Home / Romance / Our Ceaseless Love / Chapter 3: HATRED OR LOVE?

Share

Chapter 3: HATRED OR LOVE?

last update Last Updated: 2021-09-10 19:13:48

After 2 months…

It’s my first day as a college student. Naka-ready na ako para pumasok nang maalala kong may maghahatid nga pala sa akin. Argh! I still hate him.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at nilusot ang ulo ko sa siwang niyon para tingnan kung naroon ang unggoy kong bodyguard. Nang makita kong wala siya ay mabilis kong hinablot ang bag ko at tumakbo nang mabilis.

“Saan ka pupunta?” tanong ng isang tinig at bawat salita nito ay may diin.

“Tinatakasan ko si Di–”

Automatikong nanigas ang katawan ko at tumigil sa pagtakbo. Parang may mga kabayong tumatakbo sa dibdib. Sh*t, I’m doomed!

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang nagwawala kong dibdib. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at unti-unti akong lumingon sa taong nasa likuran ko. Halos tumirik ang mata ko nang makita ang mukha ni Dior. Mabilis kong kinalma ang sarili at masama siyang tiningnan. 

“Sinubukan mo ba akong takasan, Ms. Ganza?” tumatawang tanong niya. Imbes na yumuko ako dahil sa kahihiyan, taas-noo ko siyang tiningnan. “Baka nakakalimutan mo na pwede kitang i-report sa mga magulang mo ngayon.” Imbes na magmakaawa ako ay inirapan ko lang siya. Argh! He’s getting on my nerves! 

“Oo…” naglakad ako palapit sa kanya. Nag-lean ako nang kaunti at itinapat ang labi ko sa tainga niya. “...tatakas ako sa ayaw at sa gusto mo. So you better shut your mouth if you don’t want to lose your scholarship. Isa pa rin akong Ganza and I’m more capable than you think,” pabulong kong pagbabanta. 

Lumayo ako sakanya at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit at nakangiting inayos ‘yon. Tumingin ako sa mga mata niya at gano’n na lang ang inis ko nang makita naka-smirk siya at may hawak na bagay. It’s a recording device! 

Pilit kong inaabot ‘yon pero itinaas niya kaya hindi ko maabot. He’s taller than me even though I’m 5’8!

“Ano nga ‘yong sinasabi mo kanina? Hindi ko kasi masyadong naintindihan,” natatawang pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na pababa. Naramdaman kong sumunod siya at patuloy pa rin sa pang-aasar. “Bakit mo ba ako tinatakasan? Ayaw mo ba sa gwapong ‘tulad ko? Ano pa ba’ng kulang sa akin?” patuloy niyang tanong habang naglalakad kami. 

Huminto ako at napapikit sa inis. Huminga ako nang malalim bago siya hinarap at masamang tiningnan. 

“You’re pissing me off! Do you know why I don’t like being with you? Dahil ayokong makita ako ng mga kaklase ko na may kasamang unggoy. Baka mapagkamalan ka pang alaga ko,” sagot ko na may halong pang-aasar. Natigilan siya sa pagsasalita at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Sumobra ba ako? Did I offend him? Argh! Konsensya ko pa ngayon kasi nasagad ‘yong patience ko. “Get lost.” I continue walking until I reach the entertainment area.

Akmang titingnan ko sana si Dior kung nakasunod pa ba o hindi nang may humawak sa kamay ko.

“Sasabay na ako sa ‘yo sa pagpasok,” aniya at kinaladkad na ako paalis.

Hindi na ako nakapalag dahil kung papalag pa ako ay mawawalan lang din ng silbi ‘yon kasi mas malakas siya kaysa sa akin. Kahit labag sa loob ko ay sumama na ako sa kanya hanggang makarating kami sa labas ng bahay. Naghintay ako sa harap ng hagdan habang si Dior naman ay pumunta sa garage para kumuha ng kotseng gagamitin namin.

 Habang nasa byahe, walang may gustong magsalita dahil hindi naman kami close at hinding-hindi mangyayari ‘yon. Isa siyang malaking bwisit sa buhay ko.

“Saan nga ulit ang papunta sa school?” pagbasag niya sa katahimikan kaya muli kong pinaikot ang mga mata ko. Ignorante. Oo nga pala, wala siguro silang kotse o hindi sila updated sa modern technology kaya hindi niya alam ang salitang ‘Waze’. 

