LOGINYsla
Lunes, pagkagaling sa Batangas, agad akong nagtungo sa mansyon ng mga Dela Peña. Ang tahanan ng pamilya ng aking tiyuhin. Isang lugar na dati kong itinuring na kanlungan, pero ngayo’y naging pugad ng mga traydor.
Pagkapasok ko, narinig ko ang halakhakan mula sa living room. Ang dating malamig at matigas na atmospera ng bahay ay tila naglaho sa kasayahang umiikot sa pagitan ng mga nasa loob. Parang walang nangyari. Parang wala silang ginawang masama.
“Hija! Saan ka ba nanggaling?” gulat na tanong ni Tito Sandro nang makita niya ako. Napalingon ang lahat sa akin, at agad na huminto ang tawanan nila. Nasa sofa sina Lizbeth at Arnold magkatabi at nakangiti pa kanina, ngunit ngayon ay natigilan.
Gusto kong matawa. Hindi dahil sa saya, kundi sa absurdong reaksyon ng tiyuhin ko. Wala man lang bahid ng pag-aalala, kundi purong pagkagulat. Para bang hindi nila inasahan na babalik ako.
Lumapit ako sa kanila, at ramdam ko ang pag-iwas ng kanilang tingin. Hindi ko pinalampas ang pagkunot ng noo ni Arnold at ang alanganing kilos ni Lizbeth. Napansin kong bumitiw ang lalaki sa pagkakaakbay sa pinsan ko, parang natatakot na mahuli sa akto, pero huli na. Alam ko na ang lahat.
“Alalang-alala kami sa'yo! Hindi malaman nina Lizbeth at Arnold ang gagawin nang bumalik sila rito na hindi ka kasama,” sabi ni Tito Sandro, may halong pekeng pag-aalala sa kanyang boses.
Napatingin ako kay Arnold. Nakita kong nanlumo ang kanyang ekspresyon, pero ilang minuto lang ang nakalipas, abot langit ang kanyang ngiti habang nakayakap sa babaeng lihim niyang kinahuhumalingan.
“Hon, grabe ang paghahanap namin sa'yo. Saan ka ba naglulusot? Alam mo bang natagpuan naming natutulog ang apat na lalaki sa kwartong tinulugan mo?”
Napangisi ako. Ano 'to? Baliktad na ang mundo at ako pa ang nagmukhang masama?
“Talaga ba?” tugon ko, may bahid ng panunukso sa aking boses.
“Hija, may nangyari ba?” tanong ni Tita Betchay, lumapit pa siya at hinagod ang aking buhok na tila ba tunay siyang nagmamalasakit.
Gusto kong matawa. Gusto kong iwaksi ang kamay niya sa aking ulo. Pero hindi, hayaan ko siyang magkunwaring mabait.
“Ano naman ho ang pwedeng mangyari sa akin?” balik ko, hindi inaalis ang titig ko sa kanya.
“Cous, buti naman at maayos ka,” singit ni Lizbeth, pilit ang ngiti habang dahan-dahang lumalapit.
Ang pagkakamali niya? Ang pagsubok na hawakan ako.
PAK!
Isang malutong na sampal ang lumanding sa kanyang pisngi.
“Ysla!” sigaw ni Tito Sandro, halatang nagulat sa ginawa ko.
“Anong ginawa mo?! Bakit mo sinaktan ang pinsan mo?” sigaw ni Tita Betchay habang mabilis na hinawakan ang pisngi ni Lizbeth na ngayo’y nangingilid ang luha.
“Cous…” Mahinang bulong ni Lizbeth, kunwari’y api-apihan. Di pa “cous, cous” pa siyang nalalaman. Traydor siya.
“Ysla, nakalimutan mo na ba na ang pamilya ng pinsan mo ang kumupkop sa’yo? Bakit mo siya sinaktan?” tanong ng magaling kong fiance.
PAK!
Muli, isa pang sampal ang lumanding, pero ngayon ay sa pisngi na ni Arnold.
Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
“Hindi mo alam kung bakit ko siya sinampal?” tanong ko kay Arnold, na ngayo’y hawak ang kanyang pisngi at mariing nakatingin sa akin. “Ngayong pati ikaw ay nakatikim, alam mo na ba?”
Nagngalit ang kanyang panga, halatang naiirita.
“Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang nangyari at nagkakaganyan ka?” bumakas ang inis sa kanyang boses. “Wala kaming ginagawang masama—”
PAK!
PAK!
Dalawang magkasunod na sampal.
Nanlilisik na tingin ang binigay sa akin ni Arnold at dama ko ang pagngangalit ng kanyang bagang habang sapo sapo ang magkabila niyang pisngi.
Sigurado akong nasaktan siya dahil kahit ako ay namamanhid at mahapdi ang palad dulot ng ginawa ko. Buwisit yan! Ako na ang nanakit, ako din ang nasaktan.
“Ysla! Sumosobra ka na!” Galit na sigaw ni Tito Sandro, nag-iigting ang kanyang bagang. Lumapit siya sa akin, waring handa akong pagbuhatan ng kamay.
