Share

Chapter 3

Clayton Pov

Sabay kaming lumabas sa Lattea ni Jersey pagkatapos kong makapagpaalam kay ate Kris sinabihan ko rin siya na aabsent ako bukas at sa makalawa dahil maghahanap ako ng ibang trabaho. Naintindihan naman ni ate Kris dahil alam niyang kailangan ko ngayon ng pera. Maybe, I look like a greedy person right now, but I don't care, I need money for my mother's operation.

Hindi ko sinabi kay ate Kris ang tunay na dahilan kung bakit ako aabsent dahil alam ko na pipigilan niya ako. Parang tunay na kapatid na ang turing sa akin ni ate Kris dahil ako ang unang trabahante ng shop niya at noong muntik nang malugi ang shop niya ako lang ang naiwan na trabahante dahil 'yong iba lumipat na sa iba at tumigil. Kaya ganun na lamang sa akin si ate Kris.

Ngayon ay nakasakay ako sa kulay pulang second hand na kotse ni Jersey, patungo kami ngayon sa ospital kung saan naka-confine si mama. Gusto niyang dalawin si mama at ako ay magpapaalam naman kay Mama. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa ospital.

"Ma," tawag ko kay mama pagkapasok namin. Mabuti na lang at gising si mama. "Ma, sorry po hindi ako nakapunta dito kagabi nakatulog po kasi ako sa bahay." Sabi ko at lumapit kay mama.

"Ayos lang anak may mga nurse naman na pumunta dito sa akin." Nakangiting sabi ni mama. Nakakalinlang ang ngiti ni mama kung titingnan mo siya ngayon ay parang wala siyang sakit na iniinda. Kung wala lang ang nakasabit sa kanya ngayon ay aakalain mong nakikitulog lang siya dito ngayon.

"Oh, Jason ang ganda-ganda mo na." Puna ni mama nang makita niya si Jersey sa likod ko. Lumapit naman si Jersey kay Mama. Totoong  maganda si Jersey, magandang gwapo. Kahit na bakla si Jersey ay hindi naman siya nagsusuot ng mga pambabaeng damit . Ni hindi nga siya naglalagay ng kahit anong sa mukha. Natural na magandang nilalang lang talaga siya dahil may foreign blood din kasi siya.

"Ano ka ba tita Jersey po hindi na Jason." Nakasimangot na sabi ni Jersey kay mama.

"Hahaha, sige Jersey na." Natatawang saad ni mama.

Bumaling si mama sa akin. "Oh, anak kailan pala ako lalabas dito. Naku ang laki na siguro ng babayaran natin dito. Sabihin mo na sa mga nurse doon na lalabas na ako. Mabuti na naman ang pakiramdam ko." Sabi ni mama.

Malungkot akong ngumiti kay mama. "Ma, kailangan mo pang mag-stay dito at 'wag kang mag-alala sa babayaran gagawa ako ng paraan."

"Clayton, hindi mo man sabihin, sa akin pero alam ko na malaki ang perang babayaran mo dito. Ayaw kong magpagamot kaya lalabas na ako dito." Heto na naman si Mama, matigas talaga ang ulo nito.

"Ma, sasama ako kay Jersey doon sa syudad kung saan siya nagtatrabaho, hahanap ako ng trabaho sa kabilang syudad dahil malaki ang pasahod doon. H'wag kang mag-alala sa babayaran 'ma ako nang bahala doon." ani ko kay Mama at tumingin kay Jersey upang humingi ng tulong.

"O-oo nga tita magpagaling po kayo." Pagsasang-ayon naman ni Jersey sa akin.

Hindi nakinig si Mama kay Jersey. "Wala akong sakit para magpagaling kaya lalabas ako dito, Clay. At papaano ang pag-aaral mo iiwanan mo na naman. Anak pangarap mo ang makatapos ng pag-aaral, diba?"

"'Ma, hindi mo man aminin sa akin, pero alam ko na na may sakit ka." Nagsimula ng mamuo ang luha sa gilid ng mata ko. "Sinabi na sa akin ng doctor 'ma... kaya alam ko na po. Kaya 'wag na po kayong magmatigas. Magtatrabaho para sayo—"

"Ang pag-aaral mo Clayton—"

"MAA!!! Makapaghihintay ang pag-aaral ko, pero ang kalusugan mo hindi na, kaya ipagpapaliban ko muna ang pag-aaral ko." Hindi ko sinasadyang nasigawan si mama kaya bumilog ang mata niyang nakatingin sa akin. Kinuha ko ang kamay ni mama at hinawakan iyon gamit ang dalawang kamay ko at saka kumuhod. "'Ma, wala na nga po akong papa at ayaw ko po na pati kayo ay kunin sa akin. 'Ma, ayaw kong mag-isa ikaw lang ang meron ako kaya po... parang awa niyo na 'ma. Kahit ngayon lang makinig po kayo sa akin." Pagmamakaawa ko kay mama.

"Clay," tawag ni mama sa akin. Iniling ko ang ulo ko sa kanya ayaw ko siyang tingnan. "Clay, malabo ang gusto mong mangyari malaki ang perang kakailanganin natin kung gagawin ko ang gusto mo. Mas gugustuhin ko pa na ipagpa-aral ang perang iyan kung meron man tayo. Pero Clay wala nga tayong pera."

