.Pumasok siya sa kwarto at narinig ko ang pag-lock ng pinto. Lumapit siya sa gilid ng kama ko. Naamoy ko ang matapang niyang pabango na tila sumasakal sa akin. Ramdam ko ang pagtitig niya, kaya pinako ko ang tingin ko sa kawalan, walang emosyon, parang patay na dilat ang mga mata."Kamusta, ang traydor?" panimula ni Janella. May halong tawa ang boses niya, 'yung tawang nakakapangilabot dahil alam mong wala siyang pagsisisi.Hinawakan niy

  • One Year Contract with my Boss   No more tears

    DwayneInilibing na namin si Mama ngayong araw. Madilim ang langit at malamig ang hangin, parang nakikiramay sa bigat na nararamdaman ko. Habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong niya, pakiramdam ko ay kasama ring ibinaba doon ang kalahati ng puso ko. Sobrang sakit. Hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na ganito ang magiging paalam ko sa kaniya.Humakbang ako palapit sa hukay at kumuha ng isang dakot na lupa. Tiningnan ko ang kabaong ni Mama. "Ma, sana mapayapa ka na," bulong ko. Pinilit kong huwag manginig ang boses ko pero sadyang traydor ang mga luha ko. "Sana mapatawad mo rin ako dahil hindi kita naipagtanggol nung mga oras na kailangan mo ako. Ang hirap tanggapin na ang taong pinasok ko sa bahay natin, ang babaeng minahal ko, ang siya palang kikitil sa buhay mo."Sa bawat butil ng lupa na pumatak mula sa kamay ko, parang unti-unting lumilinaw sa isip ko ang lahat. Tapos na ang trial. Narinig ko na ang hatol. Sinabi ng batas na guilty si Nancy. Kahit gaano kasakit, kail

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status