Share

Chapter 5

Author: Drey_Dream
last update Last Updated: 2025-11-13 21:50:44

Agua’s POV

“Yes, Sir! Coming!” Agad rin siyang nawala sa linya.

Mabilis na tumayo ako at kinuha ang dala kong baon para pananghalian namin ni Sir.

“Ms. Suarez, unahin mo na lang muna ‘tong sa ‘kin–”

“Sa akin rin, Ms. Suarez–”

“Ito nalang sa ‘kin. Kailangan talaga ‘to ng head ko, please–”

“Pwede balik na lang kayo after lunch. Gutom na kasi alaga ko. Of course unahin muna natin ‘yung nagpapasweldo, okay? At isa pa, sa tingin ko may gana pa mag sign ni Sir kung guto?”

“Oo nga, tama naman. Balik na lang tayo after lunch.” Sang-ayon ng isa.

“Oo nga.”

“Sige-sige. Balik na lang ako.”

“Sige. Bye!” Pagkasabi’y nagmamadaling tinungo ko ang pinto ng opisina ni Sir. May narinig akong bulungan ngunit ‘di ko na narinig at maintindihan lalo ang utak ‘koy na kay Sir na.

Pagkapasok ko’y nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nakaupo ito sa kanyang office chair, nakasandal ang likod sa sandalan nito at may video call. Agad siyang nag-alis ng tingin sa ‘kin at muling binalik ang mata sa screen ng kanyang cellphone.

Dumiretso ako sa pantry upang ihanda ang mga pagkaing dala ko ngunit habang inaayos ko ang lamesa’y hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila ng mga kaibigan niya.

“Hindi ka pa rin makakarating? Nagdududa na ‘ko sa ‘yo, Montefalco!”

“Pasensya na marami lang talaga akong kailangan tapusin lalo’t ilang araw rin akong mawawala sa opisina. ‘Yaan n’yo babawi ako pagbalik ko. Sige na, marami pa akong inaasikaso–”

“Babae ‘yan, tiyak! Pustahan!” Singit ng ibang boses.

“Pusta ko Supra ko!” Singit ng isa pa.

“Ako itlog ko, bilyon ‘to ‘di na kayo lugi sa genes nito,” saad ng isa pa. Bahagya akong natawa ngunit agad ring naputol ng mabaling ang tingin sa ‘kin ni Sir.

“Over use naman,” muling natawa ako ngunit palihim na. Napaisip ako ang saya siguro ng barkadahan nila pakiramdam ko nagiging ibang tao si Sir Ian kapag itong mga kaibigan niya ang kasama. Sobrang layo kasi sa nakasanayan kong istrikto at seryoso.

“Gago ka, Uno! Parang ‘di pamilya, ah!”

“Mga gago! I’m too busy to f*ck!” Saad naman ni Sir Ian. Sh*t! Ang expensive talaga pakinggan.

“‘Tol, magkakabarkada na tayo ‘di pa tayo pinanganak. Sa babae lang natin ipagpapalit ang isa’t-isa!”

“Bahala kayo d’yan. Need to go now, bye!” May sinabi pa ang iba ngunit pinatay na kaagad ni Sir Ian ang tawag.

Napapailing na lamang si Sir Ian. Napatingin siya sa gawi ko.

“Kain na po, Sir,” aya ko sa kanya.

Mula sa pagkakasandal ng likod niya sa kanyang office chair ay tumayo siya. Tinanggal na. muna nito ang suot na coat. Nilagay niya ito sa sandalan ng upuan saka siya lumapit.

Nagsimula agad kaming kumaing dalawa ngunit sa kalagitnaan ng pagkain namin bigla na lamang bumukas ang pinto. Sabay na napalingon kami ni Sir sa mga taong magkakaksunod na pumasok.

Napaawang na lamang ang mga labi ko at napatulala sa tindig at gwapo nilang taglay. Walang sinumang mga kauri ko ang hindi mapapahanga at mapapanganga sa kanila.

Totoo kaya silang lahat?

“Sabi ko na!”

"Hayop! Sa wakas!"

“Nice, safe itlog ko!” Hula ko siya si Thirdy. Wala sa itsura pagiging loko-loko nito.

“Why the f*ck are you here?” Sita ni Sir Ian sa kanila ngunit ‘di siya pinansin ng mga ito. Mas lalo akong nagulat ng magkakasunod nila akong nilapitan at isa-isang nagpakilala.

“Uno.”

“Rafa.”

“Uriel.”

“Zap.”

“Thirdy, pinakagwapo,” sinasabi ko na.

“Rain.”

“Dos.”

Pilit na ngumiti ako. Naguguluhan kasi ako kung anong nangyayari. Bakit isa-isa silang nagpapakilala?

"Agua," ani ko.

“Swerte mo, Miss. Sobrang bait n’yan,” saad ni Uno.

