Compartir

Chapter 1

Autor: heathergray
last update Última actualización: 2025-12-09 16:39:44

“Ano na, Trid?”

“Bitch! Hindi ko alam na seryoso ka pala talaga sa sinabi mong hindi mo kilala ang nag-iisang Jameson Luke. He's the vocalist of Algorithm! Imposibleng mahanap agad ang kinaroroonan ng lalaking 'yon dahil abala sa pagbabanda 'yon," sagot niya sa 'kin.

Nangunot ang noo ko at umupo na sa harapan niya. Ano namang gagawin ko kapag nahanap ko ang lalaking 'yon? Sasabihin kong nabuntis niya ako? E paano kung hindi maniwala?

"Bakit kasi hindi mo pinagamit ng condom? Nasarapan ka ba nang sobra kaya nakalimutan mo?"

"I was drunk, Trid. Pinahamak ako ng absinthe na pinainom mo sa 'kin." Putol ko sa sasabihin niya at muli nang tumayo.

Lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari nang gabing 'yon.

"So, what will you tell him once you see him? That you're pregnant?" Tanong niya bago pa ako makabalik nang tuluyan sa counter.

Nagkibit-balikat ako. "Puwede. Sabi mo ay mayaman ang pamilya. Puwedeng ipa-DNA ang bata kung hindi siya maniniwala.”

I wish it would be that easy. Tsk!

Saktong alas singko nang mag out ako. Tuwing Martes at Miyerkules lang ang duty ko sa coffee shop ngunit minsan ay may weekends din kapag hindi pumapasok si Chino.

Habang naglalakad ako ay nakatanggap ako ng text mula kay mama dahil nag aalala pa rin ito sa kalagayan ni Althea na hanggang ngayon ay comatose pa rin. Gustuhin ko mang samahan siyang maging mahina at malungkot, hindi ko kaya dahil wala kaming kakainin at ibibili ng gamot ni Althea kapag ginawa ko iyon.

Bigo akong lumabas ng bar sa pagbabakasakaling makikita ko siya roon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa masulyapan ko ang pamilyar na mukha ng lalaki sa loob ng isang restaurant.

I narrowed my eyes at that man and was shocked to recognize who it was. It was him. What is he doing here? At ngayon ko lang din napansin na may pagkakahawig siya sa lalaking naka one night stand ko nang gabing iyon na ama ng dinadala ko ngayon.

Hindi malinaw ang mukha niya sa alaala ko nang gabing 'yon pero sigurado akong siya ito. Hindi ako puwedeng magkamali. He is Jameson Luke Montgomery.

I quickly marched towards the resto kahit pa nakauniporme pa ako.

"Hoy!" tawag ko sa kanya at pinalo siya sa balikat. Buti na lang ay dala ko ang tatlong pregnancy test na ginamit ko kahapon.

The woman looked at me first and then this man. Bahagya pa akong napaatras nang makita ko ang mukha niya sa malapitan. Ang gwapo!

Hindi ko na napigilang sampalin siya na labis niyang ikinagulat lalo na ang babaeng kasama niya.

"What the hell! What was that for? Who the hell are you?" The man frowned and stood up and then faced me.

I was stunned for a moment. He doesn't know me? Pero palagi niya akong nakikita sa bar at . . . Wait, bakit parang ibang tao ito?

Sarkastiko akong humalakhak. Ah, alam ko na. Ngayong may ideya na siya marahil kung bakit ako narito, siguro ay nagpapanggap siya na hindi niya ako kilala.

"Really, huh? Hindi mo ba ako nakikilala?"

The man's forehead furrowed even more. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang buong pagkatao ko ay hinusgahan na niya.

"Do I have to?" He asked rudely habang hawak pa rin ang pisngi niyang sinampal ko.

"Babe, is there anything wrong? Who is she? What's happening?" tanong naman ng babae kaya natawa ako.

May girlfriend ka na pala pero palagi kang nasa bar, nakikipag-one night stand sa taong hindi mo kilala, and even left me with an addicting kiss?! Babaero!

“I don't know her!” The guy said to his girlfriend and looked at me again with disgust. "Do I know you, miss? You are disturbing our dinner—”

"I'm pregnant, asshole!" I cut him off and showed him the three pregnancy tests.

"What?!" The guy hissed with so much confusion. Naguguluhan na rin ako dahil parang wala talaga siyang ideya sa nangyayari.

"What the hell." The woman beside him murmured while looking at the pregnancy tests.

"Congrats! Magiging tatay ka na!" I yelled at him and even pushed him.

Hindi niya ako pinansin. Sa halip ay mabilis siyang bumaling sa babae na ngayon ay umiiyak na at mabilis na hinawakan ang mga kamay nito.

"W-what? You 're cheating on me?" The woman asked him.

"No, no, no, please. Don't believe her, Ava. I don't know her! Please! Stop crying! Fuck!" The guy said full of frustration before looking at me again.

Umawang ang bibig ko nang makita ko ang namumula niyang mga mata. Nag igting ang panga niya saka bigla na lang akong hinablot sa magkabilang braso ko.

