Share

Chapter 3

Maagang nagising si Tatiana para pumasok sa kaniyang trabaho. Pasado alas sais y medya pa lamang ay lumabas na siya sa kaniyang sariling bahay. Pumara siya ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep dahil medyo may kalayuan kung lalakarin niya ito.

Masakit pa rin ang ulo niya dahil late na itong nakauwi kagabi galing sa club. Wala naman kaso sa kaniya iyong ngunit tambak na naman ang trabaho nito sa kaniyang lamesa idagdag pa ang pala-utos na boss niya.

Pagkarating niya sa trabaho ay niligpit niya agad ang nagkalat na mga papeles sa kaniyang lamesa. Napagdesisyunan niyang ipasok na ang mga ito sa opisina ni Aslan ngunit nabigla siya pagbukas niya ng pinto ng opisina nito.

Naroon si Aslan, nakaupo sa kaniyang swivel chair at nakatingala tila may kamunduhang ginagawa. Kumunot ang kaniyang noo nang mapansin nitong may iba pang kasama si Aslan sa loob ng kaniyang opisina.

Akala niya ay wala pa ang kaniyang boss ngunit mali na naman ang akala niya dahil tiyak na natulog si Aslan sa kaniyang opisina.

She cleared her throat to get their attention. Aslan looked at her, sharply at tila bitin na bitin. Nag-iwas siya nang tingin rito.

"What the hell, Morgan? Don't you know how to knock?" Inis na tanong ni Aslan.

Umangat ang tingin ni Tatiana sa amo niya at maging sa babae na nakatingin ng masama sa kaniya. She faked a smile. "Oh? Wala po ako sa hell, sir. Madali lang naman pong kumatok, demo ko po ba?" Sarkastikong sagot nito.

Nagpanting ang tainga ni Aslan dahilan para samaan niya nang tingin ang kaniyang sekretarya.

"Stop your sarcasm, Tatiana. I don't tolerate that. You disturb our quality time with this woman." Pagsisi niya kay Tatiana. "Malapit na akong labasan but you interrupted my cum..."

Itinuro ni Tatiana ang sarili. "Ako? Kasalanan ko pa? Alam ko ba na may kamunduhan kayong ginagawa?" Tatiana uttered, bluntly. "Kung hindi ka rin arogante, ano? Dapat nilagyan mo ny placard ang harap ng pinto mo para hindi ka naiistorbo."

Ang babaeng kasama ni Aslan ay nakaupo na sa kandungan nito. Nakayakap ang isang kamay nito sa leeg ni Aslan. Tinapunan ni Tatiana ang babae ng masamang tingin bago nagsalita. "At ikaw naman babae, kung makatingin ka sa akin akala mo bitin na bitin ka. Nangangati ka ba?" Sarkastiko at walang bahid ng emosyon na sambit ni Tatiana sa babae.

"Hey, bitch! You're so kapal naman," konyo na sambit nito. "In the first place, ikaw ang kumatok ng door dapat!" Inis na asik niya.

"Hey, slut! Ilang pulgada ng semento ba ang nilagay sa mukha para kumapal ng ganiyan?" Pang-asar ni Tatiana. Tumingin siya sa kaniyang boss na pinapasadahan siya nang tingin. "Baka kasi gusto mong pumirma ng mga papeles at hindi paglalandi ang ginagawa mo, ano?" Sabi ni Tatiana at naglakad patungo sa lamesa ng kaniyang amo.

Pabagsak niyang inilapag ang mga papeles na hawak niya at muling sinamaan ng tingin ang dalawa. "Kung gagawa kayo ng milagro, paki-lock o maglagay ka ng plaka sa harap ng pintuan mo, Mr. Lewis."

Lumabas na si Tatiana, pinaypayan niya ang kaniyang sarili at inis na umupo sa kaniyang swivel chair. Ibinaling na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagtitipa sa kaniyang kompyuter dahil may kailangan pa siyang tapusin.

