LOGIN“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.
Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung hindi ang magpakasubsob sa trabaho. Nagbago ang takbo ng buhay niya at tuluyan na niyang kinalimutan ang pamilya niya. Namuhay siya ng mag-isa sa loob ng maraming taon habang dala-dala niya ang sakit nang pagkamatay ng mga anak niya. Malinaw pa rin sa ala-ala niya ang oras na iyon at hindi niya mapigilang maluha kapag sumasagi iyon sa kaniyang isip. “Miss Kiara Tatlonghari…” Ngumiti si Kiara sa doktor sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi pa lubusang nakakarekober ang kaniyang katawan mula sa operasyon. "Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya habang lumilinga sa paligid. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pag-asa subalit hindi nagtagal ang ganoong pakiramdam. "I'm sorry, Miss Kiara. Nagkaroon po ng matinding kumplikasyon ang kambal at hindi po nila kinaya ang gamutan kaya…” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Kiara. Hindi maganda ang kutob niya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya na para bang sasabog na siya sa sobrang kalungkutang biglang bumalot sa kaniyang sistema. Umiling si Kiara. “Please, don't tell me…” "They didn't make it. I'm sorry po pero namatay po ang mga anak niyo. Nakikiramay po ako at ang buong hospital sa inyo,” nakayukong anunsyo ng doktor bago tuluyang umalis ng maternity ward. “Hindi…Hindi maaari. Buhay ang mga anak ko! Ibigay niyo sila sa akin! Bu…Buhay ang kambal ko!" sigaw ni Kiara habang rumaragasa ang mga luha sa kaniyang mga mata. Isang bulyaw ng babaeng nakabangga niya sa loob ng mall ang nagpabalik sa wisyo ni Kiara. Agad niyang pinahid ang kaniyang mga luha nang maalala niya ang pinakamasakit na tagpo na naranasan niya sa buong buhay niya. “Pasensya na po, ma’am.” "Tumingin kasi sa dinadaanan.” Nagpatuloy sa paglalakad si Kiara hanggang sa makarating siya sa mismong shop na pinagtatrabahuhan niya. Sa ngayon, siya ay isa ng independent woman at nagtatrabaho bilang Jewelry Sales Consultant sa isang sikat at marangyang shop sa mall. Dahil sa kaniyang sipag at natural na galing sa pagpapadulas ng mga salita sa mga mayamang kliyente ay consistent siyang Top Sales Consultant kada buwan. Halos sa kaniya na umiikot ang malaking kita ng branch. “I'm ready to be promoted! Here I come!" masiglang sabi ni Kiara bago siya kumatok sa pinto. Bitbit niya ang isang folder kung saan nakatala ang kaniyang sales reports sa nakalipas na dalawang quarter. “Come in," boses ng Store Manager na si Freddy. Kailangan ni Kiara ng dagdag na kita. Lumalaki na ang mga gastusin niya at kahit wala sa piling niya ang kaniyang mga anak ay buwan-buwan siyang nag-do-donate sa isang orphanage kung saan maraming bata ang naroon. At ang mga batang iyon ang tumulong sa kaniya para makalimot sa masalimuot na bahagi ng buhay niya. Itinulak ni Kiara ang pinto at saka ngumiti nang propesyonal. “Good afternoon, Sir Freddy. May ilang minuto ka ba? Gusto ko lang sanang i-discuss sa'yo ang sales performance ko.” Umayos ng upo si Freddy, isang lalaking nasa late 40’s na may katabaan at palaging malagkit kung tumingin sa mga kababaihan. Nang makita niya si Kiara ay biglang nagbago ang ekspresyon niya at ngumiti nang malawak. Masyadong malawak na naging dahilan para makaramdam agad ito ng kaunting kaba at pagka-ilang. “Oh, Kiara! Ang paborito kong Top Sales Consultant. Siyempre naman, para sa’yo ay lagi akong may oras,” masayang tugon ni Freddy sabay turo sa upuan sa harap ng desk niya. “Maupo ka. Ano ba 'yan?” Inilapag ni Kiara ang folder at binuklat ito. “Gusto ko lang sanang ipakita sa'yo ang consistent growth ng sales ko sa nakaraang anim na buwan. Kung mapapansin mo, sir, nalagpasan ko ng halos 40% ang quota ko ngayong quarter. Dahil dito, gusto ko sanang mag-request. Baka naman p'wedeng mai-suggest mo sa management… sa itaas ang incentives ko? At kung may opening para sa Store Supervisor o mas mataas na posisyon ay baka p'wede mo akong irekomenda para sa promotion.” Sumandal si Freddy sa kaniyang