Share

CHAPTER 41

ALIYAH POV

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Lorenzo kahapon. Tama nga ang mga ala-alang nakita ko noong mga nakaraang araw.

Malalim ang iniisip ko, hanggang sa hindi ko namalayang mali na pala ang ginagawa kong pagluluto. Imbes na asukal ang ilagay, asin ang nailagay ko. Kaya medyo nainis na naman si Eleonor dito sa harap ko. Si Eleonor ang matandang parang mangkukulam ang dating na official cook ng mansyon. Sa una, natatakot ako sa kanya, pero habang lumalagi ako dito sa kusina, nakita kong hindi naman siya ganoon kasama. Sa tuwing nababagot ako, dito ako naglalagi sa kusina. Kung wala namang gawain sa kusina, sa garden ako pumupunta.

Suot ko pa rin ang bigay na bracelet ni Lorenzo, at sa tuwing nakikita ko ito, naaalala ko siya at ang tagpo kahapon.

Pumasok si Eddie sa kusina dala ang ilang supot na may lamang gulay.

“Heto Eleonor, may mga gulay pa rito, baka gustuhin mong gamitin sa ibang mga niluluto mo,” sabi ng matanda.

Tumango lang si Eleonor at bumalik sa kanyang gawain
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status