Ang bilis ng araw. Akala ko makakahinga ako matapos ang meeting, pero mukhang kabaligtaran ang nangyayari. Halos hindi ako pinapahinga ni Sebastian Castillo. Kung hindi schedules ang pinapagawa niya, reports naman. Kung hindi reports, errands. Para akong personal assistant, hindi intern.
Pero kahit nakakapagod, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayokong isipin niyang isa lang akong batang walang alam. “Miss Velasquez,” tawag niya habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa opisina niya, nakasandal at hawak ang cellphone. “Come inside.” Dali-dali akong pumasok, dala ang kopya ng notes na inayos ko mula sa meeting. “Sir, here’s the summary you asked for.” Kinuha niya iyon, mabilis na binuklat, tapos bahagyang ngumisi. “Not bad… for an intern.” Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o insulto, kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Pero bago pa ako makaalis, bigla siyang nagsalita. “I have another task for you. Let’s see if you can handle it.” “Anong task po, sir?” Tumayo siya mula sa swivel chair niya, lumapit, at tinuro ang table kung saan nakalatag ang ilang contracts at business proposals. “I want you to brief me on these before lunch. Summarize everything. The pros, the cons, and which deal is worth signing.” Halos nanlaki ang mata ko. “Sir… two hours na lang bago mag-lunch. At ang kapal po nito.” “Exactly.” Nag-cross arms siya at tinitigan ako. “You said you’ll do your best, right? Prove it.” Gusto kong kumontra, pero naunahan ako ng determinasyon. Kinuha ko ang mga papeles at bumalik sa desk ko. Kaya ko ‘to. Hindi ako pwedeng sumuko. Kung challenge ang gusto niya, challenge ang ibibigay ko. Dalawang oras akong halos hindi gumalaw. Basa, sulat, highlight, tapos basa ulit. Ilang beses kong kinagat ang ballpen sa frustration, pero pilit kong tinapos. Pagdating ng 11:55, tumayo ako dala ang mga notes ko at pumasok muli sa opisina niya. Nandoon siya, nakaupo at tila walang pakialam habang nagbabasa ng isang luxury magazine. “Sir,” sabi ko, habol hininga. “I’m ready.” Nag-angat siya ng tingin, parang nagulat na seryoso talaga ako. “Oh? Go on then.” Isa-isa kong ipinaliwanag ang mga contracts. Inilatag ko ang strengths and weaknesses, pati ang possible risks kung pipirmahan niya agad. Habang nagsasalita ako, napansin kong hindi siya tumitingin sa papeles kundi sa akin lang. Para bang sinusuri niya kung matatakot ba ako o magpapatuloy. At hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makita akong manghina. Pagkatapos ng halos fifteen minutes na briefing, tumigil ako. “That’s all, sir. Based on my review, proposal number three has the most potential but needs renegotiation on the timeline. The others are either too risky or overpriced.” Tahimik lang siya ng ilang segundo, tapos bigla siyang tumawa. Hindi malakas, pero sapat para magbigay ng kilabot at kilig sa loob ko. “Impressive,” sabi niya, leaning back sa chair. “Hindi ko in-expect na matatapos mo ‘yan.” “Sinabi ko naman po sa inyo, sir. I’ll do my best.” Lumapit siya ng bahagya, nakaluhod ang siko sa desk at diretso ang tingin sa akin. “Careful, Miss Velasquez. Kung patuloy kang magpapakita ng ganyang tapang, baka lalo akong ma-curious sa’yo.” Napalunok ako, hindi alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Pero bago pa ako makapagsalita, dumating si Dylan. “Bro, lunch meeting na tayo with the investors,” sabi niya, pasilip sa pintuan. Tumango si Bash, pero bago siya tumayo, lumingon ulit siya sa akin. “You’re coming.” “P-po?” halos mapasigaw ako. “You handled the papers. You’ll join the meeting. Consider it part of your training.” At habang naglalakad ako kasunod niya, napaisip ako. Hindi ko alam kung sinusubok niya lang ako… o gusto lang niya akong ilagay sa sitwasyong hindi ko makakalimutan. Pero isang bagay ang sigurado: sa larong ito, hindi ako pwedeng maging mahina Pagdating namin sa five-star hotel restaurant, halos mahulog ang panga ko sa ambiance. Puro businessmen at investors na nakasuot ng mamahaling suit. Elegant, intimidating, at halatang sanay sa ganitong klaseng