Matinding sampal iyon kay Luna. Bigo siyang tumingin kay Giovanni, wala ng mapagpipilian. “Handa akong gawin ang lahat. Even if that means I'll be eating shit, so be it!” Sinabi niya, ang boses ang puno ng desperasyon.
Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na kunin ang kaso niya, dahil kung sakaling ang sakim na Vincent na iyon makauna, siguradong mapapasakamay nito ang mana. Talagang hahalukayin niya ang libingan ng ama at sasaksakin nang paulit-ulit kung mangyari man iyon. Umahon ang dibdib ni Giovanni, para bang nagpipigil pa itong tumawa. Kapagkuwan ay seryoso itong napatango-tango. “Kung iyon ang libangan ni Ms. Gray, hindi na ako mag-aatubili pang ibigay iyon.” May ibang kahulugang sambit nito. Hindi maipinta ang mukha ni Luna. Nakakadiri talaga ang lalaking ito! “Ngunit,” natigil si Giovanni sa pagsasalita nang bigla siyang may maalala. Naniningkit ang mata niyang tinapunan ng tingin si Luna. “At kailan pa nagkaroon ng boss lady ang aking law firm?” Taas ang isang kilay nitong tanong. Ngumiso si Luna, medyo nakaramdam siya ng hiya ngunit wala na siyang pakialam. Imbes na ipakitang nahihiya siya ay matapang lamang niya itong inirapan. “Ngayon lang,” m*****a nitong tugon. “Tsh.” Singhal na lamang ni Giovanni. “By the way, Ms. Gray, I'm sorry to push you away but I have to go. I still have meeting in a few minutes,” tumingin pa ito sa pambisig na relos. Nang mapagtanto ni Luna na masyado na siyang desperada na nakakaabala na siya sa trabaho ng tao ay humakbang na siyang paatras. “Sige. Hindi na kita guguluhin pa, Atty.” Aniya at may kinuha sa kanyang bag. “Iyan ang number ko, in case you have concern or have decided to accept my offer then feel free to contact me. Or else, I won't stop bugging you here in your office.” Hindi na hinintay pa ni Luna ang sagot ng abogado at martsa na siya paalis. Makalipas ang kalahating oras ay pumasok na si Giovanni sa meeting room. Nadatnan niya ang lahat na abala sa kanilang kape. Ang sekretarya niyang si Kimberly ang nagbabahagi niyon habang nagsasalita. “Ito ang unang kape na ang boss lady mismo ang nag-alok!” Pagdadaldal nito. “Ang ating butihing Atty., Cortez ay girlfriend ba naman ang isang Luna Gray. Ang pinakasikat at pinagkakaguluhan ngayon sa larangan ng industriya ng showbiz.” Nagsinghapan ang ilang abogadong makarinig doon. Ang iba ay nangunot pa ang noo at naglakas ng loob na magsalita. “Teka, hindi ba at engaged ang babaeng ito kay Xavier Lopez? Bakit at bigla na lang nadawit si Atty. Cortez dito?” Ngumiwi si Kimberly at inilagay ang kamay sa beywang, “aba malay ko, itanong mo kay Atty.” Masungit na tugon nito. “Nasaan na ang hayop na Xavier na iyan ngayon?” Tanong ni Theodore. “Nasa America raw,” matamlay na sagot ni Luna. “Could you please give me the address of that asshole? Gusto ko lang siyang sampulan, tanggalan ng paglalalaki bago ilibing ng buhay, ganoon.” Nagtatagis ang bagang na sinabi ni Theo. Patayin ito? Tsk, gusto-gusto iyong gawin ni Luna. Pagkatapos nitong ilagay sa peligrong sitwasyon ang ama at basta na lang umalis na para bang walang halaga ang buhay na sinira nila ay talagang nakakagalit. Hindi siya halos makalunok sa isiping iyon. Pinagmasdan ni Theodore ang kaibigan na ngayon ay tulala. Oo at m*****a nga ito ngunit may puso naman ito. “Ang mahalaga ngayon ay makuha mo ang mana mo sa ama mo, hindi pwedeng bumalik ang gagong lalaking iyon at pagtatawanan ka dahil wala kang nakuhang ni singkong duling sa kayamanan ninyo.” Hindi pa rin umiimik si Luna. “Hindi ka ba natatakot na mangyari iyon?” Ulit niya subalit wala pa rin itong imik. “Hey, what's wrong? Why are you suddenly became quiet it is so unusual of you to—” “Gusto kong uminom. Gusto kong maglasing!” Galit na bulalas ni Luna. Oo, galit na galit siya. Galit siya sa lahat ng nangyayari. At kapag nagkamali lang talagang humarap ngayon sa kanya si Xavier ay hindi siya magdadalawang-isip