LOGIN“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.
Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama. “Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag. Siyam na buwan nang hindi nakakatulog nang maayos si Eiden. Simula nang gabing iyon ay hindi na niya naranasang matulog ng walong oras. May isang babae siyang nakaniig, ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya makalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Sinubukan niyang ipahanap ang babae, ngunit hindi ito mahanap ng mga tauhan niya at maging siya ay bigo ring matagpuan ito. Umupo si Eiden sa kama. Napahilamos siya sa mukha niya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto sa kaniya ng estrangherang iyon? O baka na-gui-guilty lang siya kaya hindi niya ito makalimutan? Bumalik sa wisyo si Eiden nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag. Alam naman niyang hindi tatawag nang ganoong oras ang personal assistant niya kung hindi importante ang sasabihin nito. “Sir, gising na ba kayo?” kabado ang boses ni Enzo. “Obviously, Enzo? Sasagot ba ako kung tulog pa ako?” puno ng iritasyong sagot ni Eiden. “S-Sorry, sir. May importante lang akong sasabihin.” Huminto saglit si Enzo para magbuntong hininga.“Nahanap na namin siya.” Napabalikwas sa pagkakahiga si Eiden. Tila tumigil ang takbo ng oras. Hindi muna siya nagsalita. Hinintay niya munang bumagsak ang susunod na sasabihin ni Enzo. “Nasa Alonso Medical Hospital siya ngayon. Nanganak na raw ang babae, mga isang oras na ang nakalipas. Dumating siya sa ER kaninang hatinggabi. Hinatid raw ng taxi. Papunta na raw dapat ang babaeng ‘yon sa apartment niya nang sumabog ang panubigan niya.” Parang may humampas sa dibdib ni Eiden. Buntis ang babaeng matagal na niyang hinahanap? Saktong ika-siyam na buwan na mula nang mag-séx sila nito. Posible kayang siya ang ama ng batang iniluwal nito? “Finally! You found her pero bakit ang tagal bago niyo siya nahanap?” mariing tanong ni Eiden. Madalas namang magreport sa kaniya ang mga tao niya hinggil sa paghahanap sa babaeng iyon pero nais niyang malaman ang misteryo sa likod nang matagal na searching operation nila rito. “Hindi niya ginamit ang tunay niyang pangalan sa pagpapatala sa parehong hotel na pinag-check in nan niyo noon. Nagpanggap siyang ibang tao pero namukhaan siya ng isa sa mga tauhan natin kaya sinundan niya ito hanggang sa makarating ito sa hospital.” Tumayo si Eiden. Inayos niya ang kaniyang roba at naglakad patungo sa may glass window. Doon, nakita niya ang sarili niyang mga mata. Puno iyon ng pagtataka at maraming katanungan. “Babae ba o lalaki?” mahinang tanong ni Eiden. “Anong babae o lalaki?” “Ang anak ko. Babae ba o lalaki?” Tumigil si Enzo sandali. “Kambal daw ang anak niyo. Isang lalaki at isang babae. Ayon sa nurse na tumingin, mas malusog daw ang lalaki. Tatlong kilo at dalawang daang gramo ito. Samantala ang babae raw ay medyo maliit, pero malusog din naman. Nasa dalawang kilo at limang gramo ang bigat niya. Maaga lang ng ilang araw sa expected due date nila, pero maayos naman daw ang lahat.” “That’s good,” ulit ni Eiden habang ini-imagine ang hitsura ng kambal. “May further reports ba tungkol sa katauhan ng babaeng ‘yon?” Alam na ni Enzo ang tingin ng kaniyang amo sa babae. Ilang buwan na nilang pinagtatalunan iyon nang hindi diretsahan. “Sir Eiden, hindi pa namin nakukumpirma kung totoo ba ang mga nakalap na reports tungkol sa kaniya. Pero bago may nangyari sa inyo ay nakikita na siya na may iba’t-ibang kasamang mga old businessmen—” “Then I guess, I was wrong with her. Katulad din pala siya ng ibang mga babae,” putol ni Eiden. “She’s just after my money. She's a whóre or worst, a prosti—” “Sir, hindi pa rin naman sigurado. We will continue investigating her—” “No need. Wala na akong dapat pang alamin tungkol sa kaniya. Pumunta ka na rito, ngayon din!” utos ni Eiden. “Dalhin mo ang mga