مشاركة

Kabanata 5

مؤلف: Docky
last update تاريخ النشر: 2026-06-16 13:26:16

Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.

“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila walang narinig ang dalawang bata.

Mabilis na lumapit ang dalawang bodyguards na lulan ng hiwalay na sasakyan sa likod. “Sir Eiden!”

“Hatiin ninyo ang parke! Hanapin ninyo ang kambal ngayon din!” mariing utos ni Eiden habang siya mismo ay nagsimula na ring tumakbo. Kahit naka-amerikana at pormal ang suot, wala na siyang pakialam. Ang tanging laman ng isip niya ay ang kaligtasan nina Kara at Kairo.

Habang hinahanap ni Eiden ang kambal ay naglalakad naman si Kiara sa kahabaan ng parke. Katatapos lang ng shift niya sa jewelry shop at mabigat pa rin ang kaniyang loob dahil sa pambabastos ng kaniyang manager na si Freddy. Upang kahit papaano ay kumalma, bumili siya ng paborito niyang milktea—isang malaking baso ng wintermelon na may marami pang ice at sago.

Umupo si Kiara sa isang bench at tahimik na sinisimsim ang milktea. “Kailangan ko nang maghanap ng maiiharap kong asawa sa mataba at pangit na Freddy na ‘yon. Ayokong mapunta lang sa wala ang mga pinaghirapan ko sa loob ng dalawang quarter. Siguro naman ay may papayag na magpanggap bilang asawa ko. Hindi naman ako pangit at higit sa lahat, malakas naman ang appeal ko."

Bumuntong hininga si Kiara. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Parang may mga matang nagmamasid sa kaniya. Maingat niyang iniikot ang kaniyang mga mata sa paligid at doon ay napansin niya ang kaguluhan sa 'di kalayuan. May dalawang maliliit na bata—isang lalaki at isang babae—ang tumatakbo nang mabilis. At sa likod ng mga ito ay may isang matangkad na lalaking naka-suit na mabilis namang humahabol. Kasunod ng mga ito ang dalawa pang malalaking lalaki na mukhang mga goons.

“Diyos ko, may nangingidnap ng mga bata!” bulong ni Kiara sa sarili.

Awtomatikong umakyat ang dugo ni Kiara. Kahit hindi niya nasaksihang lumaki ang mga anak niya ay hindi mawawala sa kaniya ang mother’s instinct niya. Hinding-hindi niya masisikmura na makakita ng batang inaagaw o sinasaktan.

Nakalampas sa kaniya ang isang batang babae at isang batang lalaki. May isinigaw ang mga ito pero hindi niya iyon naintindihan. Ang alam niya lang ay kailangan ng mga ito ng tulong.

“HOY!" matapang na sigaw ni Kiara habang itinuturo ang lalaking hindi niya maaninag ang mukha.

Sa dilim ng gabi at sa tindi ng adrenaline, hindi na napansin ni Kiara ang mukha ng lalaki. Blangko rin ang kaniyang ala-ala sa mukha ng estrangherong nakasama niya noon sa isang gabi kaya wala siyang anumang ideya kung sino ang taong papalapit sa harap niya.

Nang lumapit ang lalaki sa tapat ni Kiara ay buong lakas niyang ibinato ang hawak niyang milktea.

Splash!

Eksaktong tumama ang malamig at malagkit na milktea sa dibdib ng mamahaling suit ni Eiden. Nagkalat ang mga sago sa kaniyang mukha at damit. Nabasa ang kaniyang polo at natigilan siya sa mismong gitna ng kalsada ng parke, gulat na gulat at nanginginig sa lamig.

Bago pa man makapagsalita si Eiden ay mabilis siyang hinarangan ni Kiara. Ipinosisyon ng dalaga ang sarili nito bilang proteksyon sa mga bata na nakatigil na rin pala ilang metro ang layo sa kanila.

“Huwag mo nang habulin ang mga bata!” sigaw ni Kiara. Nagngangalit ang kaniyang mga mata habang dinuduró niya ang basang-basang lalaki. “Umalis na kayo rito kung hindi isisigaw ko sa buong parke na mga kidnapper kayo! Ipatatawag ko kayo sa mga pulis!”

Halos lumabas na ang mga mata ni Eiden sa galit. Pinunasan niya muna ang mukha niyang natutuluan ng gatas at sago bago niya tiningnan nang diretso at matalim ang babae. “What the hell is your problem?! Sino ka ba sa akala mo?”

“Pa english english pa, kidnapper naman,” bulong ni Kiara. 

“Who the hell are you? You ruined my attire. Alam mo ba kung magkano ito?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Eiden.

"Wala akong pakialam kung magkano man ang suot mo. Makaporma ka naman, akala mo ang tino-tino mong tao. Hoy, lalaki! Ako lang naman ang magpapakulong sa’yo! Creepy kidnapper! Ang tatanda ninyo na, mga bata pa ang binibiktima ninyo!” bulyaw ni Kiara. Wala siyang takot kahit na mas matangkad sa kaniya ang lalaki.

