LOGIN"Hindi ko naman alam! Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa 'kin?" Sigaw ko kay Astrid at padarag na umupo sa tabi niya.
Nakita ko pa ang pagngisi niya kaya lalo akong napairap. Ramdam na ramdam ko pa rin ang hiya ko dahil sa nangyari kahapon. Mabuti na lang ay hindi na niya ako hinintay pang magsalita at nauna nang umalis dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Nang sabihin ko kay Astrid ay saka lang din niya sinabi sa 'kin ang isa pang mahalagang impormasyon tungkol sa lalaking 'yon.
"Ngayon ko lang din naalala na may kambal pala siya. You definitely talked to Jackson yesterday. Kilala 'yon sa larangan ng mga negosyo. He is the young CEO and the first young billionaire of Montgomery clan." Paliwanag niya pa sa 'kin kaya lalo akong nainis.
"Malamang nga ay kambal niya iyon. Hindi mo agad sinabi sa 'kin! Nakipag-break pa ang girlfriend niya sa kaniya nang sabihin kong buntis ako!" Reklamo ko sa kaniya. Humalakhak lang ang lintik na si Astrid.
"Hindi ko naman kasi alam na pupuntahan mo agad. Akala ko ay may plano ka. Ikaw rin ang may kasalanan. Anong sinabi pagkatapos mong malaman na hindi pala siya si Jameson?" Tila nang-aasar niyang tanong kaya inirapan ko siya.
Tumayo ako at tumungo na sa counter ng coffee shop. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok ang tita ni Astrid na diretsong tumingin sa 'kin kaya kinabahan ako. Para kasing wala ito sa mood. Lagi naman pala.
"Good morning, Ma'am—"
"I want you out of my shop now, Tatiana. I no longer need you." Putol nito sa sasabihin ko kaya nanlaki ang mga mata ko.
"P-po?"
"Tita, what? Why are you kicking her out so suddenly?" Tanong naman ni Astrid sa tita niya.
Hindi siya tiningnan ng matanda at diretso pa ring nakatingin sa 'kin. Nakataas pa ang kilay nito.
"May regular na and Astrid is here, so I don't have any reasons to pay you anymore. Besides, you're only a part-timer here. Don't worry, here is your last pay," matabang na sinabi nito sa 'kin at inilapag ang isang sobreng puti sa harapan ko.
"But, Tita Carmen-"
"No buts, Astrid. Make her leave o pati ikaw ay paaalisin ko rito at ire-report kita sa mommy mo," mataray nitong sinabi sa kaniya at umalis na.
Sabay kaming nagkatinginan ni Astrid nang makaalis na ito. Malungkot at tila humihingi ng pasensya itong nakatingin sa akin kaya natawa ako. Kinuha ko na ang sobre at nagsimulang ayusin ang gamit ko.
"Sorry, Tatiana," sambit nito kaya umiling lang ako.
"Wala 'yon. Expected naman 'to kasi part-timer lang ako. May trabaho pa naman ako sa bar," kibit-balikat na sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay nanghihinayang talaga ako.
Ngayong nasa hospital na naman si Althea, sigurado akong hindi na naman magiging sapat ang kinikita ko sa bar. Kahit triple pa. Kahit ibigay ko pa ang lahat pati kaluluwa ko ay hindi magiging sapat-na palagi ko namang ginagawa. Pakiramdam ko ay mas dumoble yata ang problema ko lalo na ngayong nasa ICU pa si Althea at wala pa ring pagbabago sa kondisyon niya. And fuck! I'm pregnant!
"About earlier, tingin mo ay hiniwalayan na talaga si Jackson ng girlfriend niya? I heard his girlfriend is the heiress of Yamamoto clan." Pag-iiba niya ng usapan.
Naalala ko ang tinutukoy niyang babae. Sa naging reaksyon nito kahapon, tingin ko ay hiniwalayan na nga siya nito nang tuluyan. Ikaw ba naman nalaman mong may nabuntis ang jowa mo, hindi mo pa ba hihiwalayan?
Napangiwi ako at napakamot sa ulo.
"Sana ay hindi. Kung oo ay hindi ko na alam," pinal na sagot ko sa kaniya.
***
"Tatiana! Matagal ka pa ba? May customer ka na!" sigaw ni mamita kaya mas lalo akong nagmadali sa pagme-make up.
Sinipat ko saglit ang wristwatch ko at nangunot ang noo ko nang makitang alas otso pa lang ng gabi. Ito ang pinakamaaga na may nag request sa 'kin. Usually ay alas diez na ako nagkakaroon ng customer. Kilala ko kaya 'yon?
Nang lumabas ako ay sinalubong kaagad ako ng hampas ng pamaypay ni mamita kaya napangiwi ako.
"Late ka na namang babae ka. Ilang beses na kitang pinaalalahanan tungkol diyan sa pagiging late mo. Isang warning ka na lang!" Sermon nito sa 'kin at tinulak na ako palabas ng dressing room.