"Naaalala ko ang pagmumukha mo! We met at the bar that night and something happened to us—"

"Oh, fuck this. I can't believe you!" The woman said, surrendering and leaving quickly. It was only then that I noticed that many people were watching us.

"Fuck—Ava!" The man screamed but she quickly disappeared from our sight.

Kinabahan na ako nang mabilis niya akong nilingon. His eyes are full of disgust and confusion. He looked at me again from head to toe then gripped my wrist tightly then pulled me out of that restaurant.

"Aray! Ano ba!" Bulyw ko sa kaniya, halos durugin na niya ang buto ko dahil sa paraan ng paghawak niya sa sakin.

Nang makarating kami sa parking lot ay marahas niya akong binitiwan. Umigting ang panga niya.

"Bakit ikaw pa ang galit ngayon, e ikaw na nga 'tong nakabuntis?!" sigaw ko sa kanya dahilan para humalakhak siya.

"Are you even serious about this? How can I impregnate you when we don't even know each other. You just ruined my fucking relationship! What the hell are you trying to pull here? Who the fuck are you, lady?" Galit na galit niyang bulalas.

"I already told you! We met at the bar and—"

"I'm fucking busy with work and I don't have time to go to the bar. Are you crazy?" He cut me off.

"Hindi mo 'ko malaloko! Tandang-tanda ko ang pagmumukha mo! Ikaw si Jameson Luke, 'di ba?!"

He was stunned for a moment as if he suddenly remembered something. Nagpakawala siya ng sunod-sunod na mura sa hangin na parang kaunti na lang ay mapipigtas na ang pasensya niya sa akin.

"I'm not Jameson, miss. You're clearly—"

"Tanga ba ako para hindi ka matandaan? I saw your name on your ID before I left you! I get it. You're famous. You're from a wealthy family that's why you're denying it. Pero sigurado akong ikaw 'yon. You are the father of this child! I'm sure because I saw the dragon tattoo on your left ab!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa labis na iritasyon.

Nangunot ang noo ko nang bigla siyang ngumisi.

"Dragon tattoo, huh? Let's see if I have that fucking tattoo," aniya at isang hawi lang niya sa kaniyang polo, mabilis na natanggal iyon sa pagkakabutunes at tumambad sa 'kin ang malinis niyang abdomen.

I felt my heartbeat slow as I looked at his stomach. No tattoos. Clean. His skin is even smoother than 'mine'. How did it happen?

"Do you see any tattoos?" His voice was deep and seemed angry.

"Hindi ako naniniwala. Siguro ay nilagyan mo ng—ano ba!"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay mabilis niyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa abs niya.

"Touch it! See it for yourself if I have it concealed, you crazy woman!" 

Napanganga ako nang maramdaman ko ang balat niya sa kamay ko. Did I just make a mistake? Did I just hallucinate that night? It's possible because I was too drunk that night but . . . hindi. Imposible.

Napukaw muli ang atensyon ko nang marinig ko ang sarkastiko niyang halakhak. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya paatras din ako nang paatras hanggang sa tumama na ang likod ko sa malamig na concrete wall. Halos maputol na rin ang leeg ko sa pagkakatingala sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya.

"I'm not the father of your child because I am not Jameson. Now, my girlfriend broke up with me because of what you did. I know her, she will never forgive me."

Napasinghap ako nang palibutan ako ng amoy niya maging ang mabangong mint na nanggaling sa bibig niya. He brought his face closer to mine so I looked away.

Who is this man? Why does he seem like another person? Why doesn't he remember me?

"What do you think I'll ask for in return for what you did, miss?" He said in his deep voice kaya tuluyan na akong nanghina.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 9

    Inaasahan ko na ang gano'ng bagay. Of course, they are the richest family among all the families around the world. May karapatan silang maging mapili pagdating sa aasawahin ng mga anak nila in the future. But I'm not planning to marry one of their sons kung iyon ang inaasahan nila. I just want the money. At alam kong iyon lang ang iisipin nilang habol ko sa anak nila. Well, who wouldn't? Lalo na ngayong malaki ang chance na makakuha ako ng malaking pera sa anak nila.Lalo na sa balak ngayon sa akin ng Jameson na iyon.Matapos naming mag usap ni Astrid nang ilang minuto pa ay bumalik na ako sa mansion dahil nakaramdam ako bigla ng pagkahilo. I was walking towards my room upstairs nang marinig ko ang pag tawag sa akin ni Anika, ang isa sa mga maids nila. Bata pa ito at ang sabi ay anak siya ng mayordoma sa mansion. Tingin ko ay magbebente pa lang ang babaeng ito."Pasensya na, a. Kararating ko lang. Kanina mo pa ba ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya."Hindi naman, Ma'am. Kaya lang kasi

