Share

Chapter 4

Author: Drey_Dream
last update Last Updated: 2025-11-13 03:12:45

Agua’s POV

“Po?” Nahirapan akong intindihin ang sinabi niya. Sa kalakas ng kalabog ng puso ko ‘di ko narinig ang mga binigkas niyang mga salita. At gaya nga ng sinabi niya ‘di siya naguulit ng sasabihin. “Di niya ‘ko sinagot at basta na lamang iniwan.

Wala sa sariling nilagay ko sa labi ang dulo ng basong wala namang laman para sana uminom dahil nauhaw ako bigla na siyang nagpagising sa diwa ko ng mapagtanto ang katangahan ko. Mabilis kong nilingon si Sir upang tingnan kung nakita niya ang kagagahan ko. Mabuti na lamang at hindi ito nakatingin sa ‘kin. Nagtaka lamang ako dahil bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi nito. Tila nagpipigil ng ngiti.

Kay bilis na natapos ang isang araw.

Pagkababa ko ng jeep ay agad kong nakita si Lola nakatayo sa tindahan ni Aling Tina.

“Lola!” Masigla kong tawag sa kanya. Ganito siya lagi, kung sa umaga hinahatid niya ‘ko sa eskinita, sa pag-uwi ko naman ay naghihitay naman siya sa ‘kin. Lumapit ako at nagmano saka humalik sa pisngi nito.

“Mahal–” Napaatras si Victor nang itulak ni Lola ang kanyang mukha ng binalak nitong lumapit sa ‘kin at akmang hahalik rin sa pisngi. “Kalahi niyo ba si Darna, La. Lakas ng niyong manulak, ah!”

Hindi siya pinansin ni Lola. Hinawakan ni Lola ang palapulsuhan ko at giniya na niya ako papasok a looban.

“Kumusta unang araw ng trabaho?”

Agad na tanong ni Lola ng makaupo kami sa hapag kainan. Nakapagluto na siya at pagkadating ko nga ay agad niyang hinanda ang lamesa habang nagbibihis ako ng pambahay.

Masaya kong i-kwenento ni Lola na nagustuhan ni Sir Ian ang luto niyang adobo at binida ko pa ang especialty nitong pinaupong manok. Masaya naman na nakikinig si Lola sa mga kwento ko sa kanyang. Nangigigil din siya ng i-kwenento ko sa kanya ‘yung babaeng nagpanggap na girlfriend ni Sir Ian.

“Tapos yung kapeng tinuro niyo po sa ‘kin, ginawa ko po sa kanya, nagustuhan niya po, Lola!”

“Galing! Tiyak doble bunos mo sa pasko.”

Matapos naming kumain ay sabay na nanood kami ng paborito naming teleserye ni Lola sa TV saka sabay umakyat sa kwarto at natulog. Magkatabi kami ni Lola sa kama. Hindi nakakatulog ang isa kung hindi katabi ang isa.

Kinaumagahan, nagising ulit ako sa lintanya ni Lola. Naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba upang kumain.

“Lola ba’t tatlo baunan ko? At kay laki pa nitong isa?”

“Tinanggal ko ang takip upang makita ang laman ng malaking tupperware. Namilog ang mga mata ko ng makitang pinaupong manok ang laman nito.”

“Wow! Sarap naman ng ulam ko ngayon, tikman ko lang ‘tong hita– Aray!” Mabilis na hinampas ni Lola ang kamay ko.

“‘Di yan sayo, kay Sir mo iyan!”

“Ha? Sa kanya lahat ‘to? Nawawala mo ba siyang apo?”

“Para malaki bunos mo sa pasko,” sagot ni Lola.

“Okay, lang. Basta ganito rin ulam ko,” saad ko.

“Manok din iyang ulam mo, ‘di nga lang nakaupo.”

“Nakatumbling po ba?”

“Lokong-loko kang bata ka. Sige na at baka ma late ka pa.

Nang makarating ng opisina ay agad nagsimula akong magtrabaho kahit may thirty minutes pa bago mag-alas otso. Mabuti na yung handa na ang mga sasabihin ko kay Sir bago pa man siya dumating.

Bago nga mag alas diyes ay dumating si Sir. Agad na sumunod ako sa kanya papasok ng kanyang opisina at dumiretso sa pantry.