na patayin ito oramismo. Namilog ang mata ni Theo at mabilis na sinapok sa ulo si Luna. “Sige! Sige uminom ka at kapag nalasing ka ulit ay gagapang ka na naman sa kama ng abogadong iyon! Diyos kong babae ka, hindi ka na nadala? Gusto mo pang umulit?” Nakapameywang na siya ngayong nakatayo sa harapan ng kaibigan. Ngumuso si Luna at napakamot sa sariling ulo nang ma-realize ang punto ng kaibigan. “Oo na, hindi na! Umuwi ka na nga at magtsa-tsaa na lang ako!” Singhal niya dito. Masama naman siyang tiningnan ni Theo. “Siguraduhin mo lang na tsaa ang iinumin mo dahil kapag nabalitaan ko ulit na bumalik ka roon, malilintikan ka na sa akin babae ka.” May pagbabantang sinabi nito. “Oo na, oo na, umalis ka na nga!” Busangot na sabi ni Luna at itinulak na si Theo palabas ng pinto. Nang tuluyan ng makaalis si Theo ay nakabibinging katahimikan ang namayani sa buong condo ni Luna. Ngunit ilang segundo lang ang makalipas ay umingay na ang tawag sa telepono niya. “Kumusta ang usapan ninyo ni Atty.?” Bungad na tanong ni Sofia. “Ganoon lang,” walang buhay niyang tugon. “Ano? Anong ‘ganoon lang’?! Nakalimutan mo na bang kailangan mo siyang mapapayag para makuha mo ng buo ang mana mo?” Histerya nitong sinabi. “Alam mo bang sa mga sandaling ito ay bente kwatro oras na nakabantay si Vincent sa ama ninyo? Naku, kapag nagkataon na ito ang unang makita kapag nagmulat ng mata ay katapusan mo ng babae ka!” Bumuga ng hangin si Luna. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, okay? Masyadong matigas ang lalaking iyon!” Frustrated niyang sinabi. “Hay naku, why don't you openly flirt with him and seduce him privately? That's so simple, dear!” Sinabi ba nito na ikinataas ng kilay ni Luna. “Kung hindi mo alam kung paano iyon, pag-aralan mo ng mabuti!” “Naku, Sofie, masyado ka ng babad sa mga telenovelas at pocketbooks kaya kung saan-saan ka na napapadpad!” Pairap na sinabi ni Luna. “Pwede ba, itigil mo na iyan dahil tumatanda ka na!” Sandaling natahimik si Sofia sa kabilang linya. Kapagkuwan ay seryoso itong nagsalita. “Edi sige, matanda na kung matanda. Pero once na magising ang tatay mo at ang gahaman mong kapatid na iyon ang una niyang makita, siguradong may mangyayaring verbal will! At kapag nangyari iyon, tapos ang pagiging prinsesa mo.” Napasabunot si Luna sa sariling buhok. Naiinis siya! Mas mabuti pang umintindi ng taong buhay kaysa sa taong nag-aagaw buhay! Pero dahil mukha siyang pera, gagawin niya ang lahat. “Sige na, susundan ko na kung nasaan ang atty. Cortez na iyon at titingnan ko kung anong magagawa ko.” Aniya.Habang tumatagal, dumarami ang mga nanonood sa eksena. May ilan na kunwaring tumatawa sa tabi, ang iba'y may hawak nang cellphone, tila pipindutin na lang ang “record.”Lalong namutla ang mukha ni Francesca. Parang nauupos na kandila ang yabang niya, unti-unting kinakain ng kahihiyan. Nakatayo siya sa gitna ng kainan, parang batang nahuli sa pandaraya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tingin.At sa harap ng buong crowd, wala siyang masabi.Lumingon siya kay Xavier ang huling pag-asang mahila siya palabas sa kahihiyang ito.Ang lalaking minsang pinagpalit ni Luna ay tumikhim, waring sinusubukang buuin ang natitira niyang dignidad. At least, sa sandaling iyon, pinilit niyang kumilos na parang lalaki.Ngunit sa totoo lang?Mas huli pa siya sa dapat. At mas mahina pa kaysa sa inaasahan.Humarap si Xavier kay Luna, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, sinubukan niyang magsalita nang diretso, para bang kaya pa niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mahinahong tono.“Totoo nama