Sinenyasan ko siya na ibigay sa akin ang IPad at sinet up ko ‘yon sa Waze para alam na niya sa susunod.

“Sundan mo lang ‘yan hanggang makarating tayo sa school,” sabi ko.

Sinuklian niya ako ng matamis niyang ngiti pero inirapan ko lang siya. Paano niya nagagawang ngitian ako pagtapos niyang ma-offend sa sinabi ko kanina? Pakitang-tao lang ba ‘to para magkaroon siya ng magandang record?

Muling bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa gate ng school. 

“Idiretso mo ako sa mismong hagdan ng main building, ayokong maglakad sa initan,” maarteng sabi ko. “‘Wag ka na ring bumaba para pagbuksan ako ng pinto at baka pagkaguluhan ka lang ng mga malalandi roon.”

Tumingin siya sa akin habang may nakakainis na namang ngisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

“Sino’ng may sabi na pagbubuksan kita ng pinto? Wala ka bang kamay?” tanong niya dahilan upang umusok na naman ang ilong ko. “Ang sabi ng parents mo ay bantayan kita, hindi i-baby.”

“Whatever! Just…shut your fvcking mouth!” inis kong sagot at inirapan siya. Kaunting-kaunti na lang talaga ay ipapadala ko na sa zoo ‘tong unggoy na ‘to. Quota na sa pambubwisit sa akin e.

“At saka…nagseselos ka ba, Ms. Ganza? Ano naman sa ‘yo kung pagkaguluhan ako ng mga kababaihan, wala namang magagalit dahil single ako,” aniya habang tumataas-baba ang kanan niyang kilay, dahilan upang manlaki ang mga mata ko. He got the wrong idea! Ang assuming niya sa part na nagseselos ‘kuno’ ako. 

“What I mean is... argh! Just go, you’re ruining my day!” nauutal na sagot ko na lalong nakapagpatawa sa kanya. I composed myself at masama siyang tiningnan. “What makes you think that I’m jealous? Ang assuming mo!” 

“Defensive,” pang-aasar niya at inirapan ko na naman siya. Ayokong makipagtalo sa mga katulad niya. It looks like I’m stooping down to his level, I’m better than him. “Hindi ka ba napapagod sa kakairap mo sa akin?” tanong niya. Bumulong ako ng ‘NO’ at tumawa lang siya na parang napakinggan pa rin ‘yon. “About your request, I cannot guarantee it.” Kunot-noo ko siyang tiningnan pero hindi na niya ako nilingon pa.

Nang makarating kami sa buildings per department, as usual, nakatingin na naman ang mga schoolmates ko sa aking kotse. Katulad ng request ko, tinigil ni Dior ang kotse sa harap ng main building. Akmang lalabas na sana siya pero sinenyasan kong ‘wag na. 

Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang pinto ng kotse at naglakad na papasok ng building. Nang makaakyat na ako ay pinahinto ako ng guard sa pagpasok. Hinanap ko sa bag ang ID ko at binigay ‘yon sa kanya. Mukhang bago siya rito kaya hindi niya ako kilala.

“Chanel!”

Tumakbo siya palapit sa akin at inakbayan ako. Tinabig ko si Zari para maalis ang pag-akbay niya sa akin kaya bumusangot ang mukha niya.

“Get lost, Zari. Ang aga-aga, pinapainit n’yo agad ang ulo ko," sabi ko at nauna na maglakad paalis.

“Chill, Chanel.” Iminuwestra pa niya sa kamay niya na parang pinapakalma ako.

“Spill the tea.” Alam ko naman na may sasabihin na naman ‘yan sa akin. Imbes na sagutin ang tanong ko, hinawakan niya ako sa braso at hinigit palayo sa lugar na ‘yon. 

Nang marating namin ang classroom, kumuha siya ng dalawang bangko at binigay sa akin ang isa. Pareho naming hinabol ang aming hininga hanggang sa makabawi na kami.

“Ito na nga...may transferee daw and take note, sobrang gwapo!” tumitiling kwento ni Zari. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga para maiwasan ang pagkabasag ng eardrums ko. Oh, my poor ears.

