Share

Owned By A Mafia Boss
Owned By A Mafia Boss
Author: Amorevolous Encres

Prologue

"Clay, pakidala nga ito sa table 15," kakagaling ko lang sa locker room pero madali kong sinunod ang utos sa akin ni Ate Kris, ang may-ari ng pinagpa-part-time ko ngayon.

Kinuha ko ang tray ng tea at dinala iyon sa table 15. Pagdating ko doon ay isa-isa ko iyong nilagay sa table nila na puro lalaki 'yong umakupa. Nasa pang-huling tea na ako na ilalagay sa table ng biglang hawakan ng lalaki ang kamay ko. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakabawi sa gulat ko.

"Woah, I knew it your hands is very soft." Ewan ko kung komplemento ba iyon ng isang lalaking may piercing sa tenga.

Hinablot sa ang kamay ko mula sa kanya. I bend my head a bit and ready to leave, but before I could do my pace narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"Clay, right? I like you, Clay." Parang nagsitayuan ang balahibo ko sa narinig ko. Ang bulgar ng lalaking iyon.

Ilang beses na akong nakarinig ng ganoong mga linyahan mula sa mga lalaki at isinasantabi ko na lang iyon, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Yes, I do appreciate men beauty pero hindi naman umaabot sa punto na gusto ko na rin silang maging kasintahan o ano.

"Anong klaseng mukha yan, Clay?" Natatawang wika ni Ate Kris pagdating ko sa counter kung saan siya.

"Ate, naiinis ako sa customer ng table 15." Inis na sabi ko sa kanya.

Umiling lang si ate. "Hoy, Clay loyal customer yan dito, pero pansin ko nga ay may ini-s-stalk ang isa sa kanila dito. Akala ko noong una ay si Janice, pero ikaw pala."

Imikot na lang ako sa counter para tulungan si Ate Kris at di nagsalita dahil baka kung saan na iyon umabot.

"Oi, Clay kanina pa nagriring ang phone mo doon sa locker mo." sabi agad sa akin ni Janice pagdating niya. Si Janice ay kagaya ko rin na nagpa-part time dito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, dahil sino naman kaya ang tatawag sa akin?

"Sige, Clay tingnan mo iyon baka importante." ani Ate Kris.

Tumango ako.

Hinubad ko ang suot kong apron at dinala ko iyon papuntang locker room. Kinuha ko kaagad ang bag ko sa loob ng locker ko at kinuha ko ang cellphone ko. Lumaki ang mata ko ng makita kong  may 15 missed calls iyon pero unknown naman ang caller. I decided to call the number dahil hindi ito tatawag ng ganito ka dami kung hindi importante or emergancy. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Hello," usal ko.

"Hi, ito ba si Clayton, ikaw ba yung anak ni Ellen?" Hindi ko mapigilang magtaka dahil alam niya ang pangalan ni mama at alam niya rin ang pangalan ko.

"Oo, ito nga po, bakit po?" Sagot ko.

"Kanina ka pa namin kinu-contact pero di ka sumasagot. Anyway, pumunta ka agad  ngayon sa  LCL Hospital dahil inatake ang nanay mo at nasa emergency room siya ngayon."

Dahil sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang telepono ko. Parang  ayaw magsink sa utak ko ang narinig ko ngayon. Walang sakit ang mama ko, pero bakit nasa emergency room? Bakit inataki si mama?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angela Barcela
ano Kya nangyari
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status