“Agua,” nahinto ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

“Yes, Sir?”

“I want my coffee just like the one you made yesterday,” lihim akong napangiti sa narinig.

“Yes, sir.”

Matapos kong ilapag ang kape niya sa kanyang desk ay nagreport na ako agad ng mga urgent matters sa mga emails na nareceive ko ngayong umaga.

Muli kong sinulat ang mga instructions niya saka ko nilisan muli ang kanyang opisina.

Payapa akong nagta-trabaho ni ‘di ko namalayan ang pagdaan ng oras kung hindi pa lumabas si Sir sa lungga niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi niya ‘ko pinansin dahil abala ito sa kanyang cellphone. Nilagpasan niya ‘ko. Bigla kong naalala ang pinaupong manok ni Lola. Baka mag-la-lunch out na si Sir.

“Excuse me, Sir, magla-lunch na po kayo?”

Nahinto si Sir at napalingon sa ‘kin.

“Why?”

“Eh, kasi,” potek, nakaramdam ako ng hiya bigla baka kasi sabihin na apaka FC ko na.

“Faster, gutom na ‘ko–”

“May pinadalang pinaupong manok si Lola. Baka lang kasi gusto niyo p-po,” alok ko sa kanya. Nakita ko ang pagkainteresado sa mga mata niya. Ilang segundong hindi siya nagsalita. Mabilis ko namang kinuha ang pinaglagyan ni Lola ng manok niya. Mainit pa rin ito dahil thermal container ang pinaglagyan. Tinanggal ko ang takip upang makita niya. “Ito po, Sir,” nakita kong napatingin si Sir. Saglit na nag-isip.

“Let’s eat, then,” saad nito. Napangiti ako. Tumunog ang phone niya agad naman niya itong sinagot.

“Sa’n ka na?” ani ng ka video call niya.

“I can't make it; I have urgent matters to do. Next time na lang ako sasama mag-lunch out—”

“Hulaan ko talaba ulam mo–”

“F*ck you, Thirdy!”

Bahagya akong nagulat sa lutong ng mura niya pero napaka-expensive ng pagkakasabi. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at dinala na nga ang mga pagkain sa loob ng opisina niya.

Pagkapasok niya ay nakahanda na ang mesa. Siya na lang ang kulang. Umupo siya sa pwesto niya. Naglagay siya ng kanin sa plato niya. Sumunod ay ang pinaupong manok ni Lola. Hinintay ko talagang matikman niya ito upang makita ang kanyang reaksyon. Napangiti ako ng magustuhan niya ang lasa base sa ekspresyon ng kanyang mukha.

“It’s so good.”

“Sabi ko sayo, eh.”

Muli’y kaming kumain. Napakatahimik naming dalawa tanging ang tunog ng kubyertos at ugong ng aircon ang maririnig.

Kinabukasan ay muling pinadalhan siya ng luto ni Lola. Muli ay nagsabay kaming kumaing dalawa ngunit nanatiling wala kaming imikan.

Isang linggo na ako bilang sekretarya niya at isang linggo na rin kaming nagsasabay na kumaing dalawa.

Sumasagot ako ng emails ng tumunog ang intercom kasunod ang boses ni Sir. “Agua, I’m hungry,” saad nito.

“Coming, Sir,” agad kong tinigil ang pagtatrabaho at kinuha ang dala kong pagkain at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanyang opisina.

Hinanda ko muna ang lamesa bago ko siya tinawag. Tahimik kaming kumakaing dalawa nang magsalita siya.

“How old is your grandma,” nahinto ako sa pagkain at napatingin kay Sir. Lihim akong natuwa dahil kinakausap na niya ako.

“Sixty nine po, Sir–” nahinto ako ng biglang masamid si Sir. Agad na tumayo ako nang sunod-sunod an ang ubo nito upang kumuha ng bottled water. “Tubig po, Sir,” agad niya itong inabot at ininom.

“Thank you,” saad nito matapos uminom ng tubig.

“Okay na po, kayo, Sir?”

Tumango lamang siya.

“She’s quite old, huh,” patuloy nito.

“Oo, pero napakasigla pa rin niya po. Gumigising siya ng maaga para ipaghanda ako ng makakain.”

“You’re lucky to have her.”

“Sobra,” nakangiti kong tugon.

