Pagbalik namin sa opisina matapos ang lunch meeting, halos gusto ko nang umupo agad at ibagsak ang notebook ko sa mesa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil sa pagod lang, kundi dahil sa mga nangyari kanina.
Under the table, Bash Castillo. Talaga bang ginawa mo ‘yon? At bakit hindi ko tinanggal ang kamay ko? “Miss Velasquez.” Napatingin ako bigla. Nakatayo siya sa harap ng desk ko, nakasuksok ang kamay sa bulsa, at malamig ang ekspresyon. Kung makikita siya ng iba, iisipin nilang pormal lang siya at walang pakialam. Pero sa likod ng tingin niyang ‘yon, alam kong may alam siya na ako lang ang nakakaintindi. “Sir?” “In my office. Now.” Agad akong sumunod, dala ang notebook ko. Pagkapasok ko, isinara niya ang pinto at dumiretso sa upuan niya. Tahimik lang siya habang nagbubukas ng laptop. Ako naman, parang tanga lang na nakatayo roon, naghihintay ng utos. “Sir, do you need me to type something, or—” “Sit.” Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. Maya-maya, nagsalita siya. “You surprised me today.” “Po?” “Hindi lahat ng interns may lakas ng loob magsalita sa investors. Pero ikaw…” ngumisi siya ng konti, ‘yung tipong nakakaloko. “…you held your ground.” “Ginawa ko lang po yung trabaho ko.” “Trabaho?” ngumisi siya, leaning forward. “Sweetheart, you went beyond your job description. Ang interns, usually taga-kopya lang ng files at taga-bili ng kape. Pero ikaw, nakipag-debate sa mga taong twice, thrice your age. That’s bold.” Nag-init ang mukha ko. “Kung may mali po akong nasabi—” “Walang mali.” Pinutol niya agad ako. “Actually, you were right. I just didn’t expect it.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa papuri niya o maiinis kasi halatang hindi siya sanay na may lumalaban sa mundo niya. Tahimik siya ng ilang segundo, tapos biglang bumangon mula sa upuan niya at lumapit sa desk kung saan ako nakaupo. Tumayo siya sa gilid ko, malapit na malapit, hanggang sa halos maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Pero may isa akong hindi maintindihan…” bulong niya, mababa ang tono. “…kung bakit hindi mo tinanggal ang kamay mo kanina.” Napasinghap ako at napatingala sa kanya. “Sir, kayo po ang humawak—” “Yeah,” tumawa siya ng mahina, pero halatang may laman. “And you didn’t pull away.” Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yon. Gusto kong magalit, gusto kong magtanggol sa sarili ko, pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ako umatras. “Sir, please…” mahina kong sabi. “Don’t… don’t make this harder for me.” Saglit siyang tumingin sa akin, tapos napabuntong-hininga at lumayo. Umupo ulit siya sa chair niya, seryoso na ulit ang mukha. “You can go,” sabi niya. “I’ll call you if I need you.” Tumayo ako agad, dala ang notebook ko, at lumabas ng opisina niya. Pagkasara ng pinto, halos malaglag ako sa upuan ko sa labas. Ano bang nangyayari? Bakit parang… hindi lang basta laro sa kanya ito? At bakit ako mismo… parang nahuhulog na rin? Pagkatapos ng hapon, halos gusto ko nang mahulog sa upuan ko sa sobrang pagod. Ang dami niyang pinagawa—emails, filing, phone calls—pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin yung titig ni Bash mula sa loob ng opisina niya. Tuwing dumadaan siya sa harap ko, kahit isang segundo lang, parang lumalakas ang tibok ng puso ko. Nang mag-5:30 na, unti-unting naglabasan ang mga empleyado. Ako, nanatiling nakaupo sa desk ko, sinusubukan pang tapusin ang huling email draft. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla mula sa pintuan ng opisina niya. Napatayo ako agad. “Yes, sir?” “Come inside.” Dahan-dahan akong pumasok, dala ang laptop ko. Nakaupo siya sa desk, medyo nakatanggal ang necktie at nakaluwag ang butones ng polo niya. Mas lalong naging dangerous ang aura niya sa ganitong itsura—relaxed pero nakakaakit. “Done with the reports?” tanong niya. “Yes, sir. I already saved them sa shared folder.” Tumango siya. Tahimik. Tapos tiningnan niya ako ng matagal, parang may binabasa sa mukha ko. “Sir?” “Sit.” Umupo ako sa harap niya, kinakabahan. “Do you regret it?” bigla niyang tanong. Napakunot ang noo ko. “Regret what?” “You know what I’m talking about.” Nanahimik ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Pero sa halip na magsalita, siya mismo ang ngumiti, ‘yung tipong nakakaasar at nakaka-turn on sabay. “You didn’t pull away, Althea.” Nanlaki ang mata ko. “Sir, please… wag niyo pong banggitin ‘yon dito. Office po ito—” “Exactly,” putol niya, leaning forward. “This is my office. My rules. And right now, I want honesty.” Huminga ako ng malalim. “I… I don’t know what to say.” Hindi siya sumagot. Tumayo siya, lumapit sa gilid ko, at bahagyang yumuko. Ang amoy ng kanyang perfume, halong wood at spice, halos magpawala ng ulirat ko. “Don’t think too hard,” bulong niya. “Actions speak louder than words. And yours? Tells me more than enough.” Bago pa ako makasagot, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha at sumagot ng tawag. Sa tono niya, halatang business-related. Habang nagsasalita siya, lumayo siya ng konti, at ako naman ay agad na nakahinga nang maluwag. Sht. Delikado ‘to. Ang bilis kong nadadala.* Pagkatapos ng tawag, lumingon siya ulit sa akin. “You can go home now. Be here early tomorrow.” Tumayo ako agad, halos nagmamadali palabas ng opisina. Pero bago ko tuluyang isinara ang pinto, narinig ko ang mahina niyang bulong. “See you tomorrow… sweetheart.” At doon ko tuluyang naramdaman ang kaba at init na pilit kong tinatago buong araw.Pagbalik namin sa opisina matapos ang lunch meeting, halos gusto ko nang umupo agad at ibagsak ang notebook ko sa mesa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil sa pagod lang, kundi dahil sa mga nangyari kanina.Under the table, Bash Castillo. Talaga bang ginawa mo ‘yon? At bakit hindi ko tinanggal ang kamay ko?“Miss Velasquez.”Napatingin ako bigla. Nakatayo siya sa harap ng desk ko, nakasuksok ang kamay sa bulsa, at malamig ang ekspresyon. Kung makikita siya ng iba, iisipin nilang pormal lang siya at walang pakialam. Pero sa likod ng tingin niyang ‘yon, alam kong may alam siya na ako lang ang nakakaintindi.“Sir?”“In my office. Now.”Agad akong sumunod, dala ang notebook ko. Pagkapasok ko, isinara niya ang pinto at dumiretso sa upuan niya. Tahimik lang siya habang nagbubukas ng laptop. Ako naman, parang tanga lang na nakatayo roon, naghihintay ng utos.“Sir, do you need me to type something, or—”“Sit.”Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero ramdam kong
Ang bilis ng araw. Akala ko makakahinga ako matapos ang meeting, pero mukhang kabaligtaran ang nangyayari. Halos hindi ako pinapahinga ni Sebastian Castillo. Kung hindi schedules ang pinapagawa niya, reports naman. Kung hindi reports, errands. Para akong personal assistant, hindi intern.Pero kahit nakakapagod, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayokong isipin niyang isa lang akong batang walang alam.“Miss Velasquez,” tawag niya habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa opisina niya, nakasandal at hawak ang cellphone. “Come inside.”Dali-dali akong pumasok, dala ang kopya ng notes na inayos ko mula sa meeting. “Sir, here’s the summary you asked for.”Kinuha niya iyon, mabilis na binuklat, tapos bahagyang ngumisi. “Not bad… for an intern.”Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o insulto, kaya ngumiti na lang ako ng pilit.Pero bago pa ako makaalis, bigla siyang nagsalita. “I have another task for you. Let’s see if you can handle it.”“Anong task po, sir?”Tumayo siya mula sa swive
