LOGINChapter 2
Chapter 2
"I legally pronounce you husband and wife..."
Ume-echo pa rin sa pandinig ni Phoebe ang boses ng opisyal kanina. Pagkalabas niya mula sa Civil Affairs Bureau, mahigpit niyang hawak ang isang pirasong papel. Ito ang kanilang marriage certificate, at hanggang ngayon ay tila lutang pa rin ang kanyang isip.
Bahagya siyang sumulyap sa lalaking katabi, palihim itong sinusuri mula ulo hanggang paa.
Matangkad ang lalaki, may matitikas na anggulo sa mukha, at may bahid ng pagiging mailap ngunit halatang may pinag-aralan. Naka-suot ito ng mamahaling suit na perpektong nakalapat sa magandang pangangatawan, bagay na nagbibigay rito ng aura ng dignidad, disiplina, at seryosong kalamigan.
Hindi mo iisiping ito ang parehong lalaking nagwala sa kama nang... tatlong beses.
Hindi talaga. Kung titingnan ay hinding-hindi mo aakalain.
Labindalawang oras lang ang nakalipas, lasing na lasing si Phoebe at napagkamalan niya itong blind date niya sa harap ng bar. Siya pa mismo ang nagpilit na sumama rito at ang mas nakakagulat, talagang binuhat siya nito at dinala kung saan.
At ang resulta ng kanyang kalasingan? Nakipag-one night stand siya sa maling tao... at ngayon, kasal na sila.
Ano nga ulit ang pangalan nito? Ashong? A—
Nakalimutan niya.
Binuksan ni Phoebe ang marriage certificate para tingnan sana ang pangalan ng lalaki, ngunit bago pa niya mabasa nang malinaw ang nakasulat, may pumagitna nang kamay. Mahahaba ang daliri nito at malamig tingnan habang mabilis na inilalayo sa kanya ang booklet.
"Ako na muna ang magtatago ng marriage certificate mo," malamig ngunit mahinahon nitong sabi. "Kukunin ko muna sandali. Kailangan ko itong dalhin sa kumpanya para sa filing."
Napakurap si Phoebe sa narinig.
"Ha? Filing?" pagtataka niya.
Tumango ang lalaki. "My company is going public. Kailangan kong ideklara ang marital status ko. Mas mabilis kung sa akin na muna pareho."
Napabuntong-hininga na lang siya.
Ah, oo nga pala. Mayaman ang taong ito. Sobrang yaman.
At dahil wala siyang hawak kahit ano maging ang kanyang dignidad yata ay naiwan niya rin sa hotel kanina tinanggap na lang niya ang lahat.
"Okay," mahina niyang tugon.
Tahimik niyang pinanood kung paano nito pinagsama ang dalawang marriage certificate, maingat na isinilid sa loob na bulsa ng coat, saka humarap muli sa kanya.
"I’ll be on a business trip for a few days," sabi nito sa mababa at kalmadong tono. "Make yourself at home."
"Ah... oo. Sige," tugon ni Phoebe, hindi pa rin sigurado kung paano ba dapat mag-react sa sinabi ng bagong asawa na ni hindi niya maalala ang pangalan.
Tumango ang lalaki at walang kaabog-abog na naglakad palayo. Pumasok ito sa isang itim na Bentley at saka tuluyang umalis.
Nanatili lang si Phoebe sa harap ng gusali, walang hawak sa mga kamay, at nagtataka kung dapat ba siyang matuwa, malungkot, o matawa sa absurdong takbo ng buhay niya.
Well-mannered, mukhang edukado, mayaman, guwapo... husband material talaga at sakto sa checklist ang lalaki.
Pero kung tungkol naman sa kama... medyo sablay. Hindi nagtutugma sa seryoso nitong hitsura.
Naikibit-balikat na lang siya.
"Ayos lang," panunuyo niya sa sarili. "Wala naman akong pake."
O iyon lang ang pilit niyang ipinapaniwala sa kanyang sarili.
