YslaTahimik ang biyahe namin ni Nathan papuntang San Mateo. Nakatingin ako sa bintana ng kotse habang tinatahak namin ang paakyat na kalsada patungo sa bahay ni Rafael, ang anak ng dating abogado ng aking mga magulang. Ang bawat kurbada ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko na parang palapit kami nang palapit sa isang lihim na matagal nang nakatago sa likod ng katahimikan.Hawak ni Nathan ang manibela, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong alerto siya sa lahat lalo na sa emosyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Hindi ko kailangang sabihin pa, pero alam niyang nagpapasalamat ako sa pagsama niya.Pagdating namin sa isang gate na yari sa kahoy at bakal, bumaba si Nathan para tumawag gamit ang maliit na doorbell sa tabi. Hindi nagtagal, bumukas iyon, at lumitaw ang isang lalaki sa edad na humigit-kumulang trenta’y singko. Maayos ang postura nito, nakasuot ng simpleng puting polo, ngunit makikitaan ng pagod sa mga mata.
Ysla“Sir Nathaniel,” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa paghinga habang binabanggit ang kanyang pangalan, at kasabay noon ay nabaling ang tingin ng mag-ama sa akin. “Alam ko pong wala akong karapatan na pagsabihan kayo sa paraan ng pagpapalaki ninyo sa anak ninyo. Hindi ko rin hangad na pangunahan ang anumang desisyon ninyo. Pero gusto ko lamang ipaunawa... na malaki na si Nathan. Alam na niya ang gusto niya. May sarili na siyang isip at damdamin.”Tumikhim si Nathaniel, halatang pinipigilan ang galit, ngunit hindi naging dahilan 'yon para hindi siya tumugon.“Paano mong nasabing alam niya ang gusto niya? Pinatulan ka nga niya!” matalim niyang sabi, tila kutsilyong bumaon sa hangin sa pagitan naming tatlo.“Dad!” mariing sigaw ni Nathan, puno ng galit at sama ng loob. Ngunit marahan ko siyang hinawakan sa braso, pinigilan.“Hayaan mo ako,” bulong ko, at marahang tumango siya, saka umatras ng bahagya.Humarap ako kay Nathaniel. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mat
YslaBago kami matulog ni Nathan, palagi muna kaming nag-uulayaw, walang palya, walang mintis. Parang ritwal na namin iyon tuwing gabi, isang tahimik ngunit maalab na paalala ng koneksyon naming dalawa. Minsan, kahit sa paggising pa lang, lalo na kung nauuna pa kaming magdilat ng mata kaysa sa pagtunog ng alarm, ay inuulit namin ito na parang hindi sapat ang gabi para iparamdam ang init at uhaw ng isa’t isa.Oo, ako mismo ang kadalasang nag-i-initiate. Wala na akong hiya o pag-aalinlangan. Sa dami ng ginagawa ni Nathan para sa akin, sa trabaho, sa tahanan, sa buhay ko bilang kabiyak niya, pakiramdam ko ay iyon lang ang konkretong paraan para maipadama ko ang pasasalamat ko. Iyon ang tanging bagay na kaya kong ibalik sa kanya ng buong loob, ng may kasamang damdamin at hindi lang dahil obligasyon.Hindi naman siya kailanman humiling o nanghingi ng kapalit. Pero bilang asawa niya, gusto ko talagang may naiaambag ako, kahit sa paraang alam kong ako lang ang makakagawa para sa kanya. At hi
Mature ContentYslaHabang magkahinang ang aming mga mata ay dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay papunta sa kanyang pisngi. Ramdam ko ang kinis ng kanyang balat kahit halata ang matinding pagod. Hindi lang sa katawan kundi pati sa isipan. Lahat ng problema sa kumpanya, ang mga desisyon, ang pressure na nakaukit sa bawat guhit ng kanyang mukha. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi kailanman nawala ang likas niyang kakisigan. Kahit pagod na pagod siya, para pa rin siyang isang larawang likha ng sining at ang larawang iyon ay akin.Napangiti ako sa sariling isipan. He’s mine. This man is mine.Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya, ang bawat pulgada ng pagitan naming tila naging mabigat, puno ng tensyon at pananabik. Sa hangaring mahalikan siya, halos maglapat na ang aming mga labi ngunit bago ko pa man iyon tuluyang magawa, naramdaman ko ang kanyang daliri na marahang humawak sa aking baba, ginagabayan ako… at saka dumampi ang kanyang mga labi sa akin.Sa simula, ang
Ysla“Lola, kamusta po ang pakiramdam niyo?” mahinahon kong tanong ng tuluyan na akong makalapit sa kanya. Gabi na, oras na ng kanyang pagtulog, at gaya ng nakasanayan, nais ko lang tiyaking wala siyang nararamdamang kirot o kahit anong hindi kanais-nais.“Okay naman, apo,” nakangiti niyang tugon, at kahit pa mahina na ang boses niya dahil sa pagod, dama ko pa rin ang init ng kanyang pagmamahal.Kung tutuusin, medyo maaga pa para sa kanya, pero mas gusto niyang nagpapahinga na habang tahimik pa ang buong bahay. Kakatapos lang naming maghapunan ni Nathan. Hindi namin siya kasabay dahil nauna na siya para nga makapagpahinga siya ng maaga.“Mabuti naman po kung ganon,” sagot ko habang inaabot ang kanyang comforter. “Tandaan niyo po, ito ang buzzer ninyo. Kapag may naramdaman po kayong kahit ano, kahit konting kirot sa ulo o sa dibdib, huwag na po kayong magdalawang-isip. Pindutin niyo lang ito agad, ha?” Inilagay ko ang maliit na buzzer sa tabi ng kanyang unan, siniguradong maaabot niya
YslaMasaya akong malaman na kahit papaano ay unti-unting bumubuti ang lagay ni Lola Andrea. Hindi pa man siya ganap na magaling, ngunit ayon sa kanyang doktor, may mga palatandaan na ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon, isang bagay na sapat na para gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko.Hindi ko maikakaila, natatakot pa rin ako para sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang mga rebelasyong ibinunyag ni Lola, lalo na ang pagkakabanggit niya kay Blesilda, parang may bumabalot na pangamba sa akin. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mahal kong lola, kaya agad kong iminungkahi kay Nathan na isama na namin siya sa bahay upang mas mabantayan namin siya nang mabuti. Hindi na rin ako nagtaka nang mabilis siyang pumayag, alam kong nauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon at ang panganib na maaaring sumalubong kay Lola kung mananatili siya sa ospital o sa labas ng aming pangangalaga.Kasama rin naming sinama ang nurse ni Lola Andrea. Hindi ko inakala na magtitiwala ako agad sa