upuan. Pinaglalaruan niya ang isang mamahaling ballpen habang ang mga mata niya ay bumaba sa mukha at leeg ni Kiara, imbes na sa hawak nitong report. “Alam mo, Kiara, alam ko namang magaling ka. Grabe ang hatak mo sa mga VIP clients natin.” Malambing ang tono ng boses ni Freddy na tila nagpapatamis. “Pero mahirap kausapin ang HR at ang upper management pagdating sa pagpapataas ng incentives at lalo na pagdating sa promotion. Maraming proseso at maraming approvals na kailangang pagdaanan.” Naramdaman ni Kiara ang bigat sa dibdib niya ngunit pilit pa rin siyang nakiusap. “Kahit recommendation lang po mula sa’yo, sir. Malaking tulong na kasi 'yon. Kaya sana kung maaari ay tulungan niyo ako. Pinapangako ko pong mas gagalingan ko pa at mas dodoblehin ko pa ang sales ko sa mga susunod na mga buwan!” Biglang tumayo si Freddy at umikot sa likod ng desk niya. Huminto siya sa mismong tabi ng upuan ni Kiara. Masyado na siyang malapit na halos maamoy na nito ang matapang niyang pabango. Pumatong ang kamay niya sa likod ng sandalan ng upuan niya. Awtomatikong napaatras ng kaunti si Kiara. Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit na diring-diri na siya sa presensya ng lalaki. Kung hindi niya lang ito boss ay baka nasuntok na niya ang mukha nito. “Actually, may mas madaling paraan naman, Kiara,” bulong ni Freddy habang bahagya niyang hinawakan ang dulo ng buhok ng dalaga. “Bakit ka ba nagpapakahirap magbenta araw-araw? Isang salita ko lang naman sa may-ari, bukas na bukas supervisor ka na. Doble pa ang incentives mo.” Nilingon ni Kiara ang boss niya, pinapanatili niya ang pormal na mukha. “Ano pong ibig ninyong sabihin, sir?” Tumaas ng kaunti ang kilay niya. Ngumiti nang nakakaloko si Freddy at lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha kay Kiara. “Simple lang naman. Mag-date tayo, seryosohin mo ako, at pagkatapos ay pakasalan mo ako. Kapag naging akin ka na, hindi mo na kailangang mamroblema sa pera o sa posisyon dito sa shop. Ako na ang bahala sa lahat ng kapritso mo. Magiging buhay reyna ka KUNG papakasalan mo ako.” Halos masuka si Kiara sa narinig. Asawa? Pakasalan? Alam ng buong staff na may pagka-babaero si Freddy at mahilig itong mambiktima ng mga baguhang sales lady. Ngunit hindi niya akalaing pati siya ay lalandiin nito nang ganito kadirekta, gamit pa ang kaniyang pangarap na promosyon bilang pain. Nangilabot siya sa ideyang hahawakan o hahalikan siya ng lalaki. Mabilis na tumayo si Kiara mula sa upuan para lumayo ng ilang hakbang kay Freddy. Kinuha niya ang kaniyang folder at niyakap ito sa kaniyang dibdib bilang proteksyon. “Sir Freddy, respeto naman po.” Mariin ngunit kontroladong seryoso ang boses ni Kiara. Ayaw niyang magmukhang masama kahit na siya na nga itong binabastos. “Nandito ako para pag-usapan ang trabaho ko, hindi ang personal kong buhay. Kung ang kondisyon para sa promosyon ko ay ang pakasalan ka, huwag na lang po. Kaya kong makuha 'yon gamit ang sarili kong diskarte at pagod.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Freddy, napalitan iyon ng inis dahil sa tahasang pagtanggi ni Kiara sa alok niya. Bihira siyang mahindian ng mga empleyado niya. “Talaga lang, Kiara? Ang taas din ng pride mo, 'no?” may halong banta sa tono ni Freddy habang naka-cross arms siya. “Tandaan mo, ako ang manager mo rito. Isang masamang report ko lang sa management tungkol sa attitude mo, p’wedeng-p’wede kitang tanggalan ng mga VIP clients. Tingnan natin kung maging Top Sales Consultant ka pa. O kaya maaari kang tuluyang mawala sa trabahong ito.” Nasaktan si Kiara ngunit mas nangibabaw ang galit sa kaniyang systema. Tinitigan niya nang diretso sa mata ang kaniyang manager. “Gawin mo ang gusto mo, sir. Pero hinding-hindi ko ibebenta ang sarili ko para lang sa trabahong ito,” matapang na sagot ni Kiara. “Isa pa… may asawa na rin po akong tao. Ayaw ko pong sirain ang tiwala ng asawa ko sa akin. Loyal po ako, at mahal na mahal ko rin ang asawa ko,” pagsisinungaling niya. “Talaga? Kasal ka na? Kung gano'n, ipakilala mo sa akin kung sino ang maswerteng lalaking iyon dahil kung hindi, tatanggalin kita sa trabaho mo," nakangiting sambit ni Freddy. Sa pagkakaalam niya ay single pa si Kiara kaya malabo nitong mapatunayan ang sinasabi nito. "Sige pero kapag napatunayan kong kasal na ako ay ibibigay mo ang nais ko–promosyon at karagdagang insentibo at kita,” hamon ni Kiara. "Deal, Miss Tatlonghari.” Ngumiti lang si Kiara at saka mabilis na tumalikod para lumabas ng opisina. Pagkasara ng pinto, huminga siya nang malalim para pigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Puno siya ng takot na baka nga harangin ni Freddy ang kaniyang career, pero alam niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapasupil sa mga katulad nito. Limang taon na ang nakalipas mula nang huli siyang nagpaapi at hindi na niya hahayaang mangyari ulit 'yon ngayon. "Now, I need to find a husband for rent?” Nanlambot bigla ang mga tuhod ni Kiara. "Saan naman kaya ako makakakita ng lalaking papayag na magpanggap bilang asawa ko?"Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila walang narinig ang dalawang bata.Mabilis na lumapit ang dalawang bodyguards na lulan ng hiwalay na sasakyan sa likod. “Sir Eiden!”“Hatiin ninyo ang parke! Hanapin ninyo ang kambal ngayon din!” mariing utos ni Eiden habang siya mismo ay nagsimula na ring tumakbo. Kahit naka-amerikana at pormal ang suot, wala na siyang pakialam. Ang tanging laman ng isip niya ay ang kaligtasan nina Kara at Kairo.Habang hinahanap ni Eiden ang kambal ay naglalakad naman si Kiara sa kahabaan ng parke. Katatapos lang ng shift niya sa jewelry shop at mabigat pa rin ang kaniyang loob dahil sa pambabastos ng kaniyang manager na si Freddy. Upang kahit papaano ay kumalma, bumili siya ng paborito niyang milktea—isan
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro sa kani-kanilang iPad ang limang taong gulang na sina Kara at Kairo. Kambal sila, ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Kara ay masunurin at malambing habang si Kairo naman ay may pagkasutil, matigas ang ulo, at tila nagmana sa malamig na awtoridad ni Eiden.Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na public park ay biglang binitiwan ni Kara ang kaniyang tablet at dumikit sa bintana.“Daddy, look! A playground! Please, can we stop by? Kahit saglit lang po!” pakiusap ni Kara habang kumukurap ang kaniyang malalaking mga mata. “Pretty please, daddy?”“No, Kara. We need to go straight to the penthouse. Marami pang kailangang ayusin si daddy para sa paglipat natin dito sa Pilip
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung hindi ang magpakasubsob sa trabaho. Nagbago ang takbo ng buhay niya at tuluyan na niyang kinalimutan ang pamilya niya. Namuhay siya ng mag-isa sa loob ng maraming taon habang dala-dala niya ang sakit nang pagkamatay ng mga anak niya.Malinaw pa rin sa ala-ala niya ang oras na iyon at hindi niya mapigilang maluha kapag sumasagi iyon sa kaniyang isip.“Miss Kiara Tatlonghari…”Ngumiti si Kiara sa doktor sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi pa lubusang nakakarekober ang kaniyang katawan mula sa operasyon. "Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya habang lumilinga sa paligid. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pag-asa subalit hindi nagtagal ang ganoong pakiramdam."I'm sorry,
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag.Siyam na buwan nang hindi nakakatulog nang maayos si Eiden. Simula nang gabing iyon ay hindi na niya naranasang matulog ng walong oras. May isang babae siyang nakaniig, ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya makalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Sinubukan niyang ipahanap ang babae, ngunit hindi ito mahanap ng mga tauhan niya at maging siya ay bigo ring matagpuan ito. Umupo si Eiden sa kama. Napahilamos siya sa mukha niya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto sa kaniya ng estrangherang iyon? O baka na-gui-guilty lang siya kaya hindi niya ito makalimutan? Bumalik sa wisyo si Eiden nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabil
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero







