NATAHIMIK ang guard at ang lalaki na nag assist sa kanila dahil doon. Ramdam na nila ang galit ni Elijah na pumapalibot sa buong room dahil sa nalaman.
“P-pasensya na po sir,” hinging paumanhin ng guard. Muling hinawakan ni Andrew ang balikat ng kaibigan dahil doon habang si Nikko naman ay napaisip. “Kung sira ang CCTV sa may suite, sa ibang cctv sira ‘din ba lalo na sa may main entrance?” tanong na sabi nito sa guard. “Hindi po sir, maayos po lahat pwera sa may suite.” “Sige patingin kami ng footage kanina lang umaga. Yung mga dumaan palabas ng suite.” Tumango naman ang guard at tumipa sa computer. “Anong ibig mong sabihin Nikko?” takang tanong ni Andrew. “Wala namang ibang daan palabas ng bar. Siguradong kita siya doon. Hindi mo ba maalala ang muka niya Elijah?” Umiling si Elijah sa tanong na iyon ni Nikko. “Ang tanging gamit na naiwan niya sa room, is this.” Inilabas ni Elijah ang nasa bulsa niya at kinuha naman iyon ni Andrew. Nagtaka si Andrew at Nikko doon kaya agad nila itong ibinuka. Nang lumadlad sa harapan nila kung ano iyon sabay na natawa ang dalawa. Si Elijah naman ay natauhan ng maalala kung ano iyon at dali daling kinuha sa kamay ng kaibigan at binalik sa kaniyang bulsa. “HAHAHAHA!” Hindi matigila si Andrew at Nikko sa kakatawa dahil sa nakita nilang panty ng babae. Kulang puti iyon at mayroon maliit ng ribbon sa may pinakang harapan. “Pfftt! A-anong gusto mo isukat natin ‘yan sa mga babae na maaaring nakasama mo kagabi?! Hahahaha!” tawang sabi ni Andrew sa kaibigan ngunit hindi nalang pinansin ni Elijah ang dalawa at lumapit sa guard. Maging ang lalaking nag assist sa kanila ay tumatawa ng palihim dahil doon. “Sir, ito lang po ang tanging lumabas kanina, kaso may balabal po ang buong muka niya.” Napatingin si Elijah sa monitor sa sinabi ng Guard at nakita niya ang babae na nakasuot ng black pants at blue na blouse. Nakatakip sa buong muka nito ang balabal na kulay dilaw na mayroong mga burda ng red roses doon. Ang tumatawang si Nikko at Andrew naman huminto na dahil narinig ‘din ang sinabi ng guard. Nakitingin sila sa monitor at naki usosyo dito. “Siya ‘yung nakabunggo ko kanina!” bulalas na sabi ni Nikko at sakto na nakita nila sa CCTV na nakabunggo na ito ni Nikko. Agad na tumingin si Elijah kay Nikko at nilapitan ito’t kinuwelyuhan. “Hindi mo pinigilan nakita mo na pala siya!” “Chill! Hindi ko naman alam na kasama mo siya ah! Mas lalong hindi ko alam na ma-iinlove ka sa makaka one night stand mo aber!” Dahil sa narinig ay unti unting nabitawan ni Elijah ang kwelyo ng kaibigan. “Kunin niyo ang footage at hanapin niyo ang babaeng ‘yan.” Pagkasabi ni Elija niyon ay umalis na siya doon na ikinahinga naman ng mga naiwan niya doon. Sa isip ni Elijah, hindi niya hahayaan na mawala ang babae. Iyon ang unang beses na tumibok ng ganon ang kaniyang puso sa isang babae. Of all people nagtataka ‘rin siya kung bakit siya pero sa ngayon ang gusto niya lang ay makita ito wala ng iba. *** KATATAPOS lang ng libing nang kapatid ni Gwen at mugto pa ang kaniyang mata sa ilalim ng kaniyang sunglasses. Sa burol at libing hindi manlang niya nakita ang asawa. Hindi manlang ito nakiramay o dinamayan siya. Yes, kasal siya pero wala pang nangyayari sa kanila ng asawa, dahil na ‘rin siguro hindi niya iyon maibigay sa asawa. Sabagay, masaya na ito sa piling ng kabit niya. Kaya nga hindi na siya nakaramdam ng kahit na anong guilt matapos