Share

Chapter 25

Author: Juls
last update Last Updated: 2025-04-02 21:00:08

Kung sasabihin mong wala siyang utak, hindi rin naman totoo.

Wala siyang kakayahan para mabuhay ng mag-isa, pero ang kakayahan niya sa pakikisalamuha ay 100%.

May mga nagsasabi sa Manila na si Sofie ay ipinanganak para suportahan ng mga lalaki. Simple at malinaw ang kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay. Marunong siyang makipag-ugnayan sa mga lalaki, at ang mga lalaki naman ang tumutulong sa kanya na harapin ang mundo.

Si Luna ay nag iisip kung anong dapat gawin niya sa kanyang ina.

Narinig ni Theodore ang patuloy na pagbuhos ng tubig mula sa banyo. "Luna, anong ginagawa mo dyan? Ang tagal naman."

"Naghuhugas lang po ng kamay," sagot ni Luna, bahagyang natawa.

"Anong klaseng dumi naman 'yan at kailangan mo pang magtagal?" tanong ni Theodore, halatang nagtataka.

Pagkatapos ng isang minuto, at tila mayroong isang mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi, si Luna ay sumagot, "Hinawakan ko po kasi ang... kapatid ni Attorney Cortez."

"Luna, artista ka. Dapat mag ingat ka sa mga pi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 141

    Habang tumatagal, dumarami ang mga nanonood sa eksena. May ilan na kunwaring tumatawa sa tabi, ang iba'y may hawak nang cellphone, tila pipindutin na lang ang “record.”Lalong namutla ang mukha ni Francesca. Parang nauupos na kandila ang yabang niya, unti-unting kinakain ng kahihiyan. Nakatayo siya sa gitna ng kainan, parang batang nahuli sa pandaraya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tingin.At sa harap ng buong crowd, wala siyang masabi.Lumingon siya kay Xavier ang huling pag-asang mahila siya palabas sa kahihiyang ito.Ang lalaking minsang pinagpalit ni Luna ay tumikhim, waring sinusubukang buuin ang natitira niyang dignidad. At least, sa sandaling iyon, pinilit niyang kumilos na parang lalaki.Ngunit sa totoo lang?Mas huli pa siya sa dapat. At mas mahina pa kaysa sa inaasahan.Humarap si Xavier kay Luna, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, sinubukan niyang magsalita nang diretso, para bang kaya pa niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mahinahong tono.“Totoo nama

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 140

    “Miss Francesca,” sambit ni Luna habang nakatayo pa rin sa gitna nilang dalawa, ang tono ay mapanuri ngunit may halong mapanuksong ngiti. “Magkano ba ang kinain n’yo ngayong gabi?”Tahimik si Francesca. Nagtama ang mga mata nila, ngunit hindi siya sumagot.“Alam mo,” patuloy ni Luna habang tumuwid ng tayo’t inayos ang laylayan ng kanyang damit, “mula nang mabuntis ka, parang wala man lang matinong alahas sa katawan mo.”Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa.“Hindi ko na nga babanggitin ang iba pa. Pero ni isang gold na singsing wala? Nakapanganak ka na para sa kaniya, pero nasaan ang kotse? Nasaan ang bahay?”May bahagyang katahimikan. Ngunit ang bawat salita ni Luna ay parang martilyong dahan-dahang ibinabagsak sa dignidad ng babae sa harap niya.Si Francesca, namutla ang mukha.Ang manipis niyang mga labi ay pinipigang huwag manginig. Mariin niyang sinara ang bibig walang salitang lumabas. Hindi dahil hindi siya marunong sumagot, kundi dahil kahit anong sabihin niya, hin

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 139

    “Ang daming second-generation sa lungsod na ’to,” bulong ng manager, halatang nag-aalangan. “Sino ba talaga ang tinutukoy n’yo, Miss Luna?”Tahimik lang si Luna. Hindi na siya nag-abala pang ipaliwanag.Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang telepono, mabilis na nag-scroll sa album, at itinapat sa mukha ng manager ang larawan ni Xavier pormal, gwapo, suot ang signature na salaming may manipis na frame, at ang ngiti na minsan niyang minahal.Napatingin ang manager sa larawan, at agad na kumurap ang kanyang mga mata.May munting gulat sa ekspresyon nito hindi dahil hindi niya kilala si Xavier, kundi dahil ngayon lang niya naalala."Ah siya po pala."Tumingin siya sa paligid, saka yumuko ng bahagya.“Nasa compartment number two po siya, doon sa balcony.”Tahimik na tumango si Luna.So he is here after all.Ang dating wala sa mapa ng social scene, heto’t biglang lumitaw sa mismong lugar na dulo ng lahat ng bulung-bulungan.At ngayong alam na ni Luna kung nasaan siya ang tanong pupuntahan

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 138

    Napaisip si Luna saglit. “Gusto ko pero ayokong mapunta sa hot search na kasama si Abogadong Giovanni.”Tumango si Giovanni, may misteryosong ngiti sa labi. “Ayos.”Napataas ang kilay ni Luna. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ayos’?”Tumagilid si Giovanni, parang may itinatagong lihim na regalo. “Ibig sabihin, bilang paghingi ng tawad bibigyan kita ng isang hot search entry na ikaw lang ang laman.”Napapikit si Luna, parang may sumabit sa lalamunan niyang tawa. ‘Iba talaga ang lasa ng mga kapitalista. Iba kung umasta, iba kung mag-sorry.’Pagpasok nila sa restaurant, agad silang sinalubong ng manager pormal, maayos, parang alam agad kung sino ang importante sa pagitan ng dalawa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 137

    “It seems that the next meal is the key,” ani Giovanni, may bahagyang ngiti habang nakatingin kay Luna. Hindi iyon biro. Alam niya kapag sumablay siya sa susunod na hakbang, baka hindi lang pagkain ang hindi niya makuha. Luna, hindi man tumingin agad, ay ngumiti ng bahagya habang sumasagot, “Mabuti naman at alam mo Giovanni.” Sa tono pa lang niya, malinaw: Gusto kong suyuin mo, pero hindi ko sasabihing gusto ko. Habang umaandar ang sasakyan, ini-adjust ni Luna ang kanyang pagkakaupo, naghahanap ng mas kumportableng posisyon. Sa bawat galaw niya, parang sinasadya ang pagiging effortlessly elegant pa

  • Owned by A Hot Billionaire lawyer    Chapter 136

    Si Luna ay lumabas na suot ang isang body-hugging na palda, na may malalim na V-shaped back. Wala siyang suot na bra. Ang makinis na balat niya ay lantad mula batok hanggang baywang, hubog na parang hinulmang tula sa liwanag ng boutique. Sa harap, isang simple at eleganteng babae. Sa likod, isang anyayang hindi masambit sa salita. Si Giovanni ay biglang nakaramdam ng pamamanhid sa mga daliri hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi sa pananakop ng init na umakyat mula sa dibdib pababa sa tiyan. Putangina. Napatingin si Luna, parang wala lang, pero may mapaglarong sulyap. “Okay ba?” tanong niya, kunwari inosente. “Maganda,” sagot ni Giovanni, halos hindi naririnig ang boses niya. Simple lang ang kanyang sagot, pero ang titig niya’y matalim para bang sinasabi: ‘Maganda’ ang nasabi ko, pero ang gusto kong sabihin ay ‘Delikado ka.’Larong Salamin at T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status