LOGINUnang linggo pa lang ng internship ko, agad akong pinatawag ng HR para ipaalam na required daw kami sa isang corporate gala ng kumpanya. Formal event daw ito kung saan magsasama-sama ang investors, partners, at executives ng Castillo Enterprises.
Great. As if sapat na yung pressure na araw-araw kong kaharap si Sebastian, ngayon kailangan ko pang sumama sa high-class event na ‘to. Kinabukasan, nakatayo ako sa harap ng salamin habang inaayos ang sarili ko. Pinilit kong maging presentable kahit borrowed lang ang dress na suot ko. Hindi naman ako sanay sa mga ganitong party, pero kailangan kong magpaka-professional. Pagdating ko sa venue, halos mahulog ang panga ko. Hotel ballroom ito na puno ng chandelier, malalaking round tables, at mga taong naka-gown at tuxedo. Sa gitna ng lahat, siyempre, naroon siya—Sebastian Castillo—naka-itim na suit, walang tie, at bukas pa rin ang unang dalawang butones ng polo niya sa loob. Kahit sa dami ng taong naroon, siya agad ang napansin ko. At parang sinadya, agad din siyang lumingon sa direksyon ko. May bahagyang ngisi sa labi niya, ‘yung tipong nanunukso. Lumapit siya sa akin, walang pakialam kahit maraming nakatingin. “You clean up well,” sabi niya, sabay dahan-dahang sinipat mula ulo hanggang paa ang suot ko. “But you’d look better on my arm.” Namula ako at agad kong iniwas ang tingin. “Sir, please. Nasa public place tayo.” “I know,” bulong niya, bahagyang nakalapit ang labi sa tenga ko. “That’s the fun part.” Bago pa ako makapagsalita, biglang may tumawag sa kanya. “Sebastian!” Napalingon ako at nanlamig ang katawan ko. Si Nathan. Kasama si Ellen, naka-gown na kulay pula at sobrang classy. Pareho silang lumapit, at halata agad ang tingin ni Ellen mula ulo hanggang paa ko—parang hinuhusgahan ako sa mismong kinatatayuan ko. “Long time no see,” sabi ni Nathan kay Sebastian, pero mabilis din niyang napansin ako. Nanlaki ang mata niya. “A-Althea?” Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Nagtaas ng kilay si Sebastian at agad na sumingit. “She’s with me,” madiin niyang sagot, sabay hawak sa bewang ko. Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya, nanunukso lang, o talagang pinoprotektahan ako. Pero sa titig ni Nathan, halata ang gulat at halong pagsisisi. At sa ngisi ni Ellen, halatang may panibagong laro na magsisimula. “Shall we?” tanong ni Sebastian kay Nathan, sabay turo sa malapit na mesa na naka-reserve para sa kanila. Gusto ko sanang tumanggi pero bago pa ako makagalaw, hawak na niya ang kamay ko at inakay ako papunta. God, bakit ba parang palagi na lang akong nadadala sa mga utos niya? Pagkaupo namin, nasa kanan ko si Sebastian. Sa tapat namin, si Nathan at si Ellen—na para bang ini-scan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti, ‘yung tipong may kasamang pang-iinsulto. “So, Althea…” panimula niya, sabay lagay ng wine glass sa harap niya. “Intern ka pala ngayon dito sa Castillo Enterprises. I didn’t know you were interested in the corporate world.” Napakagat ako ng labi. “OJT requirement lang sa school,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko. “Hmm,” tumango siya, pero halatang may sarcasm. “Well, I hope you’ll be fine. The corporate world can be… overwhelming.” Bago pa ako makasagot, nagsalita si Sebastian. “She’ll survive. She’s smarter than most people in this room.” Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya. Pero hindi siya tumingin pabalik—nakangiti lang siya kay Ellen, diretso ang tono, parang walang pakialam sa mga nakapaligid. Tahimik ang mesa habang nagsimulang magsilbi ng pagkain. Ramdam ko ang tensyon, lalo na nang maramdaman kong dumikit ang kamay ni Sebastian sa hita ko sa ilalim ng mesa. Oh my god. Pinilit kong hindi magpakita ng reaksyon. Pero lalo niyang diniin ang palad niya, marahang hinihimas ang hita ko na para bang sinasadya niyang guluhin ang composure ko. “Althea,” biglang tawag ni Nathan, kaya napatingin ako agad sa kanya. “I heard you’re still single.” Nag-init ang pisngi ko. “That’s… none of your business.” “Oh, come on. We used to—” “Careful, Nathan.” Putol ni Sebastian, malamig ang tono pero matalim. “The past has no place here.” Nagkatinginan silang dalawa, parang may silent war na nagaganap. Ako naman, halos hindi makagalaw sa kinauupuan ko kasi naroon pa rin ang kamay ni Sebastian sa hita ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng kontrol, marahan ko siyang kinurot sa tagiliran. Bahagya siyang napangiti, pero hindi inalis ang kamay niya. Sa halip, bumulong siya malapit sa tenga ko habang abala sina Nathan at Ellen sa pagkukunwaring small talk. “Relax, sweetheart. You’re trembling.” Paano ba ako hindi mangangatog kung ganyan ka? Nang matapos ang dinner, nagsimula nang maglibot ang mga tao sa ballroom para makipag-network. Si Ellen, lumapit kay Nathan para makausap ang isang kilalang politician, habang ako naman ay naiwan pa ring nakaupo. “Let’s get some air,” bulong ni Sebastian, sabay hawak sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Hindi na ako nakapagtanong—bago pa ako makapigil, hinila na niya ako palabas ng ballroom at papunta sa terrace. At doon, habang nakaharap kami sa city lights, doon ko lang naramdaman kung gaano kabilis tumibok ang puso ko. Hindi lang dahil sa ginawa niya sa mesa kanina… kundi dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin. Hindi ito laro lang. Parang may gusto siyang ipakita na hindi ko pa kayang pangalanan. Sa terrace, malamig ang simoy ng hangin. Kita ang ilaw ng buong lungsod sa ibaba, pero sa dami ng iniisip ko, hindi ko man lang ma-appreciate ang ganda ng tanawin. “Why him?” biglang tanong ni Sebastian, nakasandal sa railings habang hawak ang baso ng whiskey. Hindi siya nakatingin sa akin, pero ramdam ko ang bigat ng tanong niya. Napalunok ako. “What do you mean?” “Don’t play dumb, Althea,” sagot niya, sa wakas tumingin sa akin. “That guy—Nathan. He looked at you like you were something he lost… or threw away. So tell me, what was he to you?” Nag-init ang pisngi ko. Gusto ko sanang umiwas, pero alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot. “He was… my ex.” Sandaling tumahimik si Sebastian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya, parang pinipigilan ang sarili. “Ex,” ulit niya, mabigat ang boses. “And he cheated?” Tumango ako, mahina. “With Ellen.” Nakita ko kung paanong dumilim ang mga mata niya. Hindi ko alam kung galit siya para sa akin o dahil lang sa ego niya, pero ramdam ko ang intensity. “What a f*cking idiot.” Bahagya akong natawa, kahit nangingilid na ang luha ko. “Yeah. That’s exactly what my friends said.” Lumapit siya, iniwan ang baso sa gilid ng mesa at tumayo sa harap ko. “You deserve better than that. Hell, you deserve better than this internship bullsh*t too.” Napatingala ako sa kanya. “And what, better like you?” biro ko, pero agad kong pinagsisihan nang makita ko ang ngisi sa labi niya. “Maybe.” Tumungo siya nang bahagya, halos magkadikit na ang mukha namin. “But the thing is… I don’t share what’s mine. And tonight, when I saw how he looked at you? I wanted to drag you out of that ballroom and make damn sure he knows you’re not his anymore.” “Sebastian…” bulong ko, pero mahina na ang boses ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, marahan niyang hinawakan ang pisngi ko, pinadaan ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya. Sht, bakit parang wala na akong kontrol sa sarili ko kapag ganito siya?