Buzz—buzz—
Tumunog ang phone ni Phoebe. Si Lindsay ang tumatawag.
"Bes! Pinaghintay mo si kuya kagabi! Naka-mask pa raw iyon buong gabi sa bar hanggang madaling-araw. Ni lamok, wala siyang nakita!" galit na bungad ng kaibigan sa kabilang linya.
Hindi pa siya nakakasagot ay sumunod na agad ang isa pang sermon.
"Nasaan ka ba? Bakit naka-off ang phone mo buong gabi? Kapag hindi mo sinagot ito, magre-report na ako sa pulis!"
"Nag-blind date naman ako..." mahina ang sagot ni Phoebe, paos pa ang boses.
Napailing na lang siya sa sarili. Napagkamalan lang niya talaga kagabi. Sino ba kasing nagba-blind date na naka-mask? At sa madilim na bahagi pa ng bar!
Sa labas lang ng hotel niya nakita nang malinawan ang mukha ng lalaki at kamukha talaga kuya ni Lindsay. Pero masyado nang huli para magpaliwanag ngayon.
"Bes," sabi ni Phoebe, mabilis na iniwas ang usapan, "nasa Civil Affairs Bureau ako. Puwede mo ba akong sunduin?"
Hindi pa siya sanay sa nangyari kagabi. Hindi rin siya sigurado kung may karanasan ba ang lalaking iyon pareho silang mukhang baguhan. Nanghihina pa ang tuhod niya ngayon at ayaw na niyang lumakad pa nang malayo.
"WAIT!"
Iyon lang ang sinabi ni Lindsay bago nito ibinaba ang tawag.
Sampung minuto lang ang lumipas, nasa loob na si Phoebe ng isang Cullinan, isang luxury supercar.
Napakunot ang noo niya habang nililibot ang tingin sa sasakyan. "Linds... may bago kang kotse?"
Naalala niyang mini BMW lang ang gamit ng kanyang matalik na kaibigan, at luma pa iyon.
"What new car?" sagot ni Lindsay, naka-sunglasses habang seryosong nagmamaneho. "Sa kuya ko ito. Nasa business trip siya ngayon kaya... pinahiram niya. Secret lang natin, ha."
Tumingin si Lindsay sa kanya sandali kaya nakita ni Phoebe ang pagtaas ng kilay nito.
"Huwag mong hahawakan kahit ano. Clean freak iyon at mabilis uminit ang ulo. Maliban na lang siguro sa future wife niya."
"Fine," sagot ni Phoebe habang umiikot ang mga mata. Bahagya siyang napatawa.
Sa totoo lang, halos wala siyang alam tungkol sa nakatatandang kapatid ni Lindsay. Bihira itong pag-usapan. Ang tanging alam lang niya ay aloof, strikto, at tahimik ito.
Tahimik at malamig ang loob ng sasakyan. Amoy mint ito, parang isang bagong linis na luxury suite.
Pamilyar ang amoy para kay Phoebe. Pero hindi na niya pinansin. Siguro ay pangkaraniwang pabango lang iyon.
Pagdating sa Baguio, halos bagong landing pa lang si Phoebe. Maraming kabaguhan ang nangyayari sa buhay niya ngayon mula sa masakit na break-up, pagre-resign sa trabaho, hanggang sa pag-uwi rito sa kanyang matalik na kaibigan. Brokenhearted, pagod, at walang direksyon ang buhay niya.
Ang Civil Affairs Bureau ay isang kanto lang ang layo mula sa bahay ni Lindsay. Kapag lumampas pa roon ay mararating na ang isang villa area. Sampung minutong lakad lang ito papunta sa bahay ng kaibigan.
Inakay siya ni Lindsay paakyat sa ikalawang palapag.
"Bes, dito ka muna titira. Pinili ko talaga itong kwarto para sa iyo. Maaliwalas at malamig. Katabi lang ito ng kwarto ng kuya ko pero huwag kang mag-alala—workaholic iyon at halos hindi umuuwi ng bahay."
