Share

PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita
PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita
Author: Cathy

CHAPTER 1

Author: Cathy
last update Huling Na-update: 2025-12-02 13:56:57

PROLOGUE

VALERIA FUENTES

“Papa! Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Carlos.” umiiyak kong wika sa aking ama na si Juanico Fuentes.

Patuloy ako sa pagmamakaawa dito na sana huwag nitong saktan ang nobyo ko. Nahuli kasi kami nito ni Carlos na nasa mainit na p********k at natatakot akong baka patayin nito ang boyfriend ko

Mahal ko si Carlos! Mahal na mahal ko ito at hindi ko kayang makitang mapahamak ito nang dahil sa akin.

“Valeria, alam mo naman na mataas ang pangarap ko sa iyo diba? Alam mo naman na mahal na mahal kita pero bakit? Bakit mo nagawang pumatol sa patay-gutom na iyun? Ikakasal ka na kay Wency…ang anak ni Mayor ng Mayor ng bayan na ito at kayo talaga ang bagay.” Galit nitong sigaw sa akin. Nakakuyom ang kamao nito at nagliliyab ang mga mata sa matinding galit

“Pa, alam kong nagkamali ako. Patawad po pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Carlos.” Umiiyak kong sambit pero parang walang narinig ang aking ama. Bagkos, dinampot nito ang cellphone sa center table at may tinawagan

“Ituloy mo ang plano. Patayin mo ang walang hiya kasama ang mga magulang niya.” Galit nitong bigkas na labis na ikinasindak ng buo kong pagkatao

“No! Nooo! Papa, please! Huwag..huwag! Maawa po kayo kay Carlos.” Umiiyak kong sambit. Napaluhod pa ako sa harapan nito para lang pakingan pero wala eh. Naging bingi si Papa.

Ayaw ako nitong pakingan at ngayun pa lang, labis nang nagdurugo ang puso ko sa naging kinahinatnan sa pagmamahalan naming dalawa ni Carlos.

Mahal ko ang lalaking iyun? Pero bakit ganoon? Bakit palaging kaakibat sa pagmamahalan ng dalawang puso ang hindi pagkakatugma ng istado ng buhay? Langit ako, lupa si Carlos at hindi pabor ang matapobre kong ama sa pagmamahalan naming dalawa ni Carlos.

Wala sa sariling mabilis akong napatayo. Hindi ko alintana ang galit ni Papa at mabilis ang takbo na lumabas ako ng mansion. Hindi pwedeng mapahamak si Carlos. Hindi ako papayag!

Sa kabila ng matinding pagluha at malakas na pag-iyak, nagawa kong sumakay ng kabayo. Dumirecho ako sa kamalig kung saan alam kong doon nakakulong si Carlos at ang mga magulang nito pero huli na. Nadatnan kong nagliliyab na sa apoy ang kamalig at tiyak akong nasa loob si Carlos kasama ang mga magulang nito.

“Hindi! Hindi! Calos..si Carlos! Tulungan niyo siya!!!” umiiyak kong sambit. Akmang susugod sana ako sa naglalagablab ng apoy para sana iligtas si Carlos pero huli na. May biglang humawak sa akin at pakaladkad akong inilayo

“Nahihibang ka na ba? Ha? Valeria? Nasaan ang utak mo?” galit na sigaw ng walang iba kundi ang aking ama.

Patulak akong binitiwan nito kaya naman napaupo ako sa halos putikan. Nakakuyom ang aking kamao at puno ang luha sa mga matang tiningala ko si Papa?

"Paano mo ito nagawa sa kanila Papa? Paano mo nagawang pumatay ng tao?” umiiyak kong sambit. Napansin kong saglit itong natigilan. Napatitig ito sa natutupok ng kamalig bago nagsalita

“Tama lang sa kanila iyan. Tama lang na patayin ang mga kagaya nilang ambisyoso at ambisyosa.” Galit nitong sagot sa akin

Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ngayun ko lang din lubos na nakilala ng tunay ang pinakamamahal kong ama. Akala ko talaga noon, masama lang ang ugali nito pero hindi ko akalain na kaya pala nitong pumatay ng tao masunod lang ang gusto!

“Papa, paano mo nagawa sa kanila ito? Tao lang din sila kagaya natin. Bakit mo kailangan silang paslangin?” umiiyak kong tanong dito.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun. Wala na akong nagawa pa kundi ang patuloy na napahagulhol ng iyak habang nakatitig sa kamalig na unti-unti nang natutupok ng apoy

Wala nang senyales ng buhay. Ang lalaking labis kong minahal ay pinatay ng sarili kong ama!!!

*****

****

**

*

CHATPER 1

FIVE YEARS LATER

“Senyorita Valeria?” nakangising sambit ng isang lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking kahit na isang saglit, never na nawala sa puso at isipan ko.