* “Tell me, sweetheart…” bulong niya, mababa ang boses. “Do you still think of him?” Umiling ako. “No.” “Good,” sagot niya agad, sabay dahan-dahang lumapit pa. “Because from now on… I want every thought of yours to be about me.” At bago pa ako makapagsalita, hinalikan niya ako. Hindi tulad ng halik sa bar—ito’y mabagal, masinsinan, parang sinisiguro niyang hindi ko na maaalala ang kahit sinong lalaki bukod sa kanya. Nang maghiwalay ang labi namin, nakatitig pa rin siya sa akin. “One day, Althea, you’ll thank me for ruining every man who comes after me. Because none of them will measure up.” At doon ako tuluyang napatulala, hindi alam kung matatakot ako… o mahuhulog nang tuluyan sa isang kagaya niya.Hi mga ka-Bookies! Panibagong journey na naman tayo, this time with my new book Owned By The Playboy CEO (Sebastian Castillo). Grabe, sobrang thankful ako sa inyo kasi lagi kayong andyan to support me sa bawat kwento na sinusulat ko. 💕 Simula pa lang ‘to, kaya sana samahan n’yo ako hanggang dulo ng kwento ni Sebastian Castillo. Handa na ba kayo sa kilig, iyak, tawa, at lahat ng pasabog na dala niya? Love lots, – Bookie ✨
Nagising si Althea Velasquez sa araw na alam niyang hindi na mauulit.Hindi dahil espesyal ito sa mata ng mundo,kundi dahil alam niyang paglabas niya ng pintuan sa araw na iyon-hindi na siya babalik bilang intern.Walang kaba sa dibdib niya.Walang takot.Walang bigat.May kakaibang katahimikan lang, parang huling hinga bago tuluyang magbago ang direksyon ng hangin.Tahimik ang kwarto. Nasa bahay pa rin siya nila-ang lugar na muling bumuo sa kanya matapos ang unos. Dahan-dahan siyang bumangon, nag-ayos, nagsuot ng damit na simple pero maayos. Hindi na niya pinili ang damit para magmukhang karapat-dapat. Pinili niya ito dahil komportable siya rito.Habang inaayos niya ang buhok niya sa salamin, tumunog ang phone.Sebastian.Hindi siya nagulat.Pero may kirot pa rin-hindi masakit, kundi malambing.It's your last day for being my intern.Napangiti siya nang bahagya.May sumunod agad.After work, my company is holding a farewell party for all the interns.All employees and interns will b
Kung may isang bagay na malinaw kay Althea Velasquez matapos ang lahat ng kaguluhan, iyon ay ang katotohanang ito,hindi na babalik ang mundo sa dati, pero natutunan nitong huminga muli.Hindi na siya ginising ng sunod-sunod na tunog ng notifications na parang mga bala.Hindi na siya nagmulat ng mata na may bigat sa dibdib, nagtatanong kung anong klaseng laban na naman ang haharapin niya sa araw na iyon.Hindi na siya natulog na may takot na baka bukas, iba na ang tingin ng mundo sa kanya.Sa araw na iyon—ang ikalawang huling araw ng kanyang internship—pumasok siya sa Castillo Group na walang dala kundi katahimikan. Hindi katahimikang puno ng tensyon, kundi katahimikang marunong tumanggap.Tahimik ang elevator. May iilang empleyadong sumabay, may mga pamilyar na mukha, may mga bago. May tumango, may ngumiti, may hindi nag-react. At sa unang pagkakataon, wala ni isa roong sinuri siya mula ulo hanggang paa na parang may kasalanang kailangang hanapin.Naglakad siya sa hallway na dati’y
Hindi agad bumalik sa normal ang mundo. Hindi rin naman gumuho. Para itong lungsod matapos ang lindol—nakatayo pa rin ang mga gusali, umaandar pa rin ang buhay, pero alam ng lahat may nagbago sa ilalim. Sa Castillo Group, walang nagsisigawan. Walang emergency meeting na puno ng panic. Walang PR crisis na parang sunog. Ang meron lang— isang kakaibang katahimikan. Ang uri ng katahimikang may kasamang pag-iingat. Sa executive floor, tahimik ang hallway. Mas maingat ang mga hakbang. Mas maingat ang mga tingin. Hindi na bulong ang pangalan ni Althea Velasquez. Hindi na rin ito tsismis. Isa na itong context. Sa mga internal emails, nagbago ang tono. Sa mga memo, nagbago ang framing. Hindi na:“Intern involved in scandal” Kundi:“The CEO’s publicly acknowledged partner” At sa bawat pagbabago ng salita— may kasamang pagkilala na hindi na mabubura. Sa labas ng corporate walls, mas maingay ang mundo. Trending. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. #SecretNoMore #CastilloCon
Hindi ito eksena ng pelikula.Walang dramatic background music.Walang basag na baso sa unang segundo.Walang biglaang sampalan.Ang mas delikado—ang uri ng komprontasyong nagsisimula sa pagod.Nakatayo si Nathan de Leon sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakatalikod kay Ellen Gardovas.Naka-loosen ang kurbata, bukas ang manggas ng polo—isang bihirang anyo ng lalaking sanay laging kontrolado.Sa mesa sa gitna ng silid, nakakalat ang mga reports.Sales decline.Pulled partnerships.“Pending review” na dati’y “guaranteed.”Hindi siya huminga nang malalim.Hindi siya nagbilang hanggang sampu.Pagod na siya sa pag-aayos ng kalat.“I’m tired,” sabi niya sa wakas, mababa ang boses, pero puno ng bigat.“I’m tired of cleaning your mess, Ellen.”Hindi gumalaw si Ellen.Nakatayo siya malapit sa pinto, tuwid ang likod, parang reyna sa huling araw ng kaharian niya—buo pa rin ang postura, pero may bitak na ang loob.“You promised me control,” patuloy ni Nathan.“You promised lever
Hindi agad sumabog ang balita sa umagang ito.At iyon ang unang pagkakamaling inakalang panalo pa rin si Ellen Gardovas.Sa loob ng dalawampu’t apat na oras matapos lumabas ang “background file,” tila gumalaw ang mundo ayon sa inaasahan niya—may ilang bulong, may ilang artikulong may tanong sa tono, may mga headline na maingat ang salita. Walang direktang akusasyon. Walang malinaw na paninira.Sa unang tingin, mukhang gumana.Corporate silence.Calculated doubt.Controlled chaos.Ang klase ng gulo na sanay siyang likhain—iyong hindi agad sumisigaw, pero dahan-dahang pumapasok sa bitak ng reputasyon ng kalaban.Sa penthouse, tahimik na umiinom ng kape si Ellen habang binabasa ang mga update sa tablet. Hindi siya nakangiti. Hindi rin siya kabado. Ang mukha niya ay kalmado—isang kalmadong matagal niyang inensayo sa harap ng salamin at mga boardroom.“Good,” bulong niya sa sarili.“This will age well.”Hindi niya napansin ang isang detalye—isang maliit na linya sa dokumentong inilabas.Is
Hindi agad nagsalita si Ellen Gardovas matapos ang interview.Hindi siya sumigaw.Hindi siya nagbasag ng kahit anong mamahaling gamit sa penthouse na iyon.Hindi siya nag-collapse sa galit gaya ng inaasahan ng mga taong sanay makita siyang palaging kontrolado ang lahat.Umupo lang siya.Diretso Ang tingin.Tahimik.Parang reyna sa harap ng sariling salamin.Sa harap niya, ang malaking TV ay naka-mute, pero malinaw pa rin ang huling frame—ang mukha ni Sebastian Castillo, diretso sa camera, hindi umiilag, hindi nagtatago, walang bahid ng paghingi ng paumanhin.I am not ashamed of loving Althea Velasquez.Hindi iyon sigaw.Hindi iyon drama.Isa iyong deklarasyon.At iyon ang pumatay kay Ellen.Hindi ang pangalan ni Althea ang unang tumama sa dibdib niya.Sanay na siyang marinig iyon.Ang tumama ay ang paninindigan sa boses ng lalaking akala niya’y kayang-kaya niyang paikutin noon.Ang lalaking dati’y marunong umiwas, marunong maglaro, marunong magtago.Ngayon, wala nang maskara.Dahan-da