Napatingin si Phoebe sa balcony. Nakakonekta pala ang balkonahe nito sa kwarto sa tabi. May nakalagay doon na rocking chair na paborito niya. May mga paso rin ng halaman sa gitna, at mula roon ay tanaw na tanaw ang magandang bundok at ang paglubog ng araw.
Perpektong lugar para mag-relax.
Biglang napaluha si Phoebe sa labis na emosyon at mahigpit na niyakap si Lindsay. "Ang bait mo talaga. Siguradong magugustuhan ni Vivi ito."
Si Vivi ang alaga niyang pusa na sa ngayon ay naka-board pa sa isang pet shop. Hindi siya makahanap ng matitirhan noong nakaraan dahil puro annual lease ang hanap ng mga may-ari. At saka... baka umuwi rin siya agad kapag maayos at malinaw na ang kanyang isip.
Ikinaway naman ni Lindsay ang kaniyang kamay para tapusin ang madamdaming eksena. "Sige na, sunduin muna natin ang pusa mo, tapos mag-clubbing tayo pagkatapos! Doon sa club, maghahanap tayo ng mga male models!"
Napatigil si Phoebe sa paglakad dahil sa narinig. "Hindi yata magandang ideya iyan..."
"Ano naman ang masama roon? Hindi ka naman magpapakabanal para sa gago mong ex, di ba?" matigas na balik sa kaniya ni Lindsay. "Nagawa nga niyang mag-KTV at mag-hire ng kung sino-sinong babae, tapos ikaw ay hindi pwedeng pumunta sa nightclub para magsaya kasama ang mga male models? Kapag nalaman kong tanga ka pa rin sa kaniya, talagang itatakwil na kita bilang kaibigan!"
"Hindi na ako in love sa kaniya, no!" protesta ni Phoebe. Napalunok siya bago idinagdag ang totoong dahilan. "Pero... kailangan ko maging faithful sa asawa ko."
Tumigil si Lindsay sa paglakad at gulat na napakukurap.
"Oh, that’s normal…” Tumango-tango pa si Lindsay, ngunit bigla itong natigilan at malakas na sumigaw. "WAIT, WHAT?! Asawa?”
Hinarap nito nang pabalik si Phoebe habang nanlalaki ang mga mata. "Kailan ka pa nagkaroon ng asawa? Saan galing ang asawa na iyan? Nasaan siya?!"
"Hindi ka pa nga nagba-blind date sa kuya ko tapos may pinakasalan ka na palihim?" sunod-sunod na usisa nito.
Mabilis siyang nilapitan ni Phoebe at tinakpan ang bibig nito gamit ang sariling kamay. "Hinaan mo naman ang boses mo."
Ibinaba niya ang kaniyang tono at dahan-dahang ipinaliwanag kay Lindsay ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tungkol sa labis niyang pag-inom, ang pagkakatulog niya kasama ang isang lalaki, at para panindigan ang nangyari ay nagdesisyon silang kumuha ng marriage certificate kaninang umaga.
"Bakit hindi mo ako isinama noong palihim ka palang umiinom?!" hysterical na tanong ni Lindsay habang nakahawak sa kaniyang baywang.
"Uminom lang naman ako para lunurin ang sakit dahil sa break-up. Natatakot ako na pagalitan mo ako," mahinang sagot ni Phoebe habang nakayuko.
"At sa tingin mo ba ay hindi kita pagagalitan ngayon kung nagpakasal ka sa lalaking baka niloloko ka lang?" galit na sabi ni Lindsay sabay yugyog sa kaniyang balikat, tila gustong alisin ang lahat ng kalituhan sa utak ng kaibigan.
"Nangako ka sa akin na pakakasalan mo ang kuya ko para makuha ang napakalaking kayamanan niya at para maging sister-in-law kita, Phoebe Madrigal! Alam mo ba kung gaano ko katagal hinintay iyon? Tapos ngayon, may pinakasalan kang iba? Wala na ang pangarap kong maging sister-in-law ka! Paano ako kakalma nito?!"
Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Mag-divorce kayo, ngayon din! Bago pa ito malaman ni kuya!"
"Hindi yata pwedeng agad-agad," sagot ni Phoebe habang nag-aalangan. "Hindi ba may cooling-off period na isang buwan bago maaprubahan ang divorce?"
Nag-isip siya nang ilang sandali, at biglang nagkaroon ng bahagyang sigla ang kaniyang mga mata. "Tsaka... napakagwapo niya talaga, Linds. Mas gwapo pa nga siya sa kapatid mo."
Napatampal si Lindsay sa kaniyang noo.
Marupok talaga si Phoebe sa mga gwapo. Para sa kaniya, kapag naghahanap ng mapapangasawa, kailangang maganda ito sa paningin dahil paano ka naman matutulog sa iisang kama kung hindi mo gusto ang hitsura?
"Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Lindsay. "Sikat na male model si kuya. Sinasamba siya ng mga fans niya dahil sa kaanyuan niya. May mas gwa-gwapo pa ba sa mukhang iyon?"
"Meron…” Nakangusong sagot ni Phoebe.
"Anong pangalan niya? Gaano ba siya kagwapo? Akin na nga, patingin ng marriage certificate ninyo!" hamon ni Lindsay na hindi pa rin naniwala.
Nagkibit-balikat lang si Phoebe. "Kinuha niya, eh."
Doon na tuluyang napasapo sa noo si Lindsay sa labis na inis. "Siguradong con-artist ang lalaking iyon! Marami siyang alam na laro. Nakita niyang inosente at madali kang mauto, kaya sinadya niyang lumapit sa iyo, sinamantala ka, at ngayon ay ninakaw pa ang marriage certificate mo!"
"Hindi mo iyan asawa, manloloko iyan!" huling hirit nito.
Narinig ni Phoebe ang mga salitang iyon at biglang naitikom ang bibig habang malalim na nag-iisip.
Hindi ba ang usapan nila ay pananagutan lang ang nangyari sa pagitan nilang dalawa? Bakit sa mga salita ng kaniyang kaibigan ay lumalabas na isa siyang biktima na walang takbo ang utak?
Nalinlang nga ba talaga siya para makasal?
Pero napakagwapo talaga ng lalaking iyon... O baka naman mas mabuting lokohin ko na lang din siya pabalik?
Dahil likas na walang alalahanin sa buhay, niyakap na lang ni Phoebe ang braso ng kaniyang matalik na kaibigan at marahan itong niyanig.
"May makakain ba rito? Gutom na ako," paglalambing niya.
"Oo, nag-order ako ng extra spicy hot pot. Kakain tayo sa labas," sagot ni Lindsay.
Kahit panay ang sermon nito, halata namang labis nitong mahal ang kaniyang kaibigan kaya masigla niya itong hinila palabas para kumain.
Habang masaya silang kumakain, biglang umilaw ang screen ng telepono ni Phoebe. Isang bagong friend request mula sa Facegram ang lumabas doon.
Sulyap niya sa screen, nakita niya ang larawan ng isang asong Alaskan Malamute bilang profile picture nito, at may iisang titik lang na pangalan, AV.
May nakalagay na maikling mensahe sa ibaba.
It’s me, your husband.
