Share

Chapter 4

Penulis: grimmreaper18
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-02 00:02:56

Sa labas ng ospital, nakaparada ang ilang police car, kasama ang iba pang sasakyan na sinakyan ni Mr. Francelia at ng kanyang mga tauhan. Ang mga taong naroon ay nagbubulungan, nagtataka kung ano ang kaguluhang nagaganap.

"May kriminal daw na nakapasok sa gusali," usap-usapan ng ilan. Ngunit walang may alam sa tunay na dahilan ng kaguluhan.

Samantala, si Loid, na katatapos lang makipag-usap sa telepono, ay agad na nagmamadaling umakyat patungo sa itaas. Ngunit bago pa siya makalampas, hinarang siya ng isang pulis.

"Sir, utos po sa amin na huwag munang magpapasok ng sibilyan."

Napabuga ng hangin si Loid at umatras. Sinubukan niyang pindutin ang elevator ngunit naalala niyang inaayos pa rin ito hanggang ngayon. Wala siyang nagawa kundi ilabas ang kanyang cellphone at subukang tawagan si Levim.

Ngunit bago pa masagot ang tawag, natigilan siya nang makita niyang bumababa mula sa hagdanan ang isang grupo ng mga tao.

Si Mr. Francelia. Kasama ang mga pulis at kanyang tauhan.

Pasimpleng tumalikod si Loid, pilit na iniiwasan ang paningin ng matandang tila daig pa ang isang pangulo habang naglalakad palabas, napapalibutan ng kanyang mga armadong alagad.

---

Sa loob ng kwarto ni Levim, paulit-ulit na kumatok ito sa pinto ng banyo.

"Baby? Are you okay?"

May saglit na katahimikan bago dahan-dahang bumukas ang pinto. Pinagmamasdan lamang ito ni Levim na lumabas doon.

Walang sinabi si Sherry. Katahimikan na malamang ay masusundan ng maraming katanungan. Pero hindi iyon ginawa ni Levim. Hinayaan niyang kumalma ang lahat. Pilit sinisilip ang mukha ng nakayukong dalaga sa kanyang harapan.

"Baby? What's happening?" Inabot nito ang kamay ng dalaga. Sa muling pagkakataon, marahan ang paraan ng haplos ni Levim dito. Siya'y naninibago ngunit para sa dalaga ay mukhang kailangan niya pa itong gawin para lang ito'y hindi makaramdam ng kaba.

"Tell me what's bothering you." muling sabi nito't mariing tinitigan ang nagtatago pa ring mukha ng dalaga.

Sa halip na sumagot, niyakap na lang bigla ng dalaga si Levim nang mahigpit.

Tahimik siyang nagpapasalamat sa ginawa nito.

Muling naramdaman ni Levim ang init ng yakap ng dalagang ito. Kahit wala siyang pang-itaas na damit, hindi siya nakakaramdam ng ginaw. Sa halip, tila may kung anong bumalot sa kanya—isang init na hindi niya matukoy.

Maya-maya, narinig niya ang mahina at pigil na hikbi ni Sherry. Mas humigpit ang yakap nito, tila isang batang naligaw sa madilim na gubat at ngayon lamang nakahanap ng tagapagtanggol.

"I missed you so much, baby," mahina nitong bulong. Ngunit sa kanyang puso, ang nais lamang niyang iparating ay ang pasasalamat.

Ramdam ni Levim ang lungkot na bumabalot sa dalaga. Pakiramdam niya, unti-unti siyang may natutuklasang bago rito. At ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang niya ito pinipigilan.

Alam niyang si Sherry ang babaeng hinahanap ni Mr. Francelia kanina.

Sa totoo lang, kaya niyang ibunyag ang pinagtataguan nito. Matatapos na sana ang lahat.

Pero hindi.

Walang pag-aalinlangang sinuway ni Levim ang sarili niyang prinsipyo. Nagsinungaling siya sa isang ka-alyadong angkan—isang desisyong maaaring humantong sa gulo.

Para saan?

