Share

No one will know

Author: Marghie
last update Last Updated: 2025-12-30 17:01:18

Janella

Padabog kong ipinarada ang sasakyan sa harap ng mansion. Kumukulo pa rin ang dugo ko dahil sa pakikipag-usap kay Lesley. Akala mo kung sinong santa kung makapagsalita, porke’t hawak niya ang anak ni Nancy. Pero hindi bale, isa-isa lang ang pagliligpit. Ang importante ngayon, selyado na ang kaso ni Nancy at wala siyang kawala sa loob ng rehas.

Pagpasok ko sa loob ng mansion, sinalubong ako ng amoy ng maraming bulaklak—yung matamis na amoy na nakakahilo, amoy ng patay. Maraming tao ang labas-masok, mga tauhan mula sa punerarya na nag-aayos ng mahahabang kurtina at malalaking bouquet ng puting bulaklak para sa burol ni Madam Elena. Ang kabaong, nasa gitna na ng malawak na sala, pero sarado pa ito dahil hinihintay pa ang huling ayos.

Tiningnan ko ang paligid. Napakaganda. Ito ang buhay na nararapat sa akin. Habang nagkakagulo sila sa pag-aayos, ang nasa isip ko lang ay si Dwyane. Kailangan ko siyang puntahan sa itaas. Kailangan kong siguraduhin na ang galit niya kay Nancy ay hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Love Marrii
kawawa si Nancy, nako wag mo patawarin si Dwayne.
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
janella at jamilla...sana multuhin kayo ni madam elena....ikaw jamilla mag icip icip ka kayang kaya ka patayin ni janella...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Year Contract with my Boss   The Housekeeper

    GlendaNanginginig yung mga kamay ko habang dinidial yung number ni Miss Janella. Bawat ring ng telepono, mas lalong tumitindi yung kaba ko. Alam ko kasing hindi siya matutuwa sa mga sasabihin ko. Alam kong magagalit siya dahil hindi pa ako nagtatagumpay sa utos.Pero kailangan kong magreport. Kailangan kong sabihin sa kanya na nagawa ko na yung unang plano, pero hindi pa rin ako nakakalapit kay Doc. Lesley. Kailangan kong sabihin sa kanya na parang mailap siya, na parang ayaw niyang makipag-usap.Sa wakas, sinagot na niya yung telepono."Hello, Miss Janella? Si Glenda po ito," bati ko, sinusubukang maging kalmado."Glenda, anong balita?" tanong niya, seryoso yung boses. Walang bakas ng kahit anong emosyon."Ma'am, nagawa ko na po yung unang plano," sagot ko. "Nagpakilala na po ako kila Doc. Lesley bilang kapitbahay.""At?" tanong niya, naghihintay ng karagdagang detalye. Alam kong hindi siya kuntento sa simpleng pagpapakilala."Ma'am, parang mailap po siya," sabi ko, mas lalong kinak

  • One Year Contract with my Boss   The Good Neighbor

    Doc. LesleyIniiwasan ko ng magkape dahil mas dumadalas ang nerbiyos ko ng bigla kong marinig yung katok sa pinto. Ang aga-aga pa, alas-otso pa lang ng umaga, sino kaya ang bibisita? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, kinakabahan. Sino kaya 'to? May masama kaya itong balak?Sumilip muna ako sa peephole para makita kung sino yung nasa labas. Isang babae, halos kaedad ko lang, nakangiti at may dalang isang plato na may takip. Mukhang hindi naman masama yung intensyon niya.Huminga muna ako nang malalim bago binuksan yung pinto."Good morning!" bati niya sa akin, ang energetic ng boses niya. "Ako nga pala si Glenda, kapitbahay niyo.""Ah, hello," bati ko rin sa kanya, sinusubukang maging magalang. "Ako naman si Lesley.""Nagluto ako ng pancit," sabi niya, sabay taas nung plato na dala niya. "Gusto ko lang sana ibigay sa inyo bilang welcome gift. Alam ko kasing bagong lipat lang kayo dito."Hangga't maaari, ayaw ko sanang makipag-usap sa ibang tao. Gusto kong manatili lang kami ni Baby J

