Sinabi na nakakaantig ng husto ang performance ni Shawn sa video. Sobrang nakakakumbinsi ito na kahit ang mga ibang tao na hindi naiintindihan ang lenguwahe ay batid kung gaano siya kadesperado base sa ekspresyon niya at subtitles.“Hindi iyon mangyayari,” sambit ni Noelle, hawak ang pusa sa mga bisig niya at yumuko siya. “Kasi, kanya-kanya tayaong mga tao na hindi required na umasa sa iba para mabuhay.“Kung pinili niya na sukuan ang sarili niya dahil dito, problema na niya iyon. Ang ibig ko sabihin, walang dapat na magsakripisyo ng kaligayahan nila para sa kanya.”Final na ang desisyon niya. Kahit na magpakita si Shawn sa harap niya, umiiyak at nagmamakaawa, hinding-hindi siya babalik sa kanya.Ngumiti ng kaunti si Cameron at mahinang sinabi, “Mabuting bagay iyon kung ganoon. Puwede ka manatili dito ng payapa. May mabigat na snowstorm kailan lang, at naharangan ang mga daan papunta sa lungsod.“Kung may tao man na mapagkamalan ka na ikaw ang nasa missing person notice, hindi sil
Matagal ng kinain ng kalungkutan ang pag-iisip ng tama ni Shawn. Noong nagbigay lang ng hindi malinaw na domestic address ang caller at nagawa niyang ngumiti at ibinaba ang tawag.Hindi naman nakakagulat na nagsinungaling ang caller. Pero, hindi niya sinisi ang tumawag dahil masyado na siyang pagod para magkaroon ng pakielam.Simula sa araw na iyon, walang tigil ang mga natatanggap na tawag ni Shawn.Paulit-ulit siyang nilalapitan ng mga tao na sinasabing nakita nila si Noelle, ang bawat isa ay humihingi ng pabuya. At kahit na alam niyang ang karamiha nsa kanila ay nagsisinungaling, patuloy si Shawn sa pagbabayad sa kanila, kumakapit sa maliit na pag-asa. Sa huli, naglaho ang mga pabuya kasama ng mga tumatawag, walang balita o impormasyon na iniwan.Pero walang pakielam si Shawn. Kaunting pag-asa ang dahilan para magpatuloy siya, at kahit na may tao na gustong makipagkita mismo, pupunta siya ng walang alinlangan.Dagdag pa dito, may mga babae na gusto siyang puntahan kahit ganito
Ang lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig ay parehong mga papel na ginamit ni Noelle sa sulat niyang ibinigay kay Shawn. Ginamit niya ang lahat ng mga hindi nagamit na notebook ni Noelle sa kuwarto at matinding nagsusulat—ng walang pahinga—ng ilang araw na.Mukhang hindi na mahalaga ang oras sa mga sandaling ito.Hindi mapigilan ni Lydia na umiyak at sabihin, “Malinaw na araw kang makita ni Noelle. Ano pa ang silbi ng pagpuno sa kuwartong ito ng mga sulat ng paghingi ng tawad? Dapat sinabi mo sa kanya ang mga salitang iyan mismo.”Noong marinig ito ni Shawn, natigilan sandali si Shawn at nag-isip ng mapansin na may punto si Lydia. Pero, masyado na siyang malalim sa ginawa niya para umatras.Tinignan niya si Lydia habang namumula ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na patatawarin niya ako. Kapag natapos ako magsulat, siguradong patatawarin niya ako! Kailangan ko ipakita sa kanya kung gaano ako kasinsero—”Paos ang boses niya, pero ramdam ang gana niya, at kakaiba ang tindi ng
Nagmamadali si Shawn, pero ang pagsecure ng visa at flight ticket ay hindi bagay na magagawa agad.Makalipas ang tatlong araw, matapos dumating sa Neloria, doong lang nasimulan ni Shawn na kontakin ang embassy para hanapin si Noelle.Kumatok si Shawn sa pinto ng apartment, isinigaw ang pangalan ni Noelle at nagmadaling pumasok sa loob. Pero, pinigilan siya ng landlord, na si Cameron Abner, na nasa gitna ng paglilinis.“Sino ka?” maingat niyang tanong.“Hinahanap ko si Noelle,” sagot ni Shawn. Agad niyang idinagdag, “Asawa ko siya, at nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kailan lang. Gusto ko lang siyang makausap para linawin ang mga bagay-bagay.”Noong marinig ito, sumenyas lang si Cameron at sinabi, “Walang tao na ganyan ang pangalan dito.”“Ang buong pangalan niya ay Noelle Anderson.”Ipinilit ni Cameron, sinabi niya, “Sinisiguro ko sa iyo, walang Noelle Anderson na nakatira dito. Isa lang ang tenant ko na ang pangalan ay Aria Byrd.”Noong marinig ang pangalan, naguluhan
Si Karen Green, isang middle-aged na babaeng kakahiwalay kailan lang dahil sa asawa niyang nangaliwa, ay galit na galit. Humakbang siya palapit at humarang sa daan ni Jessica para sabihin, “Paano nagawa ng babaeng katulad mo na piliin maging homewrecker at sirain ang pagsasama ng iba? Isa ka lang walanghiyang homewrecker!”Matapos makita na ipinapahiya siya ng isang estranghero, galit na sumagot si Jessica, “Ikaw, kumpara sa lahat ng tao dito, ay tinatawag akong homewrecker? Baka hindi mo kaya maging homewrecker sa pagmumukha mong yan. Baka tinatawag mo ako ng ganyan dahil hindi mo kaya panatilihing iyo lang ang lalake mo at ipinagpalit ka, tama?”“Hmph! Mas mabuti pa din ito kaysa itapon ka lang sa kalsada ng halos walang saplot!” galit na sagot ni Karen, sinunggaban niya si Jessica. Agad na nagkagulo.Dahil malapit lang ang tahanan ni Karen, agad niyang natipon ang mga kaibigan niya para ipahiya si Jessica bilang walang hiyang homewrecker. Matapos makita ang lumalalang sitwasyon,
“Wala ka sa posisyon para husgahan si Noelle!” galit na sinabi ni Shawn. “Bukod pa doon, ang kumalat ang mga litratong iyon ang habol mo mismo, hindi ba?”“Malinaw ang mga kuha mong litrato sa akin pero sinasadya mo na hindi ka makunan ng litrato. Alam ko ang sinusubukan mo gawin, Jessica. Balak mo akong iblackmail!”Kahit na nalaman na niya sawakas ang mga nangyayari, alam ni Shawn na huli na ang lahat.Gusto pa din depensahan ni Jessica ang sarili niya. Pero, nandidiri ng husto si Shawn sa kanya. Ayaw niyang bigyan siya kahit kaunting pagkakataon.Agad na kinuha ni Shawn ang phone niya, tinawagan ang security ng villa at sinabi, “Kailangan ko magpadala kayo ng tao dito para alisin ang isang tao na hindi nababagay dito ngayon din.”Dahil ang security personnel ng villa ay nakaduty lagi, agad silang dumating matapos matanggap ang tawag.Ayaw umalis ni Jessica at nagpupumiglas. “Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Shawn! Aalis ako kung gusto mo na umalis ako, pero huwag mo akong tra