“Tell her, thank you. I really love her cooking.”

“Makakarating po.”

Tumong ang cellphone niya. Tiningnan niya muna ang screen saka niya sinagot.

“Bring it to my office now so I can review and sign it promptly.”

Saad niya sa kabilang linya.

Maya-maya nga’y may narinig kaming kumatok kasunod ang pagbukas ng opisina nito. Sabay na napatingin kami ni Sir sa pumasok na babae. Natigil ito at napatitig sa ‘ming dalawa. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita kami ni Sir, pinaglipat-lipat nito ang tingin sa ‘min.

“Is that it, Sheryl?”

“Y-yes, Sir,” agad na sagot nito.

“Just leave it on my desk.” saad ni Sir saka binalik ang atensyon sa pagkain.

“Okay, Sir,” nilapag nito ang hawak na folder sa ibabang ng lamesa ni Sir. Nang tingnan niya ko muli ay isang mapanghusga na mga titig ang pinukol niya sa ‘kin saka humakbang patungo sa pintuan. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kumain ay niligpit ko muli at hinugasan ang pinagkainan namin ni Sir.

“Agua,” napalingon ako sa kanya ng lumapit siya sa ‘kin sa sink.

“Yes, Sir.”

“Here,” napatingin ako sa puting sobreng nilapag niya sa kitchen counter sa kaliwa ko.

“Ano po ‘yan, Sir?”

“Payment for my food that your lola—”

“Naku, Sir! Wag na po! Ito naman! Hindi iyan tatanggapin ni Lola. Magtatampo iyon,” tanggi ko.

“Then, don’t tell her that I give you money. Take it as my share. Accept it, or else I won't eat anything you bring again.”

Napilitan akong tanggapin ang bigay niya. Sabihin ko na lang kay Lola early bunos ko.

Matapos kong maghugas ay lumabas na ‘ko ng opisina niya. Dumiretso ako sa Ladies comfort room dahil naiihi ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa ‘kin ang dalawang babaeng nag-re-retouch ng kanilang mga make-up sa harap ng malapad na salamin ng banyo. Namukhaan ko ang isa, si Sheryl. Nagkatitigan kami sa repleksyon niya sa salamin. Bahagya ko siyang nginitian ngunit agad napalis ang ngiti sa labi ko ng tinaasan niya ‘kong kilay. Nakita ko kung paano niya ‘ko tingnan mula ulo pababa.

Nag-alis na lamang ako ng tingin at tuluyang pumasok sa loob sa isa sa mga cubicles. Nang makapasok sa loob ay narinig kong nag-usap ang dalawa.

“Siya ba?” Rinig kong tanong ng kasama ni Sheryl.

“Yeah,” tugon naman ni Sheryl.

“Seryoso?”

“‘Di ka makapaniwala? Same!”

Narinig ko ang tawa ng dalawa. Hindi man sila nagbanggit ng pangalan ay alam kong ako ang tinutukoy nila.

“Wala naman sa kalingkingan ni Ma’am Lee,” saad ng isa. Hindi ko kilala kung sino iyong sinasabi nilang Ma’am Lee pero may hint ako na baka ito ang girlfriend ni Sir. Minsan ko na rin kasing narinig si Sir na kausap ito sa phone at nag love you pa nga ito nang mamaalam.

“Baka ginawang bed warmer habang nasa states si girlfriend,” sagot naman ni Sheryl.

“Ew, cheap! Kaya pala nakapasok, pinuhunan ang katawan,” tugon naman ng isa. Nang marinig ko ang iyon ay sumikdo agad ang galit sa puso ko. Nararamdaman ko ang paggapang ng init sa pisngi ko habang nakaupo sa bowl. Humigpit ang hawak ko sa tela ng suot kong skirt. Bumilis ang tibok ng puso ko, nanginginig ang nakakuyom kong mga kamay. Gusto ko man silang sugurin at komprontahin ngunit pinigilan ko ang sarili. Ayokong isugal ang trabaho ko dahil lamang sa mapanghusgang mga tao.

“Hindi lang ako makapaniwala dahil ‘di ba patay na patay si Sir kay Ma’am Lee pero bakit pumatol sa alam mo na,” ani ni Sheryl.

