Thank you so much for reading!
"Frederick, get to the bottom of this and take down that news online! Magbayad ng kahit magkano!" mabangis na sigaw ni Darvis sa sekretaryang kausap niya sa cellphone. Katapusan na niya 'pag nakita ni Psalm ang viral news. Hindi mapalagay ang lalaki. Halos magmarka na ang mga yapak niya sa carpet ng sahig sa sala. Pero sakaling nakita man nito, pwede naman siguro siyang magpaliwanag at naniniwala siyang papakinggan siya ni Psalm."Ano'ng nangyari sa iyo?" Here she comes. Nanlamig ang mga palad ni Darvis. He is not a religious person pero nang mga oras na iyon ay gusto niyang tawagin lahat ng santo na kilala niya by name. Ironic nga lang. Hihingi siya ng tulong para isalba ang sarili sa ginawang kasalanan? Simula pa lang ay alam na niyang mali pero ginusto pa rin niya at nagpatangay siya. Hindi niya kayang aminin kay Psalm. Natatakot siyang abandonahin ng asawa. Hindi pwede!"Kung tungkol iyan sa nag-viral na news online, wag kang mag-alala, normal na ngayon sa mga tao ang gumawa ng
"Nakikiusap ako, delete that video." May halong pagsusumamo sa tono ni Senyora Matilda. Matinding kasiraan ang idudulot ng video oras na lumabas iyon sa social media. Po-protektahan niya si Darvis at reputasyon ng angkan nila. Siguradong inakit lang naman ni Pearl Hermosa ang anak niya. "Hindi ko makita ang simpatiya ninyo kay Psalm. Siya ang niloko pero ang gusto ninyong iligtas sa kahihiyan ay si Darvis? Bakit hindi n'yo muna pangaralan ang anak ninyo bago kayo maniwala sa kuwento ng ibang tao na ang tanging katibayan ay mga litratong sinadyang kunin mula sa anggulo na may malisya?" Nilikom ni Lucresia ang mga litrato. "You should understand, Darvis is the face of the Florencios. Babagsak kami kung-""Para malaman n'yo, Senyora, advocate ako ng foundation na tumutulong sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso, pisikal man, mental o emotional. Kaya nag-alok ako ng segment para sa inyo sa aking show dahil akala ko magiging inspirasyon kayo ng mga babaeng patuloy na lumalaban sa kabila
Binitbit ni Darvis ang briefcase at naglakad palabas ng mansion. Katatawid lamang niya ng pintuan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Senyora Matilda ang tumatawag. "Yes, Mom? I'm on my way to the office.""I'll forward some photos to your inbox, tingnan mo. Mukhang gumagawa ng milagro iyang asawa mo."Nahinto siya sa paghakbang at kaagad ibinaba ang cellphone. Sunud-sunod na pumasok sa inbox niya ang photos na ipinasa ng kaniyang ina. Sina Psalm at Ymir Venatici. Kita mula sa anggulo kung paano magtitigan ang dalawa at ang emosyon sa mga mata ng doctor na tila tinugon naman ng asawa niya ng matamis na ngiti. Aburidong pumasok siyang muli sa loob ng bahay at umakyat sa guest room. "Open the door!" apura niya kay Psalm at kulang ay tadyakan na ang pinto.Binuksan iyon ng babae at nakasimangot na hinarap siya. "What's wrong with you, Darvis?" sikmat nito.Napunta ang matalim na titig ni Darvis sa cellphone na bitbit ng asawa. May kausap ba ito? Si Ymir Venatici na naman?"Sino'n
'Thank you, my husband for spending so much on me today. I feel very special.'Post ni Psalm na sinakop ang newsfeed. Naka-public iyon kaya nakikita ni Pearl kahit hindi sila friends. Bukod sa shares na pati circle of friends niya online ay nakiki-share at nag-heart react pa sa bawat photo ng jewelry sets, bags at shoes. Naninikip ang dibdib ni Pearl sa hindi birong galit. She wanted those things. Kaya siya nagpunta roon sa jewelry shop para bilhin sana ang kwintas na nakita niya noong huling pagbisita niya. Pero inubos ng kapatid niya. Pati ang type niyang LV bag at Gucci shoes ay napunta kay Psalm. So many that it surely costs millions.May comment na nag-appear sa ibaba ng post:Darvis F...Loving my wife will make me rich.Seconds pa lang at umani na rin iyon ng heart reactions mula sa netizens. Kasama na ang papuri sa mag-asawa. Going strong. Best of luck. More blessings. Congratulations for a happy family.Hindi na ma-contain ng puso ni Pearl ang dagok at paghihinagpis. Hindi s
Pinagbabato ni Pearl ang mga unan sa nakapinid na pintuan. "Impakta! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko!" sigaw niyang mahigpit na kinuyom ang mga kamao. Bumaba siya ng kama. Hindi alintana ang nakausling tiyan at dibdib na nakabandera. Tangin panty na lang ang suot niya. Hahabulin niya si Darvis. Hindi niya ito papaalisin. Pero bago pa siya nakalabas ng pintuan ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Binalikan niya iyon at lalong umusok ang bumbunan sa galit nang makitang si Psalm ang tumawag. Pagkalapat ng cellphone sa tainga niya ay nanuot ang tawa ng Kapatid niya mula sa kabilang linya."Ano? Iniwan ka ng asawa ko? Kawawa ka naman. Ay sorry, nasa gitna ba kayo ng romansa? Akala mo siguro ikaw lang ang marunong, no? For your information, kaya kitang higitan. Ang hindi ko lang pag-aaralan ay ang talent mong mang-agaw. Pero iyang mga arte mo at pakulo, I can do it aesthetically, more than you could ever imagine. Paano ka na lang? Mukhang walang kupas ang pagkabaliw ni Darvis, hindi
Nilagok ni Darvis ang huling shot ng wine na natira sa kaniyang baso. Hindi niya maalis ang titig kay Psalm habang kausap nito si Ymir. Wala namang ginagawa ang asawa, pero bugbog-sarado na ang puso niya sa selos. The night is getting deeper, at habang umuusad ang oras ay lalong gumaganda sa paningin niya si Psalm. Dala na rin siguro sa alak na nainom niya pero ang pakiramdam na ayaw niyang may ibang lalaki itong titingnan ay unti-unting sinisisira ang kaniyang ulo. Now, she is smiling. May sinabi sigurong nakakatuwa si Ymir Venatici. Hindi nakatiis si Darvis. Umalis siya sa pagkakasandal sa wall at nilapitan ang dalawa. Although, nasa circle of guests ang mga ito pero para bang may sariling mundo kung mag-usap. Nababasa rin niya sa mga mata ni Psalm ang pagkamangha habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Naging aburido na pati ang tibok ng puso niya. Hindi niya kailangan ng katibayan pagkat damang-dama niyang kursunada ni Ymir ang kaniyang asawa. "Hon," sambit niyang hinalikan ito