  • One Year Contract with my Boss   Your days are counted

    JanellaNapapangisi ako habang kausap ko sa telepono yung spy ko na si Glenda, "Kumusta na diyan?" tanong ko sa kanya."Okay naman, Ma'am," sagot niya. "Naging kapitbahay na nila ako. Mukhang hindi naman sila naghihinala sa akin.""Good," sabi ko. "Gawin mo lahat para makuha mo yung tiwala ni Doc. Lesley. Kailangan mong maging malapit sa kanya.""Yes, Ma'am," sagot niya. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.""Pag nakuha mo na yung tiwala niya, kunin mo si Baby Jake," sabi ko. "At pagkatapos, patayin mo na silang lahat.""Yes, Ma'am," sagot niya. "Naiintindihan ko."Binaba ko yung telepono at napangisi ulit ako. Ang dali-dali talagang magmanipula ng mga tao. Lalo na kung pera ang usapan."Malapit na," sabi ko sa sarili ko. "Wala ng magiging sagabal sa akin."Ginagawa ko ang lahat para hindi na niya maisip si Baby Jake. Lagi kong sinasabi sa kanya na mag-focus na lang kami sa aming anak, kay Baby Dwayne Jr. Lagi kong kinukwento sa kanya kung ano yung mga plano ko para sa anak namin pag

  • One Year Contract with my Boss   Miles Away

    Doc. LesleyNapakalaki ng mansion na binili ni Dwayne para tirahan namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ganito kalaki. Parang ang lungkot tuloy. Kami lang naman ang titira dito: ako, si Baby Jake, si Manang Kendra, at si Giselle.Si Giselle... kawawa talaga siya. Pipi na siya, at wala pang mga paa dahil sa ginawa ni Shane. Pero kahit ganun, ang bait-bait pa rin niya. Nakakapag-communicate naman siya sa amin sa pamamagitan ng text o kaya sa maliit niyang white board. Ang bilis din niyang mag-adjust sa mga nangyayari.Pagpasok namin sa loob ng mansion, agad naming inayos yung mga gamit namin. Inayos namin yung incubator ni Baby Jake sa isang kwarto na malapit sa kwarto ko. Gusto kong malapit lang siya sa akin para mabantayan ko siya nang mabuti.Habang nag-aayos kami, hindi ko pa rin maiwasang mainis at malungkot. Inis ako kay Dwayne dahil hindi man lang siya sumama para icheck si Baby Jake. Hindi man lang siya nagbago ng isip na paalisin kami. Parang wala na talaga siyang pak

  • One Year Contract with my Boss   Legal Guardian

    Doc. LesleyPagkauwi ko sa mansion, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Baby Jake. Alam ko na sobrang nasaktan si Nancy nang malaman niyang pupunta na sa abroad si Baby Jake at doon na titira. Wala siyang magawa dahil nakakulong siya. Parang kinukuha sa kanya yung huling pag-asa niya, yung pinanghahawakan niya para mabuhay.Pagpasok ko sa kwarto, tahimik. Tanging yung mahinang tunog lang ng monitor ang maririnig. Lumapit ako sa incubator ni Baby Jake at dahan-dahan ko itong tinapik. Yung pagtapik ko ay para bang isang pangako, isang pangako na hindi ko siya pababayaan."Baby Jake," bulong ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na masaktan. Aalagaan kita. Pangako." Yung pangako ko na yun ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin kay Nancy.Tinitigan ko yung maliit niyang katawan. Ang inosente ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Hindi niya alam yung gulo na nangyayari sa paligid niya. Hindi niya alam na ginagamit siya para saktan yung mga tao

  • One Year Contract with my Boss   Like an Orphan

    Doc. LesleyNawala bigla yung ngiti sa labi ko nang makita ko si Dwayne na naglalakad papasok sa mansion. May kakaiba sa aura niya, parang may mabigat siyang sasabihin. Hindi ko gusto yung pakiramdam na 'to. Parang may malaking pagbabago na naman na mangyayari sa buhay naming lahat."Lesley," bati niya, pero yung boses niya ay hindi katulad ng dati. Mas seryoso, mas malamig. "May importante akong sasabihin sa'yo."Kinabahan ako lalo. Umupo siya sa sofa sa living room, at sumenyas na umupo rin ako sa harap niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Napagdesisyunan ko na, Lesley. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Baby Jake mula ngayon."Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang sinasabi 'to. "Dwayne, anong ibig mong sabihin?""Alam kong ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Baby Jake," sagot niya. "At saka, naayos ko na rin yung titirhan ninyo sa abroad kasama sina Giselle at Manang Kendra."Parang binuhusan ako ng malamig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status