Isang buwan na ang lumipas mula noong gabing unang hinalikan ni Ysabel si Leonardo.
Isang buwan mula noong unti-unting gumuho ang dingding na itinayo niya sa pagitan nila. Isang buwan ng mga gabing hindi laging mainit, pero laging magkatabi. Isang buwan ng mga umagang tahimik ngunit puno ng kabuntot na kilig, at mga hapong may kasamang sulyap at alok ng kape. Wala pang pormal na pag-amin. Walang "mahal kita." Pero sabay na sila kung gumising. May mga daliring magkahawak sa dining table. May mga matang nagkakaintindihan kahit walang salita. At kung may tawag man dito, maaaring hindi pa ito "pag-ibig." Pero tiyak, ito na ang simula noon. Nagising si Ysabel sa liwanag na tumatagos sa mga kurtina. Nakapikit pa ang isang mata habang kinikiskis ang isa. Paglingon niya, wala na si Leonardo sa tabi niya, gaya ng dati. Pero may kapalit. Isang tray ng agahan sMadalas na ang pagpunta ni Clarisse sa mansion. Sa umpisa’y kasama pa niya ang iba nilang kaibigan, pero kalaunan, solo na lang siyang dumadalaw. Palaging may dalang pagkain o kung anu-anong pasalubong para kay Ysabel, pero hindi maikakaila ni Leonardo na tila siya ang tunay na dahilan ng pagbisita ng babae. Isang hapon, habang abala si Ysabel sa pag-aayos ng nursery room, naabutan ni Leonardo si Clarisse sa veranda, nakatayo at tila may hinihintay. “Hi, Leonardo,” malambing na bati ni Clarisse, sabay flip ng buhok. Nakasuot ito ng fitted dress na masyadong maiksi para sa casual na dalaw. “Nagkataon lang na malapit ako dito, so I thought I’d drop by. Baka gusto mong sabayan kita ng kape, you know.” Nag-angat ng kilay si Leonardo, malamig ang titig. “Ysabel’s upstairs. Tatawagin ko siya para sabay na kayo uminom ng kape.” Bahagyang nainis si Clarisse pero ngumiti pa rin. “Ay, hindi na. Busy siya sa taas, sabi ng kasambahay. Eh baka gusto mong may makausap habang wala siya. Pwede na
Isang hapon, habang nakaupo si Ysabel sa veranda at nagbabasa ng libro tungkol sa pregnancy, narinig niya ang busina ng isang kotse sa labas ng gate ng mansion. “My love, may bisita ka,” sabi ni Leonardo habang papalapit, hawak ang isang tray ng hiwa-hiwang prutas at fresh juice. Napatingin si Ysabel at agad na ngumiti nang makita ang matalik niyang kaibigan na si Clarisse na bumaba ng kotse, may dalang paper bag na halatang may mga regalo. “Clarisse!” masayang sigaw ni Ysabel, agad na bumangon kahit medyo mabigat ang tiyan. “Dahan-dahan lang,” paalala agad ni Leonardo, mabilis na inalalayan ang asawa. “Huwag kang bigla-bigla, Ysabel.” Napangiti si Clarisse sa eksenang nakita niya. “Wow. Kung makapag-alaga ka naman, parang baby mo na rin si Ysabel, Leonardo,” biro niya habang papasok sa veranda. Nag-blush si Ysabel at napailing. “Ganyan talaga siya, Clarisse. Hindi na ako makagalaw ng maayos sa sobrang pag-aalaga niya sa akin. Teka, nasaan pala si Jo? Hindi ba siya sumama?” “Go
Habang nasa sala ng mansion, nakatingin lang si Leonardo kay Marco na tahimik na nakaupo sa gilid. Kita sa mukha ng binata ang pag-aalala kahit pilit nitong tinatago. “Thank you,” malamig pero tapat ang tinig ni Leonardo. “Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari.” Umiling si Marco, seryoso ang mga mata habang nakatingin kay Ysabel na nakasandal pa rin sa balikat ng tiyuhin nito. “Walang anuman, Uncle Leo. Alam mo namang… kahit ano pa ang nangyari, hindi ko hahayaang mapahamak si Ysabel.” Napatingin si Ysabel kay Marco, bahagyang nagulat sa sinabi nito. Gusto niyang magsalita, pero inunahan siya ni Leonardo. “Aalagaan ko siya,” mariing sambit ni Leonardo, malamig ang tono pero ramdam ang tindi ng emosyon. “Hindi ko hahayaan na masaktan ulit si Ysabel. Wala ka nang dapat ipag-alala sa kanya.” Sandaling natahimik ang buong paligid. Tumikhim si Marco, bahagyang ibinaling ang tingin sa sahig bago muling nagsalita. “Alam kong… mahal mo siya. Pero sana, tiyuhin man kit