“Baka ginayuma–”

Natigil sila ng lumabas ako ng cubicle. Bahagya ko silang sinulyapan. Nagpatuloy lamang sila sa pagre-retouch ng kanilang mga make up ngunit tahimik na nagtatawanan.

Mabigat ang loob na lumabas ako ng banyo. Nang makaupo pabalik sa pwesto ko’y malaka akong napabuga ng hangin upang mailabas ang bigat sa dibdib ko.

“Wag magpadala, Agua. Ang importante nagtatrabaho ka ng marangal at maayos. Hayaan mo silang mga naninira sa iyo. Normal lang iyan sa trabaho. You won’t expect that everyone will like you. Just focus on your work and on your goals.”

Hindi ko pinansin ang mga panghuhusga nila sa ‘kin at nagpatuloy na nakagawian namin ni Sir.

Sobrang busy ngayong araw dahil sa dami ng mga emails. Marami rin ang pumupunta ng mga staff sa CEO’s office para magpapapirma. Abala ako sa pag-receive ng mga dokyumento na papapirmahan nila kay Sir. Nagsabay-sabay pa nga ang mga ito sa harap ng desk ko.

Muling tumunog ang intercom kasunod ang boses ni Sir.

“Agua, I’m hungry. Feed me now.”

Tila may dumaang anghel at natigil silang lahat. Tumahimik rin. Saka ko lang narealize ang sinabi ni Sir.

“Sana all,” rinig ko pang komento ng isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 22

    Agua’s POV“Akin na,” tumayo siya upang abutin ang tubig na dala ni Kuya Atan.Wala sa sariling dumapo ang tingin ko sa katawan niyang ilang pulgada ang lamang mula sa ‘kin, at bago ko pa mapigilan ang sarili, nagsimula ng maglakbay ang mga mata ko sa kabuuan niya. Kahit balot ng suot niyang damit, hindi nito kayang itago ang perpektong hulma ng matipuno niyang katawan- malapad na mga balikat, matigas na dibdib, at mga bisig na tila kayang pumigil ng mundo kung gugustuhin, mga bisig niya kung saan nakakulong ako kanina sa panaginip ko. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko kung gaano ko kagusto ang makulong sa mga bisig niyang iyon, kung gaano ko kagusto ang init na hatid ng hubad niyang katawan ngunit higit sa lahat, I felt safe and secure in those big arms…Tila ayaw paawat ng mga mata ko sa paglakbay pababa sa katawan niya.Sunod-sunod ang paglunok ko. Pinipilit pakalmahin ang sarili dahil unti-unti kong naramdaman ang pag-u

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 21 (SPG)

    Warning: Bawal pa rin sa mga bata. Wag makulit.Agua’s POVNagising ako sa malakas na pag-uga ng kama. Kasunod ang pagkubabaw ng malaking bulto ng katawan sa 'kin. Hinablot niya ang kumot ko, inalis ito mula sa katawan ko at basta na lamang tinapon sa kung saang parte ng silid.Napasinghap ako ng maramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko at maamoy ang mabangong pagbuga nito. Kay lalim at kay bigat ng bawat paghinga niya, waring hirap siyang supilin ang nararamdaman ngunit ang bawat tunog nito siyang nagpapagulo sa buo kong sistema.Tuluyang nagmulat ako ng mga mata, mariing mga titig niya ang sumalubong sa ‘kin. Wala ni isang salitang lumabas sa mga labi niya ngunit ang mga titig niya’y sapat na upang makuha ko ang nais niya.“I want you.” he breathed under my skin, his bedroom voice sending a thrilling shiver through me as the butterflies in my belly started dancing in chaos.Mabilis ang bawat galaw ng mga kamay niya, yung tipong wala akong karapatang magkaroon ng p

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 20

    Agua's POV“Go on, please,” I even plead.“Are you f*cking drunk?” Muli’y ‘di ko sinagot ang tanong niya tanging pakiusap na magpatuloy siya ang tugon ko dahil iyon ang sinasabi ng katawan ko, tanging yung init niya ang lunas ng nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na lamang ang mahina niyang tapik sa pisngi ko kasunod ang sunod-sunod na pagtawag niya sa pangalan ko. “D*mn! You were drugged!”Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmura. May tinakip siya sa katawan ko. Bumaba siya ng kama. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na lamang ang pag-angat ng katawan ko sa kama. Binuhat niya ko. Humakbang siya. Malakas akong napasinghap ng bigla na lamang niyang nilubog ang katawan ko sa tubig. Naimulat ko ang mga mata ngunit agad rin akong napapikit ng muli’y umikot ang paningin ko.Ang kaninang init na naramdaman ay unti-unting nababalot ng lamig. Pinakiramdam ko ang tubig sa katawan hanggang sa tuluyang nawalan ako ng malay.Ian’s POVWhen I noticed she had lost consciousness, I quickly pulle

