แชร์

Chapter 106

ผู้เขียน: Calut qho
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-11-12 18:57:35

Marahan namang inilapit ni Darrius ang kanyang labi sa noo ni Kariel, at mahina siyang bumulong, "Kung kaya kong ibalik ang panahon… gagawin ko ang lahat para hindi na kita pakawalan."

Habang dumadampi ang kanyang labi sa noo ni Kariel, tila gumuhit ang isang malalim na pag-unawa sa kanilang dalawa. Hindi nila alam kung ano ang bukas para sa kanila, ngunit ngayong gabing ito, sapat na ang maramdaman nila ang bawat tibok ng puso ng isa’t isa.

Dahan-dahang iniangat ni Kariel ang kanyang mukha
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (11)
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
wala pa rin po ba update author?
goodnovel comment avatar
Fely Alborida Pusag
update po please
goodnovel comment avatar
Fely Alborida Pusag
ang tagal mag update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 128

    Matapos ang sa una'y malungkot subalit kalaunan'y naging masayang umagahan, hindi na napigilan ni Darielle ang pananabik. Halos hilahin na nito ang ama papunta sa dalampasigan habang masiglang tumatawa. Magmula nang dumating sila sa lugar ay ilang ulit na s'yang nakaligo ngunit tila hindi siya nagsasawa. “Daddy, bilis! Ang ganda ng tubig!” sigaw nito, sabay takbo palapit sa alon. Napailing na lamang si Darius ngunit halatang natutuwa. “Dahan-dahan, anak! Baka madapa ka!”Hindi natinag ang anak. Nagpatuloy lang ito sa pagtakbo. "Habulin mo po ako, Daddy!" "Gusto mo pala habulan, ah." Tumitili namang tumatakbo ang anak habang hinahabol niya ito. Masaya namang sumunod sina Kenneth at Kieth, habang si Kariel naman ay mabagal na naglakad sa likuran. Humahaplos ang mainit na hangin sa kaniyang balat, at ang tunog ng alon ay karaniwang nakapagpapakalma sa kaniya—ngunit ngayon, tila hindi nito mapatahimik ang magulong isipan niya. Kung anu-ano na ang binubulong ng utak niya. Habang pi

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 127

    SA KABILANG DAKU, masiglang napuno ng tawanan ang buong hapag. Maaga pa lamang ay abala na ang mga staff ng resort sa paghahain ng pagkain, habang ang simoy ng hangin mula sa dalampasigan ay lalong nagpapagaan ng pakiramdam ng lahat. Nakaupo si Darielle sa kandungan ng ama, at abala sa pagsubo ng kanin habang paminsan-minsang sinusubuan ng ama. “Daddy, ikaw na lang po kumain nito,” inosenteng sabi ng bata habang inaabot ang kutsara na may lamang gulay. Napangiti si Darius at kunwaring napangiwi. “Parang unfair yata, ako na nga nagpapakain, ako pa bibigyan ng gulay.” Napatawa si Darielle. “Para lumakas ka po. Sabi kasi ni mommy panpalakas po ang veggies.” “Malakas na ako eh,” sagot ni Darius, sabay pisil nang marahan sa pisngi ng anak. Tahimik lang na pinagmamasdan iyon ni Kariel, na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakatitig—hanggang sa mapansin iyon ni Kenneth. “Uy bunso,” nakangising bulong nito. “Baka matunaw na iyang mag-ama mo.” Ag

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 126

    ISANG malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Diablo matapos alalahanin ang nakaraan. Matagal na panahon na iyon, ngunit sariwa pa rin sa kaniyang kaisipan. Lumaki siyang marangya at malayo na sa batang minsang kumakain ng tira-tirang hinugot mula sa basurahan sa tulong ng matanda. Tinuring siya nitong parang tunay na anak, at bilang kapalit ay sinuklian niya iyon ng katapatan at kabutihan. Sa katahimikan ng kanilang munting mundo, natutunan niyang mangarap at maniwala na may saysay pa ang buhay. Nang pumanaw ang matanda, sa kaniya ipinagkatiwala ang lahat ng ari-arian, ang mga lupain, at ang mga share sa mga kumpanyang matagal nitong iningatan. Mula roon, pinalago niya ang perang iniwan sa kaniya. Matalino siya, mapagmasid, at hindi takot sumugal. Unti-unti, nagsimula siyang kumuha ng mga tauhan, bumuo ng sariling network, at palawakin ang impluwensiyang hindi kailanman ipinangalandakan. Lumago ang perang iyon ngunit aminado siya sa sarili niyang hindi iyon sa paraang ikat

