Naudlot ang mga hakbang ni Psalm. Sina Darvis at Madam Daisy 'yong natatanaw niyang bumaba ng ambulance kasunod ng stretcher na may pasyente. Nakatuon ang mga kamay ng asawa niya sa transport stretcher na itinutulak ng paramedics sa pasilyo patungong emergency room. Habang ang manghuhula ay hiningal sa paghabol.Si Pearl ba iyong nakahiga roon?Sa halip na tumuloy sa lobby, bumalik siya at sinundan ang asawa. Ano'ng nangyari sa kapatid niya? Nadatnan niya sa labas ng emergency room sina Darvis at Madam Daisy, parehas na hindi mapakali. "May nangyari kay Pearl?" tanong niya.Nag-ugat muna sa sahig si Darvis at parang nakakita ng multo. "Hon, bakit ka nandito?" "Galing ako sa opisina ni Dr. Venatici." Sinulyapan ni Psalm si Madam Daisy na nakatulala sa kaniya. "Kataka-taka bang nandito ako? Ang OA ng reactions ninyong dalawa."Umilap ang mga mata ng manghuhula. Wala naman siyang balak na i-interrogate ito. Si Darvis na lang ang hinarap niya."Napaano ang kapatid ko?""Hinimatay siya s
"Oh, nasaan na ang asawa mo? Hindi ba dapat siya ang nag-aasikaso sa iyo?" Nasa tono ni Senyora Matilda ang iritasyon."Maaga siyang umalis sabi ng mga katulong." Nilingon ni Darvis ang ina. "May kailangan kayo? Napapadalas na yata ang pagbisita ninyo rito?" Isinuot niya ang long-sleeves shirt at hinayaang nakasampay lang sa ulo ang tuwalyang pinangpunas sa basang buhok."Ayaw mo akong bumisita rito?" "Kung pupunta lang kayo para pagsalitaan na naman ng hindi maganda si Psalm, mas maiging huwag na kayong bumisita," prangka niyang pahayag."Look at you now, Darvis. Ganyan ang nagagawa ng asawa mo sa iyong ugali. Instead of respecting your mother, you dare to insult me like that?" sikmat ng senyora."I am not insulting you, I'm just reminding you that she is my wife and you need to respect her boundaries." Nirolyo ni Darvis ang manggas ng shirt hanggang sa mga siko at itinuloy ang pagpupunas ng buhok niya."Respeto? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Naroon kay Dr. Venatici, magkasalo
"Can you meet me right now? Narito ako sa fine dining. I tried same dish that you might like," bigalaan ang imbitasyon na iyon ni Ymir. Nagbakasali lang ang doctor na mapagbigyan siya ni Psalm. Maaga pa at baka natutulog pa ito. Nagiging matakaw na ito sa tulog gawa ng pagbubuntis nito."Okay, maliligo muna ako. Kagigising ko lang kasi. Hindi na ako kakain ng breakfast, sagot mo ang almusal ko, okay?" May kasamang hikab ang tono nito.Natawa si Ymir habang ini-imagine na naman ang hitsura ni Psalm. But that is one thing he is looking forward to see every morning kung bibigyan siya nito ng pagkakataon."Just take your time, alam kong nag-e-effort ka ngayong magpaganda kahit hindi ka naman pangit," biro niyang sinilip ang nakasalang na pancake."Tumataba na ako, hindi na magkasya ang bestidang binili ko last month.""Nasa harap ka ba ng salamin at tinitingnan na naman ang size ng baywang mo?""Paano mo nalaman?" bulalas nito.Mas naging malutong ang tawa niya. Tama nga siya. Pagkagising
Nag-reflect na ang balance sa card ni Pearl at halos five times ang itinaas ng pera sa account niya. Maliban kasi sa binigay na cash gift ni Senyora Matilda ay pumasok din ang weekly allowance niya galing kay Darvis. She's too happy that she can't stop smiling and singing while checking out some wedding gowns. Binigyan siya ng senyora ng brochure para makapamili na raw siya ng damit pangkasal. Isa pa iyon sa dahilan kung bakit abot-abot ang kaligayahan niya. "May nahanap ka na bang gown?" tanong ng matandang babae. Kausap niya ito via video call."May tatlo akong nagustuhan, mommy. Kaya lang naisip ko, ayaw naman ni Darvis sa akin. Baka magalit siya 'pag nalaman niyang pumipili na ako ng wedding dress," pinalungkot niya ang boses kahit pumapalakpak ang puso niya sa tuwa."Huwag mong alalahanin ang tungkol kay Darvis. Ako na ang bahala sa anak ko. Alagaan mo lang ang sarili mo at ang bata. Hindi magkukulang sa iyo ang Florencio at kapag dumating ang tamang pagkakataon, ako mismo ang m
Pinirmahan ni Psalm ang annulment papers at nag-phocopy ng dalawa. Ang isa ay nilagay niya sa box kasama ang original copies ng sonogram. Hinubad niya ang suot na wedding ring at ikinulong sa palad ang wedding ring. "Minahal kita, Darvis. Minahal kita ng sobra. Pero hangga't hindi mo inaamin sa akin ang kataksilan mo kasama si Pearl, patuloy kang magkakasala sa kasal natin at mas magiging mabigat ang parusang ibibigay ko sa iyo. Kaya palalayain na kita. Ngayon, pwede mo nang gawin ang gusto mo nang hindi kailangang magtago at matakot sa anino ko."Ipinatong niya sa ibabaw ng sonogram ang wedding ring. Saka niya tinakpan ang box at nilasuhan ng kulay itim. Ibinalik niya iyon sa pinagtataguan. Kasama ang ilang gifts ni Darvis sa kaniya noong nanliligaw pa lamang ito.Itinuturing niyang mas mahalaga pa kaysa kahit ano'ng kayamanan ang mga iyon. Ang pagbitaw niya sa mga bagay na iyon ay tulad ng pagpapalaya niya sa asawa at sa puso niya mula sa gapos ng sakit at pagmamahal. Masikip ang d
"Na-kompirma mo ba, Fred?" tanong ni Psalm na itinigil muna ang pag-trace ng charcoal pencil sa draft design na nasa sketchpad. "Opo, Madam. Ise-send ko sa inyo ang itinerary mamaya." Tango ng secretary habang inaayos ang mga pipirmahang papeles sa ibabaw ng desk. "Na-book ko na ang dalawang tickets. May beach house pala roon sa isla." Lumingon ito sa kaniya."So, balak akong dalhin doon ni Darvis?" Muli niyang itinuon ang atensiyon sa ginagawa. Parehas silang work from home ng asawa. Ngayon lang ay sumaglit ito ng FG para sa meeting at si Fred na ang pinaasikaso nito sa mga dokumentong kailangang mapirmahan. Ang iba roon ay facsimile lang ng signature ni Darvis ang kailangang i-attach."Yata, Madam." Lumapit sa kaniya si Fred. "Nag-utos na rin siyang mag-setup ng security cameras pati manpower ng moving personnel na magbabantay sa paligid ay dinagdagan niya. Masama po ang kutob ko.""Ikukulong niya ako roon sa isla, ganoon ba? Malayo kay Dr. Venatici?""Parang ganoon nga ang plano