may ibang lalaki makakuha ng virginity niya e. Bente uno kasi siya ng magpakasal sila ni Mateo, ang asawa niya. Pero dahil iyon ang nasa last will and testament ng magulang niya kaya sila nagpakasal. Dahil sobrang bata pa niya ng magpakasal sila nagkaroon sila ng kasunduan na may mangyayari lang sa kanila kapag twenty five na siya. Pumayag naman ito at akala niya okay ito sa asawa ngunit hindi pala. Isang taon matapos ang kasal nila niloko na siya nito agad. Sabagay, nakuha na nito lahat ng mayroon siya dahil ang negosyo at ari arian nila’y napunta na dito. Kung pwede nga lang niyang ibalik ang nakaraan gagawin niya at hindi nalang ito papakasalan. Napabuntong hininga siya sa naisip niya na yun at tumayo na mula sa kinauupuan. “Bye for now Girly, pangako ko sayong dadalawin kita palagi.” Iyon ang huli niyang sinabi sa puntod ng kapatid at nagpasya siyang umalis na doon at umuwi sa kanilang bahay. Habang nasa byahe pauwi, tulala lamang siya sa labas ng bintana at nakatanaw sa kung sana. Inaalala niya ang panahon na masaya pa silang pamilya, noong kumpleto pa sila. “Miss, nandito na tayo!” Natauhan si Gwen ng marinig ang sigaw na iyon ng driver. Kanina pa daw siya nito tinatawag ngunit hindi nito makjha ang atensyon niya kaya sumigaw na ito. Humingi naman siya ng tawad at nagdagdag nalang ng bayad niya’t bumaba na doon. Sa may gate palang nila hindi siya agad nakapasok nang mapansin niya na mayroong laman ang mail box. Syempre, nilapitan niya iyon at tinignan. Natigilan siya at hindi niya inaasahan ang nakita doon. Tila nanlamig ang kamay niya at napadiin ang kapit sa papel. Isa iyong papel na naglalaman ng divorce nilang mag asawa. Nakalakip ‘din doon ang sulat ni Mateo na nagsasabi na makikinabang ‘din naman sila doon pareho kaya maghiwalay na lamang sila at pirmahan iyon. Sa gigil niya dahil sa nabasa, kusa niya iyong nilamukos at itinapon sa kung saan lang. “Makikinabang? Baka ikaw ang makikinabang! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng kabit mo habang ako dito nasasaktan!” Pagkasabi ni Gwen niyon ay nag mamadali siyang pumasok sa loob ng bahay at nakabuo na siya ng pasya. Ibebenta na niya ang bahay na iyon at kukunin ang mapapagbentahan niya’t titira sa kaniyang tiya. Nagpunta doon ang tiya niya at nakiramay sa kaniya. Sinabi nito na bukas ang bahay niya kung sakaling gusto niyang doon tumuloy dahil kinuwento niya dito ang panloloko ng kaniyang asawa. Iyon lang ang tanging naiisip niyang lugar na patutunguhan na hindi alam ng asawa. Sabagay, nakilala siya ng magulang niya nito lang bago sila mamatay. Ang hindi niya lang lubos akalain na ipagkakatiwala siya ng mga ito sa lalaking tulad niya. Ngayon lahat ng ari arian na mayroon sila hawak na nito pwera lang sa bahay na iyon dahil sa kaniya ito nakapangalan. Hindi naman naging mahirap kay Gwen na ibenta ang bahay dahil na rin maganda ang pwesto ng bahay, hindi bahain, malapit sa mga malls at higit sa lahat kasama na ang mga gamit doon. Pagka benta na pagka benta ni Gwen, umalis siya doon ng walang paalam. Sisiguraduhin niyang hindi na siya makikita ng asawa at mananatiling kabit ang babae nito. ---- SEVEN YEARS LATER --- Yung akala niya magiging simula ng magandang bagong buhay niya hindi pala nangyari. Kung siya ang tatanungin mas naging malala pa nga nung tumira siya sa bahay ng kaniyang tiya. *Flashback* Masaya pa si Gwen habang papuntan siya sa bahay ng