Masuk
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito.
Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero matatag si Kiara. "Hindi ko sila papatayin, Pa. Mga anak ko sila." Marahas na humarap si Arturo kay Kiara. “Naririnig mo ba ang sarili mo, ha? Kakagraduate mo lang sa kolehiyo. Ni wala ka pang napapatunayan sa buhay! Tapos ano? Mas pinili mong magbuntis nang ganito ka aga? Hindi ka man lang gumaya sa kapatid mong si Olga!” Napahawak si Kiara sa tiyan niya. Madalas siyang ikinukumpara sa stepsister niyang si Olga. Siya itong tunay na anak, pero mas anak ang turing ng tatay niyang si Arturo sa anak ng madrasta niya. At sa nakalipas na mga taon ay nasanay na siya roon. “Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na pabaya akong ama? Na ang anak ko ay napaka-agang nagbuntis? Do you want to drag us to the mud, Kiara? Gusto mo ba talagang mapahiya ako?” Napalunok si Kiara. “Pero ayos lang po sa inyong ipalaglag ang pinagbubuntis ko para lang hindi madungisan ang pangalan niyo?” “Malamang sa malamang ay oo! Manang-mana ka nga sa ina mo. Tatanga-tanga! You should use your head, Kiara. Pinag-aral naman kita, binihisan, binigay lahat ng kapritso mo. Pero ito ang ipapalit mo sa akin? Ang isang kahihiyan?” Napahawak si Arturo sa dibdib niya. Naninikip ang dibdib niya sa galit. Tumulo ang luha ni Kiara. “Pa… ang pinagbubuntis ko ay mga apo niyo rin. Kadugo niyo sila. Hindi sila ibang tao—” “Shut the fuck up!” marahas na sigaw ni Arturo. “Get out! Pumasok ka sa kuwarto mo at ‘wag na ‘wag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi!” Tumulo ang luha ni Kiara. Hindi niya akalaing magiging mas malupit ang ama niya sa kaniya. Akala niya kahit papaano ay lalambot ito at maiintindihan siya ngayong nagdadalang-tao siya, pero sadyang matigas ang puso ng ama niya pagdating sa kaniya. Na minsan napapaisip na siya, anak din kaya siya nito? Buong magdamag ay nagkulong lang si Kiara sa kuwarto niya. Dinadalhan lang siya ng pagkain ng mga katulong nila. Daig niya pa ang may nakakahawang sakit dahil ayaw siyang palabasin ng ama niya. Para siyang ibon na pinagdamutan ng kalayaan. Mabilis na lumipas ang araw, parang hangin lang si Kiara sa mansyon. Sa tuwing lumalabas siya ay iniiwasan siya ng amang si Arturo. Talagang ayaw siya nitong makausap at dalawang tao naman ang araw-araw na sinusubok ang pasensya niya–ang kaniyang stepmother na si Precy at ang anak nitong si Olga, ang step-sister niya. Araw-araw ng mga itong ginagawang impyerno ang buhay niya. Kahit anong pilit na pag-ignora niya ay inaaway siya ng mga ito. At kada minuto ay may bago silang paraan para iparamdam na hindi siya welcome sa bahay. "Ang dami-dami ng kinakain mo! Magtira ka naman sa mga kasama mo sa bahay. Anong akala mo, ikaw lang ang may sikmura?!" reklamo ni Olga habang kumakain sila. “Nagmumukha ka ng balyena.” Napabuntong-hininga si Kiara. Hindi na niya pinansin ang hilaw niyang kapatid. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagkain dahil ito ang unang beses na hinayaan siya ng kaniyang ama na sumabay pagkain ng mga ito. Ngumiwi si Precy. “Naku! Noong nagbuntis ako ay hindi naman ako gan'yan katakaw at kapangit.” Ang stepmother naman ni Kiara na si Precy ay mas nakakairita. Mahilig itong mang-asar at manghamak sa kaniya. Hindi nagkakapagtaka na masama rin ang ugali ng anak nitong si Olga dahil hindi naman nalalayo ang bunga sa puno. "Uy, ingat ka. Baka sa kusina ka manganak," natatawang sabi ni Olga habang nakatingin sa malaking tiyan ni Kiara. Noong nakaraang araw ay ipinost pa ni Olga sa social media ang litrato ni Kiara nang hindi nagpapaalam. Tinakpan naman niya ang mukha nito pero alam ng mga kaibigan ni Kiara na siya iyon. "Living proof of bad decisions." Libo-libong tao