kapaligiran. Kasama ko si Bash at si Dylan, pero pakiramdam ko invisible ako. Intern lang, naka-black slacks at simpleng blouse, habang sila parang mga modelo ng luxury magazine. Paglapit namin sa reserved table, agad nagtayuan ang mga investors. “Mr. Castillo,” bati ng isang matanda, sabay abot ng kamay kay Bash. “Pleasure to see you again.” “Likewise,” sagot niya na parang walang effort, pero puno ng authority. Umupo kami. Ako, tahimik lang sa gilid, hawak ang maliit kong notebook. Pero bago pa magsimula ang usapan, naramdaman ko ang tuhod ni Bash na dumikit sa tuhod ko. Napakagat ako ng labi at halos mapatingin agad sa kanya. Pero kalmado lang siya, nakikipag-shake hands sa mga nasa table. Para bang wala siyang ginagawa. Sebastian Castillo, anong trip mo? Habang tumatagal ang meeting, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Ang daming terms, ang daming figures. Nag-raise ng concern ang isang investor tungkol sa feasibility ng isang project, at bigla akong tinapik ni Bash sa ilalim ng mesa. Bahagya akong napatingin sa kanya. Walang salita, pero ramdam kong gusto niyang magsalita ako. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla, kalmado pero may ngiti sa labi. “You reviewed the contracts this morning, didn’t you? Why don’t you share your thoughts?” Nanlamig ang kamay ko. Lahat ng mata nasa akin ngayon. Mga taong milyon-milyon ang hawak, at ako lang ang simpleng intern. Huminga ako ng malalim. “Base po sa review ko, proposal number three is the most realistic in terms of timeline and budget. But I’d recommend renegotiating the manpower clause, kasi masyadong tight at baka mag-cause ng burnout sa employees. The others look good on paper, pero risky sa long term.” Tahimik. Ilang segundo lang, pero parang isang oras sa pakiramdam ko. Tapos, biglang natawa ang isa sa mga investors. “Not bad, Mr. Castillo. Even your intern thinks like a consultant.” Nakita kong ngumiti si Bash, pero hindi siya sumagot. Sa halip, bahagya niyang pinisil ang kamay ko—oo, hawak na niya pala ang kamay ko sa ilalim ng mesa at hindi ko namalayan kung kailan niya kinuha. Halos mabitawan ko ang ballpen ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakatitig siya sa akin, walang ibang nakakaalam sa ginagawa niya kundi kami lang. At sa mga mata niya, may halong amusement at admiration. Pagkatapos ng meeting, habang palabas kami ng restaurant, biglang bumulong si Dylan sa akin. “Impressive, intern. Hindi lahat nakakakuha ng ganyang compliment from investors.” “Thank you po,” nahihiya kong sagot. Pero si Bash, walang sinabi. Tahimik lang siyang naglakad. Nang makalayo kami, saka siya yumuko at bulong na halos ikabagsak ng tuhod ko: “Sweetheart… careful. Baka masanay ako sa galing mo. At masanay din ako sa init ng kamay mo sa ilalim ng mesa.” Nanlaki ang mata ko at napaatras ng konti. “Sir, kayo po ang humawak—” Ngumisi lang siya, ‘yung tipong alam mong sinasadya niyang asarin ako. “Doesn’t matter. You didn’t pull away.” At doon ko naisip… mas delikado pala siya sa akala ko. Hindi lang sa business world, kundi lalo na sa personal na mundo ko.Pagbalik namin sa opisina matapos ang lunch meeting, halos gusto ko nang umupo agad at ibagsak ang notebook ko sa mesa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil sa pagod lang, kundi dahil sa mga nangyari kanina.Under the table, Bash Castillo. Talaga bang ginawa mo ‘yon? At bakit hindi ko tinanggal ang kamay ko?“Miss Velasquez.”Napatingin ako bigla. Nakatayo siya sa harap ng desk ko, nakasuksok ang kamay sa bulsa, at malamig ang ekspresyon. Kung makikita siya ng iba, iisipin nilang pormal lang siya at walang pakialam. Pero sa likod ng tingin niyang ‘yon, alam kong may alam siya na ako lang ang nakakaintindi.“Sir?”“In my office. Now.”Agad akong sumunod, dala ang notebook ko. Pagkapasok ko, isinara niya ang pinto at dumiretso sa upuan niya. Tahimik lang siya habang nagbubukas ng laptop. Ako naman, parang tanga lang na nakatayo roon, naghihintay ng utos.“Sir, do you need me to type something, or—”“Sit.”Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero ramdam kong