Pero hindi ako umurong. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata bago ako nagsalita.
“Bakit hindi niyo tanungin ang magaling ninyong anak?” sinadyang huminto ako, tinitiyak na lahat sila ay nakatingin sa akin. “Tanungin niyo siya kung paano siya kainin ng boyfriend ko. Kung paano siya humalinghing habang iniiyot siya ng boyfriend ko!”
Nag-freeze ang lahat.
Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kilay ni Tito Sandro. Hindi dahil sa nagulat siya. Hindi, hindi iyon. Alam niya. Alam niya ang katotohanan.
“Nagmamahalan kami, cous. I’m really sorry. Hindi ko sinasadya, nahulog ang loob ko kay Arnold,” sagot ni Lizbeth, at tuluyan nang bumagsak ang kanyang luha.
Kung inaakala niyang maaawa ako, nagkakamali siya.
Natawa ako. Isang mapaklang tawa na nag-echo sa buong silid.
“Paano mong nalaman—” walang sa sariling tanong ni Arnold.
Napangisi ako. Alam kong sa sandaling iyon, kinutuban na siya.
“Narinig mo?” tanong niya, ngunit agad na nanlaki ang kanyang mga mata.
Sa isang iglap, nagbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa pagkagulat ay bigla itong ngumisi.
“Kung gano’n, kaninong lalaki ka nagparaos?”
Natawa ako, mas malakas kaysa kanina.
“Sa tingin mo, walang lunas sa ipainom ni Lizbeth sa akin?” Matalim ang tingin ko kay Lizbeth, na ngayo’y nag-iwas ng tingin.
Nanlaki ang mga mata nila.
Ayan, kitang-kita na ang takot.
“Anyway, magsama kayo kung gusto niyo. Naparito lang ako para kunin ang iilang gamit ko.”
Binalewala ko sila at agad na umakyat sa aking kwarto.
Nilagay ko sa isang maleta ang mga mahahalagang bagay sa akin, mga alaala ng aking mga magulang. Huling kinuha ko ang isang picture frame, at saglit akong natulala sa larawan ng aming pamilya.
Pagkababa ko, handa na akong umalis. Ngunit bigla akong napahinto.
Huminga ako nang malalim bago muling hinarap sila.
“Alam niyo ba kung ano ang nakapagtataka?”
Lahat sila napatingin sa akin.
“Pwede ka namang makipaghiwalay sa akin kung talagang mahal mo si Lizbeth, Arnold. Pero bakit kailangan niyo akong ipagahasa?”
Tumahimik ang buong silid.
“Tito,” inilibot ko ang tingin ko sa kanila, “bakit gusto mo akong masira?”
“Wala akong alam sa sinasabi mo!” galit niyang sagot.
Napangiti ako.
“Tumanggi ka hanggang gusto mo, pero isa lang ang masasabi ko…” Lumakad ako papunta sa pintuan. “Malalaman at malalaman ko rin ang totoo.”
At sa huling pagkakataon, tinalikuran ko sila.
Paglabas ko, agad akong sumakay sa naghihintay na sasakyan.
Sa loob, naroon si Nathan Del Antonio.
Ang aking asawa.
YslaPatuloy kami sa kwentuhan ni Grace at kahit na nasa opisina si Nathan ay hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako mayat-maya. Busy daw siya, pero gusto niya na maramdaman niya na kasama niya ako kahit wala siya through messages.“Love na love ka talaga ni Nathan ha, I’m sure hindi rin siya mapakali at gusto nang umuwi para makita ka.” May halong panunukso ang pagkakasabi ni Grace. Syempre pa, kinilig naman ako.Napahawak ako sa aking tiyan na agad niyang napansin. “Excited ka na ba?”“Oo. Hindi ko na mahintay ang paglabas niya sa mundo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa biglang pagpasok ni Nathan sa isip ko.“Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo. Talagang sobrang salamat sa Diyos. Siguro yung kaba ni Nathan habang pinagmamasdan ka niya sa hospital na walang malay ay sobrang lakas.”“Kaya nga. Ngayon, hindi lang ang kumpanya niya at ang Cheatime ang kailangan niyang harapin. Pati ang pagsampa ng kaso sa pagkakaaksidente ko ay nadagdag na rin sa dal
YslaIlang araw pa akong nanatili sa ospital bago tuluyang pinayagang umuwi. Sa wakas, nakahinga rin ng maluwag si Nathan. Pero kahit na naka-discharge na ako, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Halos ayaw niya ngang ilayo ang katawan niya sa akin ng higit sa tatlong hakbang. Para siyang sariling personal bodyguard na talagang bantay-sarado.Kasalukuyan kaming nasa lanai at nag-aalmusal. Maaliwalas ang hangin, malamig pa kahit sumisikat na ang araw. Naririnig ko mula sa loob ang tahimik na paggalaw ng mga katulong, at si Lola Andrea, sa awa ng Diyos ay nasa kanyang silid pa rin, malakas pa rin at paminsan-minsan ay nagpapatawag kung gusto niyang makibalita sa lagay ko.“May trabaho ka pa,” sabi ko habang naglalagay ng butter sa tinapay ko. “Kawawa naman si Damien. Baka mamaya tuluyan nang hindi magka-love life ‘yon dahil ikaw ang unang taong hinahanap niya araw-araw.”Tumigil si Nathan sa pagbabalat ng orange at tiningnan ako na parang sinasaktan ko siya emotionally. “Bakit pa