Tinuro niya kung nasaan ang naghihintay sa 'kin kaya pinuntahan ko agad iyon habang hinihila pababa ang bodycon dress na suot ko. Bahagya ko ring nilagay sa likuran ko ang lahat ng buhok ko dahil medyo revealing ang likod ng dress na ito. Sa totoo lang ay ayaw ko ng may nakakakita ng likuran ko.
Nang marating ko ang VIP table na sinabi sa 'kin ni mamita ay wala namang tao kaya naupo na lang muna ako roon. Siguro ay nag banyo.
Napatingin ako sa table at nakita ko roon ang isang ashtray na may nakasinding sigarilyo sa ibabaw nito. Nakabukas na rin ang isang bote ng Vodka at may isang baso sa tabi nito.
Maya-maya pa, halos mapasigaw ako nang may biglang umupo sa tabi ko. Agad na kinuha niya ang sigarilyo at hinithit iyon. Sunod na narinig ko ang malutong niyang mura.
"What's so delicious about this cigarette that everyone is addicted to this?"
Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses. Unti-unti kong nilingon ang lalaki sa tabi ko at agad na napalayo ako nang makita ko ang mukha niya. Nakawhite polo ito na nakatupi ang mahabang manggas hanggang siko. Tila kagagaling lamang sa trabaho.
"I told you I'll see you again. So, this what your job is," he stated and roamed his eyes around the bar.
I can see judgment in his eyes. Hindi ko alam kung bakit parang ibang tao ang kaharap ko ngayon kaysa sa lalaking nakaengkwentro ko noong nakaraang gabi. My gut feeling is telling me that something is wrong with him. Sigurado ba si Astrid na kambal lang sila at hindi triplets? Kasi baka ang pangatlong Montgomery ang nakaharap ko nang gabing 'yon nang hindi ko alam.
"A-anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ko sa kaniya dahil hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
Kasasabi ko lang na imposibleng magkita pa kami at heto ako ngayon, kaharap siya! Alam kong siya ito. Sa ayos pa lang ng buhok ay sigurado akong siya nga ito. Pero anong ginagawa niya rito? I mean, kung siya nga ito ay malamang alam niyang dito ako nagtatrabaho dahil halos gabi-gabi siyang tambay rito, but . . . No! May mali talaga, e.
Ngumisi siya sa 'kin at nagsalin ng vodka sa baso niya.
"I requested you. We have something to talk about." Malalim ang boses niya at tila pagod.
"May trabaho pa ako," sambit ko at akmang tatayo na upang iwan siya, ngunit mabilis niyang nakuha ang kamay ko at inupo ako pabalik sa tabi niya.
Naiinis na tiningnan ko siya. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil dim ang ilaw sa buong bar. Ngunit ramdam kong madilim ang awra niya at galit ito base sa boses niya kaya lalo akong nakaramdam ng kaba.
"I requested you from your manager here. I paid for you, so you will stay here whether you like it or not. Unless you want to give me back my money," maawtoridad nitong sinabi sa 'kin at tila nanghahamon kaya napataas ang kilay ko.
"Sige. Magkano ba ang binayad mo at—"
"Fifty thousand for a night with you."
"Damn it! Fine! I'll text you where I am! Just leave my house alone!" Hiyaw ko, kulang na lang ay murahin ko siya."Promise?" Nang-aasar na sinabi niya."Fuck you. Give the damn phone to Lily and leave her alone, Jackson. Itetext ko ang address." I firmly said to him. Narinig ko pa ang halakhak ng lintek na Jackson bago ko patayin ang tawag.Agad akong nagtipa ng message para sa number niya at sinend iyon. Maya-maya pa, nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ni Lily sa text na umalis na ito.Pabalik na sana ako sa table namin nina Lorry nang makita ko ang papalapit sa akin na si Sir Alex kaya hinintay ko na itong makalapit sa 'kin."I need you to go back to the empire now and find this ASAP, Tatiana." Salubong niya sa 'kin at inabot ang isang papel.Nang tingnan ko iyon ay naintindihan ko agad kung ano ang mga nakasaad doon. Iyon ang bagong project warehouse na isinusulong ng Montgomery Group with the Alejandro Holdings. Isa itong malaking warehouse at kung para saan ay ang sabi, con
"Girl, kanina ka pa nakatitig diyan. Na-submit mo na 'yan kay Sir Alex 'di ba? Ano pang binabago mo riyan?" Tanong na naman niya. Napanganga ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya.Bahagyang hinilot ko ang ulo ko at napamura."Seriously, you need to freshen up. Nasa pantry sina Serena at Gael. Maglalunch na rin naman," paanyaya niya at hinablot na ang kamay ko kaya wala na akong nagawa."What happened ba? Mula nang bumalik ka, wala ka pang nakekwento sa 'min. Pati si Red ay sinungitan mo," pagsisimula niya habang naglalakad kami.Napanguso ako nang maalala ko ang huling engkwentro namin ni Red kahapon. Hindi ko naman sinasadyang masigawan siya. Nagkataon lang talaga na katatapos lamang ako sermunan ni Sir Alex noon. God! This irritation is eating me up pati na ang mga tao sa paligid ko."Hindi ko sinasadya 'yon. I was so tired that time at pineste pa 'ko ni sir," pasaring ko at napairap na lang sa ere."Weh? Ayun lang ba ang dahilan? Bakit ka nag leave sa empire? May nangyari ba? Of c
