Ngumiti ng tipid si Psalm at nakipagbeso kay Marina. "Kumusta po kayo, Tita?""Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Okay ka lang ba?" Banayad na pinisil ng babae ang mga kamay niya. "I'm getting by, Tita. Maupo po tayo." Inakay niya ito patungo sa couch at pinukol ng malambing na tingin si Ymir. Sumenyas sa kaniya ang doctor na lalabas muna para bigyan sila ng privacy ni Marina."Natuyo na yata ang utak ni Darvis at wala na sa maayos na katinuan. Matagal mo na bang alam ang tungkol sa kanila ng kapatid mo?" tanong ng aunt in-law niya. "Matagal na po, Tita. Ayaw ko lang na ma-eskandalo ang buong angkan at masira ang katahimikan ko kung makikialam na ang ibang tao na wala namang mai-ambag para solusyonan ang problema namin ni Darvis. Pero honestly, wala na po akong balak bumalik sa kaniya. Magiging toxic na ang pagsasama namin kung pipilitin ko pa kahit na mapatawad ko siya. Wala kasi akong tiwala sa kaniya, Tita. ""Naintindihan kita, Psalm. Hindi ako nandito para makiusap na bumalik
"You can never leave me, I swear!" napopoot na ungol ni Darvis habang nagtunghay sa cellphone. He flooded Psalm's chatbox with warning message. Darvis: huwag mo nang balakin pang tumakas at lumayo sa akin, kahit sa impeyerno ka pa magpunta, hahanapin kita.Hindi na-seen ang messages niya. Pero di-bale, kahit hindi mabasa iyon ni Psalm, alam ng asawa niya na may chats siya dahil magno-notify iyon. Nilapag niya sa desk ang cellphone at ibinagsak ang likod sa sandalan ng swivel chair. Pagod na pagod ang isip at puso niya. Pag-uwi niya rito kahapon, wala na ang mga gamit ni Chowking. Pero nasa guest room pa rin naman ang ilang personal stuff ni Psalm. Tiyak babalik ito para kunin ang mga iyon. Kailangan niyang mag-abang. Oras na umuwi ang asawa, tatangayin niya ito sa isla at ikukulong muna roon habang on-going pa ang renovations ng beach house. Kung hindi na siya nito mahal, gagawin niya ang lahat para mapaibig itong muli.Tumunog ang cellphone. Dagli niyang dinampot iyon pero bigong h
"May surgery pa si Doc, Madam. Pero kung nandito siya, tiyak hindi niya kayo papayagang umuwi ng mansion pagkatapos ng nangyari kanina. Dumito na lang kayo at si Roy na ang kukuha ng mga gamit ninyo," mungkahi ni Lui. Hindi natuloy si Psalm sa lobby matapos ang masalimuot na tagpo kanina sa labas ng emergency room. Dinala siyang ng mga paa pabalik sa opisina ni Ymir. Sa sobrang bigat ng dibdib niya, hindi niya naiwasang umiyak na lang. Ang pag-ako ni Darvis na asawa ito ni Pearl ay tahasang deklarasyon ng tuluyang pagputol nito sa bigkis ng kanilang kasal. Kahit papaano, may justification na ang pagpirma nito sa annulment papers kahit pa sabihing hindi ito aware. Wala na rin siyang pakialam pa kung ang sinabi nito ay para lang sa bata o sadyang may damdamin na ito para sa kapatid niya. "Madam, okay ka na po ba?" nag-aalalang tanong ni Lucille at kinuha sa kamay niya ang basong wala nang laman. "Sasamahan ko si Roy sa mansion para kunin ang mga gamit.""Only Chowking's stuff, iwanan
Naudlot ang mga hakbang ni Psalm. Sina Darvis at Madam Daisy 'yong natatanaw niyang bumaba ng ambulance kasunod ng stretcher na may pasyente. Nakatuon ang mga kamay ng asawa niya sa transport stretcher na itinutulak ng paramedics sa pasilyo patungong emergency room. Habang ang manghuhula ay hiningal sa paghabol.Si Pearl ba iyong nakahiga roon?Sa halip na tumuloy sa lobby, bumalik siya at sinundan ang asawa. Ano'ng nangyari sa kapatid niya? Nadatnan niya sa labas ng emergency room sina Darvis at Madam Daisy, parehas na hindi mapakali. "May nangyari kay Pearl?" tanong niya.Nag-ugat muna sa sahig si Darvis at parang nakakita ng multo. "Hon, bakit ka nandito?" "Galing ako sa opisina ni Dr. Venatici." Sinulyapan ni Psalm si Madam Daisy na nakatulala sa kaniya. "Kataka-taka bang nandito ako? Ang OA ng reactions ninyong dalawa."Umilap ang mga mata ng manghuhula. Wala naman siyang balak na i-interrogate ito. Si Darvis na lang ang hinarap niya."Napaano ang kapatid ko?""Hinimatay siya s
"Oh, nasaan na ang asawa mo? Hindi ba dapat siya ang nag-aasikaso sa iyo?" Nasa tono ni Senyora Matilda ang iritasyon."Maaga siyang umalis sabi ng mga katulong." Nilingon ni Darvis ang ina. "May kailangan kayo? Napapadalas na yata ang pagbisita ninyo rito?" Isinuot niya ang long-sleeves shirt at hinayaang nakasampay lang sa ulo ang tuwalyang pinangpunas sa basang buhok."Ayaw mo akong bumisita rito?" "Kung pupunta lang kayo para pagsalitaan na naman ng hindi maganda si Psalm, mas maiging huwag na kayong bumisita," prangka niyang pahayag."Look at you now, Darvis. Ganyan ang nagagawa ng asawa mo sa iyong ugali. Instead of respecting your mother, you dare to insult me like that?" sikmat ng senyora."I am not insulting you, I'm just reminding you that she is my wife and you need to respect her boundaries." Nirolyo ni Darvis ang manggas ng shirt hanggang sa mga siko at itinuloy ang pagpupunas ng buhok niya."Respeto? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Naroon kay Dr. Venatici, magkasalo
"Can you meet me right now? Narito ako sa fine dining. I tried same dish that you might like," bigalaan ang imbitasyon na iyon ni Ymir. Nagbakasali lang ang doctor na mapagbigyan siya ni Psalm. Maaga pa at baka natutulog pa ito. Nagiging matakaw na ito sa tulog gawa ng pagbubuntis nito."Okay, maliligo muna ako. Kagigising ko lang kasi. Hindi na ako kakain ng breakfast, sagot mo ang almusal ko, okay?" May kasamang hikab ang tono nito.Natawa si Ymir habang ini-imagine na naman ang hitsura ni Psalm. But that is one thing he is looking forward to see every morning kung bibigyan siya nito ng pagkakataon."Just take your time, alam kong nag-e-effort ka ngayong magpaganda kahit hindi ka naman pangit," biro niyang sinilip ang nakasalang na pancake."Tumataba na ako, hindi na magkasya ang bestidang binili ko last month.""Nasa harap ka ba ng salamin at tinitingnan na naman ang size ng baywang mo?""Paano mo nalaman?" bulalas nito.Mas naging malutong ang tawa niya. Tama nga siya. Pagkagising