KABANATA 1
Hindi naging madali para sa akin ang iwasan na magustuhan ang kaibigan kong si Lucas. Hindi ko alam kung bakit isang araw ay nagising na lang ako na may nararamdaman na pala ako para sa kaniya.Salat ako sa pagmamahal at atensyon mula sa mga taong inaasahan ko na magbibigay ng mga iyon sa akin. Hindi ko kilala ang tatay ko at kahit kailan ay hindi ako pinakitaan ng pagmamahal ni Mama, kaya wala akong ideya kung bakit nakaramdam ako ng pagkagusto sa kaibigan, lalong lalo na kay Lucas.Wala akong konkretong sagot. Basta ang alam ko lang ay payapa at masaya ang puso ko kapag kasama ko siya."Alam niya ba iyang nararamdam mo, Erem?" seryosong tanong ni Julie sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon sa library para gumawa ng assignment, pero natuon ang atensyon ko kay Lucas na seryosong nagbabasa hindi kalayuan mula sa lamesa namin."Nararamdaman?" kunot noong tanong ko rin sa kaniya."Girl, matagal na tayong magkaibigan kaya halos kabisado na kita. Ngayon ko lang nakita kung paano ka tumitig sa isang lalaki. Gusto mo si Lucas at sigurado ako riyan." Nakaramdam ako ng pamumula at kakaibang kirot sa dibdib ko."Mawawala rin ito, Julie. Hindi kami bagay kasi mayaman siya at mahirap lang ako. Higit sa lahat, kaibigan lang ang turing sa akin ni Lucas..." Ipinilit kong ikubli ang sakit na nararamdaman ko habang sinasambit ang mga katotohanang iyon.Maraming dahilan para magustuhan ang isang Lucas Sandoval. Bukod sa mayaman ay likas na mabait at matalino siya. Idagdag pa na kilala talaga ang pamilya nila dahil isang sikat at magaling na doktor ang daddy niya at abogado naman ang mommy niya. Sa antas pa lang ng buhay ay walang wala na akong ilalaban.Sa tuwing magkasama kaming dalawa ay palagi niyang pinararamdam sa akin iyong pag-aalaga na kahit kailan ay hindi ko nararanasan sa bahay. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya na siya namang pilit kong inaalis sa sistema ko.Naputol ang pagtitig ko kay Lucas nang maramdaman kong sinipa ni Julie ang paa ko mula sa ilalim ng lamesa. Nakasimangot akong bumaling ng tingin sa kaniya habang nakaamba na sanang gantihan siya ngunit nagsalita ito."Palapit na si Lucas titig na titig ka pa rin. Halata ka na masyado girl," natatawang sabi niya sabay takip sa sariling bibig dahil sa hindi mapigil na tawa.Bago pa man ako ulit makapagsalita ay naramdaman ko nang umupo si Lucas sa tabi ko at basta na lang dinantay ang ulo niya sa balikat ko. Tila naestatwa naman ako sa ginawa niya dahil sa gulat at talaga namang bumigat ang paghinga ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko.Namimilog ang mga mata ko nang tumingin ako kay Julie na mukhang nasisiyahan sa nakita niyang reaksiyon ko. Sarap sapakin ng kaibigan ko sa totoo lang!"I'm tired Erem gusto kong matulog," sambit ni Lucas sa pagod na boses. "May klase ka pa ba? Umuwi ka na at magpahinga. Siguro nakipag-inuman ka na naman kagabi, ano?" saad ko naman sa kaniya.Awtomatikong dumapo ang isang kamay ko sa ulo niya para haplusin iyon, bagay na parati kong ginagawa sa kaniya sa tuwing sinasabi niyang inaantok o kaya ay pagod na siya."Kaunti lang naman, Rem," tugon niya bago umupo nang maayos at bumati kay Julie na hanggang ngayon ay abot tainga ang ngiti."Let's talk later, hihintayin kita sa waiting shed," sambit niya matapos guluhin ang buhok ko 'tsaka mabilis na umalis sa lamesa namin ni Julie."Ayieee! Kilig much iyang bff ko?" kinikilig na sabi kaagad ni Julie, dahilan para sawayin kaming dalawa ng librarian na hindi nalalayo sa puwesto namin."Julie 'wag kang maingay, nasa library tayo! Mabuti pa halika na tutal ay oras na rin naman ng uwian natin," pag-aya ko sa kaniya habang inaayos ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa, nag-advance reading kasi kaming dalawa ngayon para sa quiz bukas.Kaagad naman siyang sumunod sa akin nang tumayo ako at isauli ang libro na hiniram ko sa librarian."Alam mo ikaw kahit kailan, napakadaldal mo! Ewan ko ba kung bakit kaibigan kita." Umiling ako. "'Tsaka puwede ba, hinaan mo iyang boses mo, baka isipin ng mga makaririnig sa iyo may gusto ako kay Lucas!" iritado kong sambit sa kaibigan ko dahil sa totoo lang ay malapit na akong maimbiyerna sa sobrang ingay at daldal niya."Kaibigan mo ako kasi maganda ako, 'tsaka ano naman kung may makarinig sa akin na gusto mo si Lucas, e totoo naman." Tinawanan lang niya ako. "'Tsaka alam mo girl, akala naman na ng iba na kayong dalawa na! Lagi ba naman kayong magkasama tapos ang sweet pa ni sa iyo ni Lucas," seryosong tugon sa akin ni Julie.Walang humpay kasasalita si Julie tungkol sa kung ano-ano at napahinga na lang ang tainga ko sa kaniya nang dumating ang daddy niya para sunduin siya, bagay na ikina-inggit ko mula sa kaniya dahil siya ay mapalad na maykaroom tatay na mapag-aruga habang ako ay wala na nga, salat pa sa pagmamahal ng nanay.Huminga na lang ako nang malalim 'tsaka kumaway sa kaibigang sumakay na sa kotse. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila, nagtungo na ako sa waiting shed na sinabi ni Lucas kung saan umano'y hihintayin niya ako dahil may pag-uusapan kaming dalawa.Lumipas ang isang oras at hanggang sa napagod na ako kahihintay ay walang Lucas na dumating. Inisip ko na lang na baka nawala sa isip niya ang usapan namin kagaya ng palaging nangyayari at minabuti kong pumunta na sa sideline ko ngayong gabi."Naging busy siguro ang loko," sabi ko sa sarili.Pagod akong umuwi sa bahay namin kaya naman halos wala akong gana makipag-usap kay tiyo Robert, na siyang una kong nakita pagpasok ko sa loob ng bahay.Laking pasalamat ko dahil hindi niya ako pinansin at hinyaan lang ako na magtuloy sa kuwarto ko. Tulad ng palagi kong ginagawa, sinara ko ang kuwarto ko gamit ang dobleng lock dahil mula nang magka-isip ako, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa asawa ni Mama na kahit noon pa ay iba na kung tingnan ako.Kinabukasan, pagod man ako mula sa paghuhugas ng sandamakmak na plato sa isang restaurant ay sinikap ko pa rin na gumising nang maaga. Naghanda muna ako ng almusal para kila Mama bago pumasok dahil sigurado akong bulyaw na naman aabutin ko kapag wala silang nagisnan na pagkain sa lamesa.Naisipan kong pumasok nang maaga ngayong araw dahil bukod sa hahanapin ko si Lucas sa department nila, magre-review ulit ako sa library para sa quiz namin mamaya.Inaalagaan ko ang grado ko hangga't maari dahil ayokong mawala ang scholarship na mayroon ako dahil ito na lang ang mayroon ako at tanging bagay na magsasalba sa akin sa kahirapan.Hindi ko alam kung anong mayroon pero mula nang makatapak ako sa gate ng University, pansin ko ang tinginan at mumunting bulungan ng ilang kapwa ko estudyante sa akin.Sa pag-iisip na baka paranoid lang ako ay nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa may narinig ako,"Sabi na e, jowa siya ni Lucas.""Parang hindi naman kasi hindi sila bagay.""Baka nilandi si Lucas kasi sa video pa lang, halatang trinabaho niya lahat." Dinig kong sambit ni Nikki, isa sa mga sikat na babae rito sa University na may gusto rin kay Lucas na naiinis naman sa akin.Kahit wala silang pangalan na binabanggit ay alam kong patungkol sa akin ang mga sinasabi nila. Paano ko nasabi? Dahil mula nang maging magkaibigan kami ni Lucas, palagi ko nang naririnig na malandi ako na nasasabi nila dahil tanging ako lang ang babaeng malapit na kaibigan nito.Tila nag-init ang tainga ko sa mga narinig at handa na sana akong sugurin iyong tatlong babae na nag-uusap hindi kalayuan sa akin nang hinihingal na dumating si Julie habang hawak-hawak ang cellphone niya."You need to see this!" hingal at nag-aalala niyang sabi sabay play ng isang video mula sa cellphone niya.Sa una ay hindi ko maintindihan kung ano ang nasa video hanggang sa lumabas doon ang mukha ni Lucas na lasing na lasing habang may kasayaw na babae, gusto kong matawa dahil mukhang tanga si Lucas sa video gawa ng sobrang kalasingan ngunit agad napalitan ang emosyon ko nang may lumabas na babae habang gumigiling at unti-unting inilalapit ang katawan kay Lucas.Kunot-noo akong tumingin kay Julie,"Anong mayroon sa video na ito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya."Watch it, Erem," tugon naman niya dahilan para ibalik ko ang atensiyon sa video.Dahil sa sobrang pagkalasing ni Lucas, halatang hindi na niya alam ang ginagawa niya na nasisiguro kong siya namang sinamantala ng babaeng kasayaw niya. Naghalikan silang dalawa na tila mga uhaw sa isa't isa na parang wala ng bukas hanggang sa puntong hinubaran na siya ni Lucas.Nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga sa napapanood dahil kitang kita sa video na halos gumawa sila ng scandal sa isang bar na tila walang pakialam sa magiging epekto no'n sa kanila.Kaya ba wala siya kagabi sa waiting shed kasi busy siyang makipag-inuman at makipaghalikan?!Hindi ko tinapos ang video at ibinalik na lang kay Julie ang cellphone niya."That video is circulating to everyone, Erem at hindi ko alam kung—" putol na sabi niya habang may pag-aalalang nakatingin sa akin."Kung ano, Julie?" walang buhay kong tanong sa kaniya."Kung paanong ikaw ang sinasabing babae na nasa video," seryosong tugon niya na siya namang nagpabigla sa akin."Ano?!" nanghihina kong sambit."Everyone thinks that it is you. Hindi ko alam kung paano at bakit, basta nagising akong iyan agad ang nakita ko sa social media! Kamukhang kamukha mo ang babae sa video at ipinagtataka ko pa ay kung bakit pangalan mo ang nakalagay at sinasabing pa-walk na girlfriend ni Lucas."Anong ginawa ni Lucas at bakit kailangan pang umabot sa ganito? Bakit kailangan na pati ako ay madawit sa mga ganitong issue?!Ang pinangangamba ko pa ay... baka mawalan ako ng scholarship dahil sa kumakalat na video.Sunod-sunod na lumandas ang luha sa pisngi ko dahil sa nangyayari at halos hindi ko na naiintindihan ang iba pang sinasabi ni Julie. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa may isang pamilyar na ginang ang pumukaw sa atensyon ko na mukhang ako ang sadya.Ang mommy ni Lucas!Palapit pa lang siya ay kilala ko na agad kung sino ang sopistikadang ginang na iyon dahil ilang beses ko na rin naman siyang nakita at nakausap, masasabi kong kahit mukha siyang matapang ay sobrang bait naman niyang kausap, pero sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung may bait ba siyang ipakikita sa akin."Let's talk, Miss Valderama!" seryoso at maawtoridad niyang sabi.WAKASEverything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it. I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako. When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya. But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry. Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang
KABANATA 25Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano. Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas n
KABANATA 24“Yes I can, but I have my conditions,” pag-ulit ko sa sinabi ko nang makitang mula sa malungkot na mga mata niya na tila nagulat. Hindi niya siguro inaasahan na papayag akong ipakilala siya kay Cianna na anak niya rin naman.Hindi ko ipagdadamot na magkakilala at magkasama silang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Cianna iyon at hindi ako hahadlang sa bagay na alam kong ikakasaya ng anak ko.Growing up, I’d never experience a happy and complete family. Mula bata ako, madalas akong saktan ni Mama kahit wala akong ginagawa, kaya naman lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nabuhay pa ako sa mundong ito kung palagi lang naman akong masasaktan? Wala na mga akong kinilalang Papa, madalas pa akong saktan ni Mama.kaya pakiramdam ko noong bata ako ay sobrang malas ng buhay ko.Hindi na ako umasa noon na makikilala at makikita ang ama na matagal ko nang hinahanap, dahil kahit katiting na pagkakakilanlan sa kaniya ay wala ako pero hindi ko inaasahan na magiging mabait sa
KABANATA 23“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko! I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain an
KABANATA 22Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako. Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman. “I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa i
KABANATA 21“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya. “I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay. Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit. “Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa p
KABANATA 20EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na
KABANATA 19I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino. I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya. Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang
KABANATA 18Umuwi ako tulad ng gustong mangyari ni Erem, kahit pa may mga taga-media na humahabol sa akin. Talagang gusto nilang malaman kung bakit na-ospital ang asawa ko para lang hanapan ako ng butas na ikasisira ng mga magulang ko. I can’t blame them. Mula pa man kasi noon, ako na ang sakit sa ulo ng mga magulang ko at madalas na nagdadala ng problema na puwedeng ikasira ng magandang reputasyon na itinayo nila. I ignored them and went home. Umuwi ako hindi para iwasan si Erem kung hindi para hayaan muna siyang mapag-isa at nang sa ganoon ay kumalma siya. I also let myself to calm down dahil hindi ako makapag-isip ng tama at maayos habang nakikita kong nag-hi-hysterical si Erem. Kasalanan ko ang lahat. Alam ko at sobra akong nagsisi na huli ko nang nakita na sobra na pala ang mga nagawa ko sa kaniya.Maaring wala na ang baby sa sinapupunan niya na sinasabi niyang anak ko, pero hindi ko magawang maniwala dahil natatakot akong tanggapin na ako ang naging dahilan para mawala siya.