Chapter 19Hindi ba’t naospital ang matandang Vandeford? Bakit hindi ito sumama sa ospital?"Help her move," maikling utos ni Ahmed sabay turo sa itaas."Oh……" tanggong tugon ni Manang Cita.Naintindihan naman agad ng matanda. Marahil ay nakahanap na ng bagong matitirhan si Phoebe, at dahil walang tao sa bahay, ang asawa nito ang tumutulong sa kaniya ngayon.Sabagay, matalik na kaibigan naman ito ni Miss Lindsay.Kaya lang, kilalang hindi palakibo at walang pakiwari sa ibang tao ang ginoo. Kailan pa ito naging ganito ka-asikaso?"Napadalaw ho kayo, pero bakit ang dami ninyong dalang regalo?" takang tanong ni Manang Cita habang nakatingin sa mesang puno ng mga mamahaling kahon."It was brought by Phoebe and given to my parents. Please give it to them when they come back," malamig na sagot ni Ahmed."Oh, siya..." napabuntong-hininga si Manang Cita. "Napaka-pormal talaga nitong si Phoebe, napakatagal na niya ritong nakatira pero nahihiya pa rin."Saka lang unt-unting binuhat ng matanda a
Chapter 18Agad na nakuha niyon ang atensyon ni Phoebe. "What are you eating? It looks so delicious.""Green grape cake, my older brother brought it back," pagmamalaki ni Lindsay habang ninanamnam ang tamis. "There were two pieces. My mom saved one for you, pero dahil hindi ka umuwi, ako na ang umubos sa kanilang dalawa."I want to go back to your house to eat cake... usal ni Phoebe sa sarili, biglang nangulila sa nakasanayang tahanan.Kinabukasan.Maagang nagising si Phoebe, ngunit dahil hindi siya sanay na may kasama sa higaan, hindi naging maganda ang tulog niya. Buong gabi siyang binalot ng amoy ng cedar—isang amoy na tila nagpapahiwatig na buong gabi silang magkayakap at nagpagulong-gulong sa kama ng lalaki.Sa ganitong takbo ng mga pangyayari, tila mas mabilis niyang masasanayan ang presensya ni Ahmed kaysa sa mismong kama nito.Pagkatapos mag-ayos sa banyo ay nagmamadali niyang isinuot ang mga damit na suot niya kahapon. Pinihit niya ang pinto ng kwarto at lumabas. Agad na suma
Chapter 17"I guess... we don't know each other," Ahmed paused, a barely perceptible hint of sadness flashing in his eyes habang nakatitig sa kanya.Tumango si Phoebe, nag-iisip nang malalim. I knew it, sa loob-loob niya. Hindi pa siya nakakakilala ng kahit sinong may pangalang Ahmed noon, lalo namang hindi niya pa ito naririnig kahit kailan. Bukod sa pakiramdam na tila pamilyar ang hugis ng mga kilay at mata nito, wala na siyang ibang maalala tungkol sa lalaki.Naalala niya bigla ang sinabi ng tita niya noon. Kapag daw nakatagpo ng isang tao ang kanyang soulmate, para lang silang nagkita ng isang lumang kaibigan pagkatapos ng maraming taon; may pamilyar na pakiramdam at walang katapusang mga bagay na gustong pag-usapan.Siguro nga, si Ahmed ang itinadhana para sa kanya.Gabi na nang makabalik sila sa malaking condo sa BGC. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan sa labas, namayani ang bahagyang awkward na atmospera sa pagitan nilang dalawa. Wala silang masyadong mapag-usapan.Sa totoo la
Chapter 16Paulit-ulit na namula ang dulo ng mga tainga ni Phoebe dahil sa hiya."Hindi pwede ang ganyan," giit niya. "Hindi pa tayo ganoon kakilala sa isa't isa, tsaka hindi ako sanay sa ibang kama. Nahihirapan akong makatulog kapag may kasama akong ibang tao.""Hindi rin pwede 'yung pangalawa. Sa photography business namin, walang fixed na weekends. Kapag naging busy na, normal lang na mag-overtime kami kahit kalahating buwan pa.""Lalong hindi pwede 'yung pangatlo... Ang mga ganyang bagay, dapat nangyayari nang natural. Kung pipilitin mo, ano pang pagkakaiba mo sa isang casual sex partner?"At saka... masakit kaya.Noong gabing 'un, hindi lang basta isang beses niya iyon ginawa.Wala pa naman siyang karanasan doon.Naging hindi komportable ang pakiramdam niya, nagkaroon siya ng takot, at tuluyang nawalan ng gana sa usaping iyon.Nang makitang tinanggihan niya ang bawat kondisyon na inilatag ng lalaki, nakaramdam ng kaunting pagkailang si Phoebe.O baka naman dapat... mag-divorce na
