Share

Owned by the CEO
Owned by the CEO
Author: lady.serene

Simula: Gael Dela Vega

Nakatutok ako ngayon sa laptop habang tinitingnan ang mga shots na kinuha nila sa’kin kahapon. Kasalukuyan akong nasa coffee shop na pinagmamay-ari ni Tita Claudette – Enzo’s mother. Dito kami madalas tumatambay ni Enzo after our shoot since malapit lamang ito sa studio na pinagtatrabahuhan namin. 

“Here’s your coffee.”

Speaking of Enzo, here he is. Nginitian ko siya nang ilapag niya ang tasa ng kape sa tabi ng laptop ko. Then he sat beside me saka siya nakisilip sa screen.

“Wala talagang kupas ang kagandahan mo,” puri niya nang nakangiti, ang atensyon niya’y nasa screen pa rin. I took a sip on my coffee saka napatingin na rin sa tinitingnan niyang picture.

Enzo’s been my friend for almost five years, nah, I mean he was my boss five years ago dahil five years ago ay naging personal assistant niya ako. Sinasamahan ko siya tuwing may photoshoot siya since he is a brand model. However, his manager has seen my potential to be a model, too, and luckily, hindi umayaw si Enzo no’n. He supported me since day one at ngayon ay almost two years na akong nagmo-model sa parehas na brand ni Enzo. We’re also being shipped by other people pero para sa’min, magkaibigan lang talaga kami.

I owe him everything I have now. Naging stable ang buhay ko because of his help at sa pagtitiwala niya rin sa’kin. Hindi ko kailanman naramdaman sa kanya na mababa ang tingin niya sa’kin kahit pa no’ng personal assistant niya pa lang ako. Kaya nga ako tumagal bilang PA niya ay dahil sa ugali niya. Hindi ko nga alam kung ba’t hindi pa ‘to nagkaka-girlfriend, eh, mukhang nasa kanya naman na ang lahat.

“Are you free this weekend?” tanong niya out of nowhere.

“Wait. Check ko lang sched ko,” sagot ko sa kanya at mabilis na dinampot ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa. Pumunta ako sa calendar to check my schedules. “Hmm, so far wala akong sched. Bakit?” 

Umayos siya ng upo. “Be my date,” diretsahang sabi niya. 

Nanlaki ang mga mata ko at napaubo. “A-Ano?!”

Date? Niyaya niya akong makipag-date sa kanya this weekend?  

“Enzo, malinaw naman iyong usapan natin na hanggang kaibigan lang tayo, ‘di ba?” 

Nagsalubong ang mga kilay niya. He looks confused but in just a snap ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napangiti ito at biglang ngumisi. Sumandal siya sa kanyang inuupuan saka humalukipkip at nakangising humarap sa’kin. 

“Crystal clear, Mic. But what I meant was, to be my date at my cousin’s engagement party. She wants to meet you kaya kailangan mo akong samahan,” paliwanag niya.

Suminghap naman ako at biglang nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng mga pisngi ko. Maryosep! Ba’t ba kasi napakadumi ng utak ko? Nakakahiya kay Enzo! Baka isipin niyang nag-assume ako na gusto niya talaga ako i-date in a romantic way. 

“Are you gonna say something, Michaela Isidro?” nakangising tanong niya habang hinuhuli nito ang tingin ko.

Humarap ako sa kanya and acted like I’m not affected. “A-Ano?”

He smirked. “Nothing.” Ibinalik niya ang kanyang tingin sa laptop ko saka siya muling nagsalita, “But if you think the other way around, puwede rin naman. Actually that idea is better.” 

“May sinasabi ka?” tanong ko na kunwari’y wala akong narinig. 

Natawa na lang ito saka umiling. Bigla siyang tumayo. “Pack your things now. May pupuntahan tayo. I’ll be back,” aniya saka ito tumalikod sa akin at naglakad papunta sa cashier. 

