“Aiden ano bang ginagawa mo?” tanong ni Kate sa asawa niya pero ngumisi lang naman ito at saka nito binitwan ang kamay niya“Huwag kang mag-alala, sweetheart! Masa maganda ka kaysa kay teacher Grace!” sabi nito kaya naman nameywang siya sa harap ni Aiden“At sino naman ang nagsabi sa iyo na nag-aalala ako, Aiden?” balik niya dito pero ngumiti lang ito and shrugged his shoulders“Hintayin ka namin sa labas!” anito saka nakangiting lumabas ng kwarto kaya naman lalong nabwisit si KateNapatitig pa siya sa kamay niya na kanina lang ay hawak ang abs ni Aiden at iniling niya ang ulo niya para to shake of the image in her head.Nagbihis na siya dahil baka mainip si Pauleen at matapos niyang isuot ang kanyang two-piece bikini ay nagsuot na siya ng robe bago siya lumabas sa pinto.“Yes, Mommy is here na!”sabi ni Pauleen sabay hawak sa kamay ng kanyang ama at ganun din ang ginawa niya sa kamay ng Mommy niya\Naglakad sila papunta sa pool at kung titignan mo sila, para talaga silang masayang pa
Natigilan si Aiden sasinabi ni Kate at wala naman siyang maisagot dito dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang asawa.“Hindi ka na nakasagot?” ani Kate kaya naman napahinga na lang si Aiden ng malalim“Alam ko naman yun, Kate! Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin dahil nagsisi na ako!” sagot ni Aiden sa kanya“Hindi na kita pagbabawalan kung gusto mong puntahan ang kabit mo Aiden! Pero sana, maging discreet kayo at huwag na huwag mo ng isasama ang anak ko sa kanya, maliwanag ba?” patuloy pa ni Kate kaya naman dumilim na ang mukha ni Aiden“Hiniwalayan ko na siya, Kate! Ano bang sinasabi mo?” inis na tanong niya“Ows? Eh bakit kung awayin ako nung babae mo, ganun pa din! Siya na ang nakiapid sa asawa ko, siya pa ang matapang!” inis na sagot din Kate at naalala niya na hindi pa siya tapos sa babae na itoIdagdag pa ang hipag niyang kunsintidor sa maling ginagawa ng kanyang kaibigan.“Hindi ka na ba talaga maniniwala sa akin, Kate?” malungkot na tanong ni Aiden kaya nagkibit-bali
“Sana po hindi na tayo magkahiwalay!” Natanim sa utak ni Kate ang mga katagang ito ng kanyang anak na narinig niya kanina nung pababa na siya sa hagdan. Hindi maiwasan ni Kate na manikip ang dibdib dahil sa kahilingan ng kayang anak.Mahal niya ang kanyang anak at ngayon na malapit na sila sa isa’t-isa ay makakaya ba niyang mailayo na naman ito sa kanya sa pangalawang pagkakataon?Habang bumibyahe sila papunta sa Batangas ay naisip ni Kate na hindi niya kakayanin kung mawawala ulit sa kanya si Pauleen kaya naman nagdesisyon na siya na pakikisamahan niya si Aiden alang-alang sa kanyang anak.Kung noon, si Aiden ang walang pakialam sa kanya at pinakikisamahan lang siya dahil buntis siya, siya naman ang gagawa noon ngayon. Siya naman ang gagawa ng rules at sisiguruhin niya na malalaman itong lahat ni Aiden.She will stay and remained married to Aiden, hindi dahil sa gusto niyang ayusin ang lahat pero dahil sa anak niya. Kaya niyang igive-up ang lahat para sa kanyang anak.“Mommy, hindi
“Gusto mo ng annulment, tama? Sige KAte, pagbibigyan kita pero ito ang tatandaan mo, the moment na ma-approve ito, hinding-hindi mo na makikita ang anak mo!” pahayag ni Aiden at nakaramdam naman ng kaba si Kate“Aiden, hindi ako papayag!” matigas na saad niya kahit pa may ideya na siya kung ano ang ginagawa sa kanya ng asawa“Kahit hindi ka pumayag, wala kang magagawa dahil yun ang nilagay mo sa agreement! That you will give up Pauleen’s custody, tama ba ako?” paalala ni Aiden sa kanya kaya naman naconfirm niya na ito ang balak ni Aiden“That was before, Aiden!” protesta niya pero umiling ito sa kanya“Hindi mo na mababago yun, Kate! At kung gusto mong makasama ang anak natin, kalilimutan mo na ang annulment na yan!” galit na sabi ni Aiden kaya naman kulang na lang ay magdilim na ang na ang paningin niya“You are blackmailing me, Aiden!” Umiling si Aiden saka niya tinitigan si KAte.“Ikaw ang may gusto nito! At malinaw naman yan sa papeles na pinirmahan mo! Hinaharang ko ito dahil um
Nagising si kate at hindi niya alam kung bakit siya napunta sa kama samantalang sa sofa naman siya natulog kagabi. Nilingon niya ang couch at nakita niya si Aiden doon kaya naman napailing na lang siya dahil alam na niya kung bakit siya nandito.Tumayo na siya at nagpunta muna siya sa banyo para maghilamos at magsipilyo dahil gusto niyang ipagluto ng almusal si Pauleen. May pasok ito ngayon sa school at naalala niya ang kinwento sa kanya ni Aiden noong magtanong siya kung bakit lumipat ng school ang kanyang anak.At nung malaman niya ang dahilan ay lalo siyang nakaramdam ng galit kay Aiden at kay Charlene. Kaya naman hindi na siya papayag na malapitan pa ni Charlene ang kanyang anak.Baka masaktan na talaga niya ito pa tinangka pa niya ito!Pagbaba niya sa kusina ay nandoon na si Manang Siony at nagpresinta na nga siyang Tumulong sa pagluluto ng almusal.“Nakatulog ka ba, iha?” tanong nito sa kanya nung simulan na ni Kate ang pagluluto ng almusal“Opo naman, Manang!” maikling sagot
Paglabas ni Kate sa banyo ay wala na si Aiden sa kwarto niya at para sa kanya, mainam yun dahil wala naman siyang balak na matulog sa iisang kama kasama ang kanyang asawa.Hindi niya gusto na nandito siya pero para kay Pauleen, magtitiis siya hanggang sa makumbinso niya ang kanyang anak na sumama na sa kanya.Nahiga na siya sa kama at ipinikit na niya ang kanyang mata pero naging mailap naman ang antok sa kanya. She tossed and turned at nung hindi pa rin siya makatilog ay naupo na muna siya sa kama at sumandal sa headboard ng kama.Kinuha niya ang telepono niya and checked her mails at nung matapos siya dito ay hindi pa rin siya makaramdam ng antok. Ano ba ang nangyayari sa kanya?At dahil naiinis siya at nagpasya siyang bumaba sa kusin para maghanap ng tsaa at baka sakaling makatulong ito sa kanyang pagtulog.Bumaba siya sa unang palapag ng bahay at patay na ang ilaw sa kusina kaya naman kinapa pa niya ang switch nito at nung kumalat na ang liwanag doon ay nagsimula na siyang magha