papeles. Kunin mo ang lahat ng mga kakailanganin ko para makuha ko ang mga bata.” “Sir, hindi madali ang ipinapagawa ninyo. Sigurado akong mahihirapan tayo—” “Do whatever it takes para makuha ko ang mga anak ko. Kung kailangang bigyan mo ng milyon ang mga staff, doktor, o kung sinuman ang naroon ay gawin mo. Hindi ako makakapayag na lumaki ang mga anak ko sa piling ng gano’ng klaseng babae.” Hindi na nakipagtalo pa si Enzo. Alam niyang kapag gano’n ang tono ni Eiden ay wala nang makakapigil dito. Tahimik na lang niyang ibinaba ang tawag at mabilis na nagbihis para sundin ang utos ng amo niyang ipinaglihi yata sa sama ng loob. Dumating si Eiden sa Alonso Medical Hospital makalipas ang tatlumpung minuto. Hindi siya dumaan sa pangunahing entrance. Sa likod siya pumasok—sa pinto na para lamang sa mga may-ari at matataas na opisyal ng hospital. Ayaw niyang malaman ng sinuman na naroon siya para sa babaeng iyon. Hinihintay na ni Eiden ang personal assistant niya. Nakapuwesto na siya malapit sa may maternity ward. “Nasa recovery room pa siya,” sabi ni Enzo nang makalapit na siya kay Eiden. “Nakapagpapirma na ako ng mga panandaliang dokumento para sa mga bata. Pero hindi natin sila p'wedeng basta kunin ngayon lalo na’t wala pang DNA test. Higit sa lahat, kagagaling lang ng babaeng ‘yon sa isang operasyon. Nakakaawa naman kung—” “Operasyon?” Lumingon si Eiden kay Enzo. Hindi niya iyon alam. “Emergency CS. Na-high blood daw ng todo ang pasyente. Halos mamatay na nga raw siya sa daan papunta rito. Kung hindi siya hinatid ng driver na iyon, malamang patay na siya at ang mga bata sa lansangan.” Tahimik na tumanggap si Eiden ng impormasyon. Hindi siya naawa sa babae o mas tamang sabihin na ayaw niyang maawa rito. “Sigurado ka bang siya ang nakasama ko noong gabing iyon?” tanong ni Eiden habang tumitingin siya sa malayo. “Paano kung nagkakamali lang tayo? Paano kung ibang babae ito?” “Hiningan ko ng litrato ang isang nurse na nag-aasikaso sa kaniya. Sinabi kong kamag-anak niya kami. Hindi ko agad ipinakita sa inyo ang litrato at baka magwala ka pa.” Inabot ni Enzo ang cellphone. “Pero tingnan mo. Siya ito, hindi ba?” Tiningnan ni Eiden ang litrato. Ang babaeng nasa litrato ay nakahiga sa isang kama sa recovery room. Nakapikit ang mga mata nito dahil sa pagod. Maputla ito at halos hindi na makilala. Pero ang panga nito, ang linya ng labi at ang nunal sa ibabaw ng labi nito ang palatandaan niya. “Siya nga,” mahinang sabi ni Eiden at sa sandaling iyon ay gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sirain ang isang bagay. Dahil sa lahat ng posibilidad, bakit nagkaanak siya sa isang babaeng mababa ang lipad? Bakit ang babaeng hindi niya maalis sa sistema niya ay isang uri ng babaeng hindi niya kailanman kayang igalang? Inaakala niyang iba ito sa mga babaeng nakilala niya noon pero tulad din pala ito ng iba. “Nandoon na ang mga bata,” sabi ni Enzo. Itinuro niya ang dulo ng bulwagan. “Nasa loob na sila ng nursery. Isang oras pa bago sila dalhin pabalik sa kanilang ina. They need her milk.” Tumayo si Eiden. Hindi na siya nagsalita. Naglakad siya papunta sa nursery na parang isang bangkay—walang emosyon at walang kasigla-sigla. Sa salamin ng nursery, nakita niya ang maliliit na incubator. At doon ay nahagip ng kaniyang mga mata, ang dalawang sanggol na nakabalot ng puting kumot. Pula ang mukha ng mga ito at nakapikit pa ang mga mata. Hindi pumasok si Eiden. Hindi rin siya tumawag ng nurse. Tinitigan lang niya ang mga bata mula sa labas ng nursery. “Gusto mo ba siyang kausapin?” tanong ni Enzo mula sa likuran. Hindi sumagot si Eiden. “Dapat mo siyang kausapin, Sir Eiden. Hindi lang dahil sa bata, kung hindi dahil karapatan niyang malaman na hahabulin mo ang anak ninyo. At para na rin, mas makilala mo siya. You can ask her anything about her life.” “Hindi ko siya kakausapin,” mariing sabi ni Eiden. Hindi niya nilingon si Enzo. “Hindi ko kayang tingnan ang mukha ng isang babaeng nagbebenta ng aliw gamit ang katawan. Isa pa, I want the kids to be mine at gusto kong hindi na siya maghabol pa sa mga bata. Kung kailangang palabasin nating patay na ang mga bata, do it.” “Pero, Sir Eiden—” “Gusto ko lang makuha ang mga bata. Ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya. At wala rin akong balak na ipakilala sa kaniya ang mga bata paglaki nila. She will be out of their lives. My kids don't deserve that kind of mother.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Enzo. “Hindi mo p'wedeng basta na lang kunin ang kambal habang walang malay ang kanilang ina. Kahit ano pa ang background ng babaeng ‘yon, she's still their mother, sir. Isa pa, hindi pa natin alam kung anak mo ba talaga sila. Tulad nga ng sabi mo, she's into selling pleasures. Paano kung hindi mo sila anak, sir? Paano kung anak niya pala ang kambal sa ibang lalaki? We need to make sure na anak mo nga sila bago tayo gumawa ng aksyon.” "Enzo, do what I say. Kunin mo muna sila bago natin isagawa ang DNA test. P'wede naman nating ibalik ang mga bata rito sa hospital, once we proved that they're not mine.” Tumalikod na si Eiden kay Enzo at nagsimulang maglakad palayo ng nursery. "Sir Eiden Nolan Fierro!” sigaw ni Enzo habang hinahabol niya ang boss niya. Huminto saglit si Eiden. "Dalhin mo sa bahay ang kambal or else, I will fire you and I will make sure that no one in this city will hire you,” mahina ngunit may diing sambit niya bago muling naglakad palayo sa kaniyang assistant. Huminga ng malalim si Enzo. Mula sa kaniyang sling bag ay kinuha niya ang isang checkbook at isang ballpen. "I guess, I have no choice," he murmured as he walked back to the nursery.If you read this far, thank you so much for supporting this book. Sana po ay nagustuhan niyo ang story nina Kiara, Eiden, Kara at Kairo. At sana po ay may natutunan kayo sa kwentong ito. Mahirap nang mabuo ulit ang tiwala kapag nasira na ito ng taong pinakamamahal natin. Mahirap magpatawad ngunit ang pinakamahirap sa lahat ay ang makalimot. Subalit, tandaan natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinasadya ang mga kamalian. May mga kasalanang dulot ng pagkalito, maling akala, takot at sobrang pagmamahal tulad nang ginawa ni Eiden kay Kiara. Bilang isang ina, mahirap mawalay sa mga anak lalo na kung inaakala mong panghabambuhay na iyon subalit bilang isang mapagmahal na ina, mas pipiliin pa rin talaga natin ang mas makabubuti para sa ating mga anak, tulad nang ginawa ni Kiara. She forgave Eiden for their children and for the sake of their love. Love maybe, is sweeter the second time around lalo na kung nakikita mo namang nagsisisi talaga 'yong tao at lalo na kung ipinaparamdam sa'
Sa nakalipas na apat na buwan, sa mga picture na kuha ng mga bata at sa social media account lang ni Kiara nakikita ni Eiden ang mukha nito. Pero ngayon, napakalapit nito sa kaniya. Amoy na amoy niya ang pamilyar nitong pabango at narinig niya ang boses nito. Nanginginig ang mga kamay ni Eiden habang nakapatong sa kaniyang kandungan, sobrang kaba at hindi mapakali hanggang sa matapos ang buong recital.Nang matapos ang palabas, nakalabas na sila sa auditorium. Sobrang saya nina Kairo at Kara habang hawak ang mga ibinigay nilang bulaklak.Pagdating sa parking lot, biglang lumingon si Kiara sa mga bata at kay Eiden. "Kairo, Kara... Kain tayo sa labas para mag-celebrate?""Yehey! Kain tayo sa labas kasama sina Daddy at Mommy!" masayang sigaw nina Kairo at Kara habang pumapalakpak sa saya.Mabilis na unang pumasok at sumakay ang dalawang bata sa backseat ng kotse. Naiwang nakatayo sa labas sina Kiara at Eiden. Malamig ang hangin ng hapon, at puno ng emosyon sa pagitan nilang dalawa.Tumi
