Tahimik ang hallway ng condominium building nang makarating si Andres. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang hawak sa susi ng kotse habang naglalakad patungo sa unit ni Elizabeth. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo niya dahil sa eskandalong ginawa nito sa party ng kapatid niya. Sa isip niya, hindi na ito dapat pinapalampas. Nang makarating sa pintuan, malakas siyang kumatok. “Elizabeth! Buksan mo ‘to!” mariin at galit ang tono ni Andres. Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang pinto. At nang lumabas si Elizabeth, nakasuot ito ng manipis na robe, halatang bagong galing sa alak at luha ang mga mata. “Andres…” mahina nitong sambit, parang gulat na gulat. Hindi siya nag-aksaya ng oras. Mabilis niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob ng condo. “Ano na naman bang pinaggagawa mo, ha?! Wala kang ibang alam kundi manggulo?! Gender reveal ‘yon, Elizabeth! Hindi ka imbitado pero pinilit mo pa ring sumugod. Sa harap ng mga bisita, nakakahiya ka!” Napahinto si Elizabeth at nap
Masaya pa rin ang paligid ng garden. May music, halakhakan ng mga bisita at patuloy na pagbati mula sa kanila para sa mag-asawa. Si Ysabel ay nakaupo sa isang malambot na upuan habang kinakausap ng ilan niyang kaibigan. Si Leonardo naman ay hindi lumalayo sa kanya, palaging handang tumayo kung may kailangan ang asawa. “Leo, relax ka lang naman,” natatawang bulong ni Ysabel. “Hindi naman ako mapapaano sa pag entertain ng mga guests.” Ngumisi si Leonardo, pero hindi niya binitiwan ang kamay ni Ysabel. “Kahit na. Gusto kong siguraduhin na ligtas ka. Baka mamaya, sobrang mapagod ka dahil sa party. Delikado na.” Sa di kalayuan, abala si Joanna sa pamamahagi ng cupcakes na may blue na icing. Ang mga bisita ay nagtatawanan at nagkukwentuhan, puno ng saya at excitement ang kanilang mga mata. Ngunit sa mismong sandaling iyon, may kumalabog sa malaking gate ng mansion. Isang malakas na kalabog ang kanilang narinig. Napatigil ang lahat. Nagkatinginan ang mga bisita at may ilan pa nga
Nang tuluyang bumaba ang usok mula sa cannon, naglaho ang lahat ng pangamba ni Ysabel. Tumambad ang blue na confetti na sumabog sa hangin, kasabay ng masasayang palakpakan at hiyawan ng mga bisita. “It’s a boy!” halos sabay-sabay na sigaw ng karamihan. Napasinghap si Ysabel, at hindi niya napigilang mapaluha. Hinawakan siya ni Leonardo, mahigpit at puno ng tuwa. Hinaplos nito ang kanyang pisngi bago marahang hinalikan siya sa noo. “Narinig mo ‘yon, Ysabel? Magkakaroon tayo ng isang baby boy.” Natawa si Ysabel sa gitna ng kanyang mga luha. “Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko, Leo. Parang… lahat ng pagod at kaba ko sa pagbubuntis na ito, biglang nawala. It's all worth it.” Mas lalong lumakas ang palakpakan nang magyakapan silang dalawa. Ang ilang bisita ay nagpa- picture, ang iba nama’y sobrang excited at ang ilan pa nagbibiro. “Ako ang panalo sa pustahan! Sabi ko na sa’yo, lalaki ang baby nila Sir Leonardo, e! O, akin na!” sabi ng isang pinagkatiwalaan ni Leonardo
Mainit ang sikat ng araw nang umagang iyon, ngunit malamig at makulay ang loob ng malaking hardin sa Verano mansion. Pinuno ito ng mga lobo at dekorasyong kulay asul at pink, mga bulaklak na maingat na pinili ni Joanna, at isang maliit na mesa ng cupcakes na may halo ring pastel na kulay. Hindi engrande, ngunit elegante. It really feels like it's an event for an intimate family gathering. Nasa gitna ng lahat si Ysabel, nakasuot ng simpleng puting bestida na lalong nagpalitaw sa kanyang pamumukadkad. Kapansin-pansin ang bahagyang pamimilog ng kanyang tiyan, dahilan para maging sentro siya ng lahat ng atensyon. “Grabe, ang ganda mo, Ysabel!” bulalas ng isa niyang kaibigang bisita, sabay tingin kay Leonardo na nakatayo sa tabi ng asawa. “At ikaw naman, Leo, parang bodyguard na naka-full alert! Ang gwapo rin talaga ng isang Leonardo Verano!” Tumawa ang ilan, at hindi rin napigilan ni Leonardo ang nakangiti niyang reaksyon. Hawak niya ang kamay ni Ysabel, hindi halos bumibitaw kahit sag
Kinabukasan, payapa ang umaga sa Verano mansion. Dumampi ang malambot na sikat ng araw sa kurtina, at ang mahinhing hangin ay nagbigay ng banayad na lamig sa kwarto nina Leonardo at Ysabel. Sa harap ng salamin, nakaupo si Ysabel, marahang sinusuklay ang kanyang buhok. Bahagyang namimilog na ang kanyang tiyan at sa bawat haplos niya roon, ramdam niya ang misteryosong galaw ng buhay na nabubuo sa kanya. Pumasok si Leonardo mula sa veranda, dala ang isang tray na may kape para sa kanya at mainit na gatas para kay Ysabel. “Good morning, my love,” bati niya, sabay abot ng baso. Ngumiti si Ysabel at tinanggap iyon. “Good morning din.” Uminom siya ng kaunti, saka marahang inilapag sa mesa ang baso. Saglit silang nanahimik, tila pinakikiramdaman ang isa't isa. Pero sa loob ni Ysabel, may gumugulong tanong. Ilang beses na niya itong naisip kagabi, kaya’t ngayon, hindi na niya napigilan na hindi tanungin ang kanyang asawa. Ibinaling niya ang tingin kay Leonardo, seryoso ang mukha. “Leo…”
Halos madaling-araw na nang tuluyang natahimik ang buong mansion. Ang mga lobo at dekorasyong iniwan nila sa veranda ay nandoon pa, tila ba nakikisabay sa paghinga ng gabi. Sa loob ng kwarto, nakahiga na si Ysabel, nakatalukbong ng kumot habang nakasandal sa malalambot na unan. Pagod siya, pero hindi niya maiwasang mapangiti tuwing naaalala kung gaano ka-excited si Joanna sa paghahanda para sa kanilang baby ni Leonardo. Pumasok si Leonardo, kagagaling lang sa mabilis na trabaho sa opisina. Wala na itong suot na blazer, maluwag na lang ang polo at medyo disheveled ang buhok. Paglapit niya sa kama, tumabi siya kay Ysabel at hinagod ang buhok nito. “Pagod ka ba ngayong araw?” mahina niyang tanong. “Kaunti lang naman,” sagot ni Ysabel, nakapikit pa. “Pero masaya rin ako. Ang dami kong nagawa kanina.” Sandaling natahimik si Leonardo bago muling nagsalita, halos nag-aalangan. “Ysabel, napansin mo ba… parang sobra yata si Joanna kung tumulong sa atin? Parang mas siya pa ang excited kay