"'Ma, kaya nga magtatrabaho ako." Pagpipilit ko.

"Tumayo ka dyan." Utos niya pero umiling ulit ako sa kanya. "Tumayo ka dyan o gusto mong atakehin ulit ako dito dahil sayo." Pagbabanta sa akin ni Mama kaya labag sa loob akong tumayo at pinahid ang luha sa mga pisngi ko.

"Gagawa po ako ng paraan 'ma. Gagaling ka." Paninigurado ko kay mama.

"Clay, kung ano mang paraan iyang sinasabi mo sana ay hindi illegal 'yan." Tumingin si mama kay Jersey na nasa tabi ko. "Ja—Jersey, bantayan mo ang anak ko. H'wag mong hayaang gumawa ng kung anong ikakapahamak niya si Clay, Jersey." Sabi ni Mama kay Jersey. Napatingin ako kay Jersey na hindi makatingin ngayon ng deritso kay Mama.

Nakita kong gumalaw ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"O-oo naman po t-tita babantayan ko itong kaibigan ko." Tapos ay tumawa siya ng pilit.

"'Ma, aalis po ako, sasama po ako kay Jersey para maghanap ng trabaho." Pagsisinungaling ko kay Mama. Hindi ko intensyong magsinungaling kay Mama pero wala akong choice. White lie won't hurt right?

"Labag sa kalooban ko ang gagawin mo anak dahil ako dapat ang nagtatrabaho hindi 'yong ikaw. Ako dapat ang nagsisikap para sa atin." Lumuluhang saad ni mama. Niyakap ko siya.

"H'wag kang mag-alala 'ma alam ko naman po na gagawin n'yo rin po ang lahat para sa akin at ganun din po ako sa inyo."

"Mag-iingat ka at alagaan mo ang sarili mo." Bilin ni Mama sa akin bago ako pakawalan.

Pagkatapos naming magpaalam ni Jersey kay Mama ay sumakay ulit kami sa kotse niya. Patungo kami ngayon sa condo niya na malapit lang daw sa hotel na pinagtatrabahuan niya. Nakatulog ako sa byahe namin ni Jersey dahil gabi na rin.

Nang makarating kami ay pumasok muna kami ni Jersey sa seven'eleven na nasa tabi lang ng tinutuluyan niya. Hindi na daw kasi siya makakapagluto dahil gabi na kaya bibili na lang daw kami. Gamit ang elevator umakyat kami sa condo unit niya. Sabi niya kanina ay maliit lang ang condo niya na kasya lang daw ang tatlong tao. At totoo ang sinabi niya maliit nga talaga lang ang condo niya. Hindi kagaya ng nasa isip ko na mga condo na malalaki at magarbo.

"Ilagay mo muna ang bag mo dyan sa gilid ng kama Clay para makakain na tayo." Tinuro ni Jersey sa akin kung saan ko dapat ilagay ang bag ko.

Tumango ako sa kanya.

"Clay nakausap ko na pala ang boss ko kanina habang bumabyahe tayo patungo dito." Pagsisimula ni Jersey habang kumakain kami ng binili naming ready to eat na pagkain kanina sa seven'eleven.

"Ohh, tapos." Ani ko habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko.

"Gusto ka daw niyang makausap bukas."

Nabitin sa ere ang kamay ko. Binaba ko ang kamay ko at umayos ng upo.

"Bukas agad?" Tanong ko.

"Oo, iyon ang sabi niya sa akin. Maraming ginagawa ang boss ko Clay kaya siguro niya minamadali."

"Ahm, Jersey may alam ka ba kung ano ang gagawin ko kung sakaling—."

Pinutol ni Jersey ang linya ko. "Clay, sa totoo lang wala akong idea. Ang totoo nga n'yan ay naghahanap lang ang boss ko at narinig ko lang naman ito sa mga kapwa ka-trabaho ko kaya wala akong idea kung ano ba talaga ang ipapagawa sayo. Basta sa narinig ko ay handang gumastos ng kahit magkano ng boss namin basta makahanap lang ng lalaking magtatrabaho para sa kanya personally." Jersey stated. Personally? Anong klaseng personal naman kaya iyan. "Maybe 'yong sinabi ko sayo sa milktea shop kanina or whatever." Nagkibit balikat siya.

Hindi rin pala siya sure kung ano itong papasukan ko.

"Wala pa bang nahahanap ang boss niyo?" Hindi ko mapigilang tanong dahil marami naman pala ang nakakaalam tungkol dito at baka may nahanap na ang boss niya.

"Basi sa narinig ko marami na raw'ng nakausap si boss pero wala ni isa ang nagustuhan niya." Uminom si Jersey ng tubig niya.

"Ibig sabihin ay maaaring hindi rin ako magustuhan ng boss mo?"

Tumango siya sa akin. Yumuko ako na parang lahat ng lakas sa katawan ko ay nawala. Kung marami na siyang nakausap na tao at hindi niya nga nagustuhan. Ano pa kaya ako? Ngayon pa talaga na marami na akong binitawang salita kay mama. Parang lahat ng pag-asa ko ay nawala.