Kinaumagahan, dahan-dahang iminulat ni Eiden ang kaniyang mga mata habang sumisilip ang liwanag ng araw sa bintana ng silid. Naramdaman niya ang matinding sakit sa kaniyang ulo, pero mabilis niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Napabalikwas si Eiden mula sa pagkakahiga. “Kiara?”Inilibot ni Eiden ang kaniyang tingin sa paligid ng kuwarto. Malinis ang silid at wala na ang mga personal na gamit at damit ni Kiara. Mabilis siyang bumangon, nagsuot ng robe, at patakbong bumaba sa salas at sa kwarto ng mga bata. Nadatnan niya ang mga kasambahay at ang kambal na kumakain ng almusal.“Sir Eiden...” Lumapit ang mayordoma na may hawak na isang sobre. “Umalis po si Ma'am Kiara kaninang maagang-maaga. Ipinaiwan po niya ito para sa inyo.”Napatulala si Eiden habang dahan-dahan niyang kinukuha ang sobre. Tumingin siya sa pint0 ng mansyon na nakabukas nang bahagya. Wala na ang asawa niya.Apat na buwan ang mabilis na lumipas. Sa loob ng panahong iyon, ni minsan ay hindi na ulit nagkita nang p
"Mom, hindi ko maalala ang lahat!" depensa ni Eiden habang pumapatak ang sarili niyang mga luha. "Nawala ang mga alaala ko sa buwan na 'yon dahil sa aksidente ko noon! Umasa lang ako sa mga kwento at lumang ulat ni Enzo! K-Kaya hindi ko siya namukhaan. Kaya hindi ko nakilala na siya pala ang babaeng ‘yon.”"Kahit na, Eiden!" matalim na galit ni Donya Felomina. Lumapit siya at dinaluhong niya ang kaniyang anak ng tingin. "Naging halimaw ka sa paningin ng babaeng 'yan! Inagawan mo siya ng mga anak at pinalabas mong patay ang mga bata, tapos pumasok ka sa buhay niya na parang wala kang ginawang kasalanan! Kung ako ang nasa lugar ni Kiara, hindi lang malamig na pakikitungo ang ibibigay ko sa iyo! Hinding-hindi na kita mapapatawad kailanman! I-I know na iba ka… nanay mo ako. Ako ang nagpalaki sa iyo, at nakikita ko kung gaano ka kalamig, ka walang emosyon, at walang pakialam sa mga taong nakapalibot sa iyo. But I expected better from you, anak. Kaya pala hindi mo masagot ang mga tanong ko
Napayuko si Eiden, desperado at nanghihina. “Wala akong maipaliwanag sa iyo dahil hindi ko talaga maalala ang buong detalye. I-I couldn’t remember your face. Ang alam ko lang ay may babae akong nakasama. Pinahanap ko, pinahalughog ko ang buong bansa, tapos nalaman ko na buntis siya. Ang sabi ni Enzo ay nalaman ko raw na ang nanay ng mga bata ay isang babaeng mahilig makisama sa mga matatandang mayaman. Kaya nagpasya akong kunin ang mga bata, kaysa lumaki sa isang inang magulo ang buhay. Bilang isang ama, inakala ko… inakala ko raw na mas makakabuti para sa kambal kung sa akin sila lalaki at malalayo sila sa ganoong klase ng kapaligiran.”Napatigil si Kiara. Tinitigan niya si Eiden nang may hindi maipaliwanag na pait, gulat, at matinding poot. Parang pinagsasaksak ang puso niya sa narinig na pag-amin mula sa kaniyang asawa. Isang pilit at napakapait na ngiti ang sumilay sa nanginginig na mga labi ni Kiara habang umiling-iling siya.“Prostitute ba ang naging tingin mo sa akin?” mahinang
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Kiara mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata habang bahagyang kumukunot ang kaniyang noo. Pilit niyang nilalabanan ang matinding kirot na pumupukpok sa kaniyang ulo at ang matinding pagkahilo.Nang imulat ni Kiara ang kaniyang mga mata, bumungad agad sa kaniya ang puting kisame ng presidential suite at ang mabilis na pagbabalik ng mga salita ng doktor bago siya mahimatay… “Biological mother and son sila... 99.99% match.”Kasabay nang pagbabalik ng kamalayan ni Kiara ay ang pag-akyat ng matinding galit sa kaniyang dibdib. Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Tumingin siya sa malaking kama kung saan tahimik na natutulog si Kairo habang may nakakabit ditong IV drip, at sa kabilang sofa kung saan mahimbing ding natutulog si Kara.Pilit na pinigilan ni Kiara ang sarili niyang sumabog o humagulgol nang malakas para hindi magising ang dalawang bata.Inangat niya ang kaniyang tingin at nakita niya si Eiden n
Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n