Maliwanag ang umagang iyon sa mansion ng mga Verano. Maaga pa lang ay abala na si Leonardo sa pag-aayos. Suot na nito ang dark navy suit at hawak ang leather briefcase habang iniinspeksyon ang mga papeles na kailangan niya para sa isang biglaang board meeting sa kumpanya. “Ysabel,” tawag niya habang paakyat sa kwarto. “I’ll be out for a few hours. Call me if you need anything, alright?” Nakaupo sa kama si Ysabel, suot ang maluwag na pajama at may hawak na unan sa kandungan. Bahagya siyang ngumiti. “Oo na. Mag-iingat ka. Huwag mong kalimutan kumain.” Ngumiti si Leonardo at lumapit para halikan siya sa noo. “I’ll be back right after the meeting.” Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng kwarto, biglang napangiwi si Ysabel. “Leo…” mahinang tawag nito, kasabay ng paghawak niya sa tiyan. Agad na napalingon si Leonardo, ang noo agad na kumunot nang makita ang namumutlang mukha ng asawa. “Ysabel? What’s wrong?” “Masakit… masakit ang tiyan ko…” bulong nito, nanginginig ang
Tahimik ang umaga sa mansion. Ang tanging ingay na maririnig ay ang mahinang huni ng mga ibon mula sa hardin at ang paglipat ng pahina mula sa librong hawak ni Ysabel. Nasa veranda siya, nakaupo sa recliner chair, at may hawak na makapal na pregnancy guidebook habang sa kabilang kamay naman ay ang tablet na ginagamit niya sa pagre-research. Sa tabi niya, may nakahandang malamig na tubig at bowl ng prutas. “First trimester symptoms…” bulong niya habang binabasa ang naka-highlight na bahagi. “Mood swings, fatigue, morning sickness... Well, check na check ako dito.” Napasapo siya sa tiyan niya, napapangiti habang binubulong, “Hi, baby… behave ka lang ha. I'm just reading para alam ko kung ano ang mga possible na mangyari sa atin.” “Good morning,” basag ng tinig na pamilyar sa kanya. Napalingon si Ysabel at nakita si Leonardo, suot ang simpleng white shirt at pajama pants, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsaa. “Morning,” bati niya, sabay abot sa tasa. “Ang aga mong gising. Ma
Simula nang ipatigil ni Leonardo ang pagpasok ni Ysabel sa opisina, halos araw-araw na lang itong nakakulong sa loob ng mansion. Una, okay lang kay Ysabel. Nakakapagpahinga siya, at mas panatag ang isip niya para sa bata. Pero habang tumatagal, ramdam niya ang pagkabagot. Hindi iyon nakalampas sa mga mata ni Leonardo. “Ysabel,” tawag ni Leonardo nang bumaba siya sa dining area, bitbit ang isang malaking kahon. “Come here. I have something for you.” Napatingin si Ysabel mula sa kanyang tasa ng gatas. “Ano na naman ‘yan?” may halong inis pero kita ang curiousity sa mga mata. Binuksan ni Leonardo ang kahon, at bumungad ang isang set ng watercolor paints at sketchpad. “You said you loved painting when you were younger,” kalmado nitong sabi. “So… we’re painting today.” Natawa si Ysabel, umiling. “Leo, seryoso ka ba? Hindi ako marunong—” “You don’t have to be good,” putol nito, sabay ngiti. “I just want you to enjoy. I’ll join you para mas maging masaya para sa iyo ang activit