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 125

    Makalipas ang ilang araw, tuluyan nang bumalik ang lakas ng kanyang katawan. Hindi na kasing tindi ang kaniyang panghihilo, humupa na ang kirot sa ulo, at ang mga pasa sa kanyang braso’t binti ay unti-unti nang naglalaho na parang mga bakas ng isang buhay na pilit niyang kinakalimutan.Tahimik ang silid nang dumating ang araw ng kanyang paglabas.Maagang umaga iyon. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang sumisilip sa bintana, at sa unang pagkakataon, hindi na iyon masakit sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama, suot ang simpleng damit na inihanda ng ospital, hawak ang maliit na bag na naglalaman ng iilan lamang niyang gamit—mga gamit na hindi man lang sapat para matawag na ari-arian.Bumukas ang pinto. At pumasok ang matandang lalaki.Maayos pa rin ang tindig nito, gaya ng una niyang nakita. Parang walang bakas ng pagod sa mga mata, ngunit kung tititigan nang mabuti, may lungkot na naninirahan doon na ngayon lang niya napansin. Isang lungkot na hindi sumisigaw, ngunit tila ma

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter: 124

    DALAWANG ARAW ang lumipas bago siya muling nagising. Isang mahina at basag na ungol ang pumiglas mula sa kanyang lalamunan nang igalaw niya ang katawan. Parang binugbog ulit ang bawat hibla ng laman niya—masakit ang likod, mabigat ang mga braso, at tila may kumikirot na karayom sa ulo niya. Napaigtad siya nang maramdaman ang makapal na benda na nakapulupot sa noo. “Aray…” mahinang daing niya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Sa halip na madilim na kalye o malamig na semento, puting kisame ang bumungad sa kanya. May mahinang amoy ng gamot sa hangin at maririnig ang mabagal na tik-tik ng orasan sa dingding. Isang silid—malinis, tahimik, at ibang-iba sa mundong kinalakhan niya. Agad siyang kinabahan. Pilit siyang bumangon ngunit muling bumigay ang katawan niya. Bumalik siya sa pagkakahiga, hinihingal, habang mabilis na bumabalik sa isip ang mga alaala—ang habulan, ang sasakyan, ang biglang liwanag… at ang mukha ng lalaking kumarga sa kanya. Buhay pa ba siya? Napali

  • POSSESSION OF LOVE   Chapter 123:

    HABANG tahimik na nanood sa MAdilim na kalangitan, hindi maisawan ni Diablo ang alalahanin ang pangyayaring magbabago sa buhay niya. Mahal na mahal siya ng kapatid at ganoon rin ito sa kaniya. Kahit nga na may iniinda na itong sakit ay siya pa rin ang nasa isip nito at lagi siya nitong inuuna, 'di bale nang magutom ang kuya niya basta busog at hindi kakalam ang sikmura niya. Kaya kahit mapahamak ito basta't para sa kaniya ay titiisan ng kapatid. "Kuya . . . kuya, huwag kang matulog . . . please . . ." Paulit-ulit niyang bulong habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak, pero wala siyang magawa kundi isubsob ang mukha sa balikat ng kapatid. Nanghihina na ito, nanginginig, at maputla na ang labi. Nasa isang pribandong ospital kasi sila dahil ito lang ang malapit sa kanilang pinupwestuhan kanina nang mabugbog ito ng mga batang kalye din. "Kuya . . .wag mo ko iiwan . . . please . . . hindi ko kaya ang mag-isa . . . Ikaw na lang ang pam,ilya ko kaya paki-usap 'wag n'yo po akong iwanan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status