Share

Chapter 4

Nasa racing track na si Aslan, nakapag-ayos na rin siya ng kaniyang gear nang lumapit si Radion sa kaniya.

"Buti hindi ka late, bro? Aakalain ko pa naman sana na takot kang matakot kay Trent." Sambit nito at patawa-tawa.

Inirapan lang siya nito. "I just got my luck, Rad. Inihatid ko ang babaeng iyon."

Ngumisi sa kaniya si Radion. "Kaya naman pala, e. Alam ko na ang rason kaya mo siya tinambakan ng trabaho para lang pala ihatid mo."

Pumasok na si Aslan sa kaniyang ferrari. Pinaandar niya ito, bukas ang bintana ng kaniyang kotse. Naroon pa rin si Radion, nakapangalumbaba sa bintana ng kaniyang sasakyan.

"Remember the bet, Aslan. She's the prize and you shouldn't lose with Trent."

"Tsk. I know. No need to remind me that..." Napasinghap siya. "I'll surely bed her, my place, my bed." Mayabang na saad niya.

Malapit nang mag alas otso at limang minuto na lamang ay magsisimula na ang kanilang karera. Namataan niya si Trent na nakangisi sa kaniya at tinaasan pa siya ng gitnang daliri. Tinaasan lamang niya ng kilay ang kaibigan at isinara ang bintana ng kaniyang sasakyan.

Humigpit ang hawak niya sa manobela. Huminga rin siya nang malalim at inayos ang pwesto ng kaniyang ferrari.

Tatlong minuto na lamang at magsisimula na ang laban nila. Maraming tao, hindi naman pribado ang lugar. Maimpluwensyang tao naman kasi ang narito. Nanatili ang mata niya niya sa harap at hinintay ang go signal ng isang babae na nakasuot ng hapit na racerback at maikling short.

Napabuntong hininga siya at inapakan niya ang accelerator pedal ng kaniyang ferrari at hinayaan niya si Trent na mauna sa kaniya.

Sa hindi malaman na kadahilanan, nang malapit na sila sa palikong daan, he pulled up some of his car speed at napantayan niya ang kaniyang kaibigan.

Binuksan niya ang bintana at ramdam niya ang alikabok na pumapasok sa loob ng kaniyang sasakyan ngunit wala siyang pakialam. Binuksan rin ni Trent ang bintana nito at iwinagayway ang gitnang daliri bago lampasan si Aslan.

He smiled bitterly, "son of a bitch!" Mura niya.

Binilisan niya ang kaniyang takbo, pangalawang laps pa lang ngunit hindi iyon alintana sa kaniya para lang matalo.

Nasa imahe na nito kung sakaling matalo siya at hayok na hayok ang kaniyang kaibigan sa paglasap ng bawat katawan ng kaniyang sekretarya. Umigting ang panga nito sa kaniyang imahinasyon na siyang dahilan para lampasan si Trent.

"Hindi ako magpapatalo, Trent. Kahit kaibigan kita, ayaw kong matalo mo ako lalo na at sekretarya ko ang magiging kapalit nito."

Mas bumilis pa ang takbo niya. Rinig niya ang mga hiyawan ng mga manonood sa paligid. Ngumisi siya at huling ikot na ito ay matatapos na ang karera.

Tumingin siya sa side mirror para tignan kung humahabol pa si Trent sa kaniya ngunit malayo pa ito sa kaniyang kinaroroonan. Ayaw niyang magmukhang mayabang kaya tinapos na niya ang race.

Panalo ito kaya sumilay ang ngisi sa kaniyang labi nang makitang pababa si Trent sa sasakyan nito at nilapitan siya.

"Congrats, bro. The bet is on, hoping for your luck with your aloof secretary." Saad niya at kinamayan ito.

"It's fun having a race with you too, Trent." Sambit niya at namulsa. "Nice having a bet, making sure I'll bed her the soonest as possible." Ngumisi siya nang nakakaloko.

Napailing na lamang si Trent. "Don't be fucked up, man. She's a Goddess, might not lose her." Binigyang kahulugan iyon ni Trent.

"As if, Trent."

Nagsilapitan ang mga kaibigan nila sa kanilang pwesto at tinapik ang kanilang balikat. They congratulate both of them at nangunguna roon si Radion na ngayon ay may hawak na pera.

"O, sabi ko sa inyo, mananalo ang manok ko!" Hiyaw niya at ipinaypay pa sa kaniyang sarili ang pera na hawal niya.

"Kapal talaga ng mukha," sambit ni Dave dahilan para tumawa ang iba. "Makapal na ang mukha, mukhang pera pa, saan ka pa? O, edi kay Radion na." Asar na dugtong nito.

Inirapan ni Radion si Dave. "Practicality ang tawag doon, Dave. Wala ka talagang utak." Napasapo sa noo si Radion at ngumisi ng nakakaloko kay Dave.

"Gago, ang yaman yaman mo, hinuthutan mo pa kami tarantado!" Asar na asik ng mga kaibigan nito kay Radion.

"Hoy, mga walang kwentang nilalang, kasalanan ni Aslan kung bakit tiba tiba ako ngayon, ano!" Giit pa rin niya sa mga kaibigan at dinamay pa si Aslan na siyang sinamaan naman ng tingin nito.

"Huwag mo akong idamay riyan sa kabulastugan mo, Radion." Inis na asik ni Aslan rito. "I'm going home, I need to prepare myself."

Naghiyawan ang mga kaibigan nito. "Prepare myself ka pa na nalalaman. Parang hindi ka matinik sa mga babae, e." Sambit ni Haris na bagong sulpot lamang.

"Hindi ako katulad ni Radion na parang tusok nang tusok. Makakita lang ng babae, tutusukin na agad. Sana hindi siya magka-aids. Kawawa naman." Pang-asar niya kay Radion at saka sila tinalikuran lahat.

Narinig pa niya ang pagsigaw ni Dave at Haris patungkol sa bet nilang magkakaibigan. Dumiretso ito sa kaniyang condo unit at ibinagsak ang sarili sa kama.

Tumingala siya sa kisame. Inisip kung ano ang gagawin niyang plano para sa bet nila ng kaniyang mga kaibigan.

"What should I do? Why do I even join on that fucking crazy dare of those bastards?!" He questioned himself.

He gets off the bed and walked towards his bathroom. Nanginig siya sa lamig nang bumulusok ang malamig na tubig ng shower sa kaniyang ulo pababa sa kaniyang katawan.

"What's with you, Tatiana Morgan that Trent wanted to bed you?" Gigil na tanong niya habang nakayuko at nakasandal ang kaniyang kamay sa pader ng shower room. "Kung natalo ba ako sa race, hindi pa rin naman ako papayag na ikama ka ng kaibigan ko. Hindi puwedeng siya ang makauna sa iyo. Dapat ako lang." Bigla niyang bulalas sa kaniyang sarili.

Hindi naman niya maintindihan ang kaniyang sarili sa imahinasyon nito kung sakaling ang kaibigan niya ang unang makagalaw sa kaniyang sekretarya ngunit wala pa siyang kasiguraduhan na birhen pa rin ito.

Binabase lamang niya ang kilos, galaw at pananamit nito sa isang inosenteng babae na wala pang experience sa pangkamang aktibidad.

"Soon, I'll fuck you, Tatiana. You'll give in and I'll make sure that you only want me inside you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status