"Oo!" Segunda nilang lahat.

“Sa bait n’yan nagdo-donate yan ng dugo kahit ‘di kailangan ng pasyente,” saad ni Uriel.

“Pinapabring home pa,” singit ni Thirdy.

“Powta! Dinuguan!”

“Anong pinagsasabi n’yo!” Singit ni Sir Ian.

“Minsan nga pumunta kami sa isang patay sindi. Nakita niya ‘yung babae walang saplot. Hinubad niya damit niya pinasuot niya sa babae baka raw lamigin,” saad naman ni Rafa.

“Ang bait, talaga,” segunda naman ni Dos.

“Will you please stop that sh*t!” Ngunit tila ‘di nila narinig si Sir Ian.

“Sa bait niya pa kinuha niya yung isda sa aquarium, baka raw malunod,” saad naman ni Thirdy.

Natahimik ang iba nilang mga kaibigan.

“Waley.” Mahinang saad ni Rafa. Bahagya akong natawa.

“Ginawa mo namang bobo, tol,” saad ni Uno.

“Eto! Sa bait niya, nakita niya ‘yung sign board na don’t step on the grass, ayun naglakad gamit kamay,” si Uriel naman.

Nakakatawa sila sobra pero ang mas nakakatawa seryoso ang pagkakasabi nila.

Napaatras silang lahat ng tumayo si Ian.

“Magsilayas nga kayo bago ko kayo ipapakaladkad palabas dito,” kay lakas ng pagkakasabi ni Sir Ian at galit talaga ang boses ngunit ito ang unang beses na ‘di ko maramdaman ang takot lalo na ng mga kaibigan niya.

“Hoy, pangit ng ugali mo,” saad ni Uno.

“Pinapabango nga namin pangalan mo,” saad nman ni Uriel.

“Tinutulungan ka na nga,” saad naman ni Rafa.

“Andito girlfriend mo–”

“Anong girlfriend? She’s, my secretary!” Bulyaw ni Ian sa kanila.

Natigil naman ang mga ito. Pinaglipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Sir Ian.

“Secretary, pero sabay kumain?” Singit ni Dos.

“You never eat with other women, Ian unless she will become your dessert after.”

“Shut the f*ck up, Rain!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 22

    Agua’s POV“Akin na,” tumayo siya upang abutin ang tubig na dala ni Kuya Atan.Wala sa sariling dumapo ang tingin ko sa katawan niyang ilang pulgada ang lamang mula sa ‘kin, at bago ko pa mapigilan ang sarili, nagsimula ng maglakbay ang mga mata ko sa kabuuan niya. Kahit balot ng suot niyang damit, hindi nito kayang itago ang perpektong hulma ng matipuno niyang katawan- malapad na mga balikat, matigas na dibdib, at mga bisig na tila kayang pumigil ng mundo kung gugustuhin, mga bisig niya kung saan nakakulong ako kanina sa panaginip ko. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko kung gaano ko kagusto ang makulong sa mga bisig niyang iyon, kung gaano ko kagusto ang init na hatid ng hubad niyang katawan ngunit higit sa lahat, I felt safe and secure in those big arms…Tila ayaw paawat ng mga mata ko sa paglakbay pababa sa katawan niya.Sunod-sunod ang paglunok ko. Pinipilit pakalmahin ang sarili dahil unti-unti kong naramdaman ang pag-u

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 21 (SPG)

    Warning: Bawal pa rin sa mga bata. Wag makulit.Agua’s POVNagising ako sa malakas na pag-uga ng kama. Kasunod ang pagkubabaw ng malaking bulto ng katawan sa 'kin. Hinablot niya ang kumot ko, inalis ito mula sa katawan ko at basta na lamang tinapon sa kung saang parte ng silid.Napasinghap ako ng maramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko at maamoy ang mabangong pagbuga nito. Kay lalim at kay bigat ng bawat paghinga niya, waring hirap siyang supilin ang nararamdaman ngunit ang bawat tunog nito siyang nagpapagulo sa buo kong sistema.Tuluyang nagmulat ako ng mga mata, mariing mga titig niya ang sumalubong sa ‘kin. Wala ni isang salitang lumabas sa mga labi niya ngunit ang mga titig niya’y sapat na upang makuha ko ang nais niya.“I want you.” he breathed under my skin, his bedroom voice sending a thrilling shiver through me as the butterflies in my belly started dancing in chaos.Mabilis ang bawat galaw ng mga kamay niya, yung tipong wala akong karapatang magkaroon ng p

