Nahihirapan si Pearl na kumbinsihin si Don Romano na ilatag na publiko ang tungkol sa kasunduan noon ng kasal nina Ymir at Felizz. Kapag nilabas ang official announcement, mapi-pressure ang doctor na iyon dahil sa supporter ng Samaniego Global Enterprise. Pero pati yata si Don Romano ay wala nang balak na tuparin ang kasunduan. "Hindi ko alam kung bakit mas nakikinig pa yata si Lolo kay Ymir kaysa sa akin, eh," angal niya habang kausap sa video call si Madam Daisy. Ito ngayon at si Sheena ang nakatira sa Hermosa residence. Naghintay pa rin kasi sila ng pagkakataong mabayaran ang kulungan at nang makalaya na ang mga magulang niya. "O, baka si Psalm ang pumipigil na naman sa swerte mo. Salot talaga ang babaeng iyon."Sinabi mo pa. Pero hindi na ako basta makakikilos ngayong dala ko ang apelyidong Samaniego. Binalaan ako ni Don Romano. Kunting pagkakamali ay masisira ang reputasyon niya at pagbabayaran ko iyon. Ngayong may pera akong magagamit ay hindi naman ako malayang magawa ang gu
Naitukod ni Psalm ang mga kamay sa matigas na dibdib ni Ymir nang hapitin siya nito papadiin sa katawan ng doctor. Gumagalaw ang mga panga nito at pigil ang hininga. Ilang segundo lang naman ang halik, hindi nga ito nakaganti dahil sa gulat sa ginawa niya."Y-Ymir," napaantada niyang sambit. Paano nga pala kung nagalit ito? Baka siya lang ang nag-assume na magugustuhan nito ang halik niya. "Para saan ang halik na iyon? Ransom sa selos ko sa ex-husband mo?" Seryoso ang mukha nito at pakiramdam niya ay bigla nitong nakalimutan kung paano ngumiti. "Pasok na roon sa sasakyan." Istrikto ang tono nito at itinuro ang Bently.Masunurin siyang nagtungo sa sasakyan at sumakay. Nakipagsukatan pa ito ng titig kay Darvis mula sa bintanang nakababa ang salamin bago sumundo sa kaniya."Nagseselos ka?" kunyari ay inosente niyang tanong pagkapuwesto ni Ymir sa driver's seat."Gusto mong makitang ipapa-laminate ko ang pagseselos ko at nang maniwala ka? Bigla ka na lang pumasok sa sasakyan niya, akala
Nagkalat ang mga unan sa sahig, pati throw pillows ng couch at ilang gamit na kanina ay nakapatong sa sidetable. Doon ibinunton ni Pearl ang galit kay Psalm. Nagmukha siyang tanga at sampid ngayong gabi. Walang ibang tinitingnan ang dalawang lalaki kanina kundi si Psalm. Para bang ito ang tao roon sa garden at hindi mapuknat ang titig nina Ymir at Darvis.Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Nagbago na siya ng mukha at katauhan. She is the Samaniego heiress, dapat siya ang sentro ng atensiyon nina Ymir at Darvis. Pero kabaliktaran ang nangyari kanina. Hindi na nga siya sinagip doon sa pool, iniwan pa siya at hindi man kinumusta kung okay siya. Gigil siyang lumabas ng kuwarto at hinanap si Don Romano. Kausap pa rin nito sa presidential table ang mga magulang ni Darvis. Wala itong kamalay-malay sa nangyari sa kaniya roon sa lawa. "Lolo," nilangkapan niya ng pagsinghot ang boses. Kunwari naiiyak."Felizz, what's wrong?" nag-aalalang dinaluhan agad siya ng matanda."Hija, ano'ng nangya
Basang-basa na ni Psalm ang galawan ng kapatid niya kaya hindi na niya ikinagulat pa ang pagkalaglag sa lawa. Buti na na-kondisyon masyado ang sistema niya sa tubig dahil tuwing umaga roon sa isla ay nagbababad siya sa dagat ng sampu hanggang labing-limang minuto. Nakatulong iyon sa mabilis na paghilom ng operasyon niya. Ini-ahon niya ang ulo at umawang ang bibig dahil sabay siyang niyakap nina Ymir at Darvis."Psalm/Psalm," sabay pang sambit ng dalawang lalaki."Are you hurt?" pahabol na tanong ni Ymir na habol ang hininga. Pumiglas siya mula sa apat na mga bisig na nagbakod sa kaniya at itinulak ang mga ito. Nagkatinginan ang dalawa at parehas na umigting ang mga panga."Back off, Florencio," angil ng doctor at muling kinabig si Psalm. "Si Felizz ang tulungan mong makaahon sa tubig." "Dr. Venatici, the woman you're holding is still the mother of my child. Maaring iniisip mong wala nang bisa ang kasal namin pero hindi mo mai-aalis na mag-aalala ako sa kaniya para sa kapakanan ng a
Nanuot sa mga laman ni Psalm ang init ng palad ni Don Romano na hawak ang kanan niyang kamay at banayad na pinipisil. Matiim na nakatitig sa kaniya ang matandang lalaki na para bang may hinahap na palatandaan sa mukha niya."Bakit naalala ko sa iyo ang aking anak, hija? Pasensya ka na sa akin," natatawa ito pero may nakakubling lungkot sa tono. "Psalm Hermosa ba ang pangalan mo? Napakaganda mo, hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa iyo itong si Ymir."Hindi makaimik si Psalm. May bumabara sa lalamunan niya at lumalambot ang kaniyang puso habang pinagmamasdan si Don Romano. Tiningala niya si Ymir na nakatayo sa gawing likuran niya at nakatuon ang kamay sa sandalan ng silya. "Ang babaeng iyan ay manu-""Mom!" awat ni Darvis kaya naudlot ang gustong sabihin ni Senyora Matilda. "Don Romano, I am interested in discussing a possible business venture with you. How about we set a separate meeting?""Hey, don't be rude, Mr. Florencio," sabat ni Pearl mula sa upuan nito. "May gustong sa
Photos, love letters, gifts, the pregnancy test and report from the hospital. Nakalatag ang mga iyon sa table sa loob ng study room. Mga bagay na iniingatan noon ni Psalm pero ibinalik kay Darvis noong umalis ito at nagpanggap na patay na. Kumuha ng picture ang lalaki. Bagong kasal lang sila roon at makikita sa mga mata niya ang pagmamahal sa asawa. Kailan ba siya nagbago? No. Hindi siya nagbago. Walang ganoon. Naging mayabang siya at arogante. Inisip niyang ang pagkakaroon ng kapangyarihan at yaman ay sapat nang lisensya para gumawa ng kasalanan. Bumigay siya sa hamon ng mga kaibigan at kinalimutan ang pangako niya kay Psalm. Huli na nga ba ang lahat para sa kanila? Wala na bang second chance para sa kaniya? Ang dali lang gumawa ng mali at piliing magkasala pero ang hirap ayusin ng tiwalang nasira. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang buong buhay na pagsisisi.Dinampot niya ang kopitang may alak at inubos ang laman. Ibinalik niya sa latag ng mga pictures ang kinuhang larawan. Inutusa