Share

Chapter 23

last update Last Updated: 2025-08-16 00:30:04

Tumataas ang tensyon sa media, sa boardroom, at maging sa mga social feeds ng buong bansa. Sa TV, paulit-ulit na iniikot ang mga eksena ng pagpasok ni Ysabel sa Lagrimas Tower ilang araw na nakalipas. Sa Tweet It, trending ang hashtag #YsabelSpeaksOut at #VeranoMoves. Sa Friends, hati ang mga opinyon. May mga humahanga sa tapang niya, at may ilan na sinasabing “ginagamit lang niya ang sitwasyon para sumikat.” Sa Toktok, may mga clips na may caption na “Iconic Walk” at iba naman ay “Gold Digger Alert.”

Alam ni Ysabel ang lahat ng ito. Nabasa niya ang ilan, narinig niya ang bulung-bulungan. Pero sa halip na mabawasan ang kumpiyansa niya, mas lalo siyang tumibay. Hindi na siya ang babaeng madaling yumanig sa opinyon ng iba.

Ngayon, nakatayo siya sa harap ng isang podium sa isang high-profile press conference. Sa kaliwa niya, nakahanay ang mga flag ng kompanya at ng bansa. Sa kanan, nakapwesto ang malalaking LED screen na may logo ng “Verano Group” at “Lagrimas Holdings.” Nasa gitna s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Super supportive tlga c fafa Leonardo ky Ysabel thank you s update author ang ganda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 113

    Hapon na nang dumating si Elizabeth sa mansyon ng mga Verano. Tahimik na nagbabasa si Ysabel ng libro tungkol sa pregnancy tips habang nakahiga sa sofa, at si Leonardo nama’y nasa tabi niya, hawak pa rin ang ultrasound photo ng kanilang anak na para bang hindi siya nagsasawa tignan iyon. “Leo, sabi dito kailangan ko raw maglakad-lakad kahit twenty minutes sa umaga. Maganda raw para sa circulation. Well, ginagawa ko naman na pero mas maglalakad pa ako para kay baby.” Tumango si Leonardo, pero halatang wala sa librong binabasa ang atensyon niya. Nakatitig ito sa tiyan ng asawa. “Kung pwede nga lang, sasamahan kita sa bawat hakbang na mangyayari sa baby natin. Ayokong may mangyaring masama sa inyong dalawa, e.” Napangiti si Ysabel, pero bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto ng sala. Pumasok si Elizabeth, naka-heels at naka-power suit, dala ang isang leather folder. May kumpiyansang ngiti sa kanyang labi, pero sa likod noon ay halata ang layunin. Ang inisin ang mag-asawa. “Well, w

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 112

    Maaga silang gumising kinabukasan para sa nakatakdang check-up ni Ysabel. Isang linggo ring pinaghandaan ni Leonardo ang araw na ito,mula sa schedule ng driver, listahan ng mga dapat dalhin, hanggang sa vitamins na inilagay niya mismo sa bag ni Ysabel. “Leo, sobra ka namang praning,” natatawang sabi ni Ysabel habang inaayos ang buhok sa salamin. “Check-up lang naman ito, hindi naman tayo mag ba-byahe abroad, ah.” Lumapit si Leonardo at marahang inayos ang kwelyo ng suot nitong dress. “Hindi ito basta check-up, Ysabel. Second trimester mo na. At gusto kong siguraduhin na walang kulang, walang aberya, lahat perfect. Okay?” Napailing na lang si Ysabel, pero lihim na natuwa. Kahit nakakabigat minsan ang sobrang pagka-overprotective ng asawa, hindi niya maikakaila kung gaano ito kaalaga sa kanya. Pagdating nila sa clinic, agad silang sinalubong ng nurse at pinaupo sa waiting area. Hindi ganoon karami ang pasyente pero ramdam ang excitement ng mga magulang na naroon. May ilang ina na ha