Para lang masigurong ligtas ang dalaga mula sa isang mapang-abusong kamag-anak.

Mas humigpit ang yakap niya rito. Hinaplos niya ang buhok nito pababa sa likod.

"Did those men scare you? It's all fine, baby. They're already gone now, kaya pwede ka nang tumigil sa pag-iyak."

Ngunit sa halip na huminahon, mas lalong bumuhos ang luha ni Sherry.

Sa tagal ng panahong siya’y tumatakbo, ngayon lamang niya naramdaman na ligtas siya. At sa unang pagkakataon, may isang taong hinayaang umiyak siya at kumapit nang walang pag-aalinlangan.

Alam niyang panandalian lang ito. Isang saglit na kaginhawaan bago siya muling harapin ang delikadong mundong kanyang tinakasan.

Biglang bumukas ang pinto.

"Levim!"

Marahas ang pagpasok ni Loid sa kwarto.

Hindi ito inintindi ni Levim at hindi rin niya tinangka pang alisin ang yakap ng dalaga.

Napaatras naman si Sherry, gulat sa pagdating ng lalaki.

Matalim ang tingin ni Loid sa kanya.

"What the fuck is she doing here?" bulong nito sa sarili.

"Hey. You don't belong he—"

"Loid."

"Levim?"

"Hindi mo ba siya nakikilala?"

Napakunot ang noo ni Loid.

"What? What do you mean?"

Lumapit si Levim sa dalaga at hinawakan ito sa baywang mula sa likod.

"She's Sherry."

"Sherry who?"

Napatingin siya sa babae.

"She's my fiancée."

Napailing si Loid.

"No, Levim. You don’t have a fiancée."

"Yes, I have."

Matalim ang tingin ni Levim sa kanya, na tila nagbababala.

Napabuntong-hininga si Loid at napatingin kay Sherry.

"Right. She is… Sherry. Your girlfriend."

"Fiancée, Loid."

Halatang inis si Loid nang tumango ito.

"Yeah... Fiancée."

Tahimik na pinagmamasdan ni Sherry ang dalawa. Hindi siya makapaniwalang naniwala si Levim sa kasinungalingan niya.

At kung ganon...

Muling nag-angat ng tingin si Levim sa kanya.

"Hey, baby. Are you staying somewhere else or..."

Napalunok si Sherry.

Paano ba ito?

Hindi niya inasahang maniniwala si Levim sa pakulo niya. Balak lang naman niyang iwan ito pagkaalis ng tiyuhin niya.

Pero kung gagawin niya ‘yon, malamang mahuhuli na siya.

Isang bihirang pagkakataon. Isang alok na hindi niya maaaring tanggihan.

Kaya, sa ngiting may halong katotohanan at kasinungalingan, tumingin siya kay Levim.

"Can I stay with you from now on?"

Hindi niya mapigilang maluha, kaya’t maingat na pinunasan iyon ni Levim gamit ang hinlalaki.

Ngumiti ito.

"Of course... of course you can, baby."

Muli niya itong niyakap—mas mahigpit kaysa kanina.

"Thank you."

Si Loid naman ay nanatiling tahimik, nakatitig sa kanila, lalo na kay Sherry.

---

Samantala, ilang minuto bago nito, sa loob ng ospital...

Mas lalong tumindi ang kaba ni Sherry.

Naririnig niya ang yabag ng mga tauhan ng kanyang tiyuhin sa hagdanan, papalapit sa kinaroroonan niya.

"Mga tanga. Sino’ng nagsabing lumabas sila ng ospital?"

"Huwag mo na lang pansinin," sagot ng isang pamilyar na boses.

Napasinghap si Sherry.

Ang boses na matagal na niyang kinamumuhian.

"Matagal na nating hinahabol ang pamangkin kong ‘yon. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Hindi siya lalabas ng ospital. Maghahanap siya ng matataguan."

Mabilis siyang umatras, tinungo ang pintuang una niyang sinubukang pasukin.

Malalim siyang huminga at marahang tinulak ito.