Unang araw ko bilang intern, pero imbes na ma-excite ako, pakiramdam ko para akong sasabak sa giyera. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin ang isang Sebastian Castillo—CEO, playboy, at… the same man na nakasama ko kagabi.Pumasok ako sa opisina nang maaga, dala ang ID at maliit na notebook. Nakasuot ako ng simpleng white blouse at black slacks, pero kahit simple lang, ramdam kong natataranta ang sarili ko. Kalmado lang, Althea. Intern ka dito. Professional dapat.Pagdating ko sa floor ng mga executives, halos bumagsak ang panga ko. Ang hallway ay sobrang linis, puro salamin at ilaw na puti, parang hotel. Ang mga empleyado, lahat pormal at seryoso, parang walang oras para ngumiti.“Miss Velasquez?” tawag ng isang sekretarya na naka-glasses. “The CEO is waiting inside.”Napalunok ako. CEO agad? Wala man lang orientation sa department?Binuksan niya ang pinto, at doon ko siya nakita—nakaupo sa leather chair, nakasandal at nakakunot ang noo habang nagbabasa ng dokumento. Nakasuot si
Masakit ang ulo ko. Para bang may nagmamartilyo sa loob ng utak ko habang pilit kong iminumulat ang mga mata ko.Napangiwi ako nang maramdaman kong may braso na nakapulupot sa bewang ko. Mainit, mabigat, at hindi pamilyar. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.Oh, God.Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking katabi ko. Nakahubad ang pang-itaas, mahimbing ang tulog, at halos kasing lapad ng kama ang balikat niya. Kahit nakarelax, makikita mo agad sa panga at ilong niya na hindi ordinaryong lalaki ang natutulog sa tabi ko.Ang estrangherong hinalikan ko sa bar.Ang estrangherong dinala ako dito.Ang estrangherong naka—Napapikit ako at napakagat-labi, halos hindi makapaniwala na nagawa ko ‘yun. Ako, si Althea Velasquez, na ilang taon kong iniingatan ang sarili ko para sa “tamang tao.” At kagabi… sa isang estranghero lang ako bumigay.“Good morning.”Halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita. Nakaawang pa ang isang mata niya, pero may ngisi na agad sa labi.“W-what time is it?” na
“Cheers to freedom!” sigaw ni Lianne habang itinaas ang shot glass.Sabay-sabay kaming nag-click ng baso, tapos ininom ko na rin ang laman. Ramdam ko ang hapdi ng alak na dumaloy sa lalamunan ko, pero mas masakit pa rin ang bigat sa dibdib ko.Two days ago, nahuli ko ang boyfriend kong si Nathan—kasama ang Ang babaeng kinaiinisan ko pa noong first day of class sa college. Magkahawak kamay, magkaakbay, at parang ako pa ang hindi karapat-dapat. Tangina.“Kalimutan mo na siya, Thea,” bulong ni Kaira habang hinihila ako papunta sa dancefloor. “He’s not worth your tears. Tonight, you’re free.”Huminga ako nang malalim. Tama sila. Wala na rin namang silbi kung iiyakan ko pa si Nathan. Kaya kahit medyo hilo na ako, sumabay ako sa tugtog at hinayaan ang sarili kong dalhin ng beat.Pero hindi ko inasahan na sa dami ng tao sa bar, may isang pares ng mata na titigil sa akin.Naramdaman ko agad ang titig niya. Sharp, intense, na parang kahit saan ako gumalaw ay sinusundan niya ako. Nang tumingin