Hindi na niya pinakiramdaman pa kung lumabas na ang babae sa opisina ng kaniyang boss dahil wala naman itong pakialam. Hindi niya makalimutan ang tagpo na nasilayan niya kanina.

Aslan is pleasured by a woman. She couldn't imagine that his boss is having a pleasurable moment inside his office.

"Baka kasi hindi na niya naisipan na sa motel dalhin ang mga babae niya, Tatiana..." Bulong nito sa kaniyang sarili.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang isipin na iyon. Tumutok siya sa kaniyang kompyuter at hindi man lang namamalayan ang oras.

Naiwan ito sa kaniyang cubicle, nanatiling nagtitipa. Nagulat siya nang biglang may maglapag ng pagkain sa kaniyang lamesa.

"Eat," sambit ng kaniyang boss na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.

Bago na ang suot nitong white longsleeve polo na nakatupi hanggang sa siko nito. Pinasadahan niya pa ng tingin ang mukha ni Aslan at napalunok nang magtagpo ang kanilang mga mata.

"Hindi ako gutom," iwas tingin na saad niya. "Ipakain mo na lang 'yan sa shota mo, Mr. Lewis."

Kumunot ang noo ni Aslan. "Damn, what's with your word? You're weird, Tatiana."

Umirap si Tatiana. Iniatras niya ng kaunti ang kaniyang upuan upang makahinga. "I'm not weird, sir. Kung wala ka naman naintindihan sa salita ko, wala akong pakialam."

He clears his throat, putting his hands on both sides of his pants. Bakas sa mukha nito ang kaseryosohan. "Wala rin akong pakialam sa salita mo, Ms. Morgan. Mabuti nang nagkakalinawan."

"Ikaw lang naman ang hindi malinaw, sir." Sumbat pa ni Tatiana. "Sa susunod kasi pakilinaw ang sarili mo, huwag mong haluan ng kagaguhan." Makahulugan na usal niya. "Maaari ka nang makabalik sa opisina mo, Mr. Lewis dahil wala ka nang ibang gagawin rito. Mangawit ka lang."

Tatiana didn't mind her boss at all. Nagsibalikan na rin ang kaniyang mga katrabaho at tanging narinig na lamang niya ay ang pagsara ng pinto sa opisina ni Aslan.

Nakahinga siya nang maayos. Tinitigan ang isang styro na may laman na pagkain. She attempt to open it but she restrain herself from doing that. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa amo niyang arogante.

Kinausap siya ni Diana at tila seryoso ang sinasabi nito sa kaniya.

"Nabalitaan ko magkakaroon ng karera si boss mamayang alas otso ng gabi. Sasama ka ba, Tatiana?" Tanong sa kaniya ni Diana.

Kumunot ang noo niya. Karera? Hindi ba at ilegal iyon? Tanong niya sa kaniyang isipan. Nagdadalawang isip siyang tumingin kay Diana. "Hindi ako sigurado, wala naman akong hilig diyan." Sagot niya na lamang.

"Ang galing nga ni boss, e. Minsan ko na siyang napanood sa pagkakarera nang minsan niyaya ako ng pinsan ko. Ang astig pa niya kung gumalaw." Mangha nitong usal.

Umingos siya. "Diana, kailan pa ako nagkaroon ng pakialam?" Sarkastikong tanong niya rito.

Tinawanan siya ni Diana. "Sabi ko nga, sorry naman, Tatiana. Malay ko ba kung gusto mong manood," humagikgik pa ito bago bumalik sa kaniyang tinitipa.

Ano naman kung magkakaroon siya ng karera mamaya? Mas lalo lang siyang nagiging mayabang sa harap ko. "Pakialam ko kung magaling siya? Sa magaling naman talaga siya makipaglaro lalo na sa mga babae." Bulong niya, sapat para siya lamang ang makarinig.