“CARLOS?” katagang namutawi sa bibig ko pagkatapos kong buksan ang mabigat ng pintuan ng mansion Fuentes. Hindi ko akalain na sa pagkalipas ng mahigit limang taon, muli kong masisilayan ang isang taong hindi ko inaasan na makitang muli.

Ang aking ex-boyfriend na si Carlors Guerrero. Hindi…hindi ko alam kung ex-boyfriend ba dahil wala naman kaming maayos na break-up. Pagkatapos ng isang malagim na trahedya, bigla na lang itong naglaho na parang bula..

“Kumusta ka, Senyorita Valeria?” narinig kong muling bigkas ni Carlos na nasa harapan ko lang.

Wala sa sariling pinakatitigan ko ito at hindi ko mapigilan ang mapailing ng makailang ulit.

Bakit ganoon, bakit ibang iba na si Carlos ngayun? Hindi ko na nakikita dito ang dating Carlos na minahal ko ng sobra.

Ang mga titig nito sa akin ngayun ay nakakakilabot. May halong galit ang mga matatalim nitong mga mata na nakatitig sa akin na labis na nagbigay sa akin ng kakaibang takot at pag-aalala.

“A-ano ang ginagawa mo dito, Carlos? Ano ang kailangan mo?” mahina ang boses na tanong ko dito. Ramdam ko din ang panginginig ng boses ko katunayan na hindi ako kumportable na kaharap siya ngayun.

“Ano ang ginagawa ko dito? Bakit, wala na ba akong karapatan na umapak sa lugar na pag-aari ko na?” nakangiti nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Naguguluhan akong nakatitig lang sa kanya

“Tingnan mo nga naman ang panahon? Naniniwala na talaga ako na bilog ang mundo dahil sa nakikita ko ngayun, isang lumang manika na gusgusin ka na lang, Senyorita Valeria. Punit-punit at hindi na nakakaakit. Isang basura na dapat nang itapon at hindi dapat panghinayangan.” Muling bigkas ni Carlos na nagbigay sa akin ng kurot sa puso.

Sa mga titig pa lang nito sa akin at sa mga katagang binitiwan nito sa akin ngayun, alam kong hindi na ito ang dating Carlos na minahal ko ng sobra. Marami na ang nabago dito sa paglipas ng panahon.

“Hindi ko maintidihan! Ang akala—ang akala ko wala ka na pero---“naluluha kong sambit. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko na kahit ang pagsasalita ay nahihirapan ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 10

    KASALUKUYANG NANGYAYARIVALERIA POV‘PAYAG AKO! Oo, payag akong maging parausan mo. Basta, basta mangako ka lang sa akin na---na huwag mo kaming paalisin dito sa mansion. Carlos, pumapayag na ako.” Umiiyak kong pakiusap kay Carlos.Alam kong nagkasala ang Papa ko dito pero alam ko din sa sarili ko na minahal ko ng sobra si Carlos. Kaya lang, may mga pangyayari talagang mahirap ipaglaban. Kagaya na lang ngayun, kahit na ano pa sigurong paliwanag ang gagawin ko kay Carlos, hindi ito maniniwala sa akin. Hindi ito maniniwala sa akin na hindi ko naman talaga ginusto ang mga nangyari five years ago eh.“Good! Very good, Valeria. Iyan ang gusto ko. Marunong kang lumugar sa kinalalagyan mo.” Nakangising sagot ni Carlos sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Tahimik lang akong lumuluha“Alam mo, binabawi ko na ang sinabi ko kanina na isa ka na lang lumang basahan sa paningin ko. Actually, maganda ka pa rin naman eh. Sobrang ganda mo pa rin naman at ngayun pa lang, feeling ko, nalilibugan na ako

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 9

    CONTINUATION OF FLASH BACK FIVE YEARS AGOCARLOS POVPero hindi sa lahat ng oras, pumapanig ang tadhana sa dalawang taong magkaiba ang mundong ginagalawan. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatalik ni Valeria, bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok ang galit na galit na si Don Juanico at malakas na napamura nang makita niya kaming dalawa ng pinakamamahal nitong anak sa ibabaw ng kama.. Hubot-hubad at sunod ko na lang na namalayan ay ang paghila sa akin ng Don pababa ng kama at ang malakas na suntok nito na tumama sa aking katawan.Hindi ko mapigilan ang mapaigik dahil sa sakit. Alam kong sa mga nangyari, hindi lang bugbog ang matatamo ako or worst baka mapatay pa ako ng Don eh.“Dad!” narinig kong umiiyak na sigaw ni Valeria. Pilit nitong inaawat ang galit na ama sa kakasuntok sa akin pero walang epekto. Galit ang Don at walang kapaguran ang ginawa nitong pagbugbog sa akin. “Animal ka! Ahas! Walang kwenta! Mga tauhan, ikulong niyo ang taong ito at ayaw ko na siyang ma