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 19 (SPG)

    Agua's POV“Why are you so fond of entertaining men?” mahina lamang ang pagkakasabi n’ya ngunit tila bomba iyon sa pandinig ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay n’yang hawak ko.Nahinto s’ya ng huminto ako. Tinignan n’ya ko.“Hindi ko kasalanan kung sila ang kusang lumalapit sa ‘kin!”“You could just ignore them.”“Bakit ko naman gagawin ‘yun kung mabuti ang pakikitungo nila sa ‘kin. Sayo nga maganda pa rin pakikitungo ko kahit ang sungit-sungit mo!” Pagkasabi’y agad kong binawi ang kamay kong hawak n’ya.Magsasalita pa sana s’ya kaso tinawag na ang pangalan n’ya. Sinubukan n’yang abutin muli ang kamay ko ngunit ‘di na ako pumayaga. Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa ‘kin.“I’m watching you,” pagkasabi’y tumalikod na siya upang sumama sa ribbon cutting. Hindi ko alam kung para saan ang sinabi n’ya, tila isa iyong babala na wag akong gumagawa na ‘di n’ya magugustuhan dahil may parusang kapalit.Nakatayo lamang ako kung saan n’ya ko iniwan habang nakatanaw sa kanya. May mga pagk

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 18

    Agua’s POVEwan ngunit ng marinig ko ang sinabi niya’y agad na bumalik ang mga mata ko sa T-rex n’ya. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng literal na gumising nga ‘yung sinsabi n’yang nahimbing!Sagad na kaya ‘yun? Ako kasi ang natatakot para sa sarili ko dahil mukhang mawawasak na ‘yung boxer shorts n’ya sa laki ng T-rex! Hindi pa ‘ko ready makakita niyon. Sa laki nito mukhang mangangain ng tao!“Agua! What the f*ck are you staring at! Seriously!” Inis na n’yang kuha sa atensyon ko. Nagitla ako sa lakas ng boses n’ya. Agad na inalis ko ang tingin. Nang tingnan ko s’ya ay namumula na ang mukha n’ya, sa inis kaya?“Ay! My Gad!” ‘Yung boses ko halatang pilit ang gulat at parang tangang mabilis kong tinakpan ang mga mata ng mga palad ko kahit na natitigan ko na ‘yong T-rex n’ya kanina pa. Alam ko late reaction na ‘ko pero potek ang awkward lang sa pakiramdam kasi nakita n’ya kong nakatulala habang titig na titig sa Ti–Ti–T-rex–nyawa!“Shorry, Sher– Sorry, Sir!” Sh*t! Bibig ko

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 17

    Agua’s POVMatapos kumain ay inaya nina Mr. Loriego at ang anak nitong si Ma’am Levi si Sir na maglibot-libot na muna sa resort. Nakasunod lamang ako sa likuran nila kasama ang dalawang bodyguards ni Sir.Abala si Sir sa pakikipag-usap sa mag-ama.Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon upang kumuha ng mga litrato. Sayang kung papalagpasin ko pa ang pagkakataong iyon baka kasi ‘di na ako magkakaroon ng tsansa na libutin ang lugar.Sobrang nakakamangha talaga ang lugar, para s’yang postcard na nabuhay— ang malinaw na tubig ng infinity pool ay sumasalamin sa bughaw ng langit, at ang dagat sa ‘di kalayuan ay kasing linaw ng kristal na tiyak na makikita ang mga lumalangoy na isda kapag sisisirin.Ang paligid ay napapaligiran ng luntiang hardin na puno ng mga iba’t-ibang klase na mga bulaklak, they also smell so good, sobrang organic lang. May mga puno ng niyog na s’yang nagbibigay lilim sa mga nakahigang sunbeds na nakadikit sa powdery white sand.Maliban sa mga pinatayong hotel ay may mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status