Share

CHAPTER 20

Tulad nga ng napagdesisyonan ko ay inuna kong inayos ang gusot sa pamilya ko. Hindi na rin naman ako ginulo ni Mr. Dela Cruz simula nang makalabas ako sa Hospital, marahil ay alam na rin niya ang totoo dahil ang pagkakaalam ko ay nagkausap sila ni papa. Alam din kaya ni Gemar?

Dalawang araw na rin ang lumipas pero hindi ko siya nakakasalubong sa campus. Wala na rin ako nababalitaan sa kanya. Siguro ay sadyang hindi lang binabalita sa akin ng mga kaibigan ko ang alam nila tungkol sa kanya. Kahit pa naman sabihin ko na gusto ko munang bigyan ng oras ang sarili ko ay hindi ko naman maitanggi na na-mi-miss ko siya.

Inaasahan ko nga na pupuntahan niya ako kapag malaman niyang hindi ako ang kapatid niya. Ngunit, kahit anino niya ay hindi ko nasilayan. Alam na nga ba niya o hindi?

“Napag-isipan mo na ba ang pag-transfer mo? Babalik tayo sa Nueva Ecija.”

Naiwaksi ko agad sa aking isipan ang mga what if ko about kay Gemar nang marinig ang boses na iyon ni Mama. Nasa living room kami ngayon at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status