Habang nagbabangayan sina Eiden at Kiara ay dahan-dahang napalingon sina Kara at Kairo sa kanila. Napahinto sila sa pagtakbo nang marinig nila ang pagtatanggol ng isang babae.

“Siya ‘yong nasa bench kanina," bulong ni Kairo.

“Oo. Ang ganda niya, ‘no? Ang tapang pa! Kaya niya sigurong patiklupin si daddy," natatawang bulong ni Kara.

Tinitigan ni Kairo ang mukha ng babae na maliwanag na nasisinagan ng ilaw ng parke. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa kaniyang kakambal. Parang may kung anong kuryenteng dumaan sa pagitan nila.  Hindi nila alam kung bakit, ngunit sa isang kurap ay nakaramdam sila ng kakaibang init at kaligtasan.

“M-Mommy…” bulong ni Kara.

“Mommy!” mas malakas na sigaw ni Kairo.

Bago pa man makapagsalitang muli sina Eiden at Kiara ay sabay na tumakbo ang kambal—hindi palayo, kung hindi papalapit sa kinatatayuan ni Kiara. 

Buong lakas na isinubsob ng kambal ang kanilang mga mukha at yumakap sa mga binti ng nagulat na dalaga.

“Mommy!" sabay na sigaw ng kambal.

Nanigas si Kiara sa kaniyang kinatatayuan. Tumingin siya sa dalawang batang mahigpit na nakakapit sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit bigla na rin lang niyang niyakap pabalik ang mga ito.

"Kambal ba kayo?” wala sa sariling tanong ni Kiara.

Tumango sina Kairo at Kara.

“Miss, whoever you are, let them go," Eiden said in a warning tone.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 5

    Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila walang narinig ang dalawang bata.Mabilis na lumapit ang dalawang bodyguards na lulan ng hiwalay na sasakyan sa likod. “Sir Eiden!”“Hatiin ninyo ang parke! Hanapin ninyo ang kambal ngayon din!” mariing utos ni Eiden habang siya mismo ay nagsimula na ring tumakbo. Kahit naka-amerikana at pormal ang suot, wala na siyang pakialam. Ang tanging laman ng isip niya ay ang kaligtasan nina Kara at Kairo.Habang hinahanap ni Eiden ang kambal ay naglalakad naman si Kiara sa kahabaan ng parke. Katatapos lang ng shift niya sa jewelry shop at mabigat pa rin ang kaniyang loob dahil sa pambabastos ng kaniyang manager na si Freddy. Upang kahit papaano ay kumalma, bumili siya ng paborito niyang milktea—isan

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 4

    Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro sa kani-kanilang iPad ang limang taong gulang na sina Kara at Kairo. Kambal sila, ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Kara ay masunurin at malambing habang si Kairo naman ay may pagkasutil, matigas ang ulo, at tila nagmana sa malamig na awtoridad ni Eiden.Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na public park ay biglang binitiwan ni Kara ang kaniyang tablet at dumikit sa bintana.“Daddy, look! A playground! Please, can we stop by? Kahit saglit lang po!” pakiusap ni Kara habang kumukurap ang kaniyang malalaking mga mata. “Pretty please, daddy?”“No, Kara. We need to go straight to the penthouse. Marami pang kailangang ayusin si daddy para sa paglipat natin dito sa Pilip

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 3

    “Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung hindi ang magpakasubsob sa trabaho. Nagbago ang takbo ng buhay niya at tuluyan na niyang kinalimutan ang pamilya niya. Namuhay siya ng mag-isa sa loob ng maraming taon habang dala-dala niya ang sakit nang pagkamatay ng mga anak niya.Malinaw pa rin sa ala-ala niya ang oras na iyon at hindi niya mapigilang maluha kapag sumasagi iyon sa kaniyang isip.“Miss Kiara Tatlonghari…”Ngumiti si Kiara sa doktor sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi pa lubusang nakakarekober ang kaniyang katawan mula sa operasyon. "Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya habang lumilinga sa paligid. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pag-asa subalit hindi nagtagal ang ganoong pakiramdam."I'm sorry,

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 2

    “Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag.Siyam na buwan nang hindi nakakatulog nang maayos si Eiden. Simula nang gabing iyon ay hindi na niya naranasang matulog ng walong oras. May isang babae siyang nakaniig, ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya makalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Sinubukan niyang ipahanap ang babae, ngunit hindi ito mahanap ng mga tauhan niya at maging siya ay bigo ring matagpuan ito. Umupo si Eiden sa kama. Napahilamos siya sa mukha niya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto sa kaniya ng estrangherang iyon? O baka na-gui-guilty lang siya kaya hindi niya ito makalimutan? Bumalik sa wisyo si Eiden nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabil

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 1

    “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status