تسجيل الدخولPagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.
Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro sa kani-kanilang iPad ang limang taong gulang na sina Kara at Kairo. Kambal sila, ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Kara ay masunurin at malambing habang si Kairo naman ay may pagkasutil, matigas ang ulo, at tila nagmana sa malamig na awtoridad ni Eiden. Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na public park ay biglang binitiwan ni Kara ang kaniyang tablet at dumikit sa bintana. “Daddy, look! A playground! Please, can we stop by? Kahit saglit lang po!” pakiusap ni Kara habang kumukurap ang kaniyang malalaking mga mata. “Pretty please, daddy?” “No, Kara. We need to go straight to the penthouse. Marami pang kailangang ayusin si daddy para sa paglipat natin dito sa Pilipinas,” malamig na sagot ni Eiden nang hindi man lang tumitingin sa labas. “But daddy! Ang ganda ng swing doon oh! Sige na po, please?” hirit pa ng batang babae na halos maiyak na. “I said no—” “Driver, stop the car. Bababa kami,” biglang utos ni Kairo sa driver gamit ang maliit ngunit seryoso niyang boses. Tumingin siya kay Eiden nang diretso. “If Kara wants to play, we play. Sabi mo, huwag kong papaiyakin ang kapatid ko. You’re not making any sense, daddy. Pinapaiyak mo ang sister ko.” Napabuntong-hininga si Eiden. Ayaw niya ng gulo o eksena lalo na’t pagod siya sa biyahe at alam niyang kapag nag-tantrums ang kambal ay mas lalo lang sasakit ang ulo niya. Yumuko siya at hinarap ang driver. “Ibaba mo ang bilis. Humanap ka ng mapaparadahan sa tabi ng park,” utos ni Eiden. “Yes, Sir Eiden,” sagot ng driver. Habang hinihintay na huminto nang tuluyan ang sasakyan, napansin ni Eiden na may hawak na nakatuping piraso ng papel si Kairo sa bulsa ng jacket nito. Kanina pa ito palihim na kinakalikot ng bata. “Kairo, ano ’yang hawak mo?” untag ni Eiden. Nakataas ang isa niyang kilay. Mabilis na itinago ni Kairo ang papel sa kaniyang likuran at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. “Nothing, dad. Just a trash.” “Trash? Papel na galing sa foreign flight natin? Iabot mo sa akin ’yan,” seryosong utos ni Eiden. “No,” matigas na tugon ni Kairo. “It’s my property.” Dahil sa hinala, hindi na nagdalawang-isip si Eiden. Mabilis niyang hinablot ang papel mula sa likod ng anak. Kahit bata ay nagprotesta si Kairo sa kaniya ngunit huli na. Binuklat na niya ang papel at kamangha-mangha ang nakasulat doon gamit ang makulay na krayola at magulong sulat-kamay ng bata: WANTED: MOMMY Salary: 100,000 pesos per month Nanlaki ang mga mata ni Eiden. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa matinding gulat at galit. “Kairo!” Kulog ang boses ni Eiden sa loob ng sasakyan dahilan para mapatalon si Kara sa gulat. “What is the meaning of this?! Naghahanap ka ng aplikanteng nanay at nag-aalok ka ng sandaang libong piso bilang sahod? Saan mo kukunin ang perang ipapasahod mo rito, ha?!” Hindi natakot si Kairo. Sa halip ay sumandal pa siya at nag-cross arms, eksaktong-eksakto sa posisyon ng kaniyang ama kapag nakikipag-negotiate ito sa negosyo. “It’s just a problem that can be solved with money, dad,” walang pakundangang sagot ng limang taong gulang na bata. “You have a lot of money, right?” “Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera! At lalong hindi nabibili ang isang nanay!” galit na pangaral ni Eiden. Nanginginig na ang kaniyang panga dahil sa inis. “Sino ang nagturo sa iyong gumawa ng ganito?” “Wala! Naalala ko lang na nasa thirties ka na pero hindi ka pa rin kasal. It's embarrassing!” sagot ni Kairo. “Inis na inis na ako, dad! Sa tuwing pumapasok kami sa school noon sa States, at kahit sa mga magiging kalaro namin ngayon, lagi nilang hinahanap si mommy. It’s so shameful to say na wala kaming mommy!” Natigilan si Eiden. Hindi niya inaasahang doon manggagaling ang hugot ng anak. “At saka,” patuloy ni Kairo, sumisinghot na sa inis. “Palaging may mga babaeng lumalapit sa atin, nagpapakabait, at gustong maging mommy namin dahil lang sa pera mo. We don’t like them! Kaya gumawa ako ng job hiring para kami naman ang pumili!” Huminga nang malalim si Eiden para pakalmahin ang sarili, ngunit kailangan niyang disiplinahin ang anak. Ang ganitong pag-uugali ay hindi niya p'wedeng palagpasin. “Kahit na, Kairo. Mali pa rin ang ginawa mo. Dahil sa katigasan ng ulo mo at sa pagkuha ng pera nang walang paalam, you are grounded for the whole month. Walang allowance, walang gadgets, at walang bagong laruan.” Tumingin si Kairo sa kaniyang ama, puno ng rebelyon ang mga mata niya. Sa tindi ng galit niya ay binitawan niya ang mga salitang hindi inaasahan ng kahit na sino. “If you don’t give me a lot of money, then you’re not my father anymore!” sigaw ni Kairo. Bago pa man makasagot si Eiden ay mabilis na binuksan ni Kairo ang pinto ng sasakyan na katatapos lang pumarada. Mabilis siyang