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 8

    CONTINUATION OF FLASH BACK FIVE YEARS AGO Mabilis na lumipas ang mga araw. Kahit papaano, mas nagiging maayos naman ang relasyon ng magnobyong Valeria at Carlos. Nahahalata ng ibang mga tauhan ng hasyenda ng relasyon ng dalawa pero ang ama ni Valeria na si Don Juanico, walang kamalay-malay. Isang araw, pauwi na noon si Valeria galing sa iskwelahan. Siyempre, ang sumundo sa kanya ay walang iba kundi si Carlos. Nakangiti ang dalagang pumasok ng kotse kasama ang mga ka-classmate at mga kaibigan nitong sila Lila, Flora at Edlyn. “Hi Carlos! Awww, grabe…habang tumatagal mas pumu-pogi ang Carlos mo, Valeria ah?” nakangising wika ni Lila. Siyempre, nagulat si Carlos. Ang alam niya kasi, kahit na ang mga kaibigan n Valeria, hindi alam ang pagkakaroon niya ng relasyon sa dalaga. “Oo naman. Ako pa ba naman..magaling akong pumili noh?” nakangiting wika ni Valeria na noon ay nakaupo sa tabi ng binata at walang sabi-sabing hinatak nito ang ulo ni Carlos at walang sabi-sabing sinabasib ng h

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 7

    FLASHBACK FIVE YEARS AGOCARLOS POVWalang humpay ang ginawang pag-ulos ni Carlos sa ibabaw ng nobya niyang si Senyorita Valeria. Hindi niya akalain na sa kanya isusuko ang magandang Senyorita ang pagkababae nito. Ni sa hinagap, hindi din iya akalain na papatol ito sa kanya!Alam niyang mahal siya nito at mahal niya din naman ito. Kaya nga nagsisikap siya ngayun eh. Kahit na mahirap ang buhay nila, pinilit niyang mag-aral para pagdating ng araw, magiging karapat-dapat siya sa pag-ibig ng senyorita niya.“ahhh! Ohhh, Carlos..ganiyan nga! Idiniin mo pa! Gosh ang laki pala ng titi mo, Carlos!” bulgar na bigkas ni Senyorita Valeria na mas lalong nagbigay ng gana sa kanya pagdating sa kama. Actually, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatikim siya ng babae. May dati din siyang nobya na anak ni Aling Pasing na ngayun ay nasa Manila na ngayun ay balita niya nag-asawa na daw.Ayos lang naman sa kanya kung nag-asawa na ang dati niyang nobya. Hindi niya din naman iyun mahal at isa p

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 6

    FLASHBACK, FIVE YEARS AGOVALERIA POV“I love you, Senyorita Valeria!” nakangiting wika ni Carlos sa akin habang nandito kami sa ilalim ng puno ng mangga. Papalubog na ang araw at napakatahimik ng buong paligid. Lahat kasi ng mga trabahador ng hasyenda ay nagsipag-uwian na kaya naman malaya na kaming makapag-usap ni Carlos dito sa bukirin na alam kong walang sino man ang makakakita sa aming dalawa.Anim na buwan na kaming may sekretong relasyon ni Carlos at kahit papaano masasabi kong masaya kami. Oo, magkalayo ang agwat ng kabuhayan meron kami. Nag-iisa akong anak ng Don na si Don Juanico samantalang si Carlos naman ay isa lamang hamak na trabahador ng hasyenda. Gayun paman, hindi iyun hadlang para iparamdam naming sa isa’t -isa kung paano kami nagmamahalan.“I love you too, Carlos!” nakangiting kong sagot kay Carlos. Buong paglalambing na yumakap ako dito at walang sabi-sabing kusa kong idinampi ang labi ko sa labi ng binata. Kusa naman akong niyakap ng mahipit ni Carlos kasab

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 5

    VALERIA POV "Pasalamat ka nga dahi hindi ko na ipapakulong ang ama mo eh. Kriminal siya at alam kong useless na din kung ipakulong ko pa siya lalo na at isang bulate na lang ang hindi pumipirma at mamamatay na din siya." muling bigkas ni Carlos. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak kasabay ng pagluhod ko sa harapan nito. Napansin ko pa nga a ng pagkagulat sa mga mata ni Carlos ng ginawa ko iyun pero wala na akong pakialam pa. Lahat kaya kong gawin alang-alang kay Papa. Matanda na ito at sa buhay na ito, si Papa lamang ang naging kakampi ko. Hindi man ito naging mabuting Ama pero alam kong pinipilit din nito noon na ibigay ang buhay na maayos para sa akin. Lahat din ng masasakit na salita mula dito ay handa akong tangapin iyun. Para kay Papa. Para sa request ni Papa. Hindi man ito naging mabuting ama sa akin pero hangang sa huli, gusto ko pa rin ibigay ang nais nito. “Carlos, maawa ka! Maawa ka, sabihin mo sa akin, ano ang pwede kong gawin para hayaan mo kaming manatili d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status