ang nakakita ng post. Umiyak si Kiara nang gabing iyon. Pero kahit gaano kasakit ang mga salita nila, hindi niya kailanman pinagsisihan ang desisyong protektahan ang kaniyang mga anak. Pinabura lang ng ama ni Kiara ang litrato dahil ayaw nitong may makaalam na siya ang buntis at baka masira raw ang imahe ng pamilya nila. Sa araw-araw na lumipas ay nagtiis si Kiara dahil wala rin siyang mapupuntahan. Alam niyang ayaw rin ng ama niya na makita siya ng ibang tao. Ngunit dumating ang araw na tuluyan nang napuno si Kiara. Habang kumukuha siya ng juice sa kusina, narinig niyang muli ang usapan ng ama, stepmother, at stepsister niya sa may sala. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis dito," sabi ni Olga. "Oo nga," sagot ni Precy. "Pagkapanganak niyan, mas lalo lang siyang magiging pabigat. Anong balak mo r’yan sa anak mong disgrasyada, Arturo? My God! Ayaw kong may makaalam na nabuntis siya ng walang nobyo o asawa. Nakakahiya sa mga amiga ko!" Tahimik na napaluha si Kiara. Bakit siya hahamakin ni Precy nang ganoon? Kung tulad niya ay isa rin itong single mother bago nito nakilala ang ama niya. Si Olga ay hindi anak ni Arturo, anak ito ni Precy sa ibang lalaki. Kaya anong karapatan nitong insultuhin siya? “Mommy is right, dad. Nakakahiya sa mga kaibigan ko kapag nalaman nilang buntis si Kiara at walang ama ang dinadala niya. Sobra-sobrang kahihiyan na ang dinulot niya sa pamilya natin. Can’t we just get rid of her?” maarteng wika ni Olga. “She’s still your sister, Olga. Hindi mo p'wedeng pagsalitaan ng gan'yan ang kapatid mo,” wika ni Arturo. Akala ni Kiara ay dumating na ang panahon na siya naman ang kakampihan ng ama niya. Halos lumabas sa dibdib niya ang puso niya sa sayang nararamdaman. “Ang kahihiyan ni Kiara ay kahihiyan din ng ating pamilya,” biglang dagdag ni Arturo na nagpawala ng sayang nararamdaman ni Kiara. “Kapag nanganak si Kiara ay ipapaampon ko ang anak niya. Hindi ako makakapayag na madungisan niya ang apeliyidong ilang taon kong pinaghirapang iangat. Kaya ikaw, Olga, anak, stop posting things about your sister. Alam mo namang tayo lang ang mapapahiya kapag patuloy mo siyang ipo-post sa social media. We don’t want everyone to know about her stupidity and foolishness.” Tuluyan nang tumulo ang luha ni Kiara. Akala niya ito na ang panahon na ipagtatanggol siya ng ama niya sa anak-anakan nito. Pero mali pala siya, isang malaking pagkakamali lang ang tingin ng ama niya sa kaniya. Hindi rin niya matanggap na nais ipaampon ng ama niya ang pinagbubuntis niya. Sarili nitong dugo at laman ang mga anak niya kaya bakit? Ang mga anak na lang niya ang mayroon siya kaya hindi siya papayag na ilalayo pa ito ng ama niya sa kaniya. Hindi niya hahayaang malayo sa kaniya ang mga anak niya. Hindi siya habang-buhay na maging sunod-sunuran sa ama niya. Agad ba tinawagan ni Kiara ang may-ari ng apartment na ilang linggo na niyang tinitingnan. May natitira pa siyang ipon. Hindi man marangya, sapat na iyon para makapagsimula silang tatlo ng panibagong buhay. Nang gabing iyon ay nag-impake si Kiara. Sinigurado niyang tulog na ang lahat saka siya nagpasyang umalis ng mansyon. Kapag nalaman ng ama niya na aalis siya ay siguradong ikukulong siya nito at baka tuluyan na nitong mailayo sa kaniya ang mga anak niya. Mabigat at masakit ang bawat hakbang ni Kiara, pero kasabay noon ang kakaibang pakiramdam ng kalayaan. Sumakay si Kiara ng taxi patungo sa kalsadang malapit sa kaniyang bagong apartment. Habang nasa biyahe, hindi niya maiwasang haplusin ang kaniyang tiyan. "Malapit na tayo," mahinang bulong ni Kiara sa kambal. Ngunit biglang nakaramdam ng matinding kirot si Kiara. Napahawak siya sa may upuan at kasunod noon ay may naramdaman siyang mainit na likidong dumaloy pababa sa