tumakbo palabas patungo sa madilim na bahagi ng park. “Kairo! Bumalik ka rito!” sigaw ni Eiden. “Kairo, wait for me!” sigaw naman ni Kara na agad na sumunod at tumakbo rin palabas para habulin ang kaniyang kakambal. Nang abutan ni Kara si Kairo ay nagkasundo sila. “We need to find a mommy, now. I don't want to be called motherless anymore,” Kairo said bluntly. "Yeah, me too. Kung ayaw ni daddy na maghanap ng mapapangasawa niya, p'wes tayong dalawa ang hahanap ng babaeng nararapat para sa kaniya. Sayang naman ang kaguwapuhan at lahi niya kung tatanda siyang walang asawa." Napahinto saglit si Kara. “Kaso, saan tayo hahanap ng mommy na mabait, maalaga, hindi mukhang pera at higit sa lahat, ay magmamahal sa atin kahit hindi niya tayo sariling dugo at laman?" “Wow. Ang lalim naman ng tagalog mo. Anyway, we will start…here and we are going to begin our search, now," maawtoridad na turan ni Kairo habang nagsisimula nang mag-ikot ang mga mata niya sa paligid. Nahagip ng mga mata ni Kara si Kiara na ngayon ay nakaupo sa isang bench. "Kairo, sa tingin ko ay may nakita na akong p'wede nating maging mommy,” nakangiting sabi ni Kara habang tumataas-taas pa ang mga kilay niya. “Ang bilis mo namang maghanap. Sino ba ‘yang tinutukoy mong p'wede nating maging mommy, huh?" Pinasadahan ni Kara ng kaniyang dila ang kaniyang labi bago niya itinuro ang kinaroroonan ng isang magandang babae. "Siya!” Kumislap ang mga mata ni Kairo nang makita niya ang possible mommy candidate nila. “In fairness, magaling kang maghanap. Halika. Lapitan na natin siya," aya niya. “Kairo, may problema tayo…” "Ano ‘yon, Kara?” Ngumuso si Kara para ituro ang paparating nilang ama at ang tauhan nito. Nagkatinginan ang kambal. “Daddy's coming!" sabay nilang sambit.Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila walang narinig ang dalawang bata.Mabilis na lumapit ang dalawang bodyguards na lulan ng hiwalay na sasakyan sa likod. “Sir Eiden!”“Hatiin ninyo ang parke! Hanapin ninyo ang kambal ngayon din!” mariing utos ni Eiden habang siya mismo ay nagsimula na ring tumakbo. Kahit naka-amerikana at pormal ang suot, wala na siyang pakialam. Ang tanging laman ng isip niya ay ang kaligtasan nina Kara at Kairo.Habang hinahanap ni Eiden ang kambal ay naglalakad naman si Kiara sa kahabaan ng parke. Katatapos lang ng shift niya sa jewelry shop at mabigat pa rin ang kaniyang loob dahil sa pambabastos ng kaniyang manager na si Freddy. Upang kahit papaano ay kumalma, bumili siya ng paborito niyang milktea—isan
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro sa kani-kanilang iPad ang limang taong gulang na sina Kara at Kairo. Kambal sila, ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Kara ay masunurin at malambing habang si Kairo naman ay may pagkasutil, matigas ang ulo, at tila nagmana sa malamig na awtoridad ni Eiden.Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na public park ay biglang binitiwan ni Kara ang kaniyang tablet at dumikit sa bintana.“Daddy, look! A playground! Please, can we stop by? Kahit saglit lang po!” pakiusap ni Kara habang kumukurap ang kaniyang malalaking mga mata. “Pretty please, daddy?”“No, Kara. We need to go straight to the penthouse. Marami pang kailangang ayusin si daddy para sa paglipat natin dito sa Pilip
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung hindi ang magpakasubsob sa trabaho. Nagbago ang takbo ng buhay niya at tuluyan na niyang kinalimutan ang pamilya niya. Namuhay siya ng mag-isa sa loob ng maraming taon habang dala-dala niya ang sakit nang pagkamatay ng mga anak niya.Malinaw pa rin sa ala-ala niya ang oras na iyon at hindi niya mapigilang maluha kapag sumasagi iyon sa kaniyang isip.“Miss Kiara Tatlonghari…”Ngumiti si Kiara sa doktor sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi pa lubusang nakakarekober ang kaniyang katawan mula sa operasyon. "Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya habang lumilinga sa paligid. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pag-asa subalit hindi nagtagal ang ganoong pakiramdam."I'm sorry,
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag.Siyam na buwan nang hindi nakakatulog nang maayos si Eiden. Simula nang gabing iyon ay hindi na niya naranasang matulog ng walong oras. May isang babae siyang nakaniig, ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya makalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Sinubukan niyang ipahanap ang babae, ngunit hindi ito mahanap ng mga tauhan niya at maging siya ay bigo ring matagpuan ito. Umupo si Eiden sa kama. Napahilamos siya sa mukha niya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto sa kaniya ng estrangherang iyon? O baka na-gui-guilty lang siya kaya hindi niya ito makalimutan? Bumalik sa wisyo si Eiden nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabil
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero







