Short
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

By:  Perfect TimingKumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
8Mga Kabanata
364views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

“Grabe, pupunta si Ms. Vain—Emma Larkin—sa kasal bukas? Totoo ba ito?”

“Natatandaan niyo ba kung paano siya nagsinungaling tungkol sa pagdodonate ng kaniyang ama para sa isang bagong academic building, at kung paano niya nasabi na isa siyang anak ng negosyante?”

“Oo nga! Masyadong mabati si Haley para icall out siya noon. Kung ako lang si Haley, siguradong pinaluhod ko na ito para magmakaawa para sa aking kapatawaran bago ko siya palipatin ng school!”

Umingay ang group chat ng aming klase nang makumpirma nila ang pagpunta ko sa kasal ni Haley.

Dinuro duro nila ako gaya ng ginawa nila noong high school habang inaakusahan nila ako na isang mahirap na babaeng namemeke sa aking estado sa buhay. Para sa kanila, si Haley ang tunay na mayaman.

Hindi ako masyadong lumalaban noon habang ginugugol ko ang malaking bahagi ng aking oras sa pagaaral. Hindi ako nagbihis o nakipagkaibigan kaya nagmukha akong nerd.

Samantala, isang presko at kapansin pansing babae si Haley. Pamilyar siya sa lifestyle ng mayayaman kaya naniwala ang lahat na anak siya ng isang negosyante. Ito rin ang dahilan kung bakit sila suminghal sa akin, gaya ng ginagawa nila sa group chat ngayon.

Nanlalamig akong ngumisi habang iniisip kung magbabago ba ang tingin nilang lahat sa sandaling makita nila ako sa kasal ni Haley.

Idinaos ang kasal ni Haley sa isang villa kinabukasan. Para ipagyabang ang kaniyang estado, malaki ang kaniyang ginastos para magmukhang engrande ang venue. Nabalot ang walang lamang villa ng napakaraming mga mamahaling dekorasyon.

Habang tinititigan ko ang aking villa na sumailalim sa malaking mga pagbabago, binunot ko ang aking phone para itanong sa butler ang tungkol sa aking nakikita. Noong mga sandaling iyon, napansin ko ang mga utusan ni Haley na nakapaligid sa kaniya sa main hall. Walang tigil na namangha ang mga ito sa kaniya.

“Napakaengrande talaga ng kasal mo, Haley! Napakalawak ng vill na ito! At mukha ring mamahalin ang wedding dress mo. Mukhang mayaman ang mapapangasawa mo!”

“Siyempre naman! Magpapakasal si Haley sa CEO ng Novalux Group! Isa siya sa mga tinitingalang tao rito! Alam mo ba na umaabot ng ilang milyong dolyar ang sahod niya taon taon? Guwapo at mayaman ang mapapangasawa ni Haley!”

“Nakakainggit naman si Haley! Lumaki siya na isang prinsesa at ngayon ay nagawa na niyang makahanap ng prince charming.”

Napanganga ang mga kaklase ni Haley sa kaniya na nagpakita naman ng aroganteng mukha nang marinig niya ang papuri ng mga ito.

Nasurpresa ako nang marinig ko na ipinakilala ni Haley ang kumpanya ng aking asawa, ang Novalux Group, bilang kumpanya ng kaniyang mapapangasawa.

Sinubukan ko siyang hamunin nang may panlalait sa aking boses, “Kung totoo ngang mayaman ang mapapangasawa mo, bakit kailangan ninyong manghiram ng villa para sa inyong kasal?”

Humiwa ang aking mga sinabi sa ere na siya ring kumuha sa atensyon ni Haley at ng kaniyang mga kasama. Nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha na napalitan ng maasim nilang mga itsura. Nagkrus ang mga kamay nila sa kanilang mga dibdib habang sumisinghal sila pabalik sa akin.

“Emma Larkin, hindi ako makapaniwala na mayroon kang lakas ng loob na magpakita rito. Naubusan ka na ba talaga ng hiya sa katawan?”

“At saka pagmamayari ang villa na ito ng pamilya ng mapapangasawa ni Haley. Kaya bakit ba napakabitter mo? Hindi mo na ba mapigilan ang inggit mo sa kaniya?”

“Hoy, Ms. Vain, saan mo nakuha ang pekeng Hermes bag na iyan? Mukhang peke ang logo nito! Kailan mo ba babaguhin ang hindi magandang habit mo na iyan?”

Inasar nila ako gaya ng ginagawa nila noong high school.

Tahimik naman akong ngumisi sa aking kinatatayuan. Gumawa ng donasyon ang aking Dad sa ilang mga academic building. Ang mga kontribusyon na ito, at ang mataas kong mga grade ang nagsiguro sa aking slot sa isang nangungunang unibersidad kahit na hindi pa ako kumukuha ng SAT.

Pero biglang umatake si Haley para siraan ako. Inakusahan niya ako na nagkukunwaring siya. Umiyak siya nang walang tigil habang ipinapakita niya ang mga photo ng aking villa, maging ang pool nito, ang private theater, at ang koleksyon na mga sports car ng aking Dad sa garahe.

Bumaliktad ang opinyon sa akin ng school noong ilabas ni Haley ang mga picture na iyon kasabay ng pagiging “mahirap” ko habang nagkukunwari na anak ng isang negosyante. Dito na nawala ang kasiguraduhan ng aking admission sa unibersidad na iyon.

Noong una, gusto kong tawagan si Dad para linisin ang aking pangalan, pero kinailangan niyang sumailalim noon sa isang operasyon sa kaniyang puso. Pinanatili kong lihim ang mga nangyayari sa aking sa school para hindi siya masyadong mastress.

At sa kabutihang palad, naging tagumpay ang operasyon kay Dad. Kasabay nito ang pagtanggap ko ng isang offer mula sa isang prestihiyosong school sa ibang bansa, dito ko nakilala ang asawa ko na si Thomas Siegel.

Nang maikasal kami ni Thomas, bumalik kami sa bansa, dito ko na nadiskubre ang pagpapatuloy ni Haley sa kaniyang kalokohan. Habang wala ako, hindi lang siya nagpatuloy sa pagpapanggap na ako dahil nagawa rin nitong itake over ang aking tahanan—ang villa na aking kinatatayuan ngayon!

Gusto kong sabihin kung sino ang tunay na may ari ng villa—ang pamilya Siegel—pero bigla akong sinugod ni Haley para sampalin ako sa mukha. “Emma Larkin, 10 taon mo na itong utang sa akin! Patas na tayo ngayon!”
Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status