“Miss Francesca,” sambit ni Luna habang nakatayo pa rin sa gitna nilang dalawa, ang tono ay mapanuri ngunit may halong mapanuksong ngiti. “Magkano ba ang kinain n’yo ngayong gabi?”Tahimik si Francesca. Nagtama ang mga mata nila, ngunit hindi siya sumagot.“Alam mo,” patuloy ni Luna habang tumuwid ng tayo’t inayos ang laylayan ng kanyang damit, “mula nang mabuntis ka, parang wala man lang matinong alahas sa katawan mo.”Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa.“Hindi ko na nga babanggitin ang iba pa. Pero ni isang gold na singsing wala? Nakapanganak ka na para sa kaniya, pero nasaan ang kotse? Nasaan ang bahay?”May bahagyang katahimikan. Ngunit ang bawat salita ni Luna ay parang martilyong dahan-dahang ibinabagsak sa dignidad ng babae sa harap niya.Si Francesca, namutla ang mukha.Ang manipis niyang mga labi ay pinipigang huwag manginig. Mariin niyang sinara ang bibig walang salitang lumabas. Hindi dahil hindi siya marunong sumagot, kundi dahil kahit anong sabihin niya, hin
“Ang daming second-generation sa lungsod na ’to,” bulong ng manager, halatang nag-aalangan. “Sino ba talaga ang tinutukoy n’yo, Miss Luna?”Tahimik lang si Luna. Hindi na siya nag-abala pang ipaliwanag.Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang telepono, mabilis na nag-scroll sa album, at itinapat sa mukha ng manager ang larawan ni Xavier pormal, gwapo, suot ang signature na salaming may manipis na frame, at ang ngiti na minsan niyang minahal.Napatingin ang manager sa larawan, at agad na kumurap ang kanyang mga mata.May munting gulat sa ekspresyon nito hindi dahil hindi niya kilala si Xavier, kundi dahil ngayon lang niya naalala."Ah siya po pala."Tumingin siya sa paligid, saka yumuko ng bahagya.“Nasa compartment number two po siya, doon sa balcony.”Tahimik na tumango si Luna.So he is here after all.Ang dating wala sa mapa ng social scene, heto’t biglang lumitaw sa mismong lugar na dulo ng lahat ng bulung-bulungan.At ngayong alam na ni Luna kung nasaan siya ang tanong pupuntahan
Napaisip si Luna saglit. “Gusto ko pero ayokong mapunta sa hot search na kasama si Abogadong Giovanni.”Tumango si Giovanni, may misteryosong ngiti sa labi. “Ayos.”Napataas ang kilay ni Luna. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ayos’?”Tumagilid si Giovanni, parang may itinatagong lihim na regalo. “Ibig sabihin, bilang paghingi ng tawad bibigyan kita ng isang hot search entry na ikaw lang ang laman.”Napapikit si Luna, parang may sumabit sa lalamunan niyang tawa. ‘Iba talaga ang lasa ng mga kapitalista. Iba kung umasta, iba kung mag-sorry.’Pagpasok nila sa restaurant, agad silang sinalubong ng manager pormal, maayos, parang alam agad kung sino ang importante sa pagitan ng dalawa
“It seems that the next meal is the key,” ani Giovanni, may bahagyang ngiti habang nakatingin kay Luna. Hindi iyon biro. Alam niya kapag sumablay siya sa susunod na hakbang, baka hindi lang pagkain ang hindi niya makuha. Luna, hindi man tumingin agad, ay ngumiti ng bahagya habang sumasagot, “Mabuti naman at alam mo Giovanni.” Sa tono pa lang niya, malinaw: Gusto kong suyuin mo, pero hindi ko sasabihing gusto ko. Habang umaandar ang sasakyan, ini-adjust ni Luna ang kanyang pagkakaupo, naghahanap ng mas kumportableng posisyon. Sa bawat galaw niya, parang sinasadya ang pagiging effortlessly elegant pa
Si Luna ay lumabas na suot ang isang body-hugging na palda, na may malalim na V-shaped back. Wala siyang suot na bra. Ang makinis na balat niya ay lantad mula batok hanggang baywang, hubog na parang hinulmang tula sa liwanag ng boutique. Sa harap, isang simple at eleganteng babae. Sa likod, isang anyayang hindi masambit sa salita. Si Giovanni ay biglang nakaramdam ng pamamanhid sa mga daliri hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi sa pananakop ng init na umakyat mula sa dibdib pababa sa tiyan. Putangina. Napatingin si Luna, parang wala lang, pero may mapaglarong sulyap. “Okay ba?” tanong niya, kunwari inosente. “Maganda,” sagot ni Giovanni, halos hindi naririnig ang boses niya. Simple lang ang kanyang sagot, pero ang titig niya’y matalim para bang sinasabi: ‘Maganda’ ang nasabi ko, pero ang gusto kong sabihin ay ‘Delikado ka.’Larong Salamin at T