Chapter 15Ibinaba na ni Ahmed ang telepono at kaswal na sumulyap sa bintana ng kotse.Napansin ng taong nasa loob ang kaniyang tingin kaya mabilis nitong itinabi ang hawak na telepono. Naghintay muna siya ng ilang segundo hanggang sa umayos ng upo si Phoebe at magpanggap na walang nangyari bago siya humakbang patungo sa pinto ng kotse para buksan ito."Honey, we're home," malambing na tawag ni Ahmed habang nakalahad ang kaniyang kamay para alalayan si Phoebe.Strictly speaking, dalawang beses pa lang silang nagkikita nang personal, pero ganoon na lang kasing-natural para sa kaniya ang tawagin siyang asawa.Napatingin si Phoebe, nararamdamang kailangan niya ring sumagot sa kaparehong paraan. Tiningnan niya ang malalaking palad nito bago marahan na ipinatong ang kaniyang kamay roon."Okay... old..." Never mind, hindi niya talaga kayang bigkasin ang salitang 'yon sa ngayon. Masyadong nakatutunaw ang pagkakatitig nito.Nang marinig ang tila biting tawag na iyon, bahagyang kumislap ang mga
Chapter 14Hindi na nakipag-divorce si Phoebe.Hindi na rin siya nagwala pa o gumawa ng eksena.Sumama na lang si Phoebe pauwi sa kaniyang asawa.Dumaloy nang marahan ang itim na Bentley sa kahabaan ng kalsada, showing off its impeccable drivability. Katabi niya ang lalaki, magkadikit ang kanilang mga katawan sa makipot na espasyo. Ang amoy ng cedar na nagmumula rito ay tila ba humahaplos sa kaniyang ilong, nananatili sa kaniyang paligid.Umayos ng upo si Phoebe at patagong inilabas ang kaniyang telepono para magpadala ng mensahe kay Lindsay sa WeChat."Doggy, bakit ka tatakbo?" tanong ni Phoebe sa chat.Agad na sumagot si Lindsay gamit ang isang terrified dog emoji."Nakita ko si Kuya, e. Nilagpasan niya ako na may mukhang napakalamig, akala mo ikamamatay mo sa ginaw. Sobrang natakot ako kaya tumakbo ako palayo. Palagi niyang sinasabi na wala akong trabaho at ambisyon sa buhay. Kapag nalaman niyang naghahabol na naman ako ng mga artista, siguradong kakaladkarin niya ako para magtraba
Chapter 5"Holy crap, ito ba iyong pigeon egg kahapon?! Binili talaga ng con-artist mong asawa?!" bulalas ni Lindsay habang nanlalaki ang mga mata sa tindi ng gulat habang nakatitig sa dalawang maliit na kahon.Kahit pa lumaki si Lindsay sa karangyaan bilang isang mayamang tagapagmana, hindi pa siy
Chapter 4Tiningnan ni Phoebe ang kaniyang screen at napansin na wala na roon ang singsing na may malaking brilyante. Ang natira na lamang ay ang iba pang mga simpleng disenyo ng diamond rings.Sigurado siyang masyadong mahal ang pigeon egg ring na iyon. Umalis ito at iniwan siya para pumili na lan
Chapter 3Natigilan si Phoebe nang halos dalawang segundo bago dahan-dahang nagproseso sa kaniyang utak ang nangyayari. Ang lalaking nag-add sa kaniya ay ang kaniyang napakagwapong asawa na wala pang kaalam-alam tungkol sa kaniya.Sino nga ulit ang nagsabi na isa itong manloloko? Narito nga at kusa
Chapter 1“Phoebe, please! Pumayag ka na makipag-blind date sa kuya ko!” paulit-ulit na pangungulit ng bestfriend niya habang tumatakbo siya sa treadmill sa tabi ng swimming pool. "Mabait iyon at super handsome, I swear. Face card pa lang, panalo ka na."Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Alam n







