Share

Oppressed Wife's Runaway
Oppressed Wife's Runaway
Penulis: Iam_RMWrites

SIMULA

Penulis: Iam_RMWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2022-12-03 13:46:11

SIMULA

EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV

Growing up, I only have one big dream and that is to have a happy and complete family na kahit minsan ay hindi ko naranasan, kaya hanggang ngayon na nasa hustong gulang na ako ay bitbit ko pa rin ang pangarap na iyon.

Lumaki akong walang ama at kahit anong pagkakakilalan tungkol sa kaniya ay wala ako. Kung bakit ay hindi ko alam dahil sa tuwing magtatanong ako aking ina tungkol dito ay palaging bulyaw lang ang nakukuha kong sagot mula sa kaniya.

“Erem, ang tagal mo namang ihanda ang agahan! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan!” galit at pasigaw na sabi ni Tiyo Robert, kinakasama ng nanay ko na halos walang ginawa sa buhay kung hindi ang tumambay at makipag-inuman.

Isa na naman ito sa mga araw ng buhay ko kung saan gumising akong pagod at walang gana sa buhay, pero dahil alam kong mauuwi lang sa pagtatalo namin ni Mama kapag hindi ako kumilos ay naghanda pa rin ako ng pagkain para sa kanila.

Walang kibo kong inilapag ang niluto kong sinangag na kanin at pritong itlog sa hapag kung saan nakaabang ang lalaki.

“Itlog na naman, Erem?! Lintik na buhay naman ito, oo! Ada, wala bang pera itong anak mo at palaging pritong itlog ang ipinapakain sa atin?” reklamo ulit ng lalaki  ngayo’y sinabi gamit ang mas galit na tono na siya namang naging dahilan para tingnan ako nang masama ni Mama nang makalapit siya sa hapag.

“Tinitipid mo ba kami, Erem?!” iritadong sabi niya nang magkatapat kaming dalawa.

Paano ko sila titipirin gayong wala rin naman akong pera na ilalaan para sa pagkain nilang dalawa, lalo na sa pagkain ng asawa niya na ayaw magtrabaho? Sa sarili ko nga ay wala akong mailaan! Kulang na kulang ang kinikita ko bilang student assistant para sa pag-aaral ko, dahil sa totoo lang ay halos wala namang napupunta sa akin. Tuwing araw ng sahod ko kasi ay kinukuha lahat ni Mama ang pera.

“Ma, wala akong pera at alam mo iyan,” tanging tugon ko matapos siyang ipagtimpla ng kape,

“At anong gusto mong palabasing bata ka? Na ginasta ko ang pera mo kaya itlog lang ang agahan ngayon?!” galit na naman niyang sabi habang nagsasandok ng pagkain.

“Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko, Ma. Ang sa akin lang po, alam mong wala akong pera dahil kinuha mo ulit lahat ng sahod ko,” walang emosyon kong sabi at akmang uupo na rin sana para kumain ngunit bigla akong pinigilan ni Tiyo Robert.

“Huwag ka nang kumain dahil sapat lang sa amin ng mama mo ang hinanda mo,” naka-ismid niyang sabi sabay higop sa kapeng hinanda ko para kay Mama. Magpoprotesta pa sana ako pero ultimo si Mama ay sinabihan akong umalis na dahil nasisira ko lang daw ang umaga niya.

Nasa kolehiyo pa lang ako pero ako na halos ang gumagawa ng paraan para mabuhay at makakain ang aking ina at ang asawa niya. Lahat ng trabaho ay pinapasok ko makapag-uwi lang ng pera sa bahay. Nahihirapan na ako sa totoo lang, pero wala akong magagawa kung hindi ang ibigay lahat kay Mama kahit pa ayaw ko dahil kung hindi ay pagbubuhatan niya ako ng kamay.

Wala na naman akong pagpipilian kung hindi ang umalis ng bahay at pumasok nang walang laman ang sikmura. Mabuti na lang talaga ay may nakatabi pa akong singkwenta pesos sa wallet ko para pamasahe papasok sa University. Mukhang makikikain na naman ulit ako ngayong araw kay Julie.

Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim bago tuluyang umalis sa bahay namin. Mabigat man sa loob ko na halos walang pagbabago sa buhay ko araw-araw ay wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang buhay na mayroon ako.

Nasanay na lang ako sa sitwasyon na wala naman akong ibang pagpipilian at tila natutuhan ko na lang na magsinungaling sa sarili ko na balang araw ay aayon din ang buhay sa akin, magiging maayos din ang lahat at pinakamahalaga ay matutupad ko rin lahat ng mga pangarap ko. Kasama sa mga pangarap na iyon ang pagbuo ko ng isang masaya at buong pamilya kasama ng taong mamahalin ko habang buhay.

Hindi katulad ng inaasahan ko ang nangyari sa buong araw ko sa University dahil absent si Julie, block mate ko. Buong araw tuloy akong nagtiis ng gutom dahil wala ang kaibigan ko na palaging bumibili ng pagkain para sa akin.

Hindi madali ang maging isang kolehiyo lalo na kung salat ka sa pera, masuwerte na lang talaga ako dahil sa scholarship na mayroon ako. Nakakapag-aral ako ng kursong gusto ko nang libre, at higit sa lahat ay wala akong iniisip na kahit anong bayarin.

Third year college na ako sa kursong BS Management Major in Human Resources sa isang maganda at kilalang unibersidad sa bansa kaya mahirap makibagay at maki-ayon sa mga taong nakakasalamuha ko araw-araw pero sinisikap kong makisama dahil bukod sa mahirap lang ako ay wala naman akong ibang ipagmamalaki sa buhay.

Nahihirapan ako sa totoo lang pero dahil nasanay na akong magsinungaling sa sarili ko, palagi kong sinasabing ayos lang at kaya ko kahit ang totoo ay nagsasawa na akong paniwalain ang sarili ko.

Wala akong trabahong gagawin ngayon sa guidance office kaya naman makauuwi ako nang maaga, pero dahil malas ako ay naabutan pa ako ng malakas ulan kung kailan pauwi na ako. Napilitan tuloy akong magpatila sa waiting shed hindi kalayuan sa gate ng University. Hindi naman ako nag-iisa roon, bagay na ipinagpasalamat ko dahil ayokong naiiwang mag-isa sa pampublikong lugar.

Nakasiksik lang ako sa pinakasulok kung saan sapat na para hindi ako mabasa ng ulan nang mapansin ko ang isang matangkad, maputi at guwapong lalaki na katabi ko na may suot ng unipormeng katulad sa akin.

Mukha siyang seryoso kaya naman inalis ko ang mga tingin ko sa kaniya.

Habang tumatagal ay mas lumakas pa ang ulan at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagkulo ng sikmura ko dahil sa gutom.  Napahimas na lang ako sa tiyan ko dahil talaga namang nag-aalburoto na ang mga alaga ko sa tiyan.

“Nagagalit na iyong mga alaga mo ah,” dinig kong sabi ng lalaking katabi ko kaya naman napaangat ako ng tingin sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala, mas galit ako dahil nag-aalburoto sila,” natatawa kong tugon sa kaniya habang nakatitig sa guwapo niyang mukha.

“Kainin mo ng manahimik na mga alaga mo,” natatawa niyang sabi sabay abot sa akin ng isang burger na mukhang binili sa isang kilalang fast food restaurant.

Kahit may hiya akong nararamdaman ay nilunok ko.

“Hindi ako tatanggi dahil nagugutom talaga ako. Salamat,” nakangiti ko namang saad sa kaniya matapos kong tanggapin ang pagkain na binigay niya.

Agad ko itong kinagat at kinain.

“I’m Lucas Sandoval,” pakilala niya habang natatawang pinanonood akong kainin ang binigay niya.

“Erem… Erem Blythe Valderama, twenty years old, third year BS Management student, “ sunod-sunod kong sabi sabay lahad sa kaniya ng kamay ko para makipag-shake hands. Agad din naman niyang tinanggap kahit na halatang natatawa ito sa itsura ko.

Hindi mahirap pakisamahan si Lucas, hindi kagaya ng ibang kapuwa ko estudyante sa University. Katulad siya ni Julie na kahit mayaman ay tanggap ako bilang isang kaibigan.

Mula ng araw na iyon, naging magkaibigan na kaming dalawa. Hanggang sa hindi ko namalayan… nahulog na pala ang loob ko sa kaibigan ko.

Pilit kong iniwasan ko at patuloy kong gagawin dahil alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa katulad ko. Bukod pa roon, nasanay na rin naman akong magsinungaling para itago ang tunay kong nararamdaman. Pinaniwala ko ang sarili kong guni-guni lang ang lahat ng nararamdaman ko para kay Lucas Sandoval.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Oppressed Wife's Runaway    WAKAS

    WAKASEverything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it. I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako. When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya. But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry. Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 25

    KABANATA 25Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano. Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas n

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 24

    KABANATA 24“Yes I can, but I have my conditions,” pag-ulit ko sa sinabi ko nang makitang mula sa malungkot na mga mata niya na tila nagulat. Hindi niya siguro inaasahan na papayag akong ipakilala siya kay Cianna na anak niya rin naman.Hindi ko ipagdadamot na magkakilala at magkasama silang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Cianna iyon at hindi ako hahadlang sa bagay na alam kong ikakasaya ng anak ko.Growing up, I’d never experience a happy and complete family. Mula bata ako, madalas akong saktan ni Mama kahit wala akong ginagawa, kaya naman lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nabuhay pa ako sa mundong ito kung palagi lang naman akong masasaktan? Wala na mga akong kinilalang Papa, madalas pa akong saktan ni Mama.kaya pakiramdam ko noong bata ako ay sobrang malas ng buhay ko.Hindi na ako umasa noon na makikilala at makikita ang ama na matagal ko nang hinahanap, dahil kahit katiting na pagkakakilanlan sa kaniya ay wala ako pero hindi ko inaasahan na magiging mabait sa

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 23

    KABANATA 23“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko! I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain an

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 22

    KABANATA 22Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako. Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman. “I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa i

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 21

    KABANATA 21“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya. “I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay. Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit. “Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa p

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 20

    KABANATA 20EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 19

    KABANATA 19I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino. I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya. Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 18

    KABANATA 18Umuwi ako tulad ng gustong mangyari ni Erem, kahit pa may mga taga-media na humahabol sa akin. Talagang gusto nilang malaman kung bakit na-ospital ang asawa ko para lang hanapan ako ng butas na ikasisira ng mga magulang ko. I can’t blame them. Mula pa man kasi noon, ako na ang sakit sa ulo ng mga magulang ko at madalas na nagdadala ng problema na puwedeng ikasira ng magandang reputasyon na itinayo nila. I ignored them and went home. Umuwi ako hindi para iwasan si Erem kung hindi para hayaan muna siyang mapag-isa at nang sa ganoon ay kumalma siya. I also let myself to calm down dahil hindi ako makapag-isip ng tama at maayos habang nakikita kong nag-hi-hysterical si Erem. Kasalanan ko ang lahat. Alam ko at sobra akong nagsisi na huli ko nang nakita na sobra na pala ang mga nagawa ko sa kaniya.Maaring wala na ang baby sa sinapupunan niya na sinasabi niyang anak ko, pero hindi ko magawang maniwala dahil natatakot akong tanggapin na ako ang naging dahilan para mawala siya.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status