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 20

    Agua's POV“Go on, please,” I even plead.“Are you f*cking drunk?” Muli’y ‘di ko sinagot ang tanong niya tanging pakiusap na magpatuloy siya ang tugon ko dahil iyon ang sinasabi ng katawan ko, tanging yung init niya ang lunas ng nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko na lamang ang mahina niyang tapik sa pisngi ko kasunod ang sunod-sunod na pagtawag niya sa pangalan ko. “D*mn! You were drugged!”Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagmura. May tinakip siya sa katawan ko. Bumaba siya ng kama. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na lamang ang pag-angat ng katawan ko sa kama. Binuhat niya ko. Humakbang siya. Malakas akong napasinghap ng bigla na lamang niyang nilubog ang katawan ko sa tubig. Naimulat ko ang mga mata ngunit agad rin akong napapikit ng muli’y umikot ang paningin ko.Ang kaninang init na naramdaman ay unti-unting nababalot ng lamig. Pinakiramdam ko ang tubig sa katawan hanggang sa tuluyang nawalan ako ng malay.Ian’s POVWhen I noticed she had lost consciousness, I quickly pulle

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 19 (SPG)

    Agua's POV“Why are you so fond of entertaining men?” mahina lamang ang pagkakasabi n’ya ngunit tila bomba iyon sa pandinig ko. Sinubukan kong bawiin ang kamay n’yang hawak ko.Nahinto s’ya ng huminto ako. Tinignan n’ya ko.“Hindi ko kasalanan kung sila ang kusang lumalapit sa ‘kin!”“You could just ignore them.”“Bakit ko naman gagawin ‘yun kung mabuti ang pakikitungo nila sa ‘kin. Sayo nga maganda pa rin pakikitungo ko kahit ang sungit-sungit mo!” Pagkasabi’y agad kong binawi ang kamay kong hawak n’ya.Magsasalita pa sana s’ya kaso tinawag na ang pangalan n’ya. Sinubukan n’yang abutin muli ang kamay ko ngunit ‘di na ako pumayaga. Isang matalim na tingin ang pinukol niya sa ‘kin.“I’m watching you,” pagkasabi’y tumalikod na siya upang sumama sa ribbon cutting. Hindi ko alam kung para saan ang sinabi n’ya, tila isa iyong babala na wag akong gumagawa na ‘di n’ya magugustuhan dahil may parusang kapalit.Nakatayo lamang ako kung saan n’ya ko iniwan habang nakatanaw sa kanya. May mga pagk

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 18

    Agua’s POVEwan ngunit ng marinig ko ang sinabi niya’y agad na bumalik ang mga mata ko sa T-rex n’ya. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng literal na gumising nga ‘yung sinsabi n’yang nahimbing!Sagad na kaya ‘yun? Ako kasi ang natatakot para sa sarili ko dahil mukhang mawawasak na ‘yung boxer shorts n’ya sa laki ng T-rex! Hindi pa ‘ko ready makakita niyon. Sa laki nito mukhang mangangain ng tao!“Agua! What the f*ck are you staring at! Seriously!” Inis na n’yang kuha sa atensyon ko. Nagitla ako sa lakas ng boses n’ya. Agad na inalis ko ang tingin. Nang tingnan ko s’ya ay namumula na ang mukha n’ya, sa inis kaya?“Ay! My Gad!” ‘Yung boses ko halatang pilit ang gulat at parang tangang mabilis kong tinakpan ang mga mata ng mga palad ko kahit na natitigan ko na ‘yong T-rex n’ya kanina pa. Alam ko late reaction na ‘ko pero potek ang awkward lang sa pakiramdam kasi nakita n’ya kong nakatulala habang titig na titig sa Ti–Ti–T-rex–nyawa!“Shorry, Sher– Sorry, Sir!” Sh*t! Bibig ko

  • Own me harder Mr. CEO   Chapter 17

    Agua’s POVMatapos kumain ay inaya nina Mr. Loriego at ang anak nitong si Ma’am Levi si Sir na maglibot-libot na muna sa resort. Nakasunod lamang ako sa likuran nila kasama ang dalawang bodyguards ni Sir.Abala si Sir sa pakikipag-usap sa mag-ama.Kinuha ko na rin ang pagkakataong iyon upang kumuha ng mga litrato. Sayang kung papalagpasin ko pa ang pagkakataong iyon baka kasi ‘di na ako magkakaroon ng tsansa na libutin ang lugar.Sobrang nakakamangha talaga ang lugar, para s’yang postcard na nabuhay— ang malinaw na tubig ng infinity pool ay sumasalamin sa bughaw ng langit, at ang dagat sa ‘di kalayuan ay kasing linaw ng kristal na tiyak na makikita ang mga lumalangoy na isda kapag sisisirin.Ang paligid ay napapaligiran ng luntiang hardin na puno ng mga iba’t-ibang klase na mga bulaklak, they also smell so good, sobrang organic lang. May mga puno ng niyog na s’yang nagbibigay lilim sa mga nakahigang sunbeds na nakadikit sa powdery white sand.Maliban sa mga pinatayong hotel ay may mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status