“And so? I’m not interested. Duh! It’s normal to have new students here. School ‘to, remember?” mataray na sagot ko. 

Magsasalita pa sana si Zari pero naantala ‘yon nang dumating ang aming guro at nakangiti siyang pumasok sa classroom namin. Imbes na magandahan ako sa kanya ay mukha lang siyang plastic sa paningin ko. She’s a great pretender.

“Good morning, class,” pagbati niya at kaunti lang ang bumati sa kanya. Halos lahat kami rito ay ayaw sa kanya. “Before we start to our lesson for today, I would like to introduce your new classmate. Come in, Hijo.”

Pakiramdam ko ay bumagal ang oras mula nang bumukas ang pinto ng classroom namin. Iniluwa niyon ang lalaking naka-uniform at may magulong buhok. May bag na nakasabit sa kanang balikat at ang kaliwang kamay naman niya ay may hawak na tatlong libro.

Mabagal siyang naglalakad patungo sa unahan namin. Nang makarating siya roon ay isa-isa niya kaming tiningnan. Dumako ang paningin niya sa akin at nginitian ako, pero nananatili lang akong nakatitig sa kanya.

“Hi everyone. Dior Gonzales, at your service!” pakilala niya. Sumaludo siya at ang kanang mata niya ay kumindat, dahilan upang tumili ang mga kababaihan. “Please be nice to me and treat me well. Especially you, Chanel Ganza.”

Matalim akong nakatingin sa notebook ko habang tinutuktok ang ballpen sa desk. Hinihintay ko na lang na matapos ang klase para makumpronta ko na ang unggoy na ‘yon. Ano ba’ng ginagawa niya rito? Attention seeker talaga, gustong-gusto niya na pinagkakaguluhan siya ng mga babae.

“That’s all for today. Goodbye class.” Kinuha ng professor ang mga gamit niya at umalis.

Dahil hayok sa break time ang mga kaklase ko ay mas nauna pa silang lumabas kaysa sa professor namin. Nang masiguro kong kaming dalawa na lang ang natira, tiningnan ko ang gawi niya. Nakita kong nag-aayos siya ng mga gamit.

Nang akma na siyang aalis ay dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya, pero sa kasamaang palad ay natisod ako sa paa ng bangko dahilan upang marinig ko ang pagtunog ng mga buto ko. Napaupo ako dahil sa sakit at nakita kong tumakbo siya palapit sa akin at dahan-dahang kinuha ang paa ko at sinuri ‘yon.

“Bakit ka ba kasi tumatakbo? Tingnan mo tuloy ang nangyari sa ‘yo. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang mo? Unang araw ko pa lang dito pero palpak na agad ako na alagaan ka,” umiiling-iling na aniya habang kumakamot sa kanyang batok “Kailangan na ‘tong maagapan. Dadalhin kita sa infirmary.”

Bi-nend niya ang kanyang tuhod at akmang bubuhatin ako pero mabilis ko siyang tinulak habang nanlalaki ang aking mga mata.

“What do you think you’re doing?!” kunot-noong tanong ko sa kanya. Humawak siya sa buhok niya at kinamot ‘yon. Unggoy talaga. Kulang na lang ay kamutin din niya ang baba niya at magsabi ng ‘huhuhaha’. Tsk.

“Edi bubuhatin ka papunta sa infirmary para maagapan na agad ‘yang na-dislocate mong buto,” aniya at akma na naman sana akong bubuhatin pero muli ko siyang tinulak.

“Don’t. I can do it by myself. Get lost,” pagtataboy ko. Wala siyang nagawa kundi lumayo at pinanood na lang ako.

Tiningnan ko siya nang masama at kumapit sa mga upuan para suportahan ang pagtayo ko. Pinilit kong tumayo at dahil magaan lang ako ay nakatayo agad ako. Aksidente ko namang naitapak ang kaliwang paa ko na may bali. Mabilis kumalat ang sakit at muli akong napaupo. Nang idako ko ang paningin ko kay Dior, nakita kong umiiling-iling lang siya habang pinapanood ako sa aking katangahan.

“I told you, you need my help,” aniya at muling lumapit sa akin.

Kinuha niya ang braso ko at pinulupot ‘yon sa batok niya at ang isa naman ay nasa balikat. Nang masiguro na niyang maayos na ang pwesto ko ay binuhat na niya ako.