It's already six in the evening and Tatiana is not yet home. Tinambakan siya ni Aslan ng trabaho at alam niyang hindi pa umaalis ang boss niya sa building.

Nagugutom na siya at naiinis na rin ito kakahanap sa papeles na pinapahanap ng kaniyang amo. Tambak ang mga makakapal na papers sa ibabaw ng lamesa nito, dinaig pa niya ang isang abogado.

Narinig niya na nagbukas ang pinto ng opisina ni Aslan kaya inangat niya ng tingin ito. Nagsalubong naman ang tingin nila, lumapit si Aslan sa kaniya at pinasadahan ng tingin.

"Not yet done?" Nahihimigan ang pagiging malamig sa boses nito.

Umirap si Tatiana. "Sa tingin mo Mr. Lewis, madaling hanapin ang pinapahanap mo? At talagang rush hour mo pa talaga ipinagawa sa akin kung puwede naman bukas gawin." Inis na asik nito sa kaniya.

"Come with me," sambit ni Aslan at walang ano ano ay hinila na lamang siya nito. Mabuti na lamang at nahila niya ang kaniyang bag.

Nagpumiglas ito. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Kunot-noong sigaw ni Tatiana. "Bakit mo ba ako hinila, alam mong may trabaho ako, hindi ba?! Nanggagago ka ba?!" Mura niya rito.

Hinarap siya ni Aslan. Malamig ang mata nito, walang emosyon na mababasa kaniyang mukha. Tila umurong ang dila ni Tatiana pagkakita sa itsura ni Aslan.

"I'll bring you home..." Aslan mumbled, coldly. "Ginawa ko lang iyon para maihatid ka," saad pa niya.

Nagsalubong ang kilay ni Tatiana. Hindi niya mahinuha ang ibig sabihin ni Aslan sa kaniya. Nagtataka ito sa inaakto ng kaniyang amo.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Gaano ba kakapal ang mukha mo? Kasing kapal na rin ba sa mukha ng mga babae mo?"

Hindi siya pinansin ni Aslan. Pinagbuksan na lamang siya ng pinto nito ngunit hindi siya pumasok. Nagmatigas siya sa kaniyang kinatatayuan.

Malamig na tingin ang itinapon sa kaniya ni Aslan. "Papasok ka o ako mismo kakaladkad sa iyo papasok ng sasakyan ko?" Puno ng otoridad ang kaniyang boses. "At kapag hindi ka pa pumasok, you'll end up, naked in my office."

Tila natakot si Tatiana kaya nagmadali siyang pumasok sa kotse nito. Umikot naman patungong driver seat si Aslan at mabilis na minaneho ang sasakyan.

"I have a race, I'll just drop you home," pinutol ni Aslan ang katahimikan nilang dalawa.

Hindi niya nilingon ito sapagkat nakatingin lamang siya sa labas ng bintana ng kotse ng kaniyang amo. Narinig naman niya ang sinabi nito ngunit ano ang pakialam niya.

"I'm just trying to get my luck to win on that race," nangangahulugan ngunit hindi pa rin mahinuha ni Tatiana ang sinasabi ng kaniyang amo.

"Huwag mo guluhin ang utak ko, Mr. Lewis. Hindi kita maintindihan ang pinagsasabi mo." May iritasyon sa boses nito. "Ano naman kung may karera ka, kailangan ba ako lucky charm mo?" Sarkastikong usal nito.

"Yes, you're the lucky charm, I bet, I'm gonna win." Nakangising saad nito.

"In your dreams, Mr. Lewis. Sana matalo ka at baka magdiwang pa ako."

Humigpit naman ang kapit nito sa kaniyang manobela. Ramdam ni Tatiana ang biglaang paglamig ng paligid nilang dalawa. Malamig na aircon ng sasakyan nito ngunit mas malamig na naman nang sulyapan niya si Aslan na madilim ang mukha.

"If ever I won that race, you'll end up with me, in my unit and my bed."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status