"Don't worry that much Clay. I'm sure kung hindi ka man niya magustuhan ay makakahanap pa tayo ng ibang paraan." Pampalubag sa kaloon na sabi Jersey sa akin.

Hanggang sa humiga kami sa kama ni Jersey ay iyong pag-uusap pa rin namin kanina ang nasa utak ko. Papaano nga kung hindi ako magustuhan ng boss ni Jersey. Ngayon pa na sa tingin ko ay siya na ang solusyon sa problema ko. Tumagilid ako upang tanungin sana si Jersey kung sino ang boss niya ng nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Tumihaya ulit ako at tumingin sa kisame ng condo ni Jersey. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nasanay na akong maaga na gumigising upang magluto. Paggising ko ay tulog pa si Jersey kaya naisipan kong hiramin muna ang maliit niyang kusina para magluto. Naligo muna ako at nagbihis tapos ay nagluto. Tamang-tama naman ang gising ni Jersey dahil tapos na rin akong magluto.

"Hala! Nakaluto ka na?" Bungad niya sa akin.

"Oo, sorry pinakialaman ko ang kusina mo. Nasanay lang kasi ako sa bahay." Kinamot ko ang batok ko.

"Naku ayos lang. Mabuti nga ito matagal na rin kasi akong hindi nakakatikim ng lutong bahay. Maliligo lang ako at sabay na tayong kumain." Sabi niya at kumaripas para maligo.

Madali lang natapos si Jersey sa pagligo niya at pagkatapos ay nagbihis na siya para pumasok sa trabaho niya. Tiningnan ko siya habang sinusuot niya ang kanyang unipormi.

"Oi, Clay magbihis ka na rin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Naku idadaan na lang kita sa restaurant kung saan kayo magkikita ni boss." Sabi niya.

"Ano maaga pala akala ko mamaya pa?" Alam ko naman na ngayon kami magkikita ng boss niya pero hindi ko alam na maaga pala.

"Oo sorry hindi ko pala nabanggit kagabi." Paghingi niya paumanhin.

Tumayo ako at hinalungkat ang bag ko para maghanap ng maaaring isuot ko ngayon. Nang makahanap ako ay ipinakita ko iyon kay Jersey. Isang rugged jeans at black tshirt lang nakita kong maaaring isuot ko. Ito lang ang dala ko maayos-ayos na damit.

"Ayos na yan magbihis ka na." Utos niya sa akin. Kaya nagmamadali akong isuot iyon.

"'Yan isuot mo iyan." Sabi niya sa akin at hinagis ang isang denim na jacket.

Habang nasa byahe kami ni Jersey ay nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ng malamig. Kinakabahan ako ng todo.

"Kaya mo yan." Pampalakas loob ni Jersey sa akin.

Tumingin ako kay Jersey na seryosong nagmamaneho. "Paano kung hindi niya ako magustuhan Jersey siya na lang 'yong naisip ko na makakatulong sa akin... sa amin ni Mama."

"May tiwala ako sayo." Sabi niya at hindi inalis ang mata sa daan.

Kung matatanggap o magustuhan. Hindi ko alam kung anong term ba dapat. Pero pag nangyari na magustuhan o matanggap ako ng boss ni Jersey. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Maaaring magbago ang buhay ko dahil dito.

"Bumaba ka na Clay." Napukaw ako sa pag-iisip dahil kay Jersey.

Tumingin ako sa labas nakita kong tumigil kami sa isang two storey na restaurant. Two storey lang pero kung titingnan mo sa labas ay sumisigaw na ito sa rangya. Sa labas pa lang ng restaurant ay parang sinasabi na na bawal pumasok ang mahihirap dito.

"Dito na." Kumpirma ko.

"Oo, hanggang dito lang ako, Clay. H'wag kang mag-aalala pagpasok mo dyan lalapitan ka ng waiter at dadalhin ka niya sa table n'yo."

Tumango ako kay Jersey. Nang makababa ako ay sumilip ako sa bintana niya. Medyo nagulat pa ako nang binaba niya ang salamin ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko. Walang ano-ano'y pinahiran niya ng kung ano ang labi ko.

"Jason! Anong nilagay mo? Lipstick?" Sa gulat ko ay nasabi ko ang tunay niyang pangalan.

Umismid siya sa akin. "Tse! Jason mo mukha mo. Lip balm lang yan." Akmang buburahin ko nang magsalita ulit siya. "H'wag mong tanggalin. Ang arte, nilagyan lang kita ng konti dahil parang ilog na naubusan ng tubig ang labi mo. Namumutla pa." Puna niya kaya hindi ko na lang tinanggal. Dinampi-dampi niya ang thumb sa labi ko. Parang kinakalat niya ang lip balm na nilagay niya sa labi ko.

"Tama na yan." Sabi ko at kinuha ang kamay niya. Nalalasahan ko na ang cherry sa labi ko.

"Sige lakad na. Ang ganda mo talaga Perkin." Sabi niya kaya inikutan ko siya ng mata bago tumalikod.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status