kaniyang tiya. Noong una maayos naman ang pakikitungo nito sa kaniya hanggang sa tumagal nag iba iyon sa isamg iglap lang. Kinuha na nito ang pera na pinagbentahan niya ng bahay na nakapangalan sa kaniya at pinangsugal. Hindi lang iyon dahil ginawa pa siya nitong katulong nito. Pinaalis ng tiya niya ang mga katulong at siya lang ang pinalit. Ang magandang simula na inaasahan niya ay nawala na parang bula isama mo pa na nalaman niyang buntis siya. Yes, buntis siya sa lalaking hindi niya kilala! Sa takot na mahuli ng tiya sa pinagbubuntis tinago niya ito. Palihim siyang nagpupunta s akaniyang mga check ups, palihim na bumibili ng vitamins niya para maging healthy ang anak. Kahit hindi niya kilala ang ama ng anak nag decide siya na palakihin ito dahil ito nalang ang magiging kakampi niya. Ito nalang ‘dina ng rason niya para muling magpatuloy sa buhay kahit na ang bigat na ng naransan niya sa buhay. Ngunit ang hindi niya alam, matagal ng alam ng tiya niya ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Lalo na hindi naman nito matatago ang pagbubuntis niya dahil lumalaki ang knaiyang tiyan. Naging mabait sa kaniya ang tiya na ikinagulat niya ngunit naniwala siya dito lalo na sinasamahan pa siya nito sa check up niya. Akala niya puro kamalasan siya hindi naman pala. Pero ang lahat ng iyon, naglaho ng matapos niyang manganak nawala ang anak. “T-tiya nasan ang mga anak ko?! Sabi ng nurse kayo ‘daw po ang kumuha sa kanila!” umiiyak na sigaw ni Gwen dito ng dumating ito sa room niya. Tulog kasi siya ng operahan dahil cesarian ang naging panganganak niya. Tiya niya mismo ang nagsabi na tulog dapat siya kapag nanganak dahil baka matakot siya sa operation kaya pumayag si Gwen ngunit paggising niya wala na ito. “Wala na ang anak mo! Anong ibabayad mo dito sa ospital ha?! Anong buhay ang maibibigay mo sa anak mo kung dito palang wala ka ng pambayad!” Sunod sunod na tumulo ang luha niyadahil doon. “N-nasaan na po sila?” “Ang kulit mo!” inis na sabi ng babae dito. “Sabi ng binenta ko na nga kaya ‘wag mo ng hanapin!” Ang buong akala ni Gwen wala ng kamalasan na mapupunta sa kaniya’y mali pala siya dahil wala na ang anak ngayon. Siyam na buwan niya itong inantay na lumabas sa kaniyang sinapupunan. Lagi pa niya itong kinakausap at sinasabihan na mag hintay lamang at magkakasama sila. Pero paano sila ngayon magkakasama kung wala na ito? Paano pa niya ito mayayakap at mahahagkan kung wala na ito? Wala siyang magawa kundi ang umiyak nalamang. Hanggang sa ma dischrage siya sa hospital tulala pa ‘rin si Gwen. Pati ang mga nurses doon ay naaawa sa kaniya lalo na naging matunog ang kwento niya sa ospital. Ngunit wala ng pakialam si Gwen, pakiramdam niya nawalan na siya ng buhay ng mawala ‘din ang kaniyang anak. Ito na nga lang ang mayroon siya nawala pa.NANG makauwi sa kanilang bahay nakita pa niya ang mga binili niyang damit para sa anak. Puti ang lahat ng binili niya dahil hindi naman siya sigurado kung babae o lalaki ang anak niya. Hindi niya napigilang umiyak at napasiksik sa sulok ng kaniyang kwarto. Walang katapusang sakit ang nararamdaman niyang iyon. Hindi niya lubos na maisip na sa isang iglap hindi manlang niya makakasama ang anak. Isinisisi niya lahat sa kaniyang tiya, dahil sa kasakiman nito. Sigurado siya na ipangsusugal nanaman nito ang pera na nakuha sa anak. Hinding hindi niya ito mapapatawad sa ginawa niyang iyon. *** SIMULA noon naging tahimik na sunodsunuran si Gwen. Kapag kinakausap siya ng tiya niya hindi na siya sumasagot dito. Basta ginagawa lang niya ang trabaho siya. Kahit nga na kalalabas niya lang ng ospital wala itong pakialam sa kaniya basta pinaglinis na agad siya ng bahay. Hanggang sa nasanay nalang si Gwen at isang araw, dumating ang balitang hindi niya pinagdarasal ngunit kusang lumapit sa kaniy
