ログインCHAPTER 3
HIS CONDITIONSHindi man as true lovers pero kahit as fake husband and wife na lang. I want to create memories with him at ituloy ang pagtatravel kung saan may nature.. Mapa karagatan man o ilog, wala akong magiging reklamo dahil alam kong si Jeo ang kasama ko. “Fine, pumapayag na ako sa kondisyon mo. Pero hindi ibig sabihin nito ay may karapatan kang utusan ako,” giit nito kaya ngumiti na lang ako sabay tango. “Plus, walang mafa-fall. Alam mong si Kaela lang ang nakikita kong ihaharap ko sa altar,” mabilis na saad niya na medyo kumurot sa puso ko. Sanay ka na self! Napaghandaan mo na ‘to diba? Kaya dapat hindi ka na masaktan. “Oo naman, sa tingin mo ba hindi pa rin ako nakakamove-on? I even dated months ago…..tse,” pagyayabang ko para matakpan ang sakit na kumurot sa puso ko. I chose not to move on. Hindi rin totoo na nakapagmove on na ako. How can I? Kung sa lahat ng ka-date ko siya ang naiisip ko? May isang ka-date ako na pinagmamalaki ang kotse niya habang panay ang overtake ang nangyari tuloy ay nakabangga siya. Nagkaroon pa ako ng maliit na sugat sa noo dahil sa kanya pero pinalampas ko na lang at hindi na muling nakipagkita. And ang una ko pang naisip nun ay: Kung si Jeo siguro yun hindi ako magagalusan dahil alam ko kung gaano siya kaingat sa mga sasakyan niya. Isa pa ay safety ang pinakaunang priority niya sa tuwing may byahe kami, kaya alam kong kahit sasakyan ang iniingatan niya. I am also protected. “Good, ayokong makarinig ng confession galing ulit sayo,” aniya kaya tinawanan ko na lang ulit ang sinabi niya. Pagkatapos kong pirmahan ang marriage contract ay lumabas na ako ng opisina niya para simulan ang aking trabaho. Ina-apply ko lang ang mga tinuturo ni Ate Mariel. Sinimulan ko sa pag-aayos ng calendar at schedules niya. Medyo nangangapa pa pero sa wakas natapos ko rin naman, nakita ko rin na may appointment pala siya bukas sa isang yacht conference. Inemail ko na lang sa kanya ang schedule niya for tomorrow at inayos na rin ang mga folder na nasa table ko. Wala rin naman siyang naging utos marahil ay ayaw akong makasalamuha. Pero nagulat na lang ako ng tawagin ako nito para kumain.Meron nga pala siyang inorder na mga pagkain kaya hindi na rin nakakapagtaka na ayain niya ako kase clearly hindi niya naman kayang ubusin yun. “Alam kong dimo kayang ubusin lahat ng ‘to kaya it’s my pleasure to help you,” ani ko at nagsimula ng kumain. Wala na akong pakialam dahil mga paborito ko pa talaga ang nasa lamesa ngayon. Kung hindi siya galit ay baka isipin kong naalala niya pa yung mga paborito ko noon. Sobrang impossible dahil lagi namang si Kaela ang nasa isip niya. “Mabuti ng ipakain sayo kesa naman itapon ko,” wika niya ng hindi man lang tinatanggal ang tingin sa mga papers na nasa lamesa niya. “Oo, tama ‘yan para hindi na ako magbaon no!.....este malaking tipid ‘to diba? Diba, Ysobelle? Sinabi ko ngang kumain ka na lang diyan,” nakangiwing saad ko habang may kagat pang chicken legs. Nakita ko lang naman kung paano lumipad ang masamang tingin ni Jeo mula sa mga papers papunta sa ‘kin. Mabuti na lang talaga mabilis kong nalihis yung sinabi ko kase baka makita ko na lang yung sarili ko sa labas ng opisina niya. “I have an appointment tomorrow with the yacht owners?” kaswal na tanong nito kaya nakuha niya ang atensyon ko. “Yes! At 9:30 AM. Can I come with you?” masayang tanong ko sa kanya pero umiling lang ito. “No! Do you think it’s a playground?” tanong niya kaya napalunok ako. Pero gustong gusto ko talagang makakita ng mga yate. Parang nabubuhay na naman yung pakikiisa ko sa nature ng banggitin niya ang tungkol sa appointment niya bukas.CHAPTER 49 Parang ang bilis ng naging byahe namin pabalik ng pier ng Batangas. Tahimik lang ako simula ng sabihin ni Jeo na pauwi na kami. “Punta tayo ng hospital para matignan yung sugat mo,” aniya habang sinisipat kung ayos lang ba ang kalagayan ko. Gusto kong umiling at sabihing ayoko pero mas madali para sa amin at sa akin na hayaan siya sa gusto niyang mangyari. I just nodded while looking at the window beside my bed. I am okay. Hindi ko na nga ramdam ang kirot ng paa ko e. “Let’s go, Belle,” sabi niya ng pumasok ulit siya sa kwarto ko. Tumango ako at sinubukang tumayo pero hindi ko inaasahang kakaibang sakit pala ang natamo ng paa ko. Mabilis akong napaupo sa kama na ikinatakbo ni Jeo mula sa pinto papunta sa ‘kin. He caringly held his hand but I just shook my head and stubbornly tries to stand up but to no avail, I might pass out again because of the pain. “Ayaw mong humawak sa ‘kin kaya ito na lang ang gagawin ko,” seryosong sabi niya at walang kahirap hirap na sinakop