Pagkapasok niya, agad niyang ini-lock ang pinto.

Ngunit...

"Who are you?"

Mabilis siyang napalingon.

Isang lalaki—walang suot na pang-itaas, kitang-kita ang puti at alaga nitong katawan.

Napalunok siya.

Lagot.

"I said, who are you?"

Napakagat siya sa labi.

"Um… uh…"

Sherry, bilis! Mag-isip ka!

Magsasalita na sana ang lalaki nang bigla siyang yakapin ni Sherry.

"Levim!"

At sa isang iglap, nagbago ang laro.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Our White Little Secrets   Chapter 19

    Sherry's POVNi hindi ko na siya maisipang sagutin pa dahil sa narinig ko. Napahawak ako sa kumot nang marating din ng kamay niya ang mismong parteng hinahanap niya."Levim...?"Sinubukan kong umupo para magsalita. Ngunit sinagot niya naman ito ng halik sa labi ko. Napahiga ako ulit nang hindi niya pinuputol ang halik na 'yon. Marahan ang bawat paggalaw niya, napanganga ako sa sandaling simulan niyang laruin ng daliri ang mismong parte na tinatakpan ng underwear ko.Nakukuryente ako sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi mapakali ang leeg. Naipikit ko ang mga mata sa sarap. Binibilisan niya 'yon hanggang sa maramdaman kong nababasa na ang hita ko. "Levim... Mhh."Gusto ng katawan ko na mag-ingay pero pilit ko itong pinipigilan. Kaya ang resulta, paulit-ulit kong nababanggit ang pangalan niya. Na mas lalo yatang nagpa-engganyo sa loko. Ang halik niya sa leeg ko ay para bang may kasamang pagdila. Malamig na may kasamang init. Para siyang isang aso na malumanay kung kumain ng putahe

  • Our White Little Secrets   Chapter 18

    Sherry's POV"Aray!""Masakit?"Napangiwi akong tumango sa kanya."Ow!""Huwag kang malikot. Hinihilot na nga eh, sige ka, baka mamaga 'to kapag hindi agad naagapan."Marunong ba talaga 'to? Parang pinapalala niya pa yata eh. "Sigurado ka ba talagang kaya mo?"Ngumiti lang siya na inangat ang tingin sa 'kin. "Ano ka ba, wala sa itsura ko pero marunong akong magpagaling ng ganito 'no. Magtiwala ka lang sa 'kin."Hindi ko naman siya mapipigilan sa ginagawa niya kaya tumahimik na lang din ako. Habang pilit inaalis ang atensyon sa sakit, naisip kong ilibot ang mata sa kwarto kung nasaan kami ngayon. Hindi ito malayo sa iniwan naming event kanina. Napakalambot ng kama kung saan ako ngayon nakaupo. Parang ang sarap tumira rito. Ang ganda ng theme ng buong kwarto, parang nasa loob ka lang ng sarili mong bahay. "May sariling kitchen kaya ang kwartong 'to?" Hindi ko na napigilan na mabanggit 'yon."Kwarto 'to ni Boss. At oo. May sariling kitchen nga rito."Naibalik ko sa nakaluhod na si Ellio

  • Our White Little Secrets   Chapter 17

    Sherry's POVUmingay ulit ang bulwagan dahil sa palakpakan na sumunod dito. Ang tugtog ay nagpatuloy habang ipinagpatuloy naman ni Levim ang paglalakad. Wala akong nagawa kundi ang sabayan lang siya rito.Isang matandang lalaki naman ang lumapit at ngiting binati ang kasama ko. "Akala ko talaga hindi na matutuloy ang paghahanap mo ng asawa. But look at you now. I'm so glad you've moved on."Moved on? Matutuloy? Did something happen to Levim in the past about a woman before me? Wait. Bakit ko ba iniisip 'to? Hindi naman kasi malabong may kasintahan na talaga siya dati pa. If so, what happened to her? Paano sila nagkahiwalay?"Sherry?" Napataas naman ang kilay ko nang banggitin nito ang pangalan ko. He looked at me with admiration. "Such a beautiful woman. May I ask which family were you from?""Uh." Hindi ko alam na may ganitong eksena pala rito. Ang sinabi lang kasi sa 'kin ni Levim ay may pupuntahan kami. Wala naman kasi siyang sinabi na ipapakilala niya pala ako sa mga taong 'to nan