kaniyang mga binti. Nanlaki ang mga mata ni Kiara. Naputol ang kaniyang paghinga nang mapagtanto niya ang nangyari. Pumutok na ang kaniyang panubigan! "Kuya, sa pinakamalapit na hospital po! Pakiusap, bilisan niyo!" halos umiiyak na sabi ni Kiara sa driver. Mabilis namang lumiko ang driver at agad na nagmaneho patungo sa pinakamalapit na hospital. Habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada, sunod-sunod na ang paghilab ng tiyan ni Kiara. Paikli nang paikli ang pagitan ng contraction niya at halos hindi na siya makahinga sa bawat paghilab ng tiyan niya. Nang makarating sila sa emergency entrance, sinalubong si Kiara ng mga nurse na agad siyang isinakay sa wheelchair. Ngunit nang tingnan ng doktor ang resulta ng unang pagsusuri, biglang nagbago ang ekspresyon nito. "Wait... bakit ganito ang heartbeat ng isa sa mga sanggol?" Napatingin ang lahat sa monitor. Unti-unting namutla si Kiara. Ano ang nakita ng doktor? Magiging ligtas kaya ang kambal niya?If you read this far, thank you so much for supporting this book. Sana po ay nagustuhan niyo ang story nina Kiara, Eiden, Kara at Kairo. At sana po ay may natutunan kayo sa kwentong ito. Mahirap nang mabuo ulit ang tiwala kapag nasira na ito ng taong pinakamamahal natin. Mahirap magpatawad ngunit ang pinakamahirap sa lahat ay ang makalimot. Subalit, tandaan natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinasadya ang mga kamalian. May mga kasalanang dulot ng pagkalito, maling akala, takot at sobrang pagmamahal tulad nang ginawa ni Eiden kay Kiara. Bilang isang ina, mahirap mawalay sa mga anak lalo na kung inaakala mong panghabambuhay na iyon subalit bilang isang mapagmahal na ina, mas pipiliin pa rin talaga natin ang mas makabubuti para sa ating mga anak, tulad nang ginawa ni Kiara. She forgave Eiden for their children and for the sake of their love. Love maybe, is sweeter the second time around lalo na kung nakikita mo namang nagsisisi talaga 'yong tao at lalo na kung ipinaparamdam sa'
Sa nakalipas na apat na buwan, sa mga picture na kuha ng mga bata at sa social media account lang ni Kiara nakikita ni Eiden ang mukha nito. Pero ngayon, napakalapit nito sa kaniya. Amoy na amoy niya ang pamilyar nitong pabango at narinig niya ang boses nito. Nanginginig ang mga kamay ni Eiden habang nakapatong sa kaniyang kandungan, sobrang kaba at hindi mapakali hanggang sa matapos ang buong recital.Nang matapos ang palabas, nakalabas na sila sa auditorium. Sobrang saya nina Kairo at Kara habang hawak ang mga ibinigay nilang bulaklak.Pagdating sa parking lot, biglang lumingon si Kiara sa mga bata at kay Eiden. "Kairo, Kara... Kain tayo sa labas para mag-celebrate?""Yehey! Kain tayo sa labas kasama sina Daddy at Mommy!" masayang sigaw nina Kairo at Kara habang pumapalakpak sa saya.Mabilis na unang pumasok at sumakay ang dalawang bata sa backseat ng kotse. Naiwang nakatayo sa labas sina Kiara at Eiden. Malamig ang hangin ng hapon, at puno ng emosyon sa pagitan nilang dalawa.Tumi
Kinaumagahan, dahan-dahang iminulat ni Eiden ang kaniyang mga mata habang sumisilip ang liwanag ng araw sa bintana ng silid. Naramdaman niya ang matinding sakit sa kaniyang ulo, pero mabilis niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Napabalikwas si Eiden mula sa pagkakahiga. “Kiara?”Inilibot ni Eiden ang kaniyang tingin sa paligid ng kuwarto. Malinis ang silid at wala na ang mga personal na gamit at damit ni Kiara. Mabilis siyang bumangon, nagsuot ng robe, at patakbong bumaba sa salas at sa kwarto ng mga bata. Nadatnan niya ang mga kasambahay at ang kambal na kumakain ng almusal.“Sir Eiden...” Lumapit ang mayordoma na may hawak na isang sobre. “Umalis po si Ma'am Kiara kaninang maagang-maaga. Ipinaiwan po niya ito para sa inyo.”Napatulala si Eiden habang dahan-dahan niyang kinukuha ang sobre. Tumingin siya sa pint0 ng mansyon na nakabukas nang bahagya. Wala na ang asawa niya.Apat na buwan ang mabilis na lumipas. Sa loob ng panahong iyon, ni minsan ay hindi na ulit nagkita nang p