CHAPTER 48: Ramdam ko ang mabilis na andar ng yate mula sa kinahihigaan ko. All I know is I passed out when I saw the large amount of blood coming from my foot. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagawang makapaglakad ng matiwasay kung ganon na kalala ang pagdudugo ng paa ko. “Buti gising ka na, Belle. Kumain ka muna, panigurado gutom ka na,” biglang wika ni Jeo na nasa gilid ko lang pala. Nakita ko ang isang tray ng pagkain na puno ng putahe katulad ng inihaw na isda na siguro ay galing pa sa kinuha niya kanina. Meron ding kanin at sawsawan na may kamatis at kalamansi, bigla ay naramdaman ko ang gutom. Napadila na lang ako sa labi ko habang nagpipyesta ang mata ko lalo na sa iba’t ibang prutas na nilagay ni Jeo duon. “Kaya ko na,” malamig na sabi ko at kinuha ang tray ng pagkain mula sa kanya. Inayos ko iyon sa taas ng kama at nagdasal ng tahimik bago magsimulang kumain. I didn’t even glance on his handsome face, I just know that seeing his reaction would tug my heart to be so
CHAPTER 47:Tulalang naglalakad at hindi iniinda ang sakit ng mainit na buhangin sa paa ko. Napapikit na lang ako ng muli kong maalala ang mukha ni Aling Tess habang nakapinta roon ang sakit. “What have you done, Dad?” pabulong kong tanong habang nakatingin sa langit. Kung simpleng araw lang ito ay baka kanina pa ako sumilong sa lilim ng mga puno. I tried recalling every bit of my Dad’s personality but all of what I can remember is his genuine and kind actions. Palaging nauunang tumulong si Dad everytime may problema sa kumpanya o sa mga empleyado niya. I also remember how he donated his salary for one of his employee na nasunugan noon sa Manila. I also saw how him being so generous kahit paulit ulit na yung batang nanlilimos sa kotse namin. Kaya hindi ko lubos matanggap na may naagrabayadong tao si Dad. Wala rin naman akong naririnig na pinag-aawayan nila noon ni Mom. “Umalis ka dito sa isla, hanggang dito ba naman ay sinusundan kami ng kasamaan ng tatay mo? Hindi pa ba siya tap
CHAPTER 46:“Ikukuha lang kita ng pang-ulam ha,” aniya sabay kindat sa akin. After that he was teased by the boys. They saw how naughty he was. Kahit kagabi ay bigla bigla na lang niyang sinusundot ang tagiliran ko. Kaya naman I have no choice but to fight hanggang sa marinig ng iba ang tili ko. Bago kami pumunta rito sa isla nila Mang Tonio ay pinupogpog ako ng halik sa pisngi. Akala ko may asong nakapasok at dinidilaan ako pero pagmulat ko ay siya pala iyon. I couldn’t do anything naman kasi I like it also. I prefer his goofy side rather facing the angry Jeo that really makes me tremble everytime those emotionless eyes would dart on to me. “Ngayon na lang ulit ngumiti ng ganyan ang batang yan,” biglang wika ni Aling Tess na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala. I smiled shyly at her and moved slowly so she could sit beside me. Nakatingin siya sa mga lalaking papunta sa bangka kung saan nandun na si Mang Tonyo. “Kilala niyo na po si Jeo? Matagal na po?” curious na tanong ko
CHAPTER 45: “Napakaganda naman ng asawa mo hijo,” ani asawa ni Mang Tonyo na si Aling Tess. “Hindi lang maganda si Ma’am Yso, mabait pa,” wika naman ni Kuya Arnie kaya mas lalo akong nahihiya sa ginang. “Magandang umaga po,” bati ko habang nakangiti at nag mano sa kanya. “Magandang umaga rin ineng, hali kayo at sakto katatapos ko lang maghanda ng umagahan,” nakangiting niyang saad at naunang pumasok sa maliit nilang bahay.Habang nagkakape at nagpapandesal ay hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Hindi ko alam kung pwede bang sabay na maramdaman ang saya at inggit. Kitang kita ko kung gaano kasaya ang pamilya nila kahit halos isang kahig isang tuka ang nangyayari sa kanila. Yung kusang pagtulong at simpleng pagpapagaan ng trabaho ni Aling Tess ay ang nakakuha ng atensyon ko. Alam kong mabait na tao si Mang Tonyo kahit halos wala pang dalawang araw ko siyang nakasama. He may look emotionless but when it comes to Aling Tess, he would do the smallest things just to make her chore
KABANATA 44Ilang araw pa lang na puro dagat ang nakikita ko ay nasasanay na ako. At alam kong isa ito sa mga hilig na hinding hindi ko pagsasawaan. “We’re leaving na talaga no?” tanong ko kay Jeo habang magkatabi kami sa railings ng yate. “You don’t want to leave?” tanong naman niya kaya humarap ako ng nakasimangot sa kanya. “Tagalog nga please! Bakit lagi mo aking kinakausap ng english? Pag kina kuya Kaloy naman straight ka magtagalog,” nakanguso kong reklamo na ikinangisi niya lang. Kung kanina ay nakaharap kami sa dagat, bigla siyang umikot at isinampay ang dalawang kamay sa railings at diretso ng nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong napapikit pikit at napahawak ng mahigpit sa railings. Humarap lang naman siya sa ‘kin pero parang naging jelly ace yung mga binti ko. “Sanay akong kausapin sila ng tagalog, Belle,” maikling paliwanag niya kaya naman mas lalo akong napanguso at pinagkrus pa ang kamay sa aking dibdib. “So? I want…..gusto ko kausapin mo rin ako ng tagalog,” medyo