"Dapat nga ay hinayaan na lang kita. Pati sa oras ng pahinga ko ay iniistorbo mo 'ko," tamad na sinabi ko sa kanya at nilagpasan na siya roon. Ramdam ko ang pagpupuyos ng damdamin ko."Where the hell are you going?" Maawtoridad niyang tanong sa 'kin kaya nilingon kong muli siya."I'm going home, Jackson. I want to rest. Why did you even drink when you can't even handle yourself?! Tapos ako ngayon ang aabalahin mo!"I saw the shock on his face with my sudden outburst. Nagulat din ako sa sarili ko ngunit huli na para bawiin ko pa iyon dahil sa labis na iritasyong nararamdaman ko."Noah called me! Pinakiusapan niya akong huwag kang iwan at ano, ganyan ang maririnig ko mula sayo? You should've called Sandy, instead of me! Bakit ako ang lagi mong pinipeste, ha?!" Hiyaw ko sa kanya kasabay ng pag iinit ng puso ko.Pakiramdam ko ay naghalo-halo na ang frustration na nararamdaman ko dahil sa sitwasyon namin ngayon ng mga anak ko pati na ang lintek na konsensyang nararamdaman ko para sa kanya!
Hindi ko na napigilang mapatingin kay Noah dahil sa sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. It's true that Jackson mentioned that thing earlier to his Mom at hindi ko iyon pinaniwalaan. Sinabi niya rin sa 'kin na hindi siya ang alter ego at si Jackson iyon.I don't even know how or what to react. Pakiramdam ko ay may biglang mabigat na bagay na dumagan sa puso ko.Bumalik ang tingin ko kay Jackson. Nasa gano'ng posisyon pa rin ito kaya nilapitan ko na siya at niyugyog ang kaniyang balikat."J-Jackson . . ." Halos bulong ko."Hmmm . . ." He moaned and tried looking up to me. Nanliit ang mga mata niya nang makita niya ako.He look so wasted! Amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa katawan niya!"Umuwi na tayo," ani ko nang mapansing nakatitig lang siya sa 'kin.Maya maya pa ay bigla siyang ngumiti at mas tumutok ang mapupungay niyang mga mata sa akin. Hindi pa ako nakakapag react ulit, mabilis niya akong sinunggaban at niyakap nang mahigpit."Damn . . . I thought you're
Lumakas ang kalabog ng puso ko. Bigla kong naalala na lumalabas nga rin pala sa commercial si Jackson lalo na sa news dahil palaging headline ito. Hindi na ako sigurado kung paano nila iyon napanood dahil palaging cartoon network naman ang pinapanood nila, but that's the least of my concern now.I'm starting to feel anxious more lalo na't may alam si Jamilah tungkol sa mga anak ko. Pakiramdam ko tuloy ay paliit nang paliit ang mundong ginagalawan namin at unti-unti na akong sinasakal ng sitwasyon. Kailangan ko bang umalis ulit para ilayo sila rito?Nang makatulog na silang dalawa ay lumabas na ako mula sa kuwarto nila. Nadatnan ko si Althea sa sala na nakaharap sa laptop, tila may ginagawa, kaya naupo ako sa tabi niya. Napepeste pa ako rito kay Sir Alex dahil hanggang ngayon ay text pa rin nang text kahit sinabi ko na sa kanya na dadaan ako bukas!"Are you okay, Ate? Gabi ka na yata umuuwi palagi." Untag sa 'kin ni Thea kaya napatingin ako sa kanya."Marami kasing ginagawa sa office.
Jamilah's expression become serious. She sipped on her coffee and looked at me intently. Tagos iyon hanggang kaluluwa ko na tila binabalaan ako na huwag magsinungaling sa kanya.How did she know?"Huwag mo nang balaking magsinungaling sakin, Tatiana. I knew you were pregnant 6 years ago because I saw your last test result from Dra. Lang," seryoso niyang sinabi kaya mas lalong dumagundong ang buong sistema ko"But don't worry, he didn't know. Hindi ko pa sinasabi. Wala ako sa posisyon para sabihin sa kanya," dagdag pa niya.Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag ngunit hindi pa rin iyon naging sapat para mapanatag ako.Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kanya habang nanginginig pa rin ang mga kamay kong nasa ilalim ng mesa. "H-hindi ko nalaman kay Dra. Lang.""What? I thought she told you. Sinabi ko iyon sa kanya. I was supposed to say that to you pero bigla ka na lang nawala," gulat na sinabi niya sakin. Umiling ako at tiningnan na siya."I found out after the recording was leak