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 111

    Tahimik ang umagang iyon sa mansion ng mga Verano. Si Ysabel ay nakaupo sa malapad na sofa sa sala, nakapatong ang isang unan sa kanyang tiyan. Habang nilalaro-laro niya ang strap ng kanyang damit, nakatitig lamang siya sa tasa ng tsaa na nasa ibabaw ng mesa. Hindi niya inaasahan na darating ang araw na kailangan niyang makipaghiwalay ng tuluyan sa isang matagal na kaibigan. Dumating si Clarisse, dala ang ngiti na dati’y paborito ni Ysabel, ngunit ngayon ay tila may bigat na sa kanyang puso. Nakasuot ito ng maikling bestida, halatang pinaghandaan ang pagpunta, at agad na lumapit kay Ysabel na parang walang nangyari. “Ysabel!” Masiglang tawag ni Clarisse sabay yakap, ngunit hindi ito sinuklian ni Ysabel. Nanatili lamang siyang nakaupo at bahagyang ngumiti, pilit at malamlam. “Clarisse, salamat at dumaan ka.” Ang tinig ni Ysabel ay mahinahon, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at pagod. Napakunot ng noo si Clarisse, tila nagtataka. “Bakit ganyan ka magsalita? Parang… p

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 110

    Madalas na ang pagpunta ni Clarisse sa mansion. Sa umpisa’y kasama pa niya ang iba nilang kaibigan, pero kalaunan, solo na lang siyang dumadalaw. Palaging may dalang pagkain o kung anu-anong pasalubong para kay Ysabel, pero hindi maikakaila ni Leonardo na tila siya ang tunay na dahilan ng pagbisita ng babae. Isang hapon, habang abala si Ysabel sa pag-aayos ng nursery room, naabutan ni Leonardo si Clarisse sa veranda, nakatayo at tila may hinihintay. “Hi, Leonardo,” malambing na bati ni Clarisse, sabay flip ng buhok. Nakasuot ito ng fitted dress na masyadong maiksi para sa casual na dalaw. “Nagkataon lang na malapit ako dito, so I thought I’d drop by. Baka gusto mong sabayan kita ng kape, you know.” Nag-angat ng kilay si Leonardo, malamig ang titig. “Ysabel’s upstairs. Tatawagin ko siya para sabay na kayo uminom ng kape.” Bahagyang nainis si Clarisse pero ngumiti pa rin. “Ay, hindi na. Busy siya sa taas, sabi ng kasambahay. Eh baka gusto mong may makausap habang wala siya. Pwede na

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 109

    Isang hapon, habang nakaupo si Ysabel sa veranda at nagbabasa ng libro tungkol sa pregnancy, narinig niya ang busina ng isang kotse sa labas ng gate ng mansion. “My love, may bisita ka,” sabi ni Leonardo habang papalapit, hawak ang isang tray ng hiwa-hiwang prutas at fresh juice. Napatingin si Ysabel at agad na ngumiti nang makita ang matalik niyang kaibigan na si Clarisse na bumaba ng kotse, may dalang paper bag na halatang may mga regalo. “Clarisse!” masayang sigaw ni Ysabel, agad na bumangon kahit medyo mabigat ang tiyan. “Dahan-dahan lang,” paalala agad ni Leonardo, mabilis na inalalayan ang asawa. “Huwag kang bigla-bigla, Ysabel.” Napangiti si Clarisse sa eksenang nakita niya. “Wow. Kung makapag-alaga ka naman, parang baby mo na rin si Ysabel, Leonardo,” biro niya habang papasok sa veranda. Nag-blush si Ysabel at napailing. “Ganyan talaga siya, Clarisse. Hindi na ako makagalaw ng maayos sa sobrang pag-aalaga niya sa akin. Teka, nasaan pala si Jo? Hindi ba siya sumama?” “Go

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 108

    Habang nasa sala ng mansion, nakatingin lang si Leonardo kay Marco na tahimik na nakaupo sa gilid. Kita sa mukha ng binata ang pag-aalala kahit pilit nitong tinatago. “Thank you,” malamig pero tapat ang tinig ni Leonardo. “Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari.” Umiling si Marco, seryoso ang mga mata habang nakatingin kay Ysabel na nakasandal pa rin sa balikat ng tiyuhin nito. “Walang anuman, Uncle Leo. Alam mo namang… kahit ano pa ang nangyari, hindi ko hahayaang mapahamak si Ysabel.” Napatingin si Ysabel kay Marco, bahagyang nagulat sa sinabi nito. Gusto niyang magsalita, pero inunahan siya ni Leonardo. “Aalagaan ko siya,” mariing sambit ni Leonardo, malamig ang tono pero ramdam ang tindi ng emosyon. “Hindi ko hahayaan na masaktan ulit si Ysabel. Wala ka nang dapat ipag-alala sa kanya.” Sandaling natahimik ang buong paligid. Tumikhim si Marco, bahagyang ibinaling ang tingin sa sahig bago muling nagsalita. “Alam kong… mahal mo siya. Pero sana, tiyuhin man kit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status