  • Our White Little Secrets   Chapter 16

    Sherry's POV Hindi gano'n ka-haba ang naging biyahe namin mula no'n. Pero hindi ko talaga ma-gets kung bakit inaantok ako. Malamig din ang aircon ng kotse kaya hindi naman ako maka-idlip nang tama. Huminga ako nang malalim at hinayaang makapasok ang mas maraming hangin mula sa labas."Nasaan na ba tayo?""Nandito na tayo."Saktong napansin ko rin na dahan-dahang tumigil ang kotse. Tinanggal ko ang seatbelt ko at itinulak ang handle ng pinto. Pero ang weird dahil ayaw matinag. Saka ko lang nalaman na naka-lock pala ito. At sinimangutan ko agad si Elliot na nagbukas ng pintong 'yon mula sa labas.Pero ang loko, parang nanalo sa lotto kung makangiti sa 'kin. "Please, for formality lang naman 'to.""Duda ako sa formality na 'yan.""Hindi ka talaga sanay na may nag-aalaga sa 'yo, ano."Well. Ever since I was little all I heard from my uncle was to live by his terms, and die along with it. Gusto talaga niyang gamitin ang buong buhay ko para lang sa mga pansariling kagustuhan niya.I winced

  • Our White Little Secrets   Chapter 15

    Third Person's POV"Good morning, Sherry!"Nang makapag-ayos ang dalaga nang sarili, ito agad ang bumungad sa harapan niya. She wanted to close the door again pero natawa lang itong pinigilan ni Elliot."Why did you come back?" "You're not happy to see me? Kahit 'good morning' wala ako?"Hinahanap ng dalaga si Levim sa paligid nang makalabas sila sa bahay. Loid was not even around. Which of course, mas magdududa pa nga siya kung magpapakita ito sa kanya nang hindi masamang tititig sa kanya buong oras."Si boss ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Elliot. As soon as they arrived infront of a white car.Tumango si Sherry."Na-miss mo agad eh magkasama lang kayo kagabi."Sinimangutan agad ito ni Sherry. "Siya ang may sabing may lakad kami ngayon kaya nagtataka lang ako." Levim even said to him to meet him downstairs. Pero nakalabas na siya at nakapasok sa kotse walang Levim ang nagpakita.Elliot as the driver, umalis sila ng mansiyon na iyon. Nasa shotgun seat lang si Sherry nang lingunin di

  • Our White Little Secrets   Chapter 14

    Third Person's POVHabang nakahiga sa kama. Hindi maiwasan ni Sherry na ibalik sa isipan ang nangyari kanina. Simply thinking about it could make her scream in embarassment.Hindi niya rin kasi aakalaing sisilip din pala ang lalaking 'to sa kanya nang sandaling 'yon. Kaya't para hindi maging awkward, wala siyang choice kundi ang ayain itong matulog katabi sila. Tutal, kwarto naman talaga ng lalaki ang tinutulugan niya.She wants him to decline that offer. Pero kabigla-biglang hindi naman tumanggi si Levim at ngayo'y nandito nga silang dalawa: magkatabi sa iisang kama. Habang pinapadaan ang lamig ng umaga.Pero hindi talaga makatulog si Sherry. Nakatitig lang siya sa kisame. Ang kadilimang nakikita niya sa itaas ay mas lalong nagpalinaw sa isip niyang makita ang mga bagay sa nakaraan.Gusto niyang sumigaw o lumundag sa hiya. Pero sa kasamaang-palad hindi niya magawa dahil baka magising ang katabi niya. She looked at his sleeping face. Mapayapa ang mukha nito. Naiinggit tuloy siya kung

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status