Share

Our Impenetrable Love
Our Impenetrable Love
Penulis: Annahline

Chapter 1

Our Impenetrable Love

Chapter 1: First Encounter

NAPAHILOT sa sentido si Xhyro nang mabasa ang comments sa kaniyang kasalukuyang stream. Ramdam ng mga nanonood sa kan’ya ang kaniyang inis habang naglalaro ngunit patuloy siyang pinapatay ng babaeng shotgun user sa kabila at lagi siyang inaabangan sa mga sniping spots niya. Alam na alam nito ang mga pwestuhan ng sniper kaya siya tuloy ang laging unang napapatay nang babaeng ang IGN o in game name ay VS : Gen.

Tangina. Iritang mura ni Xhyro sa kaniyang sarili. Nakakahiya sa mga nanonood, ako lagi ang unang napapatay no’n at sugod ng sugod!

Hindi niya man lang ito nagagantihan at walang respawn sa game mode nila. Kanina pa tuloy siya inis sa laro na gusto niya nalang patayin ang stream niya sa hiya. He’s already been live for an hour and he’s surprised by the sudden rise of viewers, from usually 300-400 viewers, his live right now has over a thousand. Kaya talagang nakakahiya sa mga bagong nakakilala sa kaniya at eto pa ang aabutan nila!

Hindi niya tuloy mapigilan ang ipakita sa mga nanonood ang kan’yang pagkabigo. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at ni hindi na tinitingnan ang camera o kahit basahin man lang ang mga comments. He brushed his long hair up and sighed.

He’s had enough of this girl with an anime profile picture and a part of a known clan, VS. A very competitive clan in Call of Duty, dominating the leaderboards even more than their own clan.

“Wala akong tutok ngayon, ah,” he nervously laughed, facing the camera a bit to show his small smile. “Sorry, sorry, I’m kind of not in the game. Marami kasi akong iniisip,” palusot niya pa at bumalik sa laro.

Napamura siya nang makita ang mga comments nang muli na naman siyang patayin ng Gen sa kabila. Ni hindi niya man lang ito nagagantihan kaya inis na inis na siya. Ang tagal matapos ng laro!

Palusot si idol oh!

Yiee marami raw iniisip para kunwari di mapahiya

Okay lang ‘yan Kuya Xhyro

Tanginamo bobo

He hissed. He’s always been getting posituve comments since he started streaming months ago, bakit ngayon galit na galit na sila? He’s one of the best sniper users in the game and his gaming highlights totally reflect that! Palibhasa hindi siya marunong mag shotgun kaya kanina pa siya pinapatay ng babaeng ‘to at pang long range ang kaniya habang short range sa babae.

“Seseryoso na,” tumikhim siya. “Basahin ko mga comments niyo mamaya, salamat po sa mga nagse-send ng star, and hi sa mga bagong viewers!”

He straightened his back on his gaming chair and stretched his neck for a bit before going back to the game. Ang kasalukuyang ranked game nila ay Search and Destroy. The first team has to plant the bomb and successfully destroy the target while the other do their best to defuse, killing the enemies in the process to fulfill their objective.

4-4 ang kanilang score at sa huling round malalaman kung sino ang mananalo. Mabuti nalang at magagaling ang kakampi niya ngayon, pero nakakahiya at kung sino pa ang kilalang streamer, ayon pa ang walang napapatay! Yumayabang tuloy ang mga kakampi niya at chat ito ng chat sa laro.

Team:

PrinceGaming: bobo mo xhyro hahahahaha ako na palit sayo magstream bigat mo

Fxx3Pineda: kapag 1 kill na inagaw pa manahimik prince

He laughed out loud because of his team. Hindi niya naman iyon rereplayan kahit tinawag pa siyang bobo at isampal pa niya sa kan’ya ang mga clutch niya sa laro kung saan napapatay niya at nauubos ang lahat ng kalaban kahit mag-isa nalang siya. Sadyang hindi lang siya nakakaayos dahil sa babaeng ‘yon!

When the game started, he didn’t glance at the camera and placed his full attention on the game. He brushed his long hair and tied it to a mini ponytail before getting hyped up because of the game.

“Let’s win this game, guys,” he smirked, getting competitive all of a sudden.

HUMAGALPAK sa tawa si Genevieve nang muling mapatay ang sniper sa kabila. Sa tagal ba naman niyang naglalaro, alam na alam niya na kung saan sila pumupwesto sa bawat mapa. She expertly knows all the spots and how to rush the enemies and kill them instantly. She isn’t a shotgun main for nothing!