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 8

    Kinabukasan ay maaga rin akong nagising kahit pa napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi. Plano kong bisitahin si Althea ngayon at puntahan si Astrid sa café dahil ang sabi niya sa akin kahapon ay ngayon ang alis niya roon. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang plano pero ang sabi niya ay gusto niyang magbakasyon. Ewan ko ba sa babaeng 'yon.Matapos akong mag ayos ay lumabas na ako mula sa silid ko. Biglang sumagi sa isip ko si Luke kaya lumiko ako patungo sa kuwarto niya para magpaalam. Kakatok na sana ako ngunit napansin kong nakabukas ang pintuan kaya sumilip na lamang ako roon. Agad na narinig ko ang boses niya sa loob na tila may kausap."You're fucking funny, Brandon. I don't care about her child. Wala akong balak pakasalan ang pokpok na iyon." Dinig kong sambit niya.Bumagal ang tibok ng puso ko. Doon pa lang ay alam kong ako na ang tinutukoy nito. Sino ang kausap niya? At anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?"I just needed a reason. Kung hindi ako magbibigay ng ebiden

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 7

    Nang dumako ang tingin ko sa mukha niya ay doon ko lang nakita nang maayos ang mukha na mayroon siya. I don't know how to say this but they just looked the same pero may iba sa lalaking ito. Iba ang dating at tangos ng ilong niya. Almond-shaped ang mga mata nito at mahahaba ang pilik. Makakapal at itim na itim ang kilay. Sakto ang kapal ng labi at napakaperpekto ng pagkakahulma ng kaniyang panga. May maliit din siyang nunal sa kaliwang mata niya sa ilalim.I can't believe this good-looking man is kind of weird. Parang may mali sa kaniya na hindi ko mawari.Maya maya pa, habang nakatitig ako sa kaniya ay dumating na si Kuya Dave pero agad ding umalis ito. Naghanap ako ng puwedeng pamalit sa kaniya at napili ko ang puting t-shirt na nasa cabinet niya. Iyon ang unang nakita ng mga mata ko.Habang binibihisan ko siya ay panay pa rin ang ungol nito na tila nananaginip. Nang masuotan ko na siya ng damit ay agad na binalot ko siya ng kumot. Saglit pa akong napatitig sa kaniya bago nagdesisyo

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 6

    "This will be your room. Naisip ko na baka hindi ka pa kumportable sa set up natin kaya ito ang ginawa ko. But if you're comfortable enough then we can share the same bed room.""Uh, hindi na. Ayos na sa 'kin 'to, Jameson. Parang buong bahay na namin 'to sa sobrang laki," agap na sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa kuwartong para sa akin-sabi niya.Napangiti ako at nilibot ng tingin ang buong silid. Katulad ng inaasahan, malaki talaga ang Montgomery Mansion sa loob at labas. Feeling ko ay maliligaw ako sa loob nito dahil sa sobrang laki! Ni hindi ko nga marinig ang sarili kong boses."Maraming salamat, Jameson-""Just call me Luke. I don't like my first name that much," natatawa niyang putol sa sasabihin ko kaya natawa na rin ako at muli siyang nilapitan."Maraming salamat, Luke. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mo pero irerequest ko sana na ipa-DNA 'tong dinadala ko para hindi ka na maghinala. Para na rin sa ikapapanatag ng loob mo," suhestiyon ko sa k

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 5

    Seeing life from various perspectives-as people who leave or are left-as people who love and as people who never get choices-I can now see where I really belong.Mula nang mag desisyon akong mag trabaho sa bar, ilang beses ko munang nilunok at pilit na tinanggap ang mga masasakit na salita na ibinato sa akin ni mama. Kesyo may iba pa namang disenteng trabaho-bakit mas gugustuhin kong pumasok sa gano'ng klaseng trabaho? Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan namin ng pera kaysa sa pride at dignidad ko na matagal naman nang wala. Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan kong isipin ang kapakanan at sitwasyon nilang dalawa kaysa sa sarili ko dahil ayokong lumabas na parang sinusumbatan ko pa siya.At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya ang mga 'yon."Saan ka na naman magtatrabaho? Iiwan mo kami?" Tanong niya sa 'kin nang sandaling makapasok siya sa kuwarto ko."Paano na ang kapatid mo, Tatiana? Pababayaan mo na naman ang-""Ibibigay ko ho nang personal sa

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 4

    Pareho kaming nakatingala sa malaki at napakataas na building na ito sa harapan namin. Pareho din kaming nakanganga habang manghang mangha sa nakikita. Ngayon lang ako nakakita ng ganito klaseng kalaking building kaya naman hindi ko mapigilang ma-amaze. Hindi lang ako sigurado kay Astrid dahil mayaman naman ang pamilya niya at may ganito rin silang kompanya."Ang laki at ang taas pala talaga ng empire na 'to. Sa TV ko lang 'to nakikita, e," ani Astrid at bumaling na sa akin."Okay lang ba ang itsura ko? Presentable naman?" Biglang tanong niya kaya nangunot ang noo ko.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tumango. "Ayos naman. Bakit?""Tatiana, alam mo? Para kang taga probinsya na ngayon lang lumuwas pa maynila. Mga malalaking negosyante at minsan pa nga'y may mga artista ang nagagawi sa building na ito. Malay mo may biglang mangyari at makita tayo sa TV. Dapat maganda ako 'no!" Sambit niya at humalakhak pa.Nang tuluyan kaming makapasok sa lobby ng empire ay mas lalo lang ang na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status