YslaPakiramdam ko ay parang binuhusan ng tingga ang buong katawan ko—mabigat, nananakit, at para bang may kung anong humihila pabalik sa pagkakahiga ko. Pero nang marinig ko ang boses ni Nathan, ‘yong paos pero pamilyar na timbre na kay tagal kong nakasanayan, bigla akong parang umangat mula sa kailaliman. Nang maramdaman ko pa ang kamay niya—mainit, magaan, pero nanginginig nang kaunti—para bang gumaan ang lahat ng hindi ko maipaliwanag.Pero nang tuluyan kong makita ang mukha niya… doon ako nilamon ng lungkot.Pumayat ang pisngi niya, halos lumiit na parang hindi kumain nang isang buwan. Nangangalumata, nangingitim ang ilalim ng mata, at ang facial hair niya—dati ay laging trim at malinis—ngayon ay halos parang balbas ng isang taong nakipagsuntukan sa pagod. Para siyang nagbantay ng ilang gabi nang hindi umuuwi. At alam kong ako ang dahilan.Hindi ko isinatinig ang kahit isang napansin ko. Ayaw kong maramdaman niyang iyon agad ang nakita ko pagkadilat ko pa lang. Kahit hindi niya sa
NathanDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa banayad na paghagod sa ulo ko. Hindi agad sumagi sa isip ko kung gising ba ako o nananaginip pa. Magaan ang haplos at masyadong pamilyar para balewalain, pero masyado ring imposible para paniwalaan nang agad-agad.Sa loob ng ilang segundo, hindi ko muna tuluyang inangat ang aking tingin. Nanatili lang akong nakayuko, nakasubsob sa braso ko, habang pilit kong iniintindi kung totoo ba ang nararamdaman ko.Parang may mabigat na buhol sa dibdib ko na unti-unting humihigpit. Hindi ko alam kung matatakot ba ako… o iiyak… o tatakbo papalayo dahil baka isa lang itong malupit na ilusyon na gawa ng pagod at pag-aalala.Tumigil ang kamay.At sa pagtigil na iyon, may bahagyang pag-atras, parang natakot ang kamay na iyon na baka nagising ako.Doon mas lalo akong napahigpit ng kapit sa emotion ko, half terrified, half hopeful. Ang daming sensasyon ang sabay-sabay na umatake: Kaba na parang bubulusok palabas ang puso ko na may halong pag-a
NathanAgad kong pinindot ang maliit na button na nasa kanang side ko para tumawag sa nurse's station. Halos nanginginig pa ang daliri ko, parang doon nakasabit ang huling piraso ng pag-asa ko. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan ng silid, kasunod ang mahinang tunog ng malamig na hangin mula sa hallway.“Mr. Del Antonio, may nangyari po ba?” tanong ng nurse, halatang nagulat sa ekspresyon ko.Tinignan ko siya at itinuro ang kamay ni Ysla na ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin na mas mahigpit kaysa kanina, na para bang may desperasyon na gusto niyang iparating.“I'll call her doctor.” Pagkasabi ay agad na umalis ulit ang nurse. Halata ang pagmamadali sa bawat hakbang niya, para bang ramdam din niya na maaaring ito na ang pinakahihintay naming senyales.“Hey, Ysla. It's me, Nathan…” bulong ko, halos pumipigil sa panginginig ng boses. Lumapit ako nang kaunti, inilapit ang mukha ko sa kanya na para bang mas maririnig niya ako kung mas malapit ako. Naghintay ako saglit at
Third PersonHabang nagkakagulo sa social media dahil sa pagkakadakip kay Blythe Borromeo na kinikilalang magaling na designer at sa mag-amang Sandro at Lizbeth ay nasa hospital pa rin si Nathan at nagbabantay sa asawa.Ilang araw nang walang malay si Ysla at ang tanging pag-asang meron si Nathan ay ang ilang beses na nakita niyang gumalaw ang kamay nito. Bukod doon ay wala na.Sa kabila non, hindi pa rin sumusuko si Nathan pati na ang doktor ni Ysla naniniwala na muling magigising ang babae.“My love,” sabi ni Nathan habang pinupunasan ang kamay ng asawa. “‘Yan na ang itatawag ko sayo lagi para hindi mo makalimutan. Kung ayaw mo pang gumising ay okay lang, magpahinga ka muna.”Muntik ng pumiyok si Nathan kaya kailangan niyang tumigil sa pagsasalita. Ayaw niyang marinig siya ni Ysla na umiiyak lalo nakaratay pa ito. Hindi niya gustong pag-alalahanin pa ang asawa. “Habang nandito ka, ginagawa ko na ang lahat upang mahuli ang lahat ng may kagagawan nito sayo. Pangako ko sayo na hindi ako