NATAHIMIK ang guard at ang lalaki na nag assist sa kanila dahil doon. Ramdam na nila ang galit ni Elijah na pumapalibot sa buong room dahil sa nalaman. “P-pasensya na po sir,” hinging paumanhin ng guard. Muling hinawakan ni Andrew ang balikat ng kaibigan dahil doon habang si Nikko naman ay napaisip. “Kung sira ang CCTV sa may suite, sa ibang cctv sira ‘din ba lalo na sa may main entrance?” tanong na sabi nito sa guard. “Hindi po sir, maayos po lahat pwera sa may suite.” “Sige patingin kami ng footage kanina lang umaga. Yung mga dumaan palabas ng suite.”Tumango naman ang guard at tumipa sa computer. “Anong ibig mong sabihin Nikko?” takang tanong ni Andrew. “Wala namang ibang daan palabas ng bar. Siguradong kita siya doon. Hindi mo ba maalala ang muka niya Elijah?” Umiling si Elijah sa tanong na iyon ni Nikko. “Ang tanging gamit na naiwan niya sa room, is this.” Inilabas ni Elijah ang nasa bulsa niya at kinuha naman iyon ni Andrew. Nagtaka si Andrew at Nikko doon kaya agad nil
NAGISING si Gwen ng makaramdam nanaman siya ng lamig sa kaniyang dibdib kung kaya hinila niya ang kumot ngunit mayroong pumipigil doon. Dahil lamig na lamig na tinignan niya ang dahilan kung bakit hindi niya mahila ang kumot. Nakita niya ang kamay na nakaakap sa kaniyang bewang dahilan para mapigilan nito ang paghila niya ng kumot pataas. Isa pang bagay na napansin niya ay ang dibdib na walang saplot at punong puno ng kiss mark! Tila binuhusan si Gwen nang malamig na tubig at lalong nanlamig ang kaniyang katawan mula sa lamig ng aircon. Hindi niya magawang maalala kung paanong nangyari na magkasama silang dalawa nito. Hindi nga niya magawang tignan sa muka ang lalaki dahil sa kahihiyan. Napatakip siya ng kaniyang muka at kaagad na nag isip ng paraan kung paano makakaalis doon. Kinalma niya ang sarili at tinignan ang kamay ng lalaki. Kung hahawakan niya ito at aalisin sa kaniyang bewang malamang na magigising ito. Pag nagising ito siguradong maaabutan siya nito at magalit sa kaniy
MALAKAS ang tugtog sa loob ng bar na kinalalagyan ni Gwen. Kahit anong lakas ng tugtog sa paligid paulit-ulit pa ‘rin ang naririnig niya sa kaniyang isipan, ‘Time of death, 8:27 in the evening’ hindi nito napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha at tinungga ang kaniyang iniinom na alak.Muling napalitan ang tugtog sa paligid kung kaya tumayo siya upang sumayaw sa gitna. Samantalang ang bar tender na kanina pa siyang pinagsisilbihan ng alak ay napailing ng makitang naglakad ito sa gitna ng pasuray suray.Kasabay ng magiliw na tugtog ang indak ng katawan at balakang ni Gwen. She wants to forget the pain and be free for a while. Ano pa ba ang problema na pwedeng mapunta sa kaniya? Sa isip niya lahat ata ng kasalanan ay sinalo niya.She is Gwen Fernandez—Cruz, she is 22 years old and married to Mateo Cruz. Pero bago mangyari ang pagkawala ng kapatid niya nalaman niya na mayroong kabit ang asawa. Hindi niya kilala ang babae at wala siyang balak alamin kung sino ito.Basta ng pumunta siya sa