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko saka siya hinintay na makabalik. Binuksan ko pa ang camera sa phone ko para silipin ang mukha ko. Nang makitang maayos pa naman ang itsura ko’y isinilid ko na ang cellphone sa loob ng bag ko. Nang sumulyap ako kay Enzo ay sakto namang naglalakad na siya pabalik sa puwesto ko. Tumayo na ako saka kinuha ang mga gamit ko. 

Gaya ng nakasanayan ay kinuha niya sa akin ang bag na bitbit ko. Mula noong naging magkatrabaho kami, pinilit niya ako na mag-resign na bilang PA niya. Hindi pa ako pumayag no’n dahil gusto kong may mahanap muna siyang magiging kapalit ko. Oo nga’t may nahanap siya ngunit hindi rin naman nagtatagal dahil naiinis lang si Enzo sa kanila. Sa limang PA na na-hire ni Enzo, wala siyang nagustuhan kahit isa. Paano ba naman, eh, mahahalata mo talaga na atensyon lang ni Enzo ang habol nila. Puro pagpapaganda, pa-cute, at pagpapapansin kay Enzo ang tanging ginagawa nila. After hiring his fifth PA na naligwak din, hindi na siya muling nag-hire pa ng bagong PA.  

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang sinimulan niya na ang pag-andar ng kanyang sasakyan. 

“Basta,” kalmadong sagot niya, then he started driving the car. 

I inclined the seat saka ko isinandal ang ulo ko sa headrest. Kung ang kape ay nagpapagising sa ibang tao, kabaligtaran naman ‘yong akin dahil mas lalo akong inaantok sa kape. Hindi ko namalayan na sa pag-idlip ko’y tuluyan na akong nakatulog. 

“Gael, hindi ‘to puwede…” nanghihinang sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin. 

“I like you… no, I’m in love with you, Cai.” 

Alam kong nasabi niya lang iyon dala ng kalasingan niya, pero… “Gusto rin kita, Gael. Pero–” He began kissing me again but this kiss is more passionate, slowly and deep. Para akong nalulunod sa mga halik niya. Sa lalim ng halik niyang halos nalalasahan ko na ang alak na ininom niya. Alam kong hindi puwede itong ginagawa namin but why do I want more? Mababaliw yata ako kung sakaling hindi namin ituloy ito. 

He started to undress my clothes. Medyo nahirapan pa siya kaya tinulungan ko na lang siya. Pagkatapos niyang hubarin ang pang-itaas ko’y inihiga niya ako sa kanyang kama. He broke the kiss and stared at me. Mabilis akong napahawak sa pisngi ko dahil pakiramdam ko’y bigla itong uminit. Naghuramentado ang mga kulisap sa tiyan ko nang bigla siyang naghubad ng kanyang pang-itaas habang nakaibabaw siya sa’kin. 

"Do you trust me?" mapupungay ang mga matang tanong niya sa'kin. 

Humugot ako nang malalim na paghinga saka dahan-dahang tumango bilang sagot. 

Naalimpungatan ako nang maramdam kong may tumapik sa pisngi ko. 

"Mic, are you okay?" bungad na tanong ni Enzo sa'kin nang idilat ko ang mga mata ko.

"Here…" He offered his handkerchief. "Tadtad ka ng pawis. Ayos ka lang ba?" muling tanong niya. 

Bigla akong natigilan. 

That dream. 

That man. 

Seven years. Pitong taon na ang nakalilipas, akala ko nakalimot na ang puso’t isipan ko. That one lust night was never a mistake. It was the best thing that ever happened to me. Gael was my first love. The only man who captured my heart. After him, wala na akong ibang lalake na minahal. But that was seven years ago. Madami nang nangyari. I wonder how is he doing right now.

Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Pitong taon na ang nakalilipas ngunit bakit tila sariwang-sariwa pa ito sa panaginip ko?

Gael Dela Vega… anong meron at bigla kang nagparamdam sa panaginip ko?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
infinitelove
Oww.. feeling qoh may gusto tong c Enzo kay Mic ei ... Mukhang magkaka-2nd lead syndrome aqo d2.. umpisa pa lng kinilig na aqo kay Enzo ............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status