Binubuhos niya ang galit niya sa unang laro niya dahil sa irita niya sa nag-post sa F******k tungkol sa business niya kung saan pangit daw ang mga design niya at hindi na niya dapat binebenta ang mga damit na gawa niya!

That post even hit around 3k likes and comments filled with her old clients and buyers, at kahit maayos naman ang transaction niya sa kanila noon, bigla na lang siyang tatalikuran ngayon kung kailangan sila kailangan ni Gen para mapanatili ang business niya. They’re all hating her products suddenly when they even rated the items a 5-star before! Mga hipokrita naman talaga, oh. Makakita lang nang nambash sa kaniya ay susunod na rin ito!

Mas nainis pa siya nang nalamang ang kalaban niya ay isa sa mga pinakaayaw niyang streamer kaya iyon talaga ang target niya sa laro. And just like other snipers, his spots are always so predictable! For long-range users, she already knows where he’s going to be already. At high places and windows where their back is open, talagang hindi nito aasahan na manggagaling siya sa likod kaya agad niya itong napapatay.

That Xhyro sure has the looks, from that perfectly carved jawline everyone raves about, to his thin pink lips and thick brows, and his killer smirk whenever he smiles on camera, everything about his looks is why people always watch his streams kahit bago pa lamang ito sa industriya. He suddenly popped out of nowhere and started streaming.

He’s literally so obnoxious! Napakayabang sa skills niya—which she admits is kind of good too but not on her level, pero hindi niya talaga alam kung bakit iritang-irita siya rito. Kada dumadaan sa feed niya ang mga highlights nito at isabay pa ang tawa nito, bigla nalang kumukunot ang noo niya at iisiping napakayabang iyon.

4-4. She smirked. She’s positive they’re going to win. Nagsolo muna siyang maglaro at wala ang mga kasamahan niya, at natuwa naman siya nang walang patapon sa mga kakampi niya. They all play their roles well. She’s obviously the rusher and the slayer with over 10 kills. May iba naman na objective roles na silang taga-plant at defuse ng bomba.

Once you die in search and destroy, there’s no respawning. It all comes down to your teammates. Kaya mahalaga rito ang team work, and the other team didn’t seem to have that.

5, 4, 3, 2, 1, she counted along with the game.

The game starts off quiet. Walang sumusugod at ingat ang lahat para obserbahan ang galaw ng kalaban. Their job is to kill all their enemies or defuse the bomb when the other team has already planted it. Sa mga larong 4-4 ang score, talagang sa early game ay halos namamalagi lang sa base ang lahat at naghihintay.

But she’s not patient like that. Rusher siya at talagang pupuntahan niya ang pwesto ni Xhyro para mapatay ito agad. She doesn’t sit around at the base, waiting for her teammates to make a move.

She will make the first move.

Through the game, she scanned the tall buildings first in the crash map. May pwesto sa tapat ng isang building kung saan nakikita ang magpa-plant ng bomba o magde-defuse. Perfect spot for a sniper.

She’s certain he’s there. Babantayan niya ang lugar at ang kakamapi niyang magpa-plant habang maghihintay siya sa kanila para mag-defuse at abot doon ang bala niya.

Not on her watch, she smirked.

Nakangisi siya at tutok na tutok sa laro nang dahan-dahang umakyat sa building na nakikita niya. Isa na ang napatay ng kakampi niya kina Xhyro kaya 5v4 ang nangyayari ngayon.

Her smirk fell off when he wasn’t there. Agad na sumiklab ang kaba sa dibdib niya at bumaba para hanapin kung nasaan ito, ngunit halos matapon niya ang cellphone niya nang napatay siya nito.

Shit. He read my moves! He was in the other building and she didn’t even realize. She was so sure he was there where she was, waiting! Nabasa nito ang gagawin niya at alam na nito ang mga galaw niya sa huling round!

IN XHYRO’S STREAM, he couldn’t stop smirking. Ni hindi niya pinansin ang mga komento sa kan’ya at ang biglang pagbawi sa mga nambash sa kaniya na ngayon ay namangha na sa kaniya.

He thought she’d be smart enough to know that he’ll be changing positions. Nagkamali pala siya roon. Masyadong malaki ang tiwala nito sa sarili.

I win, Gen. Ngisi ni Xhyro nang matapos ang laro at nanalo sila. How’s that?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status