"Mom, hindi ko maalala ang lahat!" depensa ni Eiden habang pumapatak ang sarili niyang mga luha. "Nawala ang mga alaala ko sa buwan na 'yon dahil sa aksidente ko noon! Umasa lang ako sa mga kwento at lumang ulat ni Enzo! K-Kaya hindi ko siya namukhaan. Kaya hindi ko nakilala na siya pala ang babaeng ‘yon.”"Kahit na, Eiden!" matalim na galit ni Donya Felomina. Lumapit siya at dinaluhong niya ang kaniyang anak ng tingin. "Naging halimaw ka sa paningin ng babaeng 'yan! Inagawan mo siya ng mga anak at pinalabas mong patay ang mga bata, tapos pumasok ka sa buhay niya na parang wala kang ginawang kasalanan! Kung ako ang nasa lugar ni Kiara, hindi lang malamig na pakikitungo ang ibibigay ko sa iyo! Hinding-hindi na kita mapapatawad kailanman! I-I know na iba ka… nanay mo ako. Ako ang nagpalaki sa iyo, at nakikita ko kung gaano ka kalamig, ka walang emosyon, at walang pakialam sa mga taong nakapalibot sa iyo. But I expected better from you, anak. Kaya pala hindi mo masagot ang mga tanong ko
Napayuko si Eiden, desperado at nanghihina. “Wala akong maipaliwanag sa iyo dahil hindi ko talaga maalala ang buong detalye. I-I couldn’t remember your face. Ang alam ko lang ay may babae akong nakasama. Pinahanap ko, pinahalughog ko ang buong bansa, tapos nalaman ko na buntis siya. Ang sabi ni Enzo ay nalaman ko raw na ang nanay ng mga bata ay isang babaeng mahilig makisama sa mga matatandang mayaman. Kaya nagpasya akong kunin ang mga bata, kaysa lumaki sa isang inang magulo ang buhay. Bilang isang ama, inakala ko… inakala ko raw na mas makakabuti para sa kambal kung sa akin sila lalaki at malalayo sila sa ganoong klase ng kapaligiran.”Napatigil si Kiara. Tinitigan niya si Eiden nang may hindi maipaliwanag na pait, gulat, at matinding poot. Parang pinagsasaksak ang puso niya sa narinig na pag-amin mula sa kaniyang asawa. Isang pilit at napakapait na ngiti ang sumilay sa nanginginig na mga labi ni Kiara habang umiling-iling siya.“Prostitute ba ang naging tingin mo sa akin?” mahinang
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Kiara mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata habang bahagyang kumukunot ang kaniyang noo. Pilit niyang nilalabanan ang matinding kirot na pumupukpok sa kaniyang ulo at ang matinding pagkahilo.Nang imulat ni Kiara ang kaniyang mga mata, bumungad agad sa kaniya ang puting kisame ng presidential suite at ang mabilis na pagbabalik ng mga salita ng doktor bago siya mahimatay… “Biological mother and son sila... 99.99% match.”Kasabay nang pagbabalik ng kamalayan ni Kiara ay ang pag-akyat ng matinding galit sa kaniyang dibdib. Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Tumingin siya sa malaking kama kung saan tahimik na natutulog si Kairo habang may nakakabit ditong IV drip, at sa kabilang sofa kung saan mahimbing ding natutulog si Kara.Pilit na pinigilan ni Kiara ang sarili niyang sumabog o humagulgol nang malakas para hindi magising ang dalawang bata.Inangat niya ang kaniyang tingin at nakita niya si Eiden n
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Kairo, what the hell are you doing? Ibinubugaw mo ang sarili mong ama sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala? Are you out of your mind? At saka, bakit ba hindi kayo nangongo-po sa akin ha?” may inis na turan ni Eiden ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak.Mas lumapit pa si Kairo sa babae.
Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila
‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka







