Oppressed Wife's Runaway

Oppressed Wife's Runaway

By:  Iam_RMWrites   Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
27Chapters
5.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!” The moment I closed my eyes for that first kiss, I suddenly remembered how I fantasized about marrying Lucas Sandoval. I recalled when I aimed to have a complete and a happy family and how willing I am to spend a lifetime with him. I felt a tear fell from my eyes as I felt his lips against mine, as I have realized that I just rather want to die right now in front of everyone than to live with him. Before, I was dying just to be with him. Now, I am literally dying for being with him. I dreamt about walking down the aisle to be with my love. Now, I just want to run away from him and never come back. I once prayed to be part of his life. Now I am— his battered wife.

View More
Oppressed Wife's Runaway Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
default avatar
m16_babyarmalite
a lovely story to read...protagonist is indeed a strong & wise woman..very beautiful ending..looking forward for more of your works
2023-07-01 12:07:22
0
user avatar
Kryk Yap
kudos! beautifully crafted...
2023-07-01 01:25:13
0
27 Chapters
SIMULA
SIMULAEREM BLYTHE VALDERAMA’S POVGrowing up, I only have one big dream and that is to have a happy and complete family na kahit minsan ay hindi ko naranasan, kaya hanggang ngayon na nasa hustong gulang na ako ay bitbit ko pa rin ang pangarap na iyon. Lumaki akong walang ama at kahit anong pagkakakilalan tungkol sa kaniya ay wala ako. Kung bakit ay hindi ko alam dahil sa tuwing magtatanong ako aking ina tungkol dito ay palaging bulyaw lang ang nakukuha kong sagot mula sa kaniya. “Erem, ang tagal mo namang ihanda ang agahan! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan!” galit at pasigaw na sabi ni Tiyo Robert, kinakasama ng nanay ko na halos walang ginawa sa buhay kung hindi ang tumambay at makipag-inuman. Isa na naman ito sa mga araw ng buhay ko kung saan gumising akong pagod at walang gana sa buhay, pero dahil alam kong mauuwi lang sa pagtatalo namin ni Mama kapag hindi ako kumilos ay naghanda pa rin ako ng pagkain para sa kanila. Walang kibo kong inilapag ang niluto kong sinangag na
Read more
KABANATA 1
KABANATA 1Hindi naging madali para sa akin ang iwasan na magustuhan ang kaibigan kong si Lucas. Hindi ko alam kung bakit isang araw ay nagising na lang ako na may nararamdaman na pala ako para sa kaniya. Salat ako sa pagmamahal at atensyon mula sa mga taong inaasahan ko na magbibigay ng mga iyon sa akin. Hindi ko kilala ang tatay ko at kahit kailan ay hindi ako pinakitaan ng pagmamahal ni Mama, kaya wala akong ideya kung bakit nakaramdam ako ng pagkagusto sa kaibigan, lalong lalo na kay Lucas.Wala akong konkretong sagot. Basta ang alam ko lang ay payapa at masaya ang puso ko kapag kasama ko siya. "Alam niya ba iyang nararamdam mo, Erem?" seryosong tanong ni Julie sa akin. Nandito kaming dalawa ngayon sa library para gumawa ng assignment, pero natuon ang atensyon ko kay Lucas na seryosong nagbabasa hindi kalayuan mula sa lamesa namin. "Nararamdaman?" kunot noong tanong ko rin sa kaniya. "Girl, matagal na tayong magkaibigan kaya halos kabisado na kita. Ngayon ko lang nakita kung p
Read more
KABANATA 2
KABANATA 2Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin mula sa mga kapuwa ko estudyante habang nakasunod sa ina ni Lucas na si Mrs. Amanda Sandoval, o na mas kilala ng nakararami bilang isang malupit na abogado sa buong bansa dahil lahat ng kasong hawakan niya ay panalo. Hindi ko alam kung bakit kabado akong makausap siya gayong wala naman akong ginagawang mali. Hindi ko talaga mawari kung bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap naming dalawa. Dinala niya ako sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang kotse niya at ‘tsaka dali-daling sinenyasang umalis ang driver nang makalapit kami rito. Sumunod ako sa kaniya sa loob ng sasakyan kahit wala siyang sinabi sa akin na sumunod ako. Gusto kong maliwanagan ang isip ko tungkol sa mga nangyayari at kung bakit dawit ang mukha at pangalan ko sa video. Alam kong si Lucas dapat ang sumagot sa mga tanong ko at hindi ang mommy niya, pero wala na akong panahon na hintayin na makita at makausap siya. Kailangan
Read more
KABANATA 3
KABANATA 3Magulo ang utak ko at tanging si Lucas lang ang makasasagot ng mga katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa isipan ko. Sa dami ba naman kasi ng kalokohan na ginawa niya sa tuwing nakikipag-inuman siya sa bar, bakit kailangan pang gumawa ng ganoon at makipagsiping sa iba? At ang pinakadahilan pa ng pagkagulo ng isip ko ay kung bakit mukha ko ang nasa video…Lumipas ang apat na araw at walang Lucas ang nagpapakita sa akin kahit pa ginawa ko na ang gustong mangyari ni Mrs. Sandoval. Inako ko ang issue at humarap sa media para sabihing ako ang babaeng kasama ni Lucas sa video na kumakalat. Sinabi ko rin na matagal na kaming may relasyong dalawa dahilan para mas lalo akong pag-usapan sa University. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umatras na gawin ang bagay na iyon dahil bukod sa alam kong pagsisisihan ko ang lahat sa huli, masisira ang pagkakaibigan namin ni Lucas at nasisiguro kong magagalit siya nang husto sa akin. Samu’t saring komento ang natanggap ko matapos na
Read more
KABANATA 4
KABANATA 4Sa bawat araw na lumilipas habang magkasama kami ni Lucas sa iisang bubong ay mas lalo akong natatakot sa kaniya, dahil walang araw kasi ang nagdaan na hindi niya ako sinisigawan o kaya naman ay sinasampal. Masuwerte na ako kapag inuumaga siya ng uwi galing sa pakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan niya, dahil maaga ako palaging pumapasok ng University na naging dahilan para maka-iwas ako sa pananakit niya dahil hindi na kami nagkikita pang dalawa sa bahay. Magkita man kami sa university ay para lang din naman akong hangin para sa kaniya. Iyong tipong may malubhang sakit ako kung iwasan nito dahilan para maging tampulan kami ng mga usapan. Lahat ng nasa isip ko noon na puwedeng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang bahay bilang mag-asawa ay nabura dahil taliwas ang nangyari sa totoo. Kahit kasi isa sa mga pinangako ng mommy ni Lucas gaya ng tahimik na buhay mula sa usap-usapan galing sa iba ay hindi man din nangyari. Minsan kong plinano na kausaping muli ang mommy
Read more
KABANATA 5
KABANATA 5Kagaya ng dati, sa tuwing ikinukulong ako ni Lucas sa stock room ng bahay namin, hindi niya ako binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magtiis at umiyak sa tuwing kakalam nang sobra ang tiyan ko dahil sa gutom.Alam kong umaga na dahil sa sinag ng araw na tumatama sa maliit na bintana ng silid dahilan para magkaroon ako ng pag-asang makalabas. Ano mang oras kasi ay aalis na si Lucas para pumasok sa university at hindi nga nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang kotse niya hudyat na aalis na siya ng bahay. Hindi ako makapapayag na hindi pumasok sa university gaya ng gustong mangyari ni Lucas, kaya kahit alam kong bugbog na naman ang aabutin ko sa kaniya dahil tatakas at tatakas pa rin ako. Finals week na at isang taon na lang ay graduate na ako, kaya hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral ko ay pipigilan rin ni Lucas.Kinuha ko ang nakatagong maliit na kutsilyo sa ilalim ng tukador kung saan itinago ko talaga para maga
Read more
KABANATA 6
KABANATA 6Nang makarating kami sa bahay ay kaagad na bumaba ng kotse si Lucas pagka parada niya ng kotse niya at basta na lang akong hinila sa buhok hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.“Lucas nasasaktan ako! Ano ba?!” naiiyak kong sabi pero wala siyang pakialam.“I told you not to go to school, pero ginawa mo pa rin at talaga. May lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin!” galit na galit niyang sabi saka ako tinulak dahilan para masubsob ako sa coffe table.“Finals na Lucas at alam mo iyan… Hindi puwedeng masayang ang mga pinaghirapan ko,” puno ng tapang kong sagot sa kaniya.“Hindi ka na dapat nag-aaral Erem! Isa pa, asawa na kita kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto ko!” giit niya sabay hila sa buhok ko.“Sinusunod naman kita Lucas ah! Pinagsisilbihan pa nga kita,” sabi ko dahilan para mas sabunutan niya pa ako. “Nasasaktan ako Lucas! Ano ba?! Bakit mo ba ako ginaganito? Wala naman akong ginawang mali sa iyo!” Hindi ko na napigilang umiyak.Kahit anong pilit ko na alisin
Read more
KABANATA 7
KABANATA 7Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo
Read more
KABANATA 8
KABANATA 8Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa. Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsur
Read more
KABANATA 9
KABANATA 9Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko. Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan. Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas. Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong m
Read more
DMCA.com Protection Status