Ang bilis ng araw. Akala ko makakahinga ako matapos ang meeting, pero mukhang kabaligtaran ang nangyayari. Halos hindi ako pinapahinga ni Sebastian Castillo. Kung hindi schedules ang pinapagawa niya, reports naman. Kung hindi reports, errands. Para akong personal assistant, hindi intern.Pero kahit nakakapagod, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayokong isipin niyang isa lang akong batang walang alam.“Miss Velasquez,” tawag niya habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa opisina niya, nakasandal at hawak ang cellphone. “Come inside.”Dali-dali akong pumasok, dala ang kopya ng notes na inayos ko mula sa meeting. “Sir, here’s the summary you asked for.”Kinuha niya iyon, mabilis na binuklat, tapos bahagyang ngumisi. “Not bad… for an intern.”Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o insulto, kaya ngumiti na lang ako ng pilit.Pero bago pa ako makaalis, bigla siyang nagsalita. “I have another task for you. Let’s see if you can handle it.”“Anong task po, sir?”Tumayo siya mula sa swive
Unang araw ko bilang intern, pero imbes na ma-excite ako, pakiramdam ko para akong sasabak sa giyera. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin ang isang Sebastian Castillo—CEO, playboy, at… the same man na nakasama ko kagabi.Pumasok ako sa opisina nang maaga, dala ang ID at maliit na notebook. Nakasuot ako ng simpleng white blouse at black slacks, pero kahit simple lang, ramdam kong natataranta ang sarili ko. Kalmado lang, Althea. Intern ka dito. Professional dapat.Pagdating ko sa floor ng mga executives, halos bumagsak ang panga ko. Ang hallway ay sobrang linis, puro salamin at ilaw na puti, parang hotel. Ang mga empleyado, lahat pormal at seryoso, parang walang oras para ngumiti.“Miss Velasquez?” tawag ng isang sekretarya na naka-glasses. “The CEO is waiting inside.”Napalunok ako. CEO agad? Wala man lang orientation sa department?Binuksan niya ang pinto, at doon ko siya nakita—nakaupo sa leather chair, nakasandal at nakakunot ang noo habang nagbabasa ng dokumento. Nakasuot si
Masakit ang ulo ko. Para bang may nagmamartilyo sa loob ng utak ko habang pilit kong iminumulat ang mga mata ko.Napangiwi ako nang maramdaman kong may braso na nakapulupot sa bewang ko. Mainit, mabigat, at hindi pamilyar. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.Oh, God.Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking katabi ko. Nakahubad ang pang-itaas, mahimbing ang tulog, at halos kasing lapad ng kama ang balikat niya. Kahit nakarelax, makikita mo agad sa panga at ilong niya na hindi ordinaryong lalaki ang natutulog sa tabi ko.Ang estrangherong hinalikan ko sa bar.Ang estrangherong dinala ako dito.Ang estrangherong naka—Napapikit ako at napakagat-labi, halos hindi makapaniwala na nagawa ko ‘yun. Ako, si Althea Velasquez, na ilang taon kong iniingatan ang sarili ko para sa “tamang tao.” At kagabi… sa isang estranghero lang ako bumigay.“Good morning.”Halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita. Nakaawang pa ang isang mata niya, pero may ngisi na agad sa labi.“W-what time is it?” na
“Cheers to freedom!” sigaw ni Lianne habang itinaas ang shot glass.Sabay-sabay kaming nag-click ng baso, tapos ininom ko na rin ang laman. Ramdam ko ang hapdi ng alak na dumaloy sa lalamunan ko, pero mas masakit pa rin ang bigat sa dibdib ko.Two days ago, nahuli ko ang boyfriend kong si Nathan—kasama ang Ang babaeng kinaiinisan ko pa noong first day of class sa college. Magkahawak kamay, magkaakbay, at parang ako pa ang hindi karapat-dapat. Tangina.“Kalimutan mo na siya, Thea,” bulong ni Kaira habang hinihila ako papunta sa dancefloor. “He’s not worth your tears. Tonight, you’re free.”Huminga ako nang malalim. Tama sila. Wala na rin namang silbi kung iiyakan ko pa si Nathan. Kaya kahit medyo hilo na ako, sumabay ako sa tugtog at hinayaan ang sarili kong dalhin ng beat.Pero hindi ko inasahan na sa dami ng tao sa bar, may isang pares ng mata na titigil sa akin.Naramdaman ko agad ang titig niya. Sharp, intense, na parang kahit saan ako gumalaw ay sinusundan niya ako. Nang tumingin