“Grabe! Ang payat mo pero sobrang bigat mo!” hindi makapaniwalang aniya at nagsimulang maglakad.

Nang lumabas kami ng classroom, pinagtitinginan kami ng lahat lalo na ang mga babae. Syempre, bago lang dito si Dior tapos makikita na lang nila na buhat ako nito kaya iba talaga ang iisipin nila. 

Nang makarating kami sa infirmary ay sinalubong kami ng nurse at sinenyasan si Dior na ibaba ako. Sinuri ng doctor ang paa ko at binigyan niya ng first aid upang hindi na lumala pa.

“The dislocation of your bones is not that bad. After a week, you can walk properly again,” paliwanag ng doctor. “But for now, you need to use crutches.” Sinenyasan niya ang nurse at binigay sa akin ang dalawang saklay. Kinuha ko ‘yon at nginitian silang dalawa.

Matapos ‘yon ay pinagpahinga muna nila ako, but I refused. I have to attend my classes.

Kasalukuyan akong naka-crutches at naglalakad pabalik sa klase. Inaalalayan din ako ni Dior dahil hindi pa ako sanay sa paggamit nito. Baka lumala lalo kung magagalaw ito kapag natumba ako.

Nang makalabas kami ng infirmary, bigo akong tumingin sa hagdan pababa sa may elevator. Hindi ko ito kakayanin lalo na’t baguhan pa lang ako sa paggamit nito. Ayoko rin namang humingi ng tulong kay Dior dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Baka isumbat niya sa akin kapag inaway ko na naman siya.

Akmang ibababa ko na sana ang dulo ng isang crutch ko, nang may taong hingal na hingal na dumating sa harap ko. Pawis na pawis siya at halatang napagod sa pag-akyat.

“Ano’ng ginagawa mo rito, Geo?” tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot dahil hingal na hingal pa rin siya kaya sinenyasan ko siya na umupo muna sa baitang ng hagdan.

“I heard that you were crippled,” aniya. Tumango ako at pinakita sa kanya ang may bandage kong paa. Nang tingnan ko siya ay bakas sa mukha niya ang pag-aalala. “Be careful next time, okay? I’m not by your side to watch over what may happen to you. I told you to take Architecture same as mine, pero mas pinili mo pa ring sundin ang utos nina Tita.”

Bahagyang lumapit sa akin si Geo at hinawakan ang buhok na nalaglag mula sa likod ng tainga ko. Nang akmang aayusin niya ‘yon ay bigla siyang tumalsik palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang nakahiga si Geo sa sahig habang si Dior naman ay masamang nakatingin sa kanya.

“Hey! Why did you do that?!” sigaw ni Geo habang dinuduro si Dior.

“Layuan mo si Chanel,” malalim ngunit malamig na sagot ni Dior.

“And who are you para utusan ako to stay away from her?” maangas na tanong ni Geo habang hawak ang panga niyang nasuntok.

Tumahimik si Dior at walang maisagot dahil wala namang namamagitan sa amin, except na lang sa pagiging bodyguard niya. Ano’ng gagawin ko? Dior helped me and I need to help him too. What am I supposed to do now? 

Humawak ako nang mahigpit sa crutches ko at tumayo. Pumunta ako sa gitna nilang dalawa kaya pareho silang tumingin sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha nila. Naglakad ako patungo sa direksyon ni Dior at kumapit sa damit niya. Pinulupot ko ang kanang braso ko sa bewang niya dahilan upang mapaigtad siya.

“He’s my boyfriend. Tumigil na kayo sa pag-aaway,” sabi ko. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at mababakas din doon ang kaunting kalungkutan. 

“P-pero…ako ang nasuntok nang walang dahilan–” Tumigil siya sa pagsasalita at pilit na ngumiti. “C-congrats!” nauutal na ani Geo kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko kay Dior. Tumingala si Geo saka huminga nang malalim at muli kaming tiningnan. “Kahit isang beses lang, Chanel, ipagtanggol mo naman ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy Three: GutZales Company

    One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy Two: Home Town

    "So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy One: His Success

    4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy: New Beginning

